Umiling lang si Charlie nang makita niyang bumuntong hininga si Jacob.Kaunti pa lang ng mundo ang nakikita ng kanyang biyenan na lalaki.Noong naglalaro siya ng mga antigo, kaya niya lang bumili ng mga pekeng antigo. Ganito rin pagdating sa mga dahon ng tsaa.Ang pangunahing dahilan ay dahil sobrang baba talaga ng katayuan niya sa pamilya Wilson at kailanman ay hindi siya pinahalagahan ni Lady Wilson dati. Pagkatapos, inaapi siya ni Elaine sa napakaraming taon. Hindi siya nabuhay nang kuntento at kaunti lang din ang pera niya.Buti na lang, medyo may magandang pagkatao si Jacob. Kung ibang tao ito, na-depress na sila dahil hindi nila kinaya ang sitwasyon.Habang masayang tinitikman ni Charlie at ng pamilya niya ang pino at premium na dahon ng tsaa, naghahanda ng tanghalian si Hannah para sa pamilya sa Villa A04 sa kabila.Kinamumuhian na ng pamilyang ito si Hannah dahil nabuntis siya ng supervisor sa coal mine, at dahil nahawaan niya si Christopher ng ilang venereal disease.Pe
Sa sandaling ito, biglang binuksan ang pinto.Inalalayan ni Christopher ang matandang babae habang sila muna ang pumasok sa villa. Nakasunod sa likod nila sina Harold at Wendy.May suot na eleganteng mink coat ang matandang babae. Maliwanag ang kanyang mukha, kumikinang sa mabuting kalusugan at mukhang sobrang saya niya.Simula noong nabuhay ulit ang Wilson Group, araw-araw na naging masigla si Lady Wilson at kumikinang ang kanyang mukha sa liwanag, tila ba kakakain niya lang ng isang Rejuvenating Pill.Sa sandaling pumasok siya sa villa, binuksan ni Lady Wilson ang kanyang bibig at sinabi, “Oh! Kahit na hindi na masyadong maganda ang kalagayan ng pamilya Webb, ang isang mayamang pamilya na naging mas mababa ang kayamanan kaysa dati, ay mas mayaman pa rin kumpara sa isang mahirap na pamilya. Gamit ang proyekto na ibinigay nila sa atin, kikita tayo ng dalawampung milyong dolyar sa pinakamababa sa susunod na taon. Sobrang galing talaga nito!”Si Christopher, na nakatayo sa gilid,
Puno ng sama ng loob si Hannah kay Lady Wilson habang sinundan niya ang pamilya Wilson papasok sa dining room.Umupo nang direkta si Lady Wilson sa main seat sa dining table. Nang tumingin siya sa pagkain na niluto ni Hannah, hindi siya nasiyahan at sumimangot habang sinabi, “Bakit mo hinanda ang lahat ng lutong-bahay na pagkain na ito? Bakit walang pagkain na may maraming laman? Hindi mo ba alam na matanda na ako at kailangan kong palusugin at pasiglahin ang katawan ko?”Medyo naagrabyado si Hannah habang sinabi, “Ma, hindi mo ako masisisi dito. Ikaw ang may hawak ng lahat ng pera ng pamilya, kaya ilang daang dolyar lang ang mayroon ako. Paano ko magagawang bumili ng maraming isda at laman kung gano’n?”Suminghal nang malamig si Lady Wilson at sinabi, “Palagi kang puno ng palusot. Hindi mo man lang ba kayang bumili ng manok kung may ilang daang dolyar ka? Ang isang manok ay mas mababa sa isang daang dolyar. Hindi man mo lang ba kaya itong bilhin?”Nagalit nang sobra si Hannah at s
“Anong respeto at dangal…” Nabalisa si Wendy at sinabi habang nabubulunan, “Kahit ano pa, ako pa rin ang public relations director ng Wilson Group. Nakakahiya talaga nang sobra kung malalaman ng iba at ilalantada ang katotohanan na peke ang Hermes bag ko kapag lumabas ako!”Umirap si Lady Wilson at sinabi, “Anong alam mo? Sa panahong ito, kung may marangal at prestihiyosong katayuan ka, iisipin ng iba na tunay ang produktong ito kahit na peke lang ang dala mo. Pero, kung mababa ang katayuan mo, sasabihin pa rin ng iba na peke ang bag mo kahit na tunay ang dala mong bag. Dahil may bagong simula ang Wilson Group at nakabangon na ito, para sa mga tagalabas, mayroon kang napakataas na halaga at katayuan bilang public relations director ng Wilson Group. Kahit na peke ang bag na dala mo, walang mag-iisip na peke ito!”Nalungkot nang sobra si Wendy at sinabi, “Lola, kahit na tumanggi kang bigyan ako ng isang daang libong dolyar para sa pagiging public relations director ng Wilson Group, hin
Kinamumuhian pa rin nang sobra ni Christopher si Elaine hanggang ngayon.Ito ay dahil hindi pa rin tinatanggal ni Elaine ang mahigit dalawampung berdeng sombrero na nakasabit sa kanyang balkonahe.Hindi lang siya tumanggi na tanggalin sila, ngunit bumili pa siya ng bagong batch ng mga berdeng sombrero sa online. Ngayon, mahigit tatlumpung berdeng sombrero na ang nakasabit sa kanyang balkonahe.Sa tuwing papasok at aalis si Christopher sa villa sa Thompson First araw-araw, kailangan niyang dumaan sa bahay ni Charlie. Kaya, nagalit at nainis talaga siya dahil patuloy niyang nakikita ang mahigit tatlumpung berdeng sombrero na wumawagayway sa hangin araw-araw.Bukod dito, sa tuwing naiisip nyia kung paano siya kinukutya at pinapahiya ni Elaine, mas lalo pang napuno ang poot niya kay Elaine.Matagal na siyang naghahanap ng pagkakataon para harapin si Elaine at turuan siya ng leksyon. Sa parehong oras, mapapasaya niya rin si Donald sa lalong madaling panahon kung gagawa siya ng gulo sa
Kahit na kailangan niyang ibigay kay Charlie ang 90% ng shares ng Kobayashi Pharma pagkatapos bumalik sa Japan, mas mabuti na ito kaysa manatili at magtrabaho sa dog farm sa buong buhay niya.Pagkatapos dumating ni Charlie sa dog farm, sinabi niya kay Albert, “Dalhin mo sina Ichiro at Jiro dito.”“Okay, Master Wade!”Inutusan agad ni Albert ang kanyang mga tauhan. Pagkalipas ng ilang sandali, ilang lalaki ang dumating kasama ang magkapatid, sina Ichiro at Jiro na may suot na damit pangtrabaho.Nang nagkita sila sa pinto, pinagsamantalahan ni Ichiro si Jiro, na hindi talaga handa, habang sumugod siya sa kanya at sinipa siya gamit ang buong lakas niya habang minura at sinabi, “G*go ka! Nangahas ka pa talagang magpakita sa harap ko!”Pagkatapos sipain si Jiro sa sahig, tumayo siya nang nagmamadali at sumugod kay Ichiro habang sinigaw, “G*go ka! Papatayin kita!”Ayaw magpatalo ni Ichiro at sinabi, “Subukan mo! Tingnan natin kung sino ang mamamatay! Tatanggalin ko ang ulo mo gamit ang
Nang marinig ni Ichiro na ibabalik siya ni Charlie sa Japan bukas, hindi niya maiwasang manabik nang sobra. Pero, kinakabahan din siya nang sobra sa parehong oras.Tumingin siya kay Charlie habang tinanong sa mahinang boses, “Mr. Wade, paano ko makukumbinsi ang publiko na tanggapin ulit ako kung babalik ako sa Japan nang ganito? Sa tingin ng lahat ay ako ang pumatay sa aking ama at sa tingin nila ay patay na ako. Kung bigla akong babalik, natatakot ako na mahihirapan akong manahin ang Kobayashi Pharma nang gano’n lang…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba’t sobrang liit na bagay lang niyan?”Pagkatapos niyang magsalita, sumenyas agad siya kay Albert at sinabi, “Albert, mag-ayos ka ng isang video camera para makunan natin si Jiro na umaamin na siya ang lumason sa kanyang ama bago siya nag-alok ng malaking pabuya kapalit ang buhay ng kapatid niya, at ang pangunahing layunin niya ay sakupin ang Kobayashi Pharma at manahin ito para sa sarili niya.”Nang marinig ito ni Jiro, naramda
Tumango agad si Albert bago sinabi, “Walang problema, Master Wade! Gagawin ko ang lahat ayon sa utos mo!”Tumango nang kuntento si Charlie bago sinabi kay Isaac, “Isaac, sasama si Albert sa atin, nandoon din si Paul mula sa Smith Group Corporate Law at si Ichiro ng pamilya Kobayashi. Mangyaring sabihan mo ang crew na ihanda na ang mga kailangan.”“Okay, Young Master! Aayusin ko na ang lahat kung gano’n!”Sa sandaling ito, na-record na rin ng magkapatid, sina Ichiro at Jiro, ang video ng kanilang pagtatapat.Tumingin si Charlie sa kanilang dalawa bago sinabi nang magaan, “Ichiro, siguraduhin mo na magpapahinga ka nang mabuti ngayong araw. Dadalhin ka ni Albert sa airport bukas. Pero, binabalaan kita na maging sobrang ingat ka sa daan. Huwag mong isipin na babalik ka sa sarili mong teritoryo dahil lang babalik ka sa Japan. Kung mangangahas kang suwayin ako, siguradong hindi kita pagbibigyan nang gano’n lang!”Tumango nang paulit-ulit si Ichiro habang sinabi, “Huwag kang mag-alala, M
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang