Subalit, kahit sinabi ito ni Charlie, nakapagpasya na talaga siya sa isip niya na sabihan si Doris na ibigay ang project kay Claire.Matapos ang lahat, siya ang may-ari ng Emgrand Group. Dahil interesado ang asawa niya sa project na ito, natural lang na dapat niyang bigyan ng oportunidad si Claire para makapag-ensayo ng kakayahan niya.Sumunod, sinabihan niya si Claire, “Claire, hindi mo kailangang mag-alala sa bagay na ito. Gawin mo lang ang lahat ng preparasyon. Naniniwala akong magagawa mo ito!”“Salamat!” Tumango si Claire, “Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang malaking project na ito!”Pagkatapos ng tanghalian, bumalik na si Claire sa kumpanya. Sa pagkakataong ito, bumalik na si Charlie sa kwarto niya para tawagan si Doris.Nang sagutin ni Doris ang tawag, agad siyang nagsalita, “Young Master, tumawag ka para sabihin sa akin ang bidding project na gustong makuha ng asawa mo, tama ba?”Tumawa si Charlie, “Tama ang hula mo.”Agad na tumugon si Doris, “Young Mas
Tuwang-tuwa si Aurora nang malamang gagawa na naman si Charlie ng mga pills niya.Hindi siya natutuwa dahil gusto niyang maregaluhan ng magical pills ni Charlie. Sa halip, masaya siya dahil pinakiusapan siya ng tatay niya na ihatid ang mga medicinal herbs at mga materyales na kailangan ni Charlie sa bahay nito. Sa ganitong paraan, magkakaroon siya ng oportunidad na makita si Charlie.Sa pagkakataong ito, sinasayang lamang ni Aurora ang kanyang bakasyon sa pananatili sa bahay. Maliban sa kanyang routine training bawat araw, wala siyang ibang ginagawa. Kaya, hindi niya mapigilang mabagot sa buong bakasyon niya.Gusto niya talagang maghanap ng oportunidad para makita si Charlie o kaya makiusap rito na bigyan siya ng pointers. Subalit, narinig niyang masyadong abala si Charlie kamakailan lang. Nahihiya siyang pumunta roon para hanapin ito dahil siguradong magiging istorbo lang siya.Mabuti na lang mapagsasamantalahan niya ang pagkakataong ito para makita si Charlie kapag naghatid siya
“Mabuti naman!” Ngumiti nang malambing si Aurora saka niya inabot ang medicine box at ang pulang sandalwood box kay Charlie. Pagkatapos, nagsalita siya, “Master Wade, lahat ng mga medicinal herbs at materyales na kailangan mo ay nasa loob ng medicine box. Hinanda ni papa ang lahat para sa’yo. May premium purple ginseng rin na apat na daang taon na ang tanda sa loob ng pulang sandalwood box. Nagkataon lang na nakuha ito ni papa, naniniwala siyang makakatulong ang premium purple ginseng na ito sa’yo. Kaya, sinabihan niya akong dalhin ito para iabot bilang regalo…”Nasorpresa nang kaunti si Charlie, “Isang premium purple ginseng na higit sa apat na daang taon ang tanda?! Paano napunta sa kamay ng papa mo ang ganitong klase ng kakaibang item?”Sumagot si Aurora, “Hindi ko rin alam. Madalas marami siyang paraan para kumuha ng mga medicinal herbs at iba pang mga materyales. Marami sa mga top suppliers ng medicinal herbs sa bansa ang direktang nagbebenta ng mga materyales sa kanya. Kapag na
Dahil gustong imbitahan ni Charlie si Aurora sa loob ng bahay niya, tumango na lamang siya saka niya sinundan ang lalaki papunta sa loob ng villa.Pagkapasok, pinaupo ni Charlie si Aurora sa sopa sa sala. Pagkatapos, inilabas niya ang tea set para paghandaan ng tsaa ang babae.Marahang hinawakan ni Aurora ang tasa ng tsaa na ginawa ni Charlie para sa kanya. Sumunod, nagsalita siya, “Nga pala, Master Wade, binisita ko si Jasmine dalawang araw ang nakararaan!”“Talaga ba?” Napatanong si Charlie, “Binisita mo ba siya sa kumpanya o sa bahay niya?”“Pumunta ako sa bahay niya.” Dagdag ni Aurora, “Nag-aalala akong masama ang pakiramdam ni Jasmine pagkatapos ng lahat ng pinagadaanan niya kaya pumunta ako sa bahay nila para bisitahin siya.”Tumango nang bahagya si Charlie. Sa pagkakataong ito, naalala niyang hindi pa sila nagkikita ni Jasmine pagkatapos niya itong tulungang makabalik sa kanyang posisyon bilang tagapagmana ng pamilya Moore at resolbahan ang krisis na nangyari. Kaya, tinanon
Pagkatapos ihatid si Aurora sa labas ng bahay at panoorin itong umalis, dinala ni Charlie ang mga medicinal herbs at materyales na inabot ng babae papunta sa kwarto nila ni Claire sa 2nd floor.Sapat na ang mga medicinal herbs at mga materyales na hinatid ni Aurora ngayon para makagawa siya ng isang batch ng Healing Pills pati na rin isang batch ng Rejuvenating Pills.Hindi niya na magagamit ang Healing Pill sa sarili niya. Pero, malaki ang maitutulong nito sa isang ordinaryong tao. Nang maaksidente si Jasmine sa Japan, ang Healing Pill ang nagligtas ng buhay niya.Para naman sa Rejuvenating Pill, balak ni Charlie na gumawa pa ng isa pang batch nito. Bibigyan niya ng isang Rejuvenating Pill si Graham at itatago niya naman ang natitira sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.Gumawa si Charlie ng 30 na ordinaryong Healing Pills at 30 rin na Rejuvenating Pills.Nang makita niya ang mga bago niyang gawang pills, bigla niyang naalala ang kanyang biyenan na si Elaine.Sa tot
Nasorpresa si Jefferson nang marinig ito pero hindi niya mapigilang mapuno ng tuwa.Tumawa siya saka siya sumagot, “Old Master Lennard, narinig kong kayang pumatay ng maraming magagaling na ninjas ng taong ito. Hindi mapapantayan ang lakas niya. Normal lang siguro na maging malupit ang tadhana sa kanya, tama ba?”Taimtim na tumugon si Chandler, “Jefferson, marami sa mundo ang may malulupit na tadhana sa buhay. Kahit ang mga biyuda ay may tadhana na kasing tigas ng bakal. Subalit, pambihira ang kahit sinong may tadhana ng True Dragon. Kung nasa sinaunang panahon tayo, masasabing siya ang crown prince ng isang bansa o kaya isang magaling na heneral. Kahit anong mangyari, isa lang ang masasabi ko, hindi ordinaryo ang taong ito!”Natahimik si Jefferson sa loob ng ilang sandali saka siya seryosong nagsalita, “Old Master Lennard, gusto talagang mahanap ng apo ko ang taong ito. Baka naman pwede mo kaming bigyan ng kaunting impormasyon…”Bumuntong hininga si Chandler, “Mas mataas ang tadha
Tumango si Chandler nang bahagya saka siya seryosong nagsalita, “Oras na para tumigil siya sa kanyang paghahanap. Kung hindi, magiging malupit lang ang kahihinatnan niya. Siya lang ang masasaktan sa dulo.”Paulit-ulit na pinasalamatan ni Jefferson si Chandler saka niya mabilis na ibinaba ang tawag. Sumunod, agad niyang tinawagan si Sophie gamit ang video call.Gumamit ng video call si Jefferson dahil alam niyang kapag sinagot ni Sophie ang tawag, magagamit niya ang speaker ng gadget niya. Sa ganitong kaso, hindi lamang si Sophie ang makakarinig ng sasabihin niya, pero pati na rin ang anak niyang si Helen at ang apo niyang si Jaime. Maririnig nila ang lahat ng gusto niyang iparating.Natatakot si Jefferson dahil alam niyang hindi naniniwala si Sophie sa mga hula at kapalaran. Kung sasabihin niyang may mga tigre sa bundok, hindi aatras ang apo niya, sa halip, susugod pa ito diretso sa pinamamahayan ng mga mabangis na hayop.Kaya, gusto niyang ipaalam ang bagay na ito sa harap ni Hele
“Ano?!”Sa sandaling narinig ni Sophie na pinapatigil ng kanyang lolo ang paghahanap niya sa kanyang tagapagligtas, hindi niya maintindihan ang layunin niya. Kaya, tinanong niya nang mausisa, “Bakit, Lolo?”Sumagot nang malabo si Jefferson, “Hindi maganda para sayo na hanapin siya. Kaya, mas mabuti kung kalimutan mo na lang ito.”Kumunot ang noo ni Sophie, at sobrang mapilit siya habang sinabi, “Lolo, ang taong hinahanap ko ay ang tagapagligtas namin ng kapatid ko! Niligtas niya ang buhay namin! Kaya, kahit ano pa, patuloy ko siyang hahanapin. Hindi ako susuko kahit na hindi ko siya mahanap!”Medyo nabalisa si Jefferson habang taimtim siyang sumagot, “Hindi ito tungkol sa kung mahahanap mo ba siya o hindi! May kinalaman ito sa kaligtasan mo sa hinaharap!”Hindi nakumbinsi si Sophie, at tinanong niya, “Kaligtasan ko? Anong kinalaman nito sa kaligtasan ko sa hinaharap?”Seryosong sumagot si Jefferson, “Sinabi ni Old Master Lennard na taliwas ang kapalaran mo sa kanya. Sa sandaling
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl