Medyo manhid na si Charlie sa walang tigil na pagtatapat ni Loreen sa kanya sa puntong ito.Kaya, tinrato niya na lang na para bang nagbibiro lang si Loreen sa kanya. Binago niya ang paksa at tinanong siya, “Siya nga pala, nagbibisikleta ngayon ang pinsan mong si Dylan. Kaya, nasaan na siya ngayon?”Ngumuso si Loreen sa pagkadismaya. Alam niya na iniiwasan siya ni Charlie sa mga emosyonal na bagay na ito. Kaya, nasanay na siya sa kilos ni Charlie. Nang makita niya na iniba niya ang paksa, sumunod siya at sinabi, “Narinig ko na dumating na siya sa Johnsrines Bay kaninang umaga. Pero, narinig ko na nagkaroon siya ng lagnat pagkatapos matulog sa ilalim ng tulay kagabi.”Sinabi ni Charlie habang may kaunting ngiti, “Kapag dumating siya sa Aurous Hill, malaki ang magiging pag-unlad ng pisikal na katawan niya.”Humagikgik si Loreen habang sinabi, “Sa totoo lang, mukhang magandang bagay para sa kanya ang parusa mo. Karaniwan ay sobrang yabang at dominante ng pinsan ko. Madalas siyang guma
Tumawa si Loreen habang sinabi, “Naiintindihan ko!”Ngumiti si Claire at sinabi, “Nagkataon lang na wala akong gagawin ngayong araw. Pupunta ako sa airport para sunduin kayong dalawa mamaya.”“Okay!” Ngumiti si Loreen habang sinabi niya ito. “Kailangan kong abalahin ang maganda kong kaibigan na pumunta sa airport kung gano’n.”Tumawa si Claire habang sinabi, “Bakit sobrang galang mo sa akin? At saka, hindi ako pupunta sa airport para lang sunduin ko. Gusto ko ring sunduin si Charlie.”Sumagot si Loreen, “Okay. Alam ko na gusto mong sunduin si Charlie, at susunduin mo lang ako sa daan, tama?”Ngumiti si Claire at sinabi, “Oo!”“Okay, okay.” Sumagot nang walang magawa si Loreen, “Kuntento na ako na masusundo mo ako sa daan!”Sumagot si Claire, “Kung gano’n hindi ko na kayo kakausapin. Magkita na lang tayo sa airport mamaya!”“Okay!”…Pagkatapos ng dalawang oras na biyahe, nakarating nang maayos ang eroplano sa Aurous Airport.Nang lumabas sina Charlie at Loreen sa airport nan
Pagkatapos nilang umalis sa airport, minaneho ni Charlie ang BMW ni Claire at hinatid muna si Loreen sa Shangri-La.Sa daan pauwi, gustong imbitahin ulit ni Claire si Loreen na manatili sa kanilang villa. Pero, tumanggi si Loreen.Kahit na mas mapapalapit si Loreen kay Charlie kung titira siya sa villa sa Thompson First, natatakot siya kina Elaine at Jacob. Nakakatakot isila nang sobra at kaya nilang baguhin ang pananaw ng isang tao kapag nag-away sila. Sobrang hindi akma para sa isang tagalabas na makita ang eksenang ito.Bukod dito, noon pa man ay nararamdaman na ni Loreen na may time bomb sa pamilya Wilson.Ang time bomb na iyon ay walang iba kundi ang unang mahal ni Jacob, si Matilda.Walang alam si Elaine tungkol sa pagbabalik ni Matilda, pero sobrang tindi na ng away at pagtatalo nila ni Jacob. Kung malalaman niya ang tungkol dito, siguradong mas magiging malala ang drama sa kanilang bahay.Kaya, naramdaman niya na hindi dapat siya manatili sa villa sa Thompson First para h
Habang nagsasalita siya, biglang may naalala si Charlie at sinabi nang nagmamadali, “Siya nga pala, mahal. Pagkatapos kong umuwi ngayon, magpapahinga ako ng isa o dalawang araw. Pagkatapos, kailangan kong pumunta sa Japan sa lalong madaling panahon. Sinabi ko na sayo dati na may kliyente ako sa Japan na inuudyok akong pumunta doon.”Tumango si Claire bago tinanong, “Gaano katagal kang mawawala? Kalahating buwan na lang bago mag Bagong Taon, at maraming unit na ang naghahanda para sa holiday. Baka pwede ka munang magpahinga bago ka ulit magtrabaho pagkatapos ng New Year.”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Nangako na ako sa kabila na pupunta ako doon kaya paano ko magagawang iurong ito sa huling sandali? Makasisiguro ka na matatapos ako ng ilang araw lang. Sa totoo lang, hindi masyadong malayo ang Japan sa Oskia. Kung pupunta ako sa Japan direkta sa Aurous Hill, nasa dalawang oras lang ang biyahe ng eroplano.”“Okay…” Bahagyang tumango si Claire bago sinabi, “Kung gano’n, kailangan m
Ngumiti nang walang pakialam si Charlie nang makita niya ang sabik na ekspresyon sa mukha ni Elaine. Pagkatapos buksan ang pinto sa likod ng kotse, nilabas niya ang maraming Hermes gift box.Nang makita ni Elaine ang napakaraming Hermes box, biglang lumaki ang mga mata niya sa sorpresa. Kahit ang mga mata niya ay kumikinang sa sandaling ito.Sa kailaliman ng puso niya, sabik na sabik siya, at hindi niya mapigilang sabihin sa isipan niya. ‘Jusko! Hermes! Sobrang mahal ng mga Hermes bag. Marahil ay hindi papayag si Charlie na bilhin ito para sa akin. Pero, kahit ang Hermes scarf ay nasa sampu-sampung libong dolyar na!’Kaya, lumapit agad si Elaine. Habang tinatakpan ang kanyang bibig sa saya, sinabi niya, “Oh! Oh! Hermes! Mabuti kong manugang, sobrang mapagbigay mo! Anong binili mo para sa mama mo sa Hermes?”Pinili ni Charlie ang ilang magkakaibang laki na gift box. Binigay niya ang mga ito kay Elaine at sinabi, “Ma, ang malaking box ay isang Hermes bag na bagay na bagay sa iyo. Bak
Tumango si Charlie at sinabi, “Nasa dalawampu o tatlumpung libong dolyar.”“Oh! Manugang ko, sobrang mapagbigay ka talaga! Binilhan mo ako ng napakamahal na scarf! Kaya ko nang bumili ng isang mink coat gamit ang dalawampu o tatlumpung libong dolyar!”Pagkatapos, binuksan ni Elaine ang isa pang gift box bago sinabi, “Oh! Ito ang classic Hermes belt na pangbabae! Mabuti kong manugang, ilang taon ko nang gusto ang sinturon na ito pero nag-aalangan ako nang sobra na bilhin ito. Hindi ko talaga inaasahan na tutuparin mo ang mga pangarap ko para sa akin…”Si Jacob, na nakatayo sa gilid, ay medyo nainggit at nagselos. Hindi niya napigilang itanong, “Mabuti kong manugang, hindi ka ba naghanda ng regalo para sa papa mo?”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Syempre, naghanda ako! May ilang regalo ako para sayo.”Habang nagsasalita siya, binigay ni Charlie ang dalawang Hermes gift box kay Jacob.Habang hinahampas ang kanyang mga hita sa saya, sinabi nang sabik ni Jacob, “Oh! Naghanda ka rin
Nang ipinakita ni Jacob kay Charlie ang Rolex na natanggap niya mula kay Matilda sa kotse, nakaupo rin si Claire sa likod.Kaya, naintindihan niya kung bakit nanghingi ng Rolex ang kanyang ama kay Charlie sa sandaling ito. Isa lang itong pormalidad, dahil gusto niyang humanap ng pagkakataon na isuot nang lantaran ang Lorex na ibinigay sa kanya ni Matilda.Sa sandaling ito, kahit na medyo hindi komportable si Claire, nag bulag-bulagan na lang siya sa sitwasyon nang maalala niya ang nakaraan ng kanyang ama at ina, at lahat ng paghihirap na dinanas at tiniis ng kanyang ama sa mga nagdaang taon.Pero, hindi talaga inaasahan ni Claire na makikisali ang kanyang ina sa sandaling ito. Humiling pa siya kay Charlie na bilhan siya ng Rolex.Sinabi niya nang nagmamadali kay Elaine, “Ma, kadalasan ay mga lalaki ang nagsusuot ng Rolex. Hindi ito magandang tingnan sa iyo. Kung gusto mo talaga ng mga relo, pwede kitang bilhan ng pambabaeng Tissot watch para sayo sa susunod.”Sumagot nang nandidir
Nagpasalamat si Claire, “Salamat, mahal, pero sa hinaharap, hindi ka dapat gumastos nang marangya para sa akin nang ganito…”Alam ni Charlie na siguradong hindi matatanggap ni Claire ang mga napakamahal na regalo. Kaya, ngumiti lang siya at sinabi, “Okay, naiintindihan ko. Bibilhan kita ng mga mas abot-kayang regalo sa hinaharap.”…Pagkatapos pumasok sa bahay, nagmamadaling nilagay ni Elaine ang lahat ng Hermes na regalo na ibinigay sa kanya ni Charlie sa sahig ng living room.Habang inayos nang mabuti ang mga regalo at package box, nilabas niya ang kanyang cellphone para kumuha ng iba’t ibang litrato mula sa iba’t ibang anggulo. Pagkatapos, pumili siya ng siyam na litrato na pinaka nagustuhan niya at agad niya itong in-upload sa kanyang social media na may caption na: “Pumunta ang mabuting manugang na lalaki ko sa Eastcliff para magtrabaho at binigyan niya ako ng napakaraming Hermes na regalo pagkatapos umuwi! Sobrang saya ko!”Bumugso agad ang mga likes at comment sa social m
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro