“New York?!” Nagulat nang sobra si Charlie.Nakatanggap siya ng impormasyon na tumakas din si Finley sa New York, pero paano niya aakalain na pupunta rin si Quinn sa New York?Dahil nag-aalala siya, tinanong niya agad, “Nana, hindi ba’t matagal nang nakatakda ang itinerary mo? Bakit ang laki ng binago mo sa huling minuto?”Ngumisi nang tuso si Quinn at sinabi, “Alam ko na nasa Providence ka. Sobrang lapit ng lugar na iyan sa New York, hindi ba?”Nasorpresa ulit si Charlie. “Paano mo iyan nalaman?”“Nagtanong ako sa iba!” Sinabi ni Quinn. “Kinausap ko si Chairman Cameron ng Shangri-La, at sinabi niya sa akin na pumunta ka sa United States para samahan si Claire na mag-aral.”Nagpanggap na galit si Quinn at sinabi, “Sa una ay balak kong pumunta sa Aurous Hill para sorpresahin ka. Tinawagan ko si Chairman Cameron para tulungan ako, at doon ko nalaman na wala ka na sa Aurous Hill. Kuya Charlie, bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka sa United States?”Sumagot nang hindi akma si
Dahil darating si Quinn sa New York, hindi pa oras para kay Charlie na isara ang net.Kapag ginawa niya ito, marahil ay nasa panganib si Quinn.Kaya, tinanong siya ni Charlie nang nagmamadali, “Nana, pwede mo bang antalain nang kaunti ang concert mo? Mas mabuti kung maghintay ka ng kalahating buwan bago ka pumunta sa New York.”“Hindi, Kuya Charlie,” sinabi ni Quinn. “Nakatakda na ang petsa, at gumawa na ng mga promotion ang mga organizer sa United States. Sinimulan na rin nila ang pre-sale ng mga concert ticket. Imposible na para sa akin na baguhin nang biglaan ang petsa.”Tinanong ni Quinn, “Kuya Charlie… Maaari ba na ayaw mo akong makita? Nakakaabala ba sayo ang concert ko? Pwede akong magpanggap na isa sa mga kliyente mo sa Feng Shui! Hindi ko sasabihin ang kahit ano, kahit na dalhin mo ang asawa mo para manood sa concert ko tulad ng dati…”Nabigla si Charlie nang marinig niya ang mga malulungkot na sinabi niya. Dahil gusto niya siyang suyuin, mabilis niyang ipinaliwanag, “Hin
Hindi nasorpresa nang kahit kaunti si Charlie sa paliwanag ni Porter.Alam niya na hindi teritoryo ng Ten Thousand Armies ang United States, at karamihan ng lakas ng army ay nanatili sa Middle East. Imposible para sa kanila na magkaroon ng stronghold sa lugar na ito.Bukod dito, ang New York ay isang international metropolis. May ilang civilian airport sa siyudad, at ang annual throughput ng New York JFK International Airport ay nasa sampu-sampung milyon. Nakikita niya kung gaano kahirap hanapin ang isang tao sa dami ng tao na mahigit dalawang daang libong pasahero.At saka, malaki ang posibilidad na gumamit si Finley ng isang privileged channel para umalis sa airport. Mas lalong naging imposible na sundan siya.Hindi maiiwasan para kay Porter at sa mga tauhan niya na mawala si Finley pansamantala.Nang maisip ito, sinabi nang magaan ni Charlie, “Porter, hindi mo kailangan sisihin nang sobra ang sarili mo. Normal lang ang ganitong uri ng bagay. Naiintindihan ko.”Idinagdag ni Cha
Sa dalawang oras na nakaupo siya sa eroplano, hinanap ni Finley ang lahat ng impormasyon na kaugnay kay Quinn.Nang mapagtanto niya na dalawang oras na ang lumipas, hindi siya nagmadaling bumaba sa eroplano. Sa halip, tinawagan niya si Homer.Sa sandaling kumonekta ang tawag, ang unang tinanong ni Homer ay, “Finley. Hindi ka naghintay hanggang ngayon para umalis, hindi ba?”Sinabi nang nagmamadali ni Finley, “Young Mater Fox, hindi ko napaalam sayo kung anong oras ako umalis, pero sa totoo lang ay nasa New York na ako ngayon. Nasa airport pa rin ako.”“Dumating ka na?” Hindi masaya ang tono ni Homer. “Letse ka! Hindi ba’t sinabi ko sayo na ipaalam sa akin nang maaga para mapadala ko ang butler ko para sunduin ka? Bakit hindi mo ito ipinalaam sa akin?”Sumagot si Finley sa nambobolang paraan, “Huwag kang magalit, Young Master Fox. Hindi ko agad ito sinabi sayo dahil ayokong abalahin ka. Pag-isipan mo ito! Ako ang mamamahala sa lahat. Kung may makakaalam na nandito ako, medyo mapang
Makalipas ang dalawampung minuto, isang Bell helicopter ang dumating sa hangar.Doon lang nagkaroon ng tapang si Finley na lumabas sa eroplano. Sumakay siya nang mabilis sa helicopter, dahil natatakot siya na makikita siya.Wala man lang oras ang makina ng helicopter para magpahinga. Pagkatapos sumakay ni Finley, umandar ito at umalis sa airport sa sandaling dumating ito. Inabot lang ng dalawa o tatlong minuto ang buong proseso.Pagkatapos lumipad ng helicopter, pumunta ito sa Long Island sa eastern New York.Ang Long Island ay isa sa pinakasikat na mayamang lugar sa United States. Hindi tulad ng masiglang downtown area ng Manhattan, medyo tahimik ito dahil malayo ito sa siyudad.Ang Long Island din ang may mga pinakamagandang beach sa New York. Karamihan ng mga mayayamang lugar dito ay mga top estate na itinayo sa baybayin. Ang lupa ng pamilya Fox, na mahigit 300 hectares, ay may isang kilometrong habang private beach at sariling golf course.May limang malalaking villa sa manor
Nakita ni Finley na tagumpay niyang nakuha ang interes ni Homer at ipinaliwanag ang ideya niya. “Dapat magkusa kang makipagtulungan sa Oskian Chamber of Commerce at gumawa ng isang charity fundraiser dinner sa New York. Pwede kang gumastos muna ng 20 million Us dollars bilang bahagi ng charity fund, at sabihin mo na ang pera ay gagamitin lang para gumawa ng isang charity fund.”Tumango si Homer. Inalog niya nang kaunti ang mga daliri niya at sinabi, “Magpatuloy ka!”Nagpatuloy si Finley, “Kapag ginawa mong publiko ang proyekto, sabihin mo na gagamitin ang pera para paunlarin ang mga pamumuhay at edukasyon ng lahat ng ulilang Oskian sa North America. Hindi ako sigurado kung magiging interesado ang Oskian Chamber of Commerce, pero ikaw pa rin ang young master ng pamilya Fox. Kung hahanapin mo ang Oskian Chamber of Commerce para makipagtulungan, siguradong matutuwa sila sa kilos mo. Kahit na ayaw nilang sumali sa charity, siguradong makikipagtulungan sila sayo. Walang kahit anong proble
Sinabi nang sumasang-ayon ni Homer, “Finley, ikaw ang pinakamagaling! Naliwanagan ako sa mungkahi mo!”Binigyan ni Finley si Homer ng isang mamantikang ngiti. “Masyado kang mabait, Young Master Fox. Marahil ay matalino ako nang kaunti, pero hindi ako maikukumpara sayo.”Tumawa si Homer. “Paano tayo magpapatuloy pagkatapos pumayag ni Quinn Golding na pumunta?”Sumagot si Finley, “Simple lang. Pwede muna natin siyang papuntahin sa lounge. Dapat ang lounge ay nasa tabi ng bintana at mga ventilation duct. Magpapadala ako ng ilang mahuhusay na armadong tao para maghintay doon. Pwede natin siyang bigyan ng gamot na pampatulog sa sandaling pumasok siya sa lounge. Pagkatapos nito, pwede natin siyang kunin at ilabas sa bintana o sa mga ventilation duct. Walang makakaalam ng kahit ano.”“Sa sandaling nalaman ng mga tao na nawawala siya, magkakagulo. Marahil ay kailangan mong dumaan sa pagtatanong ng mga pulis kapag dumating sila para mag-imbestiga. Pwede mong sabihin na sa tingin mo ay ilang
“Mga ninja?!” Nagulat nang kaunti si Finley sa mungkahi. Tinanong niya nang maingat, “Young Master Fox… May alam ka ba tungkol sa mga Japanese ninja?”Tumango nang mayabang si Homer. “Medyo. Dati ay katrabaho sila ng ama ko. Narinig ko na medyo magaling sila.”Sinabi ni Finley, “Kung maaasahan sila, mas mabuti na imbitahin mo muna sila sa New York. Pero dahil tayo ang gagawa ng lahat ng plano, hindi natin dapat ipaalam sa kanila kung ano ang kailangan nilang gawin hanggang sa makumpirma natin kung gagamitin natin ang ibang plano natin.”“Tama ka.” Ngumisi si Homer. “Huwag kang mag-alala. Aayusin ko na ang mga ito. Sasabihan ko muna sila na ipadala ang mga top expert nila.”Idinagdag ni Homer, “Siya nga pala, Finley. Ang plan B natin ay kumuha ng mga ninja para dukutin si Quinn sa hotel, pero kailangan din nating mag-isip ng plan C kung sakali. Sa tingin ko ay magagamit natin ang pagpigil sa convoy ni Quinn Golding. Kumuha lang tayo ng mga mercenary para gawin ito.”“Sige.” Sinabi
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay