Hindi na kailangan magsikap ng mga anak nila na gawing mga ‘scholar’ ang isang-katlo ng mga anak nila..Magiging tunay na scholar ang mga anak nila basta’t masasamahan nila si Charlie na puksain ang Qing Eliminating Society..Habang iniisip ito ni 3900, napaiyak siya at sinabi, “Maraming salamat sa malaki mong kabutihan, Sir! Ako at ang lahat ng dead soldiers ay hinding-hindi makakalimutan ang malaking kabutihan mo!”Tinapik ni Charlie ang balikat niya at humarap kay Porter, “Porter, maghanap ka ng ilang babaeng sundalo mula sa Ten Thousand Armies na may mataas na edukasyon at ipadala sila dito palagi para turuan ang mga bata. Pwede natin gamitin ang mga pormal na libro mula sa Oskia at maghanda ng projection equipment para mapanood ng mga bata ang ilang pelikula na magtuturo sa kanila tungkol sa mundo, kasaysayan, at kasalukuyang panahon.”Idinagdag pa ni Charlie, “Siya nga pala, kailangan din ng internet. Magdala ka ng network cable at maghanda ng ilang computer para malaman ng mga b
Tinanong ulit ni Charlie, “Walang may mas mataas na ranggo sayo na pupunta dito para suriin ang sitwasyon?”Umiling si Lucian at sinabi, “Para maiwasan na mabunyag ang top management, hindi nagbabago ang gawi ng organization na isang tao lang ang ipapadala, at walang ibang executives na ipapadala.”“Mabuti naman.” Mas naging magaan ang kalooban ni Charlie at nagsalita ulit, “Hindi magdududa ang mga superior mo basta’t sabihin mo na normal ang lahat dito, tama?”Tumango si Lucian at sinabi, “Ganoon talaga, pero kailangan pa rin kunin ang mga surveillance video dito. Bago ako umalis, dadalhin ko ang surveillance hard disk sa kanila, at kokopyahin nila ang video mula sa hard disk para analisahin.”Tinanong siya ni Charlie, “Sino ang mag-aanalisa nito?”Sinabi ni Lucian, “May special security team na namamahala dito.”Humarap si Charlie kay Porter at tinanong, “Porter, pwede bang pakialaman ang surveillance video?”Tumango si Porter at sinabi, “Madali lang iyan. Kaya ng team ko na baguhin
Napatigil saglit si Lucian sa sinabi ni Charlie.Pero naintindihan din niya agad ang psychological hint ni Charlie pagkatapos ng ilang segundo.Sa totoo lang, gusto lang ni Charlie na bigyan siya ng trigger condition para sa psychological hint.Hindi kailangan ni Charlie na lagi niyang kontrolado si Lucian, at hindi kailangan ni Lucian na lagi niyang isipin na master niya si Charlie kapag wala siya dito.Ang kailangan ni Charlie ay kumilos si Lucian nang normal kapag wala siya. Hindi kailangan na maalala niya na may master siya o na nilagyan siya ng psychological hint para masiguro na walang makakakita na may kakaiba sa kanya.Kapag bumaba si Lucian ng barko at dumating sa copper mine, doon lang magiging epektibo ang totoong psychological hint.Sa ganitong paraan, masisiguro ni Charlie na kikilos si Lucian ayon sa gusto niya kapag nandito siya, pero babalik sa normal si Lucian kapag umalis na siya.Ang kaibahan lang ay binigyan siya ni Charlie ng tagong psychological hint sa pinakailal
Sinabi ito ni Porter nang puno ng kumpiyansa.Malakas nga ang Qing Eliminating Society, at malawak ang impluwensya nito sa buong mundo.Pero pagdating sa pagtutok ng lakas nila para gumawa ng malalaking bagay, hindi sila maikukumpara sa Ten Thousand Armies.Kahit ang isang bansa na nasa upper middle ang lakas ng militar ay hindi kayang magpadala ng sampu-sampung libong tao sa maikling panahon kahit saan sa buong mundo, samantalang ang Ten Thousand Armies ay may libu-libong sundalo sa ilalim nila, at karamihan sa kanila ay nakasentro sa paligid ng Syria.Kaya naman, wala talagang dapat ikatakot ang Ten Thousand Armies sa Qing Eliminating Society sa Middle East.Nakahinga nang maluwag si Noel, 3900, at ang iba pa dahil sa mga sinabi ni Porter. Sa wakas, nakaramdam na sila ng kaginhawaan. Dahil, kababago lang ng tadhana ng pamilya nila at nakita na nila ang kanilang unang pagsikat ng araw. Sa ganitong kalagayan, natural na gusto nilang makakita ng mas maraming pag-asa at mas mataas na tsa
Pagkasabi nito, idinagdag pa ni Charlie, “Kayong lahat, makinig kayo nang mabuti sa sunod na utos ko!”Nagsaya agad ang mga tao at hinintay ang sunod na utos ni Charlie.Tumingin si Charlie kay Pilos at tinanong habang may matatag na ekspresyon, “Kapag tagumpay ang pagpatay, kailangan ipaalam ni Pilos kay Porter ang mensahe sa loob ng tatlumpung segundo, walang antala. Magagawa mo ba iyon?”Pinagdaup ni Pilos ang mga kamay niya, yumuko, at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Tatanggapin ko ang kahit anong parusa kung maantala ako ng kahit isang segundo!”“Mabuti naman!” Tumango si Charlie nang kuntento at tumingin kay Porter, “Porter, kailangan mong magpadala ng barko sa Cyprus sa loob ng kalahating oras pagkatapos mong matanggap ang balita. Dapat malaki ang barko para madala ang lahat pabalik sa Syria, at dapat may sapat na paraan ka na pagtatago para hindi kayo ma-trace ng kalaban. Magagawa mo ba iyon?”Sinabi agad nang malakas ni Porter, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Sigurad
Kumpleto at detalyado ang plano ni Charlie, at mataas din ang posibilidad ng magawa ito dahil binigyan niya ng malinaw na kilos ang lahat. Basta't susundin ng mga tao ang kanyang mga utos sa kritikal na sandali at gagawin nang maayos ang gawain nila, siguradong makakagawa sila ng perpektong responde sa pinakamaikling oras.Bukod pa rito, naniniwala si Charlie na kapag dumating ang araw na isasagawa na ang plano para pabagsakin ang base, magiging malaking kabiguan ito sa Qing Eliminating Society.Sa oras na iyon, mapapagtanto ng Qing Eliminating Society na nasira na ang lason para kontrolin ang kanilang mga miyembro, at magkakaroon ng kaguluhan sa loob ng kanilang panig. Siguradong magkakaroon ng malaking pagbabago sa sandaling iyon.Ito ay parang isang tao na hindi tinatablan ng mga ispada at sibat, pero tinamaan siya bigla ng isang bala..Sabik din ang grupo ng mga taong ito sa sandaling ito dahil alam nila na siguradong malapit nang isagawa ang plano ni Charlie na pabagsakin ang base
Kaya, sa larangan ng martial arts, karamihan ng mga martial arts technique ay hindi pinapasa sa mga tagalabas ngunit pinapasala lang ito sa sarili nilang mga anak at mga miyembro ng clan.Para sa ilang martial arts clan, hinahati rin nila ang mga martial arts technique nila sa iba’t ibang bahagi. Maliit na bahagi lang ang matututunan ng mga external disciple, habang matututunan ng mga internal disciple ang ilang esensya. Pero, kung gusto talagang matutunan ang lahat ng martial arts technique sa clan, kailangan siya ang pinaka mapagkakatiwalaan o malapit na disipulo para mangyari ito.Sinabihan ni Charlie si Pilos na turuan ang mga dead soldier na ito at mga miyembro ng Armed Calvary Guards. Kahit na papayag ang isang normal na tao, siguradong mag-aatubili siya at maghihirap pa.Pero, hindi nag-alangan si Pilos, at hindi niya balak magtago ng kahit anong sikreto. Makikita pa lang dito na totoong masunurin ang taong ito at puno ng katapatan.Kaya, tumango si Charlie, tumingin sa kany
Hindi naging kurpot si Charlie sa mga taong sumunod sa kanya nang tapat.Dati, pinangunahan ni porter ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies sa Mount Wintry. Kaya pa rin ni Charlie na ayusin ang mga meridian ni Porter pagkatapos niyang sirain ang mga ito kahit may malalim na poot. Tinulungan din siya ni Charlie na direktang makapasok sa Great Perfection Realm ng Illuminating Realm at Dark Realm.Ngayong tapat na sumuko si Pilos nang walang kondisyon, gusto rin siyang tulungan ni Charlie.Bukod dito, tatlumpung taon nang naipit si Pilos sa Great Perfection Realm ng Illuminating Realm, kaya siguradong ito na ang pinakamalaking pabor sa buhay niya kung tutulungan siya ni Charlie na malampasan ito.Kaya, balak ni Charlie na samantalahin ang pagkakataon na ito para maging lalaking may dignidad.Nagpapasalamat pa rin nang sobra si Pilos sa puso niya sa sandaling ito. Nang marinig niya na sinabi ni Charlie na kaya niyang maabot ang Dark Realm gamit ang mga pill na ito, hindi niya nakontr
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro