Sinabi nang sumasang-ayon ni Homer, “Finley, ikaw ang pinakamagaling! Naliwanagan ako sa mungkahi mo!”Binigyan ni Finley si Homer ng isang mamantikang ngiti. “Masyado kang mabait, Young Master Fox. Marahil ay matalino ako nang kaunti, pero hindi ako maikukumpara sayo.”Tumawa si Homer. “Paano tayo magpapatuloy pagkatapos pumayag ni Quinn Golding na pumunta?”Sumagot si Finley, “Simple lang. Pwede muna natin siyang papuntahin sa lounge. Dapat ang lounge ay nasa tabi ng bintana at mga ventilation duct. Magpapadala ako ng ilang mahuhusay na armadong tao para maghintay doon. Pwede natin siyang bigyan ng gamot na pampatulog sa sandaling pumasok siya sa lounge. Pagkatapos nito, pwede natin siyang kunin at ilabas sa bintana o sa mga ventilation duct. Walang makakaalam ng kahit ano.”“Sa sandaling nalaman ng mga tao na nawawala siya, magkakagulo. Marahil ay kailangan mong dumaan sa pagtatanong ng mga pulis kapag dumating sila para mag-imbestiga. Pwede mong sabihin na sa tingin mo ay ilang
“Mga ninja?!” Nagulat nang kaunti si Finley sa mungkahi. Tinanong niya nang maingat, “Young Master Fox… May alam ka ba tungkol sa mga Japanese ninja?”Tumango nang mayabang si Homer. “Medyo. Dati ay katrabaho sila ng ama ko. Narinig ko na medyo magaling sila.”Sinabi ni Finley, “Kung maaasahan sila, mas mabuti na imbitahin mo muna sila sa New York. Pero dahil tayo ang gagawa ng lahat ng plano, hindi natin dapat ipaalam sa kanila kung ano ang kailangan nilang gawin hanggang sa makumpirma natin kung gagamitin natin ang ibang plano natin.”“Tama ka.” Ngumisi si Homer. “Huwag kang mag-alala. Aayusin ko na ang mga ito. Sasabihan ko muna sila na ipadala ang mga top expert nila.”Idinagdag ni Homer, “Siya nga pala, Finley. Ang plan B natin ay kumuha ng mga ninja para dukutin si Quinn sa hotel, pero kailangan din nating mag-isip ng plan C kung sakali. Sa tingin ko ay magagamit natin ang pagpigil sa convoy ni Quinn Golding. Kumuha lang tayo ng mga mercenary para gawin ito.”“Sige.” Sinabi
Ang kanyang lolo sa tuhod ay tumawid sa karagatan at dumating sa United States sa dating dynasty. Isa sa maraming Oskian na trabahador ang lalaking iyon na sumali sa paggawa ng American Pacific Railway.Simula noong henerasyon niya, nagkaroon na ng ugat ang pamilya Luke sa United States. Lumago sila sa kabutihan ng kalidad ng pagsusumikap ng mga Oskian.Nagsimula ang pamilya Luke bilang isang trabahador na nasa ilalim ng American society.Simula noon, nakaipon ang pamilyta Luke ng kayamanan na may halagang sampu-sampung bilyong US dollars pagkatapos ng matagal na pananatili nila sa United States. Ang ganitong matagumpay na kuwento ay maituturing na isang role model sa paghihirap ng mga Oskian.Dinala rin ng pamilya Luke ang pagkatao ng mga mangangalakal. Nagtrabaho sila sa southeast coast ng Oskia, at sobrang sabik nila na pagkaisahin ang mga kababayan nila para magtulungan pa sila.Ito rin ang dahilan kung bakit itinatag ng lolo sa tuhod ni Nathaniel ang Oskian Chamber of Commerc
Mukhang tinamaan na parang kidlat si Nathaniel dahil sa sinabi ni Homer.Sa buong United States, walang Oskian Chamber of Commerce na may miyembro ng isang major family tulad ng mga Fox.Ang asset ng pamilya Fox ay mas mataas na sa pinagsama-samang asset ng lahat ng mga miyembro ng asosasyon. Syempre, walang pakialam ang pamilya Fox na makipagtulungan sa kanila.Ang pagkakaiba ay parang isang bilyonaryo na hindi maksali sa isang millionaire clab na may per capita asset na isa o dalawang milyong lang.Pero, nagkusa si Homer na pumunta dito at sabihin na sasali siya sa New York Oskian Chamber of Commerce. Syempre ay hindi masukat ang pananabik ni Nathaniel dahil dito.Sumagot siya nang magalang, “Young Master Fox, anong klaseng kolaborasyon ang nasa isip mo? Mangyaring makasisiguro ka. Basta’t sasabihin mo, siguradong ibibigay ng New York Oskian Chamber of Commerce ang buong suporta namin!”Tumango si Homer, at ngumiti. “Gusto kong gumawa ng charity kasama ka.”“Charity?” Nasorpre
Ang dahilan kung bakit pinili ni Homer ang venue sa sarili niyang hotel ay para madali niyang magawa ang plano niya..Alam niya na siguradong magkakaroon ng pangit na reputasyon ang hotel kung mawawala doon si Quinn, pero sa puntong ito, wala na siyang pakialam.Sa isang dako, ang kahit anong negatibong balita tungkol sa hotel ay hindi mas mahalaga sa kanya kumpara kay Quinn.Sa kabilang dako, alam niya rin na ang mga consumer ngayon ay may memorya ng isang goldfish. Ang negatibong balita para sa kahit anong comercial brand ay karaniwang hindi tumatagal ng isang buwan.Dati, maraming babaeng sutomer ang nalalagay sa panganib dahil sa kapabayaan ng hotel management. Ang ilan ay namamatay, at ang resulta nito ay naapektuhan ang reputasyon ng hotel. Malaki ang nalulugi ng negosyo sa maikling panahon. Pero, bumabalik ang occupancy rate ng hotel sa normal makalipas lang ang isang buwan at pagkatapos ng krisis.Nang malaman ang petsa, biglang nahirapan si Nathaniel. Habang nahihiya, tum
Tumaas ang sigla ni Nathaniel sa mga sinabi ni Homer.Kung magiging parte ng New York Oskian Chamber of Commerce ang pamilya Fox, magiging malaking tagumpay ito sa buong Chamber of Commerce! Ang ibig sabihin din nito ay mas tataas nang sobra ang halaga ng New York Oskian Chamber of Commerce kaysa sa ibang Chamber of Commerce. Nag-aalala sa ngayon si Nathaniel dahil hindi niya alam kung paano niya lalabanan ang dalawang kalaban niya para sa posisyon bilang chairman pagkatapos ng merger.Kung maaakit niya ang pamilya Fox na sumali sa asosasyon, siguradong siya ang mahahalal bilang unang chairman ng National Oskian Chamber of Commerce!Dahil sa mga naisip niya, nanabik siya. Habang nananabik, tinanong niya si Homer para kumpirmahin, “Young Master Fox, seryoso ka ba?”“Syempre!” Idineklara nang mayabang ni Homer. “Ako, si Homer Fox, ay palaging may isang salita. Tutuparin ko ang pangako ko basta’t tutulungan mo akong maging matagumpay ang charity dinner na ito!”Tuwang-tuwa si Nat
‘26 o 27 na si Homer ngayong taon, edad ng kasal. Nasa 20’s na rin si Quinn. Bagay siya kay homer. Kung mahuhulog sila sa isa’t isa sa charity dinner at magkakaroon ng magandang relasyon, hindi ba’t si Nathaniel ang magiging responsable para maging sila?’Mula sa isang tradisyonal na konsepto sa Oskia, ang taong tumulong na magkaisa ang mag-asawa sa kasal ay nararapat ng isang malaking kredito. Magkakaroon ng malaking pabor sa kanya ang pamilya Fox at ang pamilya Golding!Nang maisip ito, sinabi ni Nathaniel nang walang pag-aatubili, “Huwag kang mag-alala, Young Master Fox. Tutulungan kitang ipasa ang mensahe.”Sa masiglang pagpayag ni Nathaniel, sigurado na si Homer: matagumpay ang pain niya! Dahil natutuwa siya, ngumiti siya at sinabi, “Maraming salamat, Chairman Luke.”…Makalipas ang isang oras, sa Eastcliff.Lampas na ng alas onse ng gabi, pero nag-eensayo pa rin si Quinn sa bagong choreographed dance niya para sa concert kasama ang choreography team niya sa rehearsal room.
Nagising ang pagkamausisa ni Quinn dahil sa tanong ni Dorothy. “Bakit? May espesyal ba sa charity fund na ito?”“Syempre meron!” Ngumiti is Dorothy. “Ang pondo ay nakalaan para tulungan ang mga ulilang Oskian sa North America para lutasin ang pang araw-araw na pangangailangan nila. Balak din nitong suportahan ang edukasyon nila hanggang sa pumasok sila sa lipunan at magkaroon ng maayos na sahod.”Nagbago nang kaunti ang mukha ni Quinn dahil dito. Tumango siya nang paulit-ulit at nagsimulang ibulong nang seryoso, “Partikular pala sa pagtulong sa mga ulila… Makabuluhan talaga ito… Okay, tingnan mo kung okay lang ang oras para sa akin sa gabing iyon. Kung ayos lang, pupunta ako sa dinner.”Kumulot ang mga labi ni Dorothy sa isang maliit na ngisi at sadyang inasar si Quinn, “Tingnan mo ang sarili mo! Dahil lang ulila ang Kuya Charlie mo, tumaas nang sobra sa mga mata mo ang pagtulong sa mga ulila. Kung gano’n, mas mababa ba sa mga mata mo ang isang charity fund para sa mga biyuda o mga
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay