Sa sandaling sinabi ito ni Charlie, nagkaroon ng sabik na sabik na ekspresyon sina Lord Moore at Graham sa kanilang mukha.Alam nila na tinutulungan sila ni Charlie na gumawa ng tulay sa pamilya Ito.Ang pamilya Ito ang pinakamalakas na pamilya sa Japan ngayon, at may asset sila na mahigit one trillion Oskian dollars. Para naman sap amilya Moore, kapapasok lang nila sa 100 billion dollars club, at patungo pa lang si Graham sa pinto ng 100 billion dollars club.Kaya, kung kaya nilang makipagtulungan sa pamilya Ito, magandang hagdan talaga ito para sa kanilang pamilya. Kung handa ang pamilya Ito na makipagtulungan sa kanila, siguradong uunlad sila at magkakaroon ng maraming oportunidad!Naintindihan ni Yahiko ang layunin ni Charlie. Kaya, hindi siya nag-alangan at sinabi, “Dahil sinabi na ito ni Mr. Wade, syempre ay gagawin ng pamilya Ito ang lahat ng makakaya nito para makipagtulungan kina Miss Moore at Mr. Quinton!”Habang nagsasalita siya, tumingin si Yahiko kay Jasmine bago sina
Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si Yahiko kay Charlie bago niya sinabi nang seryoso, “Mr. Wade, kailan lang ay binawi ang ocean shipping license ng pamilya Schulz. Kaya, magandang pagkakataon ito para sayo na pumasok sa industriya na ito ngayon. Iniisip ko kung interesado ka ba?”Kumaway si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Wala akong alam sa ocean shipping transportation, at saka wala akong sariling transport ship. Kaya, bakit ako papasok sa ocean shipping industry?”Sumagot nang nagmamadali si Yahiko, “Mr. Wade, hindi talaga problema ang barko. Sa totoo lang, karamihan sa ocean shipping company sa buong mundo ay nirerentahan lang ang kanilang mga freight at oil tanker, tulad ng karamihan sa mga eroplano sa airlines ay nirerentahan lang. Ang ilang kumpanya ay magaling sa operation pero hindi magaling sa pamamahala ng mga asset-heavy business module at fixed asset planning, kung saan may mga kumpanya na magaling sa pamamahala ng asset-heavy business module at fixed asset pl
Sa ngayon ay may sapat na pondo si Charlie. Bukod dito, pagmamay-ari niya rin ang Apothecary Pharmaceutical na tuloy-tuloy na kumikita para sa kanya. Kaya, hindi mahirap para sa kanya na magsimula ng ocean shipping business.Kahit na pagtayo ng kumpanya, pagdaong sa pier, o pag rerenta ng kargamento, walang problema si Charlie sa pondo.Pero, ang pinakamahalagang problema ay kung magsisimula siya ng isang napakalaking neosyo, kailangan niyang makakuha ng tauhan na may sapat na abilidad at galing para pamahalaan ang negosyo.Ang unang tao na naisip ni Charlie ay si Doris.Hindi mapagkakaila na sobrang galing ni Doris, at sobrang mapagkakatiwalaan na tao siya.Pero, ang problema ay kailangan ding pamahalaan ni Doris ang Emgrand Group. Kung uutusan niya siya na pangunahan ang ocean shipping business sa parehong oras, natatakot si Charlie na malulunod siya sa trabaho.Pagkatapos itong pag-isipan nang ilang sandali, nagpasya si Charlie na hintayin muan si Doris na makabalik mula sa Ho
“Tama!” Nagngalit si Cadfan at sinabi, “Ang Aurous Hill ay bahagi ng saklaw ng impluwensya ng pamilya Wade, at maituturing na teritoryo ito ng pamilya Wade. Kakaiba na nga ang biglaang pagpunta ni Ito Yahiko sa Aurous Hill. Bukod dito, nanatili pa siya sa hotel ng pamilya Wade. Mas mapanganib ito para sa atin.”Tinanong nang nagmamadali ni Sheldon, “Pa, nag-aalala ka ba na pipiliin ng pamilya Ito na makipagtulungan sa pamilya Wade?”“Oo.” Sumagot nang tapat si Cadfan, “Sa ngayon ay nasuspende ang ocean shipping business natin. Kaya, magulo ang buong ocean shipping industry. Sa isang dako, dahil natigil ang ocean shipping business natin, may malaking demand para sa international shipping at patuloy na pagtaas ng presyo ng freight. Sa kabilang dako, karamihan sa mga cargo ship na nirentahan natin ay malapit nang ibalik sa mga may-ari nito. Sa sandaling pinakawalan natin ang mga cargo ship na ito, maglalaban ang mga pamilya at negosyo para makuha ang mga ito. Sa kanil, ang pinakamalakin
Sa sandaling natapos si Charlie sa banquet at umalis sa villa ng pamilya Moore, umalis na si Sheldon papuntang Aurous Hill.Para masigurado na makakausap niya si Yahiko sa lalong madaling panahon, inutusan niya ang tauhan niya na magreserba ng kwarto sa hotel ng Shangri-La sa ilalim ng pangalan ng tauhan niya.Alam niya na pagmamay-ari ng pamilya Wade ang Shangri-La, kaya hindi niya pwedeng hayaan na malaman ng pamilya Wade na mananatili siya sa Shangri-La. Sa parehong oras, hindi niya rin pwedeng hayaan ang pamilya Wade na malaman na pupunta siya sa Aurous Hill.Ayon sa plano niya, pagkatapos mag-book ng kwarto ng tauhan niya sa Shangri-La, mag-check in, at matanggap ang room card, hihintayin ng tauhan si Sheldon sa malapit para malampasan ni Sheldon ang check-in process at direkta siyang makapasok sa hotel room.Kahit na kailangan ng hotel na ipakita ng mga bisita ang kanilang valid ID para makapag-book ng kwarto, magagawa lang ang sistema na ito sa taong nag-book at nag-check in
Hininto ni Charlie ang kotse sa tabi ng kalsada. Nang makita siya ni Jacob, naramdaman niya na tila ba nakita niya ang tagapagligtas niya, at kumikinang ang mga mata niya sa pag-asa.Pero, sinadya ni Jacob na huwag agad kausapin si Charlie.Sa kabilang dako, nang makita ni Matilda si Charlie, ngumiti siya nang bahagya habang sinabi, “Nandito na si Charlie!”Nang makita ni Charlie si Matilda, na may suot na masikip na sports outfit sa sandaling ito, palihim niyang insip, ‘Ang Tita Hall na ito ay isa ngang idolo para sa karamihan ng mga di gaano katandang lalaki. Paano masasabi na ang kanyang katawan, hitsura, at ugali ay parang isang babae na nasa limampung taong gulang?!’Karamihan sa mga tao ay siguradong maniniwala na nasa tatlumpung taon pa lang siya.Tumango agad si Charlie bago siya ngumiti kay Matilda at sinabi, “Hello, Tita Hall.”Pagkatapos niyang magsalita, sadyang tinanong ni Charlie, “Tita Hall, narinig ko na sinabi ni papa na may sakit ka. Bakit ka lumabas para tumakb
Tumingin ang tatlo sa pinagmulan ng boses, at nakita nila ang isang maskuladong di gaano katandang lalaki na may suot nsa sports short at t-shirt habang nag-jogging papunta sa kanila.Hindi napigilan ni Charlie na tumingin sa di gaano katandang lalaki. Nasa 1.8 na metro ang tangkad niya, at may maayos na katawan siya na may mga muscle. Mukhang nasa apatnapung taon pa lang siya.Bukod dito, kaunti lang ang suot niya habang tumatakbo sa malamig na gabi. Kaya, malinaw na may magandang kalusugan ang taong ito.Ang mas bihira pa ay sobrang gwapo ng lalaking ito. May makapal at maikling buhok siya, at mukhang maganda ang istilo niya.Sa sandaling nakita ni Jacob ang lalaking ito, naging mapagbantay agad siya. Pagkatapos suriin ang lalaki mula ulo hanggang paa, hindi niya mapigilan ni Jacob na maramdaman na mas mababa siya.Dahil, isang ordinaryong limampung taong gulang na lalaki lang si Jacob kumpara sa lalaking ito. Hindi siya madalas nag-eehersisyo o sinasanay ang katawan niya, at wa
Habang nagsasalita siya, pabirong sinabi ni Yolden, “Siya nga pala, Mr. Wilson, mukhang nasa limampung taon ka na, tama?”“Oo. 50 years na ako.” Sumagot si Jacob habang tumango.Ngumiti si Yolden bago sinabi, “Kung gano’n, hindi mo ako matatawag na binata. Ilang taon akong mas matanda sa iyo. 50 years old na ako ngayong taon.”“Ano?!” Tinanong ni Jacob dahil nagulantang siya. “55 years old ka na ngayon?!”“Oo.” Ngumiti si Yolden habang sinabi, “Ipinagdiwang ko ang 55th birthday ko sa January ngayong taon.”Biglang medyo naging pangit ang ekspresyon sa mukha ni Jacob.Hindi ito dahil sa galit, ngunit dahil sa inferiority complex ni Jacob.Sa una ay akala ni Jacob na nasa 45 years old pa lang si Yolden. Pero, hindi niya talaga inaasahan na mas matanda ng limang taon ang lalaking ito sa kanya!Sa sandaling ito, tumingin si Yolden kay Matilda bago siya tinanong, “Siya nga pala, Matilda, dahil kailangan mauna ni Mr. Wilson dahil nagmamadali siya, ikaw naman? Nagmamadali ka rin bang
Sa ganitong sitwasyon, hindi madaling makapasok nang lantaran, at hindi rin magiging madali ang makapasok nang palihim. Dahil, marami ng mga guwardiya at surveillance camera na walang butas.Kahit na makalusot siya, marahil ay mahuli siya. Hindi naman siya pwedeng pumasok gamit ang dahas, tama?Napansin ng guwardiya na mukhang wala namang masamang intensyon si Charlie kaya sinabi niya, “Iho, sinasabi ko sayo, ang lugar na ito ay isang tea plantation lang at may simpleng proseso kami ng paggawa ng tsaa dito. Wala rito ang mga totoong namumunoi. Kung gusto mo talagang makipag-usap tungkol sa isang kolaborasyon, pumunta ka sa downtown area ng Pu’er. May gusali roon na tinatawag na Violet Tower, iyon ang headquarters namin. Kailangan mong magpa-appointment muna doon. Kung papayagan ka nila na bumisita dito, sila mismo ang magpapaalam sa amin.”Medyo nalungkot si Vera at marahan na hinila ang manggas ni Charlie, at sinabi, “Bakit hindi na lang muna tayo pumunta sa Pu’er at kausapin ang g
Nagpatuloy siya, “Hindi ko lang alam kung nandoon pa rin ang puno ng Pu'er tea. Kung wala na ito, baka mahirapan tayong hanapin ang eksaktong lugar.”Sinabi ni Charlie, “Ayos lang, sasamahan kita hanggang sa mahanap natin ito.”Tumango si Vera nang may pasasalamat at sinabi kay Charlie, “Kung buhay pa ang punong iyon ng Pu'er tea, dapat ay mahigit isang libong taon na ito. Siguradong ito ang pinakamalaki at pinaka masaganang puno ng tsaa dito.”Hindi niya napigilang mapabuntong-hininga at sabihin, “Pero kahit ganoon, hindi pa rin ito maikukumpara sa mother Pu'er tea tree sa Heavenly Lake na sampung libong taon ang edad.”Napangiti si Charlie, “Napakalaki ng agwat ng isang libong taon sa sampung libong taon.”Habang papalapit sila, mas naging malinaw ang mga detalye ng Mount Twint.Itinuro ni Vera nang sabik ang isang napakalago at matayog na puno ng tsaa malapit sa tuktok ng bundok at sinabi kay Charlie, “Kung hindi ako nagkakamali, sa ilalim ng punong iyon nakalibing ang abo ng
Habang lalo pang bumubuti ang kalagayan ni Jimmy, nakarating na sina Charlie at Vera sa Pu’er sa Yorkshire Hill.Ang lungsod na ito, na ipinangalan sa tsaa, ay may kasaysayang mahigit isang libong taon. Hindi lang ito naging bahagi ng sinaunang Mass Tea Street, kundi isa rin sa pinakamahalagang lugar ng produksyon ng Pu'er tea sa kasalukuyan.Noong umalis si Vera sa Diggero maraming taon na ang nakalipas, dinala niya ang abo ng kanyang mga magulang at inilibing ito sa Pu’er. Mahigit tatlong daang taon na ang lumipas mula noong huli siyang bumalik dito, kaya’t halos hindi na niya matandaan kung ano ang hitsura ng lungsod noon.Ayon kay Vera, ang tanging dinala niya mula sa Diggero ay ang mga urn ng kanyang mga magulang. Nang inilibing sila sa Pu’er, palihim siyang pumili ng isang lugar na ayon sa Feng Shui ay may pambihirang enerhiya. Wala siyang ginawang kabaong, at hindi rin siya nagtayo ng libingan o lapida.Ang paghahanap sa dalawang urn na inilibing mahigit tatlong daang taon n
Nagulat si Jameson at tinanong, “Talaga bang ganito kahigpit ang proseso ng pagbibigay ng gamot?”Tumango ang doktor at sinabi, “Sa ngayon, maraming tao sa black market ang handang magbayad ng napakalaking halaga para sa mga Apothecary Restoration Pill. Ang presyo ng isang piraso ay lampas na sa ilang milyong dolyar. Kaya, para masigurado na maiinom ng mga pasyente ang gamot, kailangan naming itala nang maingat ang bawat piraso ng Apothecary Restoration Pill. Simula ngayon hanggang sa ma-discharge ang pasyente, sa tuwing iinom sila ng gamot, isang espesyalista ang personal na magdadala at magbabantay habang iniinom ito ng pasyente.”Bigla itong naunawaan ni Jameson. Ang Apothecary Restoration Pill lang siguro ang gamot sa merkado na kayang ganap na gamutin ang anumang uri ng cancer. At dahil wala pang suplay nito sa merkado, siguradong handang magbayad ng malaking halaga ang mga mayayamang may sakit para dito. Kung walang mahigpit na kontrol sa mga gamot na ito, maaaring may isang ta
Lubos na nagulat si Jameson nang malaman niyang hindi lang pala si Charlie ang boss ng Apothecary Pharmaceutical kundi siya rin ang taong nagbigay ng pagkakataong maligtas ang kanyang anak sa panahong pinaka nangangailangan sila ng tulong.Nagsisi siya sa kamangmangan niya dati, at sa sandaling ito, nakaramdam siya ng matinding pasasalamat para kay Charlie.Ngumiti si Liam at sinabi, “Mr. Smith, wala kang dapat ipag-alala. Sinabi sa akin ni Mr. Wade na wala siya sa siyudad ngayon, kaya sa mga susunod na araw, mas mabuting ituon mo ang pansin mo sa pagsama sa paggamot ng anak mo. Kapag medyo bumuti na ang kalagayan ng anak mo at bumalik na si Mr. Wade sa Aurous Hill, siya na mismo ang mag-aayos ng inyong pagkikita.”Taos-pusong nagpasalamat si Jameson, “Kung ganoon, pakisabi kay Mr. Wade ang aming taos-pusong pasasalamat. Sobrang nagpapasalamat ang buong pamilya ko sa kabutihang-loob at pagiging mapagbigay niya!”Tumango si Liam habang pinagmamasdan ang kasalukuyang estado ni Jameso
Pagkasabi nito, dinugtungan ng doktor, “Kinuha na namin ang blood sample bago uminom ng gamot ang anak mo. Dadalhin na namin siya sa radiology department para bigyan ng contrast agent, tapos magsisimula na tayo sa full-body PET-CT scan. Pagkatapos ng CT scan, agad naming ibibigay sa kanya ang dalawang Apothecary Restoration Pills.”Nagulat si Jameson at nagtanong, “Dalawang pills agad?”Tumango ang doktor. “Oo. Dahil sa kritikal na kondisyon ni Jimmy, plano naming bigyan siya ng five-day rapid consolidation period. Sa loob ng limang araw na ito, bibigyan namin siya ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw para mapabilis ang paggaling niya. Pagkalipas ng limang araw, papasok tayo sa stabilization period, at isang pill na lang ang ibibigay natin sa kanya araw-araw hanggang sa ma-discharge siya.”Bumuntong hininga nang maluwag si Jameson. Ang pag-inom ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw sa loob ng limang araw ay siguradong malaking tulong para sa kanyang anak.
Mabilis na inayos ni Liam ang mga bagay-bagay para sa kanilang tatlo.Nilagay sina Leni at Shermaine sa adult ward, habang si Jimmy ay nilagay sa children’s ward. Si James, na ginabayan ng staff, ay nakumpleto na rin ang mga proseso ng pagpapa-ospital para sa kanyang anak, at pakiramdam niya na nananaginip siya sa buong oras.Akala niya na nawalan na ng pagkakataon ang anak niya na sumali sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical. Kanina lang, kausap niya ang kanyang asawa kung ibabalik ba nila ang kanilang anak sa United States para alagaan siya hanggang sa dulo.Sa hindi inaasahan, nagbago nang sobra ang lahat sa isang iglap.Dahil may ilang kaalaman na siya sa Apothecary Restoration Pill, ang naisip na lang ni Jameson sa sandaling ito ay maliligtas na talaga ang buhay ng anak niya.Hindi niya maiwasan na isipin kung sino ang nasa likod ng biglaang pagbabago na ito. Si Mr. Lavor ba ito, na nagkataon na nakilala ni Leni? May ganito kalaking impluwensya ba talaga siya?Haban
Sa sandaling sinabi niya ang mga ito, isang lalaki ang nagsalita, “Captain Sun, mga kaibigan ko sila, papasukin mo sila.”Lumingon ang ilang tao at napagtanto nila na ang taong nagsalita ay walang iba kundi si Liam Weaver, ang general manager ng Apothecary Pharmaceutical.Nang makita si Liam, ang security guard, na tinatawag na Captain Sun, ay sinabi agad nang magalang, “Mr. Weaver, dahil mga kaibigan mo sila, paki-rehistro ang impormasyon nila.”Ayon sa mga regulasyon ng Apothecary Pharmaceutical, ang kahit sinong panlabas na bisita ay kailangan gabayan ng internal staff. Ang bawat staff member na tumatanggap ng bisita ay dapat tapat na i-rehistro ang impormasyon para sa pamamahala, at kahit si Liam ay kailangan gawin ang patakaran na ito.Tumango si Liam at tumingin sa tatlong tao. Pagkatapos nito, ngumiti siya at sinabi, “Kilala ko si Mr. Smith. Para naman sa dalawa, pakibigay sa akin ang personal identification niyo, at irerehistro ko kayo.”Hindi napigilan ni Leni ang pananab
“Jameson Smith?!” Sinabi ni Liam dahil hindi niya napigilan ang sorpresa niya. Hindi niya maiwasang itanong, “Master Wade, pasensya na sa pagiging direkta ko, pero bakit ka nag-ayos para sa kanya?”Ngumiti si Charlie at sumagot, “Sabihin na lang natin na aksidente niyang nakuha ang isang tagong pabuya. Sinabi ko sa kanya dati na kung tapat siyang gagawa ng charity nang walang hinihinging kapalit, marahil ay bigyan siya ng pagkakataon ng Apothecary Pharmaceutical. Tanggalin na lang natin ang ‘marahil’ ngayon.”Sinabi ni Liam nang walang pag-aatubili, “Naiintindihan ko, Master Wade. Aayusin ko ang lahat ng kailangan.”Nagpatuloy si Charlie, “May dalawang kabataan pa nakilala ko nang nagkataon, kaya tadhana rin ito. Pakiayos din nang mabuti ang mga bagay-bagay para sa kanila.”Idinagdag niya, “Pero, sa sandaling naipasok na ang mga pasyente, ilagay mo ang anak ni Jameson sa pediatric ward, hiwalay sa dalawa. Huwag mong ipaalam sa kanila ang tungkol sa pagkakakilanlan ko, pero humanap