Agad na sumagot si Sophie, “Ayos lang. Kailangan mo lang ako tulungan na makausap siya, Lolo.”Pagkatapos, muling nagtanong si Sophie, “Nga pala, Lolo, kailangan ko bang pumunta ng United States para pumayag siyang tulungan ako?”“Hindi na kailangan.” Sambit ni Jefferson, “Makapangyarihan si Old Master Lennard. Kapag pumayag siyang tulungan ka, sapat na ang araw at oras ng kapanganakan mo para matanong mo sa kanya ang bagay na gusto mong malaman.”Namangha si Sophie, “Ganyan talaga siya kagaling?”Tumawa si Jefferson, “Ipinagkaloob ng mga ninuno natin ang kakayahan sa panghuhula at pagbasa ng mga bituin. Tanging kakarampot lamang sa mga modernong tao ang tunay na nakakaunawa ng kahulugan nito.”Nagpatuloy si Jefferson, “Hatinggabi na ngayon sa United States. Hindi ito ang magandang oras para kontakin natin si Old Master Lennard. Maghintay muna tayo. Tatawagan ko na lang siya kapag gabi rito para umaga roon.”Agad na tumugon si Sophie, “Salamat, Lolo! Umaasa ako sa’yo.”***Sa p
Nang marinig ito, hindi mapigilang mapabulalas ni Elaine, “Diyos ko! Aabot ng 800 hanggnag 1,000 ang bayad para sa bawat square meter?! Hindi ba mga 50 hanggang 60 milyon iyan? Masyado naman itong nakakagulat!”Ngumiti si Claire, “Ano naman ang nakakagulat diyan? May ilang mga sikat na designers sa ibang bansa ang kumikita ng ilang daang milyon para lang sa exterior design ng isang building!” Hinawakan ni Elaine ang kanyang dibdib at agad siyang nagtanong, “Anak ko, balak mo bang subukan ang project na iyan?”Matapat na sumagot si Claire, “Oo naman, gusto kong makuha ang project na ito. Pero, hindi pa masyadong malaki ang studio ko. Kapag sumubok ako na kunin ang project na ito, natatakot akong hindi ko kayang tapatan ang mga kalaban ko sa bidding and tender. Higit sa lahat, maraming paghahanda ang kailangang gawin. Kung mag-bibid ako sa project, kailangan kong ibuhos ang buong puso at kaluluwa ko para magawa nang maayos ang lahat…”Habang nagsasalitam hindi mapigilang bumuntong h
Subalit, kahit sinabi ito ni Charlie, nakapagpasya na talaga siya sa isip niya na sabihan si Doris na ibigay ang project kay Claire.Matapos ang lahat, siya ang may-ari ng Emgrand Group. Dahil interesado ang asawa niya sa project na ito, natural lang na dapat niyang bigyan ng oportunidad si Claire para makapag-ensayo ng kakayahan niya.Sumunod, sinabihan niya si Claire, “Claire, hindi mo kailangang mag-alala sa bagay na ito. Gawin mo lang ang lahat ng preparasyon. Naniniwala akong magagawa mo ito!”“Salamat!” Tumango si Claire, “Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang malaking project na ito!”Pagkatapos ng tanghalian, bumalik na si Claire sa kumpanya. Sa pagkakataong ito, bumalik na si Charlie sa kwarto niya para tawagan si Doris.Nang sagutin ni Doris ang tawag, agad siyang nagsalita, “Young Master, tumawag ka para sabihin sa akin ang bidding project na gustong makuha ng asawa mo, tama ba?”Tumawa si Charlie, “Tama ang hula mo.”Agad na tumugon si Doris, “Young Mas
Tuwang-tuwa si Aurora nang malamang gagawa na naman si Charlie ng mga pills niya.Hindi siya natutuwa dahil gusto niyang maregaluhan ng magical pills ni Charlie. Sa halip, masaya siya dahil pinakiusapan siya ng tatay niya na ihatid ang mga medicinal herbs at mga materyales na kailangan ni Charlie sa bahay nito. Sa ganitong paraan, magkakaroon siya ng oportunidad na makita si Charlie.Sa pagkakataong ito, sinasayang lamang ni Aurora ang kanyang bakasyon sa pananatili sa bahay. Maliban sa kanyang routine training bawat araw, wala siyang ibang ginagawa. Kaya, hindi niya mapigilang mabagot sa buong bakasyon niya.Gusto niya talagang maghanap ng oportunidad para makita si Charlie o kaya makiusap rito na bigyan siya ng pointers. Subalit, narinig niyang masyadong abala si Charlie kamakailan lang. Nahihiya siyang pumunta roon para hanapin ito dahil siguradong magiging istorbo lang siya.Mabuti na lang mapagsasamantalahan niya ang pagkakataong ito para makita si Charlie kapag naghatid siya
“Mabuti naman!” Ngumiti nang malambing si Aurora saka niya inabot ang medicine box at ang pulang sandalwood box kay Charlie. Pagkatapos, nagsalita siya, “Master Wade, lahat ng mga medicinal herbs at materyales na kailangan mo ay nasa loob ng medicine box. Hinanda ni papa ang lahat para sa’yo. May premium purple ginseng rin na apat na daang taon na ang tanda sa loob ng pulang sandalwood box. Nagkataon lang na nakuha ito ni papa, naniniwala siyang makakatulong ang premium purple ginseng na ito sa’yo. Kaya, sinabihan niya akong dalhin ito para iabot bilang regalo…”Nasorpresa nang kaunti si Charlie, “Isang premium purple ginseng na higit sa apat na daang taon ang tanda?! Paano napunta sa kamay ng papa mo ang ganitong klase ng kakaibang item?”Sumagot si Aurora, “Hindi ko rin alam. Madalas marami siyang paraan para kumuha ng mga medicinal herbs at iba pang mga materyales. Marami sa mga top suppliers ng medicinal herbs sa bansa ang direktang nagbebenta ng mga materyales sa kanya. Kapag na
Dahil gustong imbitahan ni Charlie si Aurora sa loob ng bahay niya, tumango na lamang siya saka niya sinundan ang lalaki papunta sa loob ng villa.Pagkapasok, pinaupo ni Charlie si Aurora sa sopa sa sala. Pagkatapos, inilabas niya ang tea set para paghandaan ng tsaa ang babae.Marahang hinawakan ni Aurora ang tasa ng tsaa na ginawa ni Charlie para sa kanya. Sumunod, nagsalita siya, “Nga pala, Master Wade, binisita ko si Jasmine dalawang araw ang nakararaan!”“Talaga ba?” Napatanong si Charlie, “Binisita mo ba siya sa kumpanya o sa bahay niya?”“Pumunta ako sa bahay niya.” Dagdag ni Aurora, “Nag-aalala akong masama ang pakiramdam ni Jasmine pagkatapos ng lahat ng pinagadaanan niya kaya pumunta ako sa bahay nila para bisitahin siya.”Tumango nang bahagya si Charlie. Sa pagkakataong ito, naalala niyang hindi pa sila nagkikita ni Jasmine pagkatapos niya itong tulungang makabalik sa kanyang posisyon bilang tagapagmana ng pamilya Moore at resolbahan ang krisis na nangyari. Kaya, tinanon
Pagkatapos ihatid si Aurora sa labas ng bahay at panoorin itong umalis, dinala ni Charlie ang mga medicinal herbs at materyales na inabot ng babae papunta sa kwarto nila ni Claire sa 2nd floor.Sapat na ang mga medicinal herbs at mga materyales na hinatid ni Aurora ngayon para makagawa siya ng isang batch ng Healing Pills pati na rin isang batch ng Rejuvenating Pills.Hindi niya na magagamit ang Healing Pill sa sarili niya. Pero, malaki ang maitutulong nito sa isang ordinaryong tao. Nang maaksidente si Jasmine sa Japan, ang Healing Pill ang nagligtas ng buhay niya.Para naman sa Rejuvenating Pill, balak ni Charlie na gumawa pa ng isa pang batch nito. Bibigyan niya ng isang Rejuvenating Pill si Graham at itatago niya naman ang natitira sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.Gumawa si Charlie ng 30 na ordinaryong Healing Pills at 30 rin na Rejuvenating Pills.Nang makita niya ang mga bago niyang gawang pills, bigla niyang naalala ang kanyang biyenan na si Elaine.Sa tot
Nasorpresa si Jefferson nang marinig ito pero hindi niya mapigilang mapuno ng tuwa.Tumawa siya saka siya sumagot, “Old Master Lennard, narinig kong kayang pumatay ng maraming magagaling na ninjas ng taong ito. Hindi mapapantayan ang lakas niya. Normal lang siguro na maging malupit ang tadhana sa kanya, tama ba?”Taimtim na tumugon si Chandler, “Jefferson, marami sa mundo ang may malulupit na tadhana sa buhay. Kahit ang mga biyuda ay may tadhana na kasing tigas ng bakal. Subalit, pambihira ang kahit sinong may tadhana ng True Dragon. Kung nasa sinaunang panahon tayo, masasabing siya ang crown prince ng isang bansa o kaya isang magaling na heneral. Kahit anong mangyari, isa lang ang masasabi ko, hindi ordinaryo ang taong ito!”Natahimik si Jefferson sa loob ng ilang sandali saka siya seryosong nagsalita, “Old Master Lennard, gusto talagang mahanap ng apo ko ang taong ito. Baka naman pwede mo kaming bigyan ng kaunting impormasyon…”Bumuntong hininga si Chandler, “Mas mataas ang tadha
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma