Pagkatapos niyang laitin si Charlie, tumalikod si Jason at kinausap si Claire. “Claire, malaki ang kahalagahan na inilagay ko sa kolaborasyon natin. Para ipakita ang katapatan ko sa iyo, pwede kang pumili ng kahit anong mamahaling kotse dito ngayon maliban sa dalawang kotse na nasa gitna ng showroom. Pumili ka ng kahit anong kotse dahil sa tingin ko ay oras na para palitan ang basurang BMW 520 na gamit mo ngayon. Paano kung Audi RS8? Malakas itong kotse, at perpekto ito para sa iyo!”Matagal nang pinagnanasaan ni Jason si Claire, at ang dahilan kung bakit niya inimbita si Claire ngayon ay dahil gusto niyang gamitin ang kayamanan niya at ang kapangyarihan niya upang akitin si Claire sa ilalim ng pagkukunwari na aayusin ang convention and exhibition center.Alam ni Jessica na matagal nang interesado si Jason kay Claire. Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Claire, ito ang tanda ng pagpapahalaga ni Mr. Grant. Hindi mo dapat tanggihan ang kabaitan na ito.”Gayunpaman, agad tinanggihan n
Naglakad si Jason lampas sa mga tao bago pumunta sa security guard at sinabi, “Kapatid, ako ang deputy general manager ng Aurous Hill Convention and Exhibition Center. Ang pamilya ko ang may-ari ng convention and exhibition center na ito. Maaari mo ba akong hayaang humakbang at tingnan nang malapit ang dalawang kotse?”“Hindi!” Sumagot nang matatag ang isa sa mga security guard na kailan lang nagretiro bilang sundalo. “Inutusan kami ng boss namin na huwag hayaan ang kahit sino na lapitan ang mga kotse. Ang may-ari lamang ng kotse ang pwedeng lumapit sa mga kotse!”Sobrang nagalit at nainis si Jason sa sandaling ito.L*tse! Hindi niya talaga pwedeng hawakan ang mga kotse.Sobrang nakakahiya ito. Bukod dito, ang pamilya niya ang may-ari ng exhibition center na ito!Kung hindi niya talaga pwedeng hawakan ang kahit isa sa dalawang kotse, hindi ba’t ibig sabihin ay katulad siya ni Charlie?Hindi! Hindi pwedeng mapahiya si Jason kay Charlie.Tiniis ni Jason ang nararamdaman niyang ini
Sa sandaling ito, isang manager na may suot na suit ang mabilis na dumating sa sandaling narinig niya ang gulo.Mayroong isang grupo ng mga matipuno at maskuladong bodyguard na nakasunod sa likod niya.“Anong nangyari? Sino ang gumagawa ng gulo dito?”Nang makita ni Jason ang manager, tinanong niya nang mayabang, “Ikaw ba ang namamahala?”“Oo.” Tumango ang lalaki bago nagpatuloy, “Ako ang executive manager ng auto show exhibition. Ako si Luke Marshall. At ikaw?”Suminghal si Jason bago sinabi, ‘Ako si Jason Grant, ang may-ari ng Aurous Hill Convention and Exhibition Center!”Bahagyang tumango si Luke bago sumagot, “Ikaw pala si Mr. Grant. Anong nangyari?”Kinausap siya nang malamig ni Jason, “Walang kwenta talaga ang mga tauhan mo! Gusto kong pumunta sa entablado para tingnan nang malapit ang mga kotse, pero tinanggihan niya ako. Anong ibig mong sabihin dito? Minamaliit mo ba ako?”Ngumiti si Luke bago sumagot, “Pasensya na, Mr. Grant, pero nabili na ng kustomer ang dalawang ko
“Mr. Quinton, may Mr. Grant mula sa Aurous Hill Convention and Exhibition Center na pinipilit hawakan ang Aston Martin ONE-77. May gulong nangyayari ngayon. Anong gagawin ko?”Labis na nagulat si Graham, at agad niyang sinigaw, “Binili ko ang kotseng iyan para kay Mr. Wade! Wala akong pakialam kung sino ang gustong humawak sa kotse. Bukod kay Mr. Wade, walang sinuman ang pwedeng humawak sa kotse! Kung may susubok na hawakan ang kotse, gusto kong baliin ng security guard ang kamay niya!”Nagmamadaling sumagot si Luke, “Mr. Quinton, ang Aurous Hill Convention and Exhibition Center ay pagmamay-ari ng pamilya Grant. Hindi ba’t sumosobra na kami kung gagawin namin iyon?“Ano naman?! Wala akong pakialam sa pamilya Grant!” Sinigaw nang mabangis ni Graham sa selpon. “Walang kwenta ang pamilya Grant sa akin! Bibigyan kita ng utos ngayon. Kung mangangahas ang batang iyon na may apelyidong Grant na hawakan ang kotseng binili ko, gusto kong umalis ka na sa Aurous Hill, at magdasal ka na hindi n
Labis na natakot si Jason, pero sobrang galit na galit din siya sa sandaling ito.Binugbog siya sa sarili niyang exhibition enter, at kailangan niya pang lumuhod at humingi ng tawad sa taong bumugbog sa kanya. Ang pinakamahalaga, binugbog siya at pinahiya sa harap ni Claire. Ito na ang pinakamalaking kahihiyan na natanggap niya sa buong buhay niya!Gayunpaman, alam ni Jason na hindi niya kayang galitin ang pamilya Quinton. Kaya, minura niya na lang si Charie sa isipan niya.Naramdaman niya na nangyari lang ito dahil hinamon siya ni Charlie na hawakan ang kotse. Ang kinalabasan, binugbog siya at pinahiya sa harap ni Claire. Kailangan niyang maghiganti kay Charlie! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya ngayon!Sa sandaling ito, mabilis na inutusan ni Luke ang mga security guard, “Sige na, itigil niyo na ang pambubugbog sa kanya.”Agad siyang tinigilan ng mga security guard. Nabugbog na nang matindi ang mga security guard na nagtatrabaho para sa exhibition center, at nakahandusa
Tumawa nang mas malakas si Jason nang marinig niya ang sinabi ni Charlie. “Charlie, adik ka ba sa pagsisinungaling? Alam mo ba ang sarili mong katayuan o lugar? Sa tingin mo ba talaga ay may kwalipikasyon kang sakyan ang kotseng ito?”Sinabi rin nang mapanghamak ni Jessica, “Claire, talagang nabigo ako dahil pinakasalan mo ang isang lalaki na mahilig magyabang.”Sa sandalling ito, walang magawa si Claire at tumingin na lang kay Charlie na may nabigong ekspresyon sa kanyang mukha.Baliw ba talaga ang lalaking ito? Hindi niya ba naiintindihan ang kahihinatnan ng kanyang kilos kahit sa oras na ito?Hindi na nag-abala si Charlie na ipaliwanag ang sarili niya, kaya, nilabas niya lang ang dalawang smart bracelet key sa kanyang bulsa bago ito iwinagayway sa harap ni Luke na namamahala sa auto show. Pagkatapos, tinanong niya, “Nakita niyo na ba ang mga ito?”Nagulat si Luke nang makita ang mga smart bracelet key sa mga kamay ni Charlie.Pagkatapos, naalala niya ang sinabi sa kanya ni Gra
Nagulat ang lahat na nandoon nang binuksan ni Charlie ang Aston Martin ONE-77 gamit ang smart bracelet key. Naisip na lang nila: Si Charlie nga talaga ang may-ari ng Aston Martin ONE-77!Nagulantang din si Jason sa sandaling ito. Anong nangyayari?!Hindi ba’t si Charlie ay isang mahirap na manugang lang?Paano siya makakabili ng ganito kamahal na kotse?!Nagulantang din si Jessica. “Hindi… hindi ito kapani-paniwala. Paano makakabili ang mahirap at walang kwentang lalaki na ito ng isang Aston Martin ONE-77?”Pagkatapos, dinala ni Charlie si Claire sa pampasaherong upuan bago siya ngumiti at sinabi, “Mahal kong asawa, bakit hindi ka pumasok sa kotse? Ipapasyal kita!”Tumingin nang may nalilitong ekspresyon si Claire kay Charlie at tinanong, “Charlie, sa iyo ba talaga ito?”Tumango si Charlie. “Syempre. Nasa kamay ko na ang susi. Bakit ako magsisinungaling sa iyo?”Pagkatapos itong sabihin, mabilis na binulong ni Charlie sa kanyang tainga, “Mahal kong asawa, sa totoo lang, pinah
Binugbog din si Jessica hanggang sa naging magulo na ang buhok niya at tumabingi na ang bibig niya. Hindi mapigilang sumigaw ni Jason sa sakit.Pagkatapos silang bugbugin, inutusan ni Luke ang mga security guard na itapon sila palabas ng exhibition hall.Nakahandusay si Jason sa konkretong sahig habang sinigaw nang galit, “L*tse! Sinong Mr. Wade?!Galit na isinigaw din ni Jessica, “Isa lang siyang manugang ng pamilya Wilson. Sa tingin ko ay driver lang siya. Paano siya magiging makapangyarihan?!”Dugo ang dumadaloy sa bibig ni Jason habang isinigaw niya, “Ang walang kwentang basura na iyon! Hindi ko siya pakakawalan nang madali.”Kagat-kagat ang kanyang ngipin, nagpatuloy siya, “At si Claire! Hindi siya makakatakas sa akin!”Sa gayon, lumabas ang Aston Martin ONE-77 sa exhibition hall nang gano’n lang.Kinuha ng sports car ang atensyon at pagkausisa ng maraming tao sa kalye.Sobrang sabik din si Claire at napakasaya dahil ito ang unang pagkakataon na nakasakay siya sa Aston Mar
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata
Nang makita ni Vera ang pangungusap na ito, agad niyang sinabi, “Ang Queens na ito ay siguro ang Queens, New York City. Kaya't ang larawang ito ay talagang kuha sa Queens. Tungkol naman sa ‘Cole’, mukhang ang tao sa larawan kasama ang tatay mo ay may apelyidong Cole at siya ay may lahing Oskian. Ang hindi lang natin alam ay ang buong pangalan niya.”“Tama ka…” Tumango si Charlie nang marahan habang patuloy na nakakunot ang kanyang kilay.Bumulong siya, “May pakiramdam ako na pamilyar ang lalaking may apelyidong Cole, pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita dati.”Nagmamadaling sinabi ni Vera, “Wag kang mag-alala, Young Master. Ang pakiramdam ng pagiging pamilyar ay tiyak na may pinagmulan sa iyong alaala. Baka lang hindi malalim ang alaala mo sa taong iyon, o baka saglit lang ang pagkikita niyo. Kaya, wag kang mag-alala. Kung mag-iisip ka nang mabuti, tiyak may maalala kang mga palatandaan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinanong ni Vera si Charlie, “B
Itinuro ni Vera ang isang karatula na may postcode sa tabi ng pinto ng tindahan at sinabi, “Young Master, ang tindahang ito ay nasa Queens, New York.”Nagtanong si Charlie nang mausisa, “Ganoon ba? Paano mo nalaman? Hindi ko halos mabasa ang mga salita dito dahil sa resolution na ito.”Ipinaliwanag ni Vera, “Dati akong nakatira sa Queens. Ang laki, kulay, at pwesto ng karatulang ito para sa postal code ay tipikal na istilo ng Queens noon. Hindi ko lang alam kung sinusunod pa nila ang parehong istilo ngayon.”“New York…” Tumango si Charlie, bigla niyang naalala ang sinabi ng tiyuhin niya ilang araw na ang nakalipas. Bumili ang mga magulang niya ng set ng mga sinaunang libro mula sa isang antique shop sa New York. Ang set ng mga librong ito ay walang iba kundi ang Preface to the Apocalyptic Book.Kasama ng antique shop sa larawan, biglang naalala ni Charlie ang isang bagay at sinabi kay Vera, “Maaaring ito nga ang antique shop kung saan nabili ng tatay ko ang Preface to the Apocalypti
Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Vera, tumingin siya agad sa itim na photo album na hawak niya. Sa unang tingin, halatang luma na ang album.Sa nakaraang dekada, dahil sa mabilis na pag-usbong ng mga smartphone, hindi namamalayan ng karamihan na nadidigitize na nila lahat ng mga larawan nila. Kunti na lang ang bumibili ng mga photo album na iba't ibang laki at kapal tulad ng ginagawa ng mga tao dalawampung taon na ang nakalipas para ayusin ang mga litrato nila.Hindi alam ni Charlie kung ano ang laman ng album, kaya kinuha niya ito mula kay Vera at maingat na binuksan ang unang pahina. Ang unang bagay na tumama sa mata niya sa unang pahina ay dalawang magkahiwalay na larawan ng dalawang kabataan na kuha sa harap ng Statue of Liberty sa America.Ang lalaki sa larawan ay kamukhang-kamukha ni Charlie, pero medyo luma ang pananamit dahil suot ng lalaki ang kilalang knit sweater at kupas na jeans na sikat noong mga panahong iyon. Siya ang ama ni Charlie, si Curtis.Ang babae sa
Pagkasabi nito, sumunod siya kay Charlie palabas ng dining room at pumunta sa courtyard kung saan dating nakatira ang mga magulang ni Charlie.Dahil malaki ang courtyard na iyon, may apat na magkadikit na kwarto ang mga magulang ni Charlie noon. Bukod sa main hall at bedroom, may study rin at sariling kwarto si Charlie.Sa madaling sabi, parang isang three-bedroom apartment na may living room ito. Ilang taon din siyang nanirahan doon kaya kabisado na niya ang buong ayos ng lugar. Bukod pa roon, halos walang nabagong anuman kaya madali para sa kanya na suriin ito.Pagpasok sa main hall, halos pareho pa rin ang mga kasangkapan at ayos ng lahat mula noong huling naroon sila ng mga magulang niya. Sa isang iglap, bumalik sa alaala ni Charlie ang mga sandaling magkasama sila ng kanyang mga magulang noong bata pa siya, at biglang sumiklab ang samu’t saring damdamin sa puso niya.Mabilis niyang nilibot ang mga kwarto kasama si Vera. Maliban sa mga kasangkapan, may mga bagong kumot at unan s
Madalas mag-alala si Ashley noon tungkol sa pagpapalaki kay Charlie pagdating sa ugali niya, pagkatao, at mga pinapahalagahan sa buhay. Bilang ina, natural lang na gusto niyang maibigay ang pinakamahusay na edukasyon, kapaligiran, at gabay para sa anak niya. Pero ang tanging magagawa lang niya ay panoorin si Charlie habang lumalaki sa ampunan kasama ng ibang bata, at panoorin siyang tumigil sa pag-aaral sa high school para magtrabaho sa isang construction site, nang hindi man lang niya kayang makialam o makagambala kahit kaunti.May mga pagkakataong nag-aalala siya na baka maapektuhan ang pananaw sa buhay ni Charlie, o kaya’y masyado siyang matutong makibagay sa mga kalakaran ng mundo sa ganoong kapaligiran. Pero sa kabutihang palad, nahanap ni Charlie ang tamang balanse sa pagitan ng pagiging anak-mayaman noong bata pa siya, at ng pagiging ulilang mahirap pagkatapos niyon. Dahil doon, napanatili niya ang maayos na pananaw sa buhay at matibay na pakiramdam ng katarungan.Hindi lang ni
Sarado na ngayon ang sikat na templong ito sa mga bisita.Mag-isa lang si Ashley na nakatayo sa loob ng courtyard, habang napapaligiran ng amoy ng insenso na nanatili sa hangin. Nakatingala siya sa maliwanag na buwan at damang-dama ang halo-halong emosyon. Matagal na niyang inaasam ang kanyang anak, si Charlie, na dalawampung taon na niyang hindi nakikita.Ang layo ng Harmony Temple sa lumang mansyon ng mga Wade ay isa o dalawang milya lang, sampung minuto lang ang biyahe sakay ng kotse. Pero kahit ganoon, paulit-ulit na ipinapaalala ni Ashley sa sarili niya na hindi pa ito ang tamang oras para magkita sila ng anak niya.Nang makita ng pekeng abbess na tila malungkot si Ashley habang nakatayo nang mag-isa sa courtyard, marespeto siyang lumapit at nagtanong, “Madam, ilang kanto na lang ang layo niyo kay Young Master. Siguro ay sabik na sabik ka nang makita siya, tama po ba?”Tumango si Ashley, “Dalawampung taon ko nang hindi nakikita ang anak ko. Paanong hindi ako mananabik?”Pagka