Tumawa nang mas malakas si Jason nang marinig niya ang sinabi ni Charlie. “Charlie, adik ka ba sa pagsisinungaling? Alam mo ba ang sarili mong katayuan o lugar? Sa tingin mo ba talaga ay may kwalipikasyon kang sakyan ang kotseng ito?”Sinabi rin nang mapanghamak ni Jessica, “Claire, talagang nabigo ako dahil pinakasalan mo ang isang lalaki na mahilig magyabang.”Sa sandalling ito, walang magawa si Claire at tumingin na lang kay Charlie na may nabigong ekspresyon sa kanyang mukha.Baliw ba talaga ang lalaking ito? Hindi niya ba naiintindihan ang kahihinatnan ng kanyang kilos kahit sa oras na ito?Hindi na nag-abala si Charlie na ipaliwanag ang sarili niya, kaya, nilabas niya lang ang dalawang smart bracelet key sa kanyang bulsa bago ito iwinagayway sa harap ni Luke na namamahala sa auto show. Pagkatapos, tinanong niya, “Nakita niyo na ba ang mga ito?”Nagulat si Luke nang makita ang mga smart bracelet key sa mga kamay ni Charlie.Pagkatapos, naalala niya ang sinabi sa kanya ni Gra
Nagulat ang lahat na nandoon nang binuksan ni Charlie ang Aston Martin ONE-77 gamit ang smart bracelet key. Naisip na lang nila: Si Charlie nga talaga ang may-ari ng Aston Martin ONE-77!Nagulantang din si Jason sa sandaling ito. Anong nangyayari?!Hindi ba’t si Charlie ay isang mahirap na manugang lang?Paano siya makakabili ng ganito kamahal na kotse?!Nagulantang din si Jessica. “Hindi… hindi ito kapani-paniwala. Paano makakabili ang mahirap at walang kwentang lalaki na ito ng isang Aston Martin ONE-77?”Pagkatapos, dinala ni Charlie si Claire sa pampasaherong upuan bago siya ngumiti at sinabi, “Mahal kong asawa, bakit hindi ka pumasok sa kotse? Ipapasyal kita!”Tumingin nang may nalilitong ekspresyon si Claire kay Charlie at tinanong, “Charlie, sa iyo ba talaga ito?”Tumango si Charlie. “Syempre. Nasa kamay ko na ang susi. Bakit ako magsisinungaling sa iyo?”Pagkatapos itong sabihin, mabilis na binulong ni Charlie sa kanyang tainga, “Mahal kong asawa, sa totoo lang, pinah
Binugbog din si Jessica hanggang sa naging magulo na ang buhok niya at tumabingi na ang bibig niya. Hindi mapigilang sumigaw ni Jason sa sakit.Pagkatapos silang bugbugin, inutusan ni Luke ang mga security guard na itapon sila palabas ng exhibition hall.Nakahandusay si Jason sa konkretong sahig habang sinigaw nang galit, “L*tse! Sinong Mr. Wade?!Galit na isinigaw din ni Jessica, “Isa lang siyang manugang ng pamilya Wilson. Sa tingin ko ay driver lang siya. Paano siya magiging makapangyarihan?!”Dugo ang dumadaloy sa bibig ni Jason habang isinigaw niya, “Ang walang kwentang basura na iyon! Hindi ko siya pakakawalan nang madali.”Kagat-kagat ang kanyang ngipin, nagpatuloy siya, “At si Claire! Hindi siya makakatakas sa akin!”Sa gayon, lumabas ang Aston Martin ONE-77 sa exhibition hall nang gano’n lang.Kinuha ng sports car ang atensyon at pagkausisa ng maraming tao sa kalye.Sobrang sabik din si Claire at napakasaya dahil ito ang unang pagkakataon na nakasakay siya sa Aston Mar
Pagkatapos mag-text, nakatanggap ng maraming sagot si Charlie.Ang unang sagot ay mula kay Jasmine. “Mr. Wade, huwag kang mag-alala! Siguradong pupunta ako para batiin ang asawa mo bukas!”Pagkatapos, sumagot si Graham: “Salamat sa imbitasyon, Mr. Wade. Siguradong sasamahan ko kayo sa opening ceremony bukas!”Sumagot si Zeke: “Mr. Wade, sisiguraduhin ko na dadalhin ko ang aking anak at pamangkin ko upang batiin ang asawa mo bukas! Dahil, gusto ko talagang humingi ng tawad sa iyo ang dalawang pilyo na iyon…”Sa katunayan, sobrang sabik nang lahat nang matanggap nila ang imbitasyon ni Charlie dahil magandang pagkakataon ito na mapalapit sa kanya.Sa una ay may mga problema si Claire sa opening ceremony niya bukas. Hinding-hindi niya aasahan na maghahanda ang asawa niya ng isang engrandeng opening ceremony para sa kanya!Pagkauwi, mabilis na naglinis ng katawan si Claire para makapagpahinga siya nang maaga at makapaghanda sa opening ceremony ng studio niya bukas nang umaga.Maaga r
Tumango si Claire, ipinapakita ang pagkabalisa niya sa kunot sa pagitan ng kanyang mga mata.Hindi matagal, mula sa daan palabas, narinig ang mabagal na paglalakad ni Lady Wilson, kasama na ang tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa sahig. Sa likod niya, makikita sina Christopher, Harold, at Wendy.Si Harold, na binugbog at inaresto kailan lang, ay kalalabas lang dahil nagpiyansa si Lady Wilson sa police station. Kaya, puno siya ng sama ng loob at galit habang nakatingin siya nang masama kay Charlie.Syempre, walang pakialam si Charlie.Ngayon ang opening ceremony ng opisina ng asawa niya, ayaw niyang makipag-away sa mga sigang ito. Hindi niya sila lalabanan hangga’t maayos ang kilos nila.Nauna si Wendy at umirap, “Claire, hindi ka man lang nag-hi kay lola, kailan ka pa naging bastos?”Sumagot nang payak si Claire, “Pinaalis na ako sa pamilya Wilson, kaya, hindi na kami mag kamag-anak!”“L*tse!” Tinukod nang malakas ni Lady Wilson ang kanyang tungkod sa sahig at sinabi nang gal
Ngumisi si Harold at sinabi sa sarkastikong tono, “Charlie, simulan mo na ang drama mo. Ang mga tinatawag mong kakilala ay mga siga lang at walang kwenta. Sa tingin mo ba talaga ay maimpluwensya ka at makapangyarihan? Hindi ako naniniwala na kaya mong mag-imbita ng mga prominenteng tao!”Sumingit si Wendy at sinabi nang sarkastiko. “Magaling lang magyabang ang mga talunan tulad ni Charlie. Kung walang pupunta sa opening ceremony mo, ikaw at ang opisinang ito ay pagtatawanan ng buong Aurous Hill. Tingnan natin kung paano ka makakuha ng trabaho o proyekto kapag nangyari iyon!”Hindi naglabas ng kahit anong ekspresyon si Claire habang pinapakinggan ang mga insulto pero unti-unting nabubuo ang pagkabalisa sa kanyang puso.Ang mga opening ceremony ay mga okasyon na ipinapakita ang koneksyon at mga kakilala ng may-ari.Kung maraming bisita ang pupunta sa opening ceremony, makikita na may malakas na koneksyon at pundasyon ang kumpanya lalo na kung may mga VIP sa mga bisita. Ang ganitong b
Naguguluhan din si Charlie at kaswal lang siya. Nagpadala na siya ng imbitasyon sa Emgrand Group, kaya dapat pumunta si Doris Young.Marahil ay naghahanda siya ng regalo dahil wala pa siya dito!Naglabas ng mapagmataas na ekspresyon si Christopher at sinabi, “Ano, sa tingin mo pa rin ba ay marami kang koneksyon?”Halos ten o’clock na. Kung may mga bisitang darating, dapat ay nasa pinto na sila ngayon.Gayunpaman, ang pasukan ay walang laman at tahimik. Parang walang taong darating.Sinabi ni Wendy sa mayabang na tono, “Pa, sinabi ng talunan na hindi bale kung wala silang bisita ngayon, sapat na siyang mag-isa. Gaano kaya siya kalakas? Sa tingin niya ba talaga ay may impluwensya siya dito sa Aurous Hill?”Sa sandaling ito, umalingawngaw ang boses mula sa front desk sa malayo, mukhang sinadya niyang lakasan ang kanyang boses.“Nandito na si Mr. Travis Lane mula sa Lancaster…”Travis Lane?Nagulat nang kaunti si Charlie. Ang huling beses na nakita niya si Travis ay noong dinala n
Gumawa ng alon ng alingawngaw ang sagot ni Travis Lane sa opisina at kumurap sa gulat ang mga miyembro ng pamilya Wilson.Pumunta ba talaga siya dito para batiin si Claire?!Siya ang pinakamayamang tao sa Lancaster!Kailan at paano siya nakilala nina Charlie at Claire?!Sobrang nagulat si Christopher. Kailanman ay hindi niya inaasahan na magiging bastos ang lalaki at papagalitan siya sa harap ng lahat. Dahil napahiya siya, mabilis siyang umatras at tumayo sa tabi.Kumunot ang noo ni Wendy sa pagkalito at binulong niya kay Harold, “Hey, ang matabang lalaki ba talaga na ito ang pinakamayamang tao sa Lancaster? Bakit parang isa lang siyang aktor na kinuha para magpanggap at lokohin tayo? Bakit magiging mabait at magalang ang isang prominenteng tao sa isang talunan…”Umiling si Harold at bumulong, “Oo, sa tingin ko rin ay peke siya…”Walang pa sa kanila ang nakakakita kay Travis Lane, pero narinig na nila ang sabi-sabi tungkol sa kanyang kasikatan at kahigpitan sa pamamahala sa kany
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin