Share

Kabanata 1635

Author: Lord Leaf
Ngumiti nang walang pakialam si Charlie nang makita niya ang sabik na ekspresyon sa mukha ni Elaine. Pagkatapos buksan ang pinto sa likod ng kotse, nilabas niya ang maraming Hermes gift box.

Nang makita ni Elaine ang napakaraming Hermes box, biglang lumaki ang mga mata niya sa sorpresa. Kahit ang mga mata niya ay kumikinang sa sandaling ito.

Sa kailaliman ng puso niya, sabik na sabik siya, at hindi niya mapigilang sabihin sa isipan niya. ‘Jusko! Hermes! Sobrang mahal ng mga Hermes bag. Marahil ay hindi papayag si Charlie na bilhin ito para sa akin. Pero, kahit ang Hermes scarf ay nasa sampu-sampung libong dolyar na!’

Kaya, lumapit agad si Elaine. Habang tinatakpan ang kanyang bibig sa saya, sinabi niya, “Oh! Oh! Hermes! Mabuti kong manugang, sobrang mapagbigay mo! Anong binili mo para sa mama mo sa Hermes?”

Pinili ni Charlie ang ilang magkakaibang laki na gift box. Binigay niya ang mga ito kay Elaine at sinabi, “Ma, ang malaking box ay isang Hermes bag na bagay na bagay sa iyo. Bak
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1636

    Tumango si Charlie at sinabi, “Nasa dalawampu o tatlumpung libong dolyar.”“Oh! Manugang ko, sobrang mapagbigay ka talaga! Binilhan mo ako ng napakamahal na scarf! Kaya ko nang bumili ng isang mink coat gamit ang dalawampu o tatlumpung libong dolyar!”Pagkatapos, binuksan ni Elaine ang isa pang gift box bago sinabi, “Oh! Ito ang classic Hermes belt na pangbabae! Mabuti kong manugang, ilang taon ko nang gusto ang sinturon na ito pero nag-aalangan ako nang sobra na bilhin ito. Hindi ko talaga inaasahan na tutuparin mo ang mga pangarap ko para sa akin…”Si Jacob, na nakatayo sa gilid, ay medyo nainggit at nagselos. Hindi niya napigilang itanong, “Mabuti kong manugang, hindi ka ba naghanda ng regalo para sa papa mo?”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Syempre, naghanda ako! May ilang regalo ako para sayo.”Habang nagsasalita siya, binigay ni Charlie ang dalawang Hermes gift box kay Jacob.Habang hinahampas ang kanyang mga hita sa saya, sinabi nang sabik ni Jacob, “Oh! Naghanda ka rin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1637

    Nang ipinakita ni Jacob kay Charlie ang Rolex na natanggap niya mula kay Matilda sa kotse, nakaupo rin si Claire sa likod.Kaya, naintindihan niya kung bakit nanghingi ng Rolex ang kanyang ama kay Charlie sa sandaling ito. Isa lang itong pormalidad, dahil gusto niyang humanap ng pagkakataon na isuot nang lantaran ang Lorex na ibinigay sa kanya ni Matilda.Sa sandaling ito, kahit na medyo hindi komportable si Claire, nag bulag-bulagan na lang siya sa sitwasyon nang maalala niya ang nakaraan ng kanyang ama at ina, at lahat ng paghihirap na dinanas at tiniis ng kanyang ama sa mga nagdaang taon.Pero, hindi talaga inaasahan ni Claire na makikisali ang kanyang ina sa sandaling ito. Humiling pa siya kay Charlie na bilhan siya ng Rolex.Sinabi niya nang nagmamadali kay Elaine, “Ma, kadalasan ay mga lalaki ang nagsusuot ng Rolex. Hindi ito magandang tingnan sa iyo. Kung gusto mo talaga ng mga relo, pwede kitang bilhan ng pambabaeng Tissot watch para sayo sa susunod.”Sumagot nang nandidir

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1638

    Nagpasalamat si Claire, “Salamat, mahal, pero sa hinaharap, hindi ka dapat gumastos nang marangya para sa akin nang ganito…”Alam ni Charlie na siguradong hindi matatanggap ni Claire ang mga napakamahal na regalo. Kaya, ngumiti lang siya at sinabi, “Okay, naiintindihan ko. Bibilhan kita ng mga mas abot-kayang regalo sa hinaharap.”…Pagkatapos pumasok sa bahay, nagmamadaling nilagay ni Elaine ang lahat ng Hermes na regalo na ibinigay sa kanya ni Charlie sa sahig ng living room.Habang inayos nang mabuti ang mga regalo at package box, nilabas niya ang kanyang cellphone para kumuha ng iba’t ibang litrato mula sa iba’t ibang anggulo. Pagkatapos, pumili siya ng siyam na litrato na pinaka nagustuhan niya at agad niya itong in-upload sa kanyang social media na may caption na: “Pumunta ang mabuting manugang na lalaki ko sa Eastcliff para magtrabaho at binigyan niya ako ng napakaraming Hermes na regalo pagkatapos umuwi! Sobrang saya ko!”Bumugso agad ang mga likes at comment sa social m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1639

    Umiling lang si Charlie nang makita niyang bumuntong hininga si Jacob.Kaunti pa lang ng mundo ang nakikita ng kanyang biyenan na lalaki.Noong naglalaro siya ng mga antigo, kaya niya lang bumili ng mga pekeng antigo. Ganito rin pagdating sa mga dahon ng tsaa.Ang pangunahing dahilan ay dahil sobrang baba talaga ng katayuan niya sa pamilya Wilson at kailanman ay hindi siya pinahalagahan ni Lady Wilson dati. Pagkatapos, inaapi siya ni Elaine sa napakaraming taon. Hindi siya nabuhay nang kuntento at kaunti lang din ang pera niya.Buti na lang, medyo may magandang pagkatao si Jacob. Kung ibang tao ito, na-depress na sila dahil hindi nila kinaya ang sitwasyon.Habang masayang tinitikman ni Charlie at ng pamilya niya ang pino at premium na dahon ng tsaa, naghahanda ng tanghalian si Hannah para sa pamilya sa Villa A04 sa kabila.Kinamumuhian na ng pamilyang ito si Hannah dahil nabuntis siya ng supervisor sa coal mine, at dahil nahawaan niya si Christopher ng ilang venereal disease.Pe

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1640

    Sa sandaling ito, biglang binuksan ang pinto.Inalalayan ni Christopher ang matandang babae habang sila muna ang pumasok sa villa. Nakasunod sa likod nila sina Harold at Wendy.May suot na eleganteng mink coat ang matandang babae. Maliwanag ang kanyang mukha, kumikinang sa mabuting kalusugan at mukhang sobrang saya niya.Simula noong nabuhay ulit ang Wilson Group, araw-araw na naging masigla si Lady Wilson at kumikinang ang kanyang mukha sa liwanag, tila ba kakakain niya lang ng isang Rejuvenating Pill.Sa sandaling pumasok siya sa villa, binuksan ni Lady Wilson ang kanyang bibig at sinabi, “Oh! Kahit na hindi na masyadong maganda ang kalagayan ng pamilya Webb, ang isang mayamang pamilya na naging mas mababa ang kayamanan kaysa dati, ay mas mayaman pa rin kumpara sa isang mahirap na pamilya. Gamit ang proyekto na ibinigay nila sa atin, kikita tayo ng dalawampung milyong dolyar sa pinakamababa sa susunod na taon. Sobrang galing talaga nito!”Si Christopher, na nakatayo sa gilid,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1641

    Puno ng sama ng loob si Hannah kay Lady Wilson habang sinundan niya ang pamilya Wilson papasok sa dining room.Umupo nang direkta si Lady Wilson sa main seat sa dining table. Nang tumingin siya sa pagkain na niluto ni Hannah, hindi siya nasiyahan at sumimangot habang sinabi, “Bakit mo hinanda ang lahat ng lutong-bahay na pagkain na ito? Bakit walang pagkain na may maraming laman? Hindi mo ba alam na matanda na ako at kailangan kong palusugin at pasiglahin ang katawan ko?”Medyo naagrabyado si Hannah habang sinabi, “Ma, hindi mo ako masisisi dito. Ikaw ang may hawak ng lahat ng pera ng pamilya, kaya ilang daang dolyar lang ang mayroon ako. Paano ko magagawang bumili ng maraming isda at laman kung gano’n?”Suminghal nang malamig si Lady Wilson at sinabi, “Palagi kang puno ng palusot. Hindi mo man lang ba kayang bumili ng manok kung may ilang daang dolyar ka? Ang isang manok ay mas mababa sa isang daang dolyar. Hindi man mo lang ba kaya itong bilhin?”Nagalit nang sobra si Hannah at s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1642

    “Anong respeto at dangal…” Nabalisa si Wendy at sinabi habang nabubulunan, “Kahit ano pa, ako pa rin ang public relations director ng Wilson Group. Nakakahiya talaga nang sobra kung malalaman ng iba at ilalantada ang katotohanan na peke ang Hermes bag ko kapag lumabas ako!”Umirap si Lady Wilson at sinabi, “Anong alam mo? Sa panahong ito, kung may marangal at prestihiyosong katayuan ka, iisipin ng iba na tunay ang produktong ito kahit na peke lang ang dala mo. Pero, kung mababa ang katayuan mo, sasabihin pa rin ng iba na peke ang bag mo kahit na tunay ang dala mong bag. Dahil may bagong simula ang Wilson Group at nakabangon na ito, para sa mga tagalabas, mayroon kang napakataas na halaga at katayuan bilang public relations director ng Wilson Group. Kahit na peke ang bag na dala mo, walang mag-iisip na peke ito!”Nalungkot nang sobra si Wendy at sinabi, “Lola, kahit na tumanggi kang bigyan ako ng isang daang libong dolyar para sa pagiging public relations director ng Wilson Group, hin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1643

    Kinamumuhian pa rin nang sobra ni Christopher si Elaine hanggang ngayon.Ito ay dahil hindi pa rin tinatanggal ni Elaine ang mahigit dalawampung berdeng sombrero na nakasabit sa kanyang balkonahe.Hindi lang siya tumanggi na tanggalin sila, ngunit bumili pa siya ng bagong batch ng mga berdeng sombrero sa online. Ngayon, mahigit tatlumpung berdeng sombrero na ang nakasabit sa kanyang balkonahe.Sa tuwing papasok at aalis si Christopher sa villa sa Thompson First araw-araw, kailangan niyang dumaan sa bahay ni Charlie. Kaya, nagalit at nainis talaga siya dahil patuloy niyang nakikita ang mahigit tatlumpung berdeng sombrero na wumawagayway sa hangin araw-araw.Bukod dito, sa tuwing naiisip nyia kung paano siya kinukutya at pinapahiya ni Elaine, mas lalo pang napuno ang poot niya kay Elaine.Matagal na siyang naghahanap ng pagkakataon para harapin si Elaine at turuan siya ng leksyon. Sa parehong oras, mapapasaya niya rin si Donald sa lalong madaling panahon kung gagawa siya ng gulo sa

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status