Alam ni Jasmine na totoo ang sinasabi ng kabilang panig.Sa totoo lang, isang top-notch steel group ang Nippon Steel at talagang sikat ito sa kahit anong bansa.Ang kanilang kakayahan at karanasan sa paggawa ng special steels ay masasabing isa sa pinakamagagaling sa mundo.Halimbawa sa usapang militar.Matindi at mabusisi ang mga requirements para sa isang simpleng baril at artilerya nito.Kung maganda ang materyal na gagamitin, magtatagal ang baril at magiging tumpak ang tama nito. Samantala, kung hindi maganda ang materyal, imposible ang mga benepisyong nabanggit. Sa madaling salita, imposibleng maabot ng baril ang kanyang pinakamataas na potensyal.Iilan sa mga baril ang pinapalitan na agad pagkatapos ng isang libong pagpapaputok. Kailangan na itong palitan dahil hindi maganda ang materyal na ginamit.Pero may iba pang mas malala. Ilang mga baril ang natatapos na ang buhay pagkatapos lamang ng ilang daang rounds. Kapag hindi naingatan nang mabuti, may posibilidad rin na sumab
‘Subalit, kapag isinuko ko ang controlling rights, magiging katumbas ito ng pagsuko ko sa awtonomiya ng kumpanya. Sa hinaharap, kung ang Nippon Steel ang bahalang magdesisyon para sa kumpanya, mawawalan ng kapangyarihan ang pamilya Moore. Kung iyan ang kaso, bakit pa ako magsasayang ng pagod…’Nang makita ni Kazumi na hindi alam ni Jasmine ang gagawin niya, ngumiti siya saka siya nagsalita, “Miss Moore, hindi natin kailangang magmadali. Pwede ka munang umuwi at pag-isipan ito. Mag-usap na lang ulit tayo bukas. Ano sa tingin mo?”Nag-alangan si Jasmine sa loob ng ilang sandali saka siya marahang tumango.Alam niyang wala talaga siyang advantage sa negosasyong ito.Kapag nagpatuloy sila sa kanilang diskusyon, malalagay lamang siya sa isang malalang puwesto. Baka umabot pa sa puntong kailangan niyang isuko ang interes ng Moore Group.Maihahalintulad ang sitwasyon sa pagbili ng isang gamit sa isang tindahan. Kung kinakabahan ang nagbebenta, natural na bibigyan niya ng mas mataas na po
Nakatitig si Reuben sa ilog sa labas ng kanyang bintana. Sumunod, ngumiti siya nang bahagya saka siya nagsalita, “Mr. Hashimoto, narinig kong hindi masyadong maganda ang takbo ng diskusyon niyo ng kapatid ko tungkol sa collaboration at partnership.”Tumawa si Kazumi saka siya sumagot, “Mukhang sumusobra ang kapatid mo nang kaunti. Gusto niya ng collaboration sa Nippon Steel, pero ayaw niyang ibigay sa amin ang 51% ng shares para sa controlling rights. Pwede bang mangyari iyan? Kahit makipagsosyo ako sa kahit sino, wala pa ring terms ang hihigit sa ibinigay mo sa akin Mr. Moore! Mas maganda ang iniaalok mo!”Tumawa si Reuben saka siya sumagot, “Syempre naman. Lagi talagang hindi marunong ang mga babae sa ganito, kaya mahirap rin silang suyuin. Basta ba ako ang piliin mo, ibibigay ko ang 51% ng shares sa Nippon Steel. Bukod pa roon, bibigyan pa kita ng 9% ng shares sa 49% na mayroon ako. Palihim ko itong ibibigay sa iyo!”Sabik na tumugon si Kazumi, “Mr. Moore, masyado kang mapagbigay
Nagbago ang pakikitungo ni Kazumi kay Jasmine kumpara kahapon.Hindi niya agad tinanggihan ang proposal ni Jasmine gaya ng kahapon. Sa halip, nagsimula siyang magpaligoy-ligoy habang kausap ang babae.Malabo ang kanyang sagot sa maraming aspeto, pero hindi rin siya pumayag o tumanggi sa lahat ng punto. Hindi alam ni Jasmine ang gagawin dahil hindi nakikinig si Kazumi nang mabuti sa kanyang rason at ayaw rin nitong magpadala sa kanyang puwersa.Parehong nagpatuloy ang negosasyon sa pagitan ng dalawa mula umaga hanggang gabi. Binago na ni Jasmine profit-sharing portion para sa Nippon Steel kung saan magkakaroon ng income rights ang kabilang panig sa halagang 65% sa unang limang taon, ganoon pa man, tumanggi pa rin si Mr. Hashimoto sa kanyang proposal.Sa puntong ito, wala na talagang ideya si Jasmine kundi ilabas ang kanyang alas, “Mr. Hashimoto, mukhang ayaw talaga nating magpaawat pagdating sa controlling rights. Ganito na lang kaya? Magkakaroon ang dalawang panig ng parehong 50% s
Mabigat talaga ang loob ni Jasmine sa puntong ito.Hindi niya inaakalang mahirap kausap ang Nippon Steel pagdating sa negosasyon.Dagdag pa roon, lagi siyang nasa mas mababang posisyon habang pinag-uusapan nila ang buong proseso. Naghanda siya ng maraming plano at inihayag niya rin ang alas niya. Pero, sa huli, mukhang hindi magiging matagumpay ang collaboration na ito.Hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding pagkadismaya sa loob ng kanyang puso.May kutob siya na mahihirapan siyang makuha ang resultang gusto niya para sa partnership na ito.Siguro, kailangan niyang bumalik nang walang kahit anong nakukuhang benepisyo.Sinabi ni Jasmine ang tungkol sa kanyang iniisip na mangyayari sa group chat ng kanilang pamilya habang pauwi siya ng hotel.Kahit dismayado nang kaunti si Lord Moore, nagpatuloy siya sa paghihikayat kay Jasmine: [Jasmine, hindi mo dapat masyadong pagurin ang sarili mo. Huwag kang ma-pressure sa posibleng collaboration natin sa Nippon Steel. Makakabuti sa at
Nasorpresa nang kaunti si Jasmine at hindi niya mapigilang magtaka, ‘Bakit ako tinatawagan ni Mr. Hashimoto sa ganitong oras ng gabi?! Hindi kaya… Hindi kaya nakapagdesisyon na sila tungkol sa collaboration at partnership?!’Nang maisip ito, hindi mapigilang kabahan nang kaunti ni Jasmine. Agad niyang sinagot ang tawag saka siya nagtanong, “Mr. Hashimoto, dis-oras na ng gabi. May dahilan ba kung bakit mo ako tinatawagan?”Ngumiti si Kazumi, “Miss Moore, nasabi ko na sa chairman namin ang final proposal mo para sa collaboration ngayong araw. Naantig siya sa katapatan mo at sinabihan niya akong ipaalam sa iyo na pipirmahan niyo na ang kontrata ngayong gabi. Kailangan nating maging epektibo at mabilis para maresolbahan ang kahit anong komplikadong problema na pwedeng lumitaw sa hinaharap!”Hindi inaakala ni Jasmine na maririnig niya ang isang magandang balita na kanina niya pa hinihintay. Gulat siyang nagtanong, “Mr. Hashimoto, totoo ba ang sinasabi mo?!”Tumawa si Kazumi saka siya su
Agad na bumiyahe paalis ng Tokyo ang kotseng sinasakyan ni Jasmine. Nagpatuloy ito papunta sa bulubunduking bahagi sa kanluran ng Tokyo.Kahit maraming mga bulubundukin sa Japan, ang capital city nila ay matatagpuan sa Kanto Plain. Kaya, nasa kapatagan ang buong Tokyo at walang kahit anong mga bundok sa siyudad. Kapag dadayo lamang ng Nishitama District saka masisilayan ang mga bulubundukin ng Japan. Kailangang bumiyahe ng ilang kilometro sa kanluran ng Tokyo para masaksihan ang senaryong ito.Matarik ang daan patungo sa bulubundukin ng Tokyo, pero maganda naman ang mga kalye. Hindi nahirapan ang driver ni Jasmine na magmaneho sa matarik na daan sa kabila ng dami ng mga liko habang paakyat sila sa itaas.Dahil nasa bundok sila at gabi na, halos wala nang ibang sasakyan na dumadaan sa paliku-likong kalsada na dose-dosenang kilometro ang haba. Kung may titingin man mula sa langit, tanging ang kotseng sinasakyan nila Jasmine ang makikita na nakabukas ang mga ilaw habang bumibiyahe sa m
Sa lakas ng banggaan, nawasak ang buong engine compartment sa harap ng front seat ng sinasakyan nila Jasmine!Agad na namatay ang driver pati na rin ang isa pang assistant ni Jasmine na nakaupo sa passenger seat!Nakaupo si Jasmine sa gitna ng kotse. Mabuti na lang, nakasuot siya ng seat belt. Kaya, nang bumangga ang trak sa sinasakyan nila, nagawa niyang makahawak nang mabuti sa kanyang inuupuan sa tulong ng seat belt.Subalit, sa lakas ng tama nito sa kanila, apat sa ribs ni Jasmine ang nabali!Sa tabi ni Jasmine, hindi maganda ang kondisyon ni Zahra!Tinamad siya nang kaunti pagkapasok kanina, at pakiramdam niya hindi niya na kailangang magseatbelt dahil nasa likod naman siya ng kotse. Kaya, napalipad si Zahra sa lakas ng bangaan at direktang tumama ang kanyang katawan sa likod ng passenger seat!Sa pagkakataong ito, sugatan ang ulo ni Zahra at malala ang kanyang kalagayan. Agad na nawalan ng malay si Zahra at nacomatose siya.Samantala, matinding sakit naman ang nararamdaman
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka