Sa sandaling ito, si Spencer, na nasa tabi niya, ay hawak-hawak pa rin ang baso. Hindi naglakas-loob ang lalaki na sumipsip dito.Pero, ang kanyang anak na si Xavion, ay sobrang bilis dito.Nataranta agad siya dahil dito. “Kung hahayaan ko ang g*gong Xavio na ito na maunang matapos uminom, hindi ba’t tapos na ako?!”Nang maisip ni Spencer kung paano siya sinampal kanina dahil kay Xavion, lumaki ang galit at pagkairita niya. Naglabas agad siya ng isang mabigat na ubo at tumingin nang masama kay Xavion habang sinumpa, “Ahem! Ikaw hindi tapat na anak! Sobrang bilis mong uminom. Ito ba ay dahil gusto mong bigyan ang ama mo ng isa pang baso?!”Pipisilin na sana ni Xavion ang kanyang ilong at uubusin ang alak nang bigla niyang marinig na sumigaw ang kanyang ama, natakot siya nang sobra sa punto na halos nabitawan niya ang baso.Habang natataranta, natauhan siya. Tumingin siya sa kanyang ama, at doon niya lang napagtanto na wala pa ring bawas ang baso ni Spencer.Sa sandaling ito, sa wa
Pagkatapos ni Spencer sa kanyang baso, nakakakita na siya ng dobleng imahe. Namutla siya sa pagkahilo niya, at tila ba kasusuntok lang sa kanya sa kanyang tiyan.Walang tapang si Xavion na labanan ang kanyang ama, kaya hinintay niya na lang na matapos si Spencer bago niya nagmamadaling ininom ang natitirang alak sa kanyang baso.Sa sandaling iyon, hindi pa umaabot sa isang minuto ang stopwatch ni Charlie.Nang maita ni Charlie na naghihingalo ang mag-ama, namumula ang mga mukha nila, ngumisi siya. Kumaway siya at sinabi nang masaya, “Halika! Uminom ka pa. Gusto kong abalahin si Mater Fox na punuin ulit ang mga baso!”Nanghihina na ang mga binti ni Xavion, pero hindi siya naglakas-loob na suwayin si Charlie. Pinulot niya na lang ulit nang nanginginig ang baso, at naglagay pa ng dalawang baso para sa kanya at sa kanyang ama.Pagkatapos, tumingin ulit si Charlie sa stopwatch at sinabi, “Manatili tayo sa dating tuntunin. Bibigyan ko kayo ng tig-isang minuto para inumin ang mga laman n
Nagmamadaling sumagot si Xavin, “Ako ang gagawa nito, sir. Ako mismo ang gagawa nito!”Nahirapan siyang punuin ang isa pang baso ng alak, pinuwersa ang sarili niya na tiisin ang malalang pagkahilo habang iniom niya ang nakakasunog na alak sa kanyang lalamunan.Maya-maya, naramdaman nia na palakas na nang palakas ang epekto ng alak. Hindi na siya nangahas na antalain ito, at nagmamadali niyang pinuno ang huling baso habang may malay pa siya, at ininom itong lahat.Pagkatapos inumin ang huling baso ng alak, naramdaman ni Xavion na nasusunog ang tiyan niya, tila ba nag-aapoy ito. Apat na baso ang ininom niya, at ngayon, naramdaman niya na malapit na siyang bumagsak. Nang makita niya na tapos na ang gawain niya, huminga siya nang maluwag bago siya bumagsak nang malakas sa sahig.Nang makita ni Charlie na nawalan na ng malay ang mag-ama, tumayo siya at sinabi kay Quinn, “Nana, mawawalan tayo ng ganang kumain kung aalagaan natin ang dalawang lasing. Bakit hindi na lang tayo pumunta sa ib
Oskiatown.Nang dumating sina Charlie at Quinn sa restaurant ni Janus, nakita nila na abala siyang maglinis kasama ang ibang mga trabahador niya.Matagal nang pasado tanghali, at wala nang customer sa restaurant. Hindi rin nag-aalala si Quinn na makikilala siya, kaya nagsuot lang siya ng isang mask at pumasok sa restaurant kasama si Charlie nang walang pakialam.Sa sandaling pumasok ang dalawa sa pinto, narinig ang sensor, pinalalahanan si Janus na may mga bisita. Nagsalita ang abalang lalaki nang hindi tumitingala, “Pasensya na, sarado na kami.”Ngumiti si Charlie. “Huwag kang mag-atubili na maghanda ng makakain namin. Hindi pa kami kumakain.”Nang marinig ang boses ni Charlie, tumingala si Janus at nakita niya na nandoon si Charlie kasama si Quinn. Nasiyahan siya, ngumiti, at sinabi nang masaya, “Jusko! Bakit hindi pa kayo kumakain?”Niyakap ni Quinn ang braso ni Charlie at binati nang kaaya-aya, “Hello, Uncle Janus!”Lumaki ang ngiti ni Charlie. “Uncle Janus, naglibot kami sa
Sumagot si Janus, “Sa totoo lang, sarado na ang restaurant. Ang dalawang tao na nakita mo ay ang mga anak ng mga dati kong kaibigan. Pasado tanghali na, pero hindi pa sila kumakain. Kaya sinabihan ko sila na umakyat.”Idinagdag ni Janus, “Pero dahil nandito na kayo, hindi ko magagawa na balewalain ang pagpunta niyo dito. Mangyaring umupo kayo sa first floor. Sabihin niyo ang gusto niyong kainin, at ihahanda ko agad ito para sa inyo.”“Okay.” Tumango nang nakangiti si Christian. “Salamat, Boss.”Pagkatapos ay sinabi niya kay Merlin, “Merlin, huwag ka mag-atubiling umup. Ipapasubok ko sayo ang pinakamasarap na Oskian-style roast goose sa buong New York.”Pinagtampal ni Merlin ang mga labi niya sa pananabik. “Hay. Gusto ko talagang uminom ng ilang alak ngayon.”Nasulyapan niya ang maliit na wine cabinet sa likod ng counter ng restaurant. Nasorpresa siya, at tinanong, “Boss, nagbebenta kayo ng Macallan dito?”“Oo.” Ngumiti si Janus. “Imported ito mula sa Oskia. Gusto mo bang sumubok
Samantala, nagluto si Janus ng dalawang pagkain. Ang isa ay ang signature Oskian-style roasted goose, at ang isa ay ang specialty dish niya, isang marinated meat platter.Nilagay niya ang mga pagkain sa harap nina Charlie at Quinn, at binulong niya sa kanila, “Young Master Wade, Miss Golding. May regular customer sa restaurant kasama ang Oskian detective, si Merlin Lammy. Hindi muna dapat kayo bumaba pansamantala.”Tinanong nang nagmamadali ni Charlie, “Uncle Janus. Hindi ka nakilala ni Merlin Lammy, tama?”“Hindi,” sinabi ni Janus. “Dati, ibang-iba ang pananamit ko. At saka, mabilis na pagkikita lang ito, kaya marahil ay medyo mahirapan siyang maalala ako. Sadya ko itong sinubukan kanina. Hindi niya ako nakilala, kaya ayos lang siguro ito.”“Mabuti naman.” Medyo naluwagan si Charlie. Sa pagkausisa, tinanong niya ulit, “Uncle Janus, kilala mo ba ang nasa katanghaliang gulang na lalaki na pumunta kasama si Merlin Lammy?”Sumagot si Janus, “Matagal ko na siyang kilala. Noon pa man a
Sinabi nang seryoso ni Christian, “merlin, kailangan mong maging mas optimistiko! Hindi ba’t maliit na sagabal lang ito sa pinakamalakas mong larangan? Sinasabi ko sayo, hindi ito mahalaga.”Tinuro ni Christian ang sarili niya at sinabi, “Tingnan mo ako! Tinrato ako bilang isang marangal na bisita nang napakaraming taon, kahit saan ako pumunta. Kahit na nasa 90s na ang kabila, magkukusa pa rin siyang tumayo at ibigay sa akin ang pinakamagandang upuan. Pero, pinalabas ako sa harap ng napakaraming tao nang pumunta ako sa auction kailan lang. Sa sandaling iyon, gusto ko na talagang maghukay ng butas sa sahig para magtago. Pero tingnan mo ako ngayon! Naka-move on na ako dito!”“Kahit gaano ka pa kagaling bilang isang tao, imposible para sa lahat na respetuhin ka. Katulad nito, bilang isang detective, kahit gaano pa kagaling ang propesyonal na kakayahan mo, hindi mo malulutas ang lahat ng kaso.”"Kailangan mong matuto na tanggapin ang mga pagkabigo at subukan mong manatiling kalmado pal
Nagulat nang sobra si Christian. At tumayo siya agad at sinabi, “Anong nangyari?”Ang tita ni Charlie, si Lulu, na nasa kabilang linya, ay sinabi nang nabubulunan, “Sinabi ng doktor na brain hemorrhage ito…”“Brain hemorrhage?” Inulit ni Christian, nababalisa. “Ano ba ang eksaktong nangyari?”Humikbi si Lulu, “Sobrang sama kailan lang ng estado ng kaisipan ni Papa… Hindi siya makatulog sa mga nagdaang panahon. Mukhang sobrang miserable rin niya, at sobrang sama ng saloobin niya… Lumalaban din siya nang sobra sa mga doktor, at kahit ang katawan niya ay pahina na nang pahina…”“Kanina lang… Pumunta si Papa sa banyo nang mag-isa at biglang hinimatay. Na-coma siya pagkatapos nito. Sumugod ang doktor at sinabi niya na brain hemorrhage ito, at nagsanhi ito ng maraming organ failure. Nasa malalim na coma na si Papa ngayon, at isa o dalawang araw na lang ang natitira sa kanya…”Mas lalong nabalisa si Christian at sinabi niya, “Paano siya biglang nagkaroon ng maraming organ failure?! Ano b
Para naman sa mga Acker, masyadong maraming beses na silang niligtas ni Charlie at isa-isa pang naglabas ng tatlong Rejuvenating Pill. Kaharap ang kabaitan na ito, naaalala ito nang mabuti ng mga miyembro ng pamilya Acker. Dati, walang utang na loob ang mga Acker sa kahit sino, pero ngayon, may utang na loob na sila kay Charlie na hindi nila kayang bayaran. Kaya, umaasa silang lahat na matatanggap ni Charlie ang mga asset ng mga Acker. Sa ganitong paraan, gagaan din ang kalooban nila.Sa sandaling ito, nagsalita si Charlie, “Lolo, kaya kong mangako na tatanggapin ko ang mga asset ng mga Acker, pero hindi muna ngayon. Dahil, sa mga mata ng Qing Eliminating Society, hindi pa rin nila alam ang presensya ko. Kung ipapadala ng mga Acker ang mga asset nang direkta sa pangalan ko, marahil ay mabunyag ang pagkakakilanlan ko sa parehong araw. Kaya, sa ngayon, pakitulungan muna akong hawakan ang mga asset na ito. Kapag natalo ko na ang Qing Eliminating Society, hindi pa huli para ibigay ang mga
Kaharap ang tanong ni Lord Acker, hindi nagpaligoy-ligoy si Charlie. Sinabi niya nang maayos, “Alam ko na hindi ka pa magaling, lalo na ang sitwasyon mo sa Alzheimer’s disease na mukhang hindi optimistiko. Kaya, bago kayo dumating ni Lola, nag-iwan ako ng isang formation at isang Rejuvenating Pill sa villa. Unti-unting ilalabas ng formation ang bisa ng Rejuvenating Pill, at uunlad ang kalusugan ng lahat ng nakatira sa loob. Bukod dito, kapag mas malala ang kalusugan, mas marami silang matatanggap na benepisyo.”Walang masabi ang mga miyembro ng pamilya Acker dahil sa gulat. May gustong sabihin si Lord Acker, pero parang nanigas ang kanyang vocal chords sa kalagitnaan, at hindi siya makagawa ng tunog nang ilang sandali.Kahit hindi siya nagsalita, naipon na ang mga luha sa mga mata niya. Naluluha na rin ang kanyang asawa sa tabi niya.Ang mataas na presyo na 300 billion US dollars para sa Rejuvenating Pill ay itinakda ng mga Acker, pero kahit na handang magbayad ng 300 billion US dol
Nagsalita si Keith at sinabi, “Simula ngayon, ang 60% ng lahat ng asset sa iba’t ibang larangan ng industriya ng mga Acker ay ililipat sa pangalan ni Charlie.”Ngapatuloy siya, “Huwag niyo munang ipahayag ang opinyon niya. Hayaan niyong ipaliwanag ko ang desisyon na ito. May tatlong dahilan. Una, ang hindi bababa sa kalahati ng kasalukuyang asset ng mga Acker ay kinita ng ina ni Charlie. Pangalawa, maraming taon nang wala sa bahay si Charlie, at may utang tayo sa kanya. Pangatlo, dalawang beses niligtas ni Charlie ang mga Acker, at ginawan niya tayo ng pabor. Ano sa tingin niyo?”Sabay-sabay na sumagot ang mga tito at tita ni Charlie, “Pa, wala kaming tutol!”Sa puntong ito, nagsalita si Charlie, “Lola, ang mga asset ng mga Acker ay pagmamay-ari ng mga Acker, hindi sa akin. Hindi ko ito matatanggap.”Kinaway ni Keith ang kanyang kamay at sinabi, “Charlie, nagiging magalang lang ako sayo. Hindi mahalaga ang pera sa mga Acker. Kahit na bigyan ka namin ng 60%, aabot ng ilang henerasyo
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m