Pagkatapos nilang umalis sa airport, minaneho ni Charlie ang BMW ni Claire at hinatid muna si Loreen sa Shangri-La.Sa daan pauwi, gustong imbitahin ulit ni Claire si Loreen na manatili sa kanilang villa. Pero, tumanggi si Loreen.Kahit na mas mapapalapit si Loreen kay Charlie kung titira siya sa villa sa Thompson First, natatakot siya kina Elaine at Jacob. Nakakatakot isila nang sobra at kaya nilang baguhin ang pananaw ng isang tao kapag nag-away sila. Sobrang hindi akma para sa isang tagalabas na makita ang eksenang ito.Bukod dito, noon pa man ay nararamdaman na ni Loreen na may time bomb sa pamilya Wilson.Ang time bomb na iyon ay walang iba kundi ang unang mahal ni Jacob, si Matilda.Walang alam si Elaine tungkol sa pagbabalik ni Matilda, pero sobrang tindi na ng away at pagtatalo nila ni Jacob. Kung malalaman niya ang tungkol dito, siguradong mas magiging malala ang drama sa kanilang bahay.Kaya, naramdaman niya na hindi dapat siya manatili sa villa sa Thompson First para h
Habang nagsasalita siya, biglang may naalala si Charlie at sinabi nang nagmamadali, “Siya nga pala, mahal. Pagkatapos kong umuwi ngayon, magpapahinga ako ng isa o dalawang araw. Pagkatapos, kailangan kong pumunta sa Japan sa lalong madaling panahon. Sinabi ko na sayo dati na may kliyente ako sa Japan na inuudyok akong pumunta doon.”Tumango si Claire bago tinanong, “Gaano katagal kang mawawala? Kalahating buwan na lang bago mag Bagong Taon, at maraming unit na ang naghahanda para sa holiday. Baka pwede ka munang magpahinga bago ka ulit magtrabaho pagkatapos ng New Year.”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Nangako na ako sa kabila na pupunta ako doon kaya paano ko magagawang iurong ito sa huling sandali? Makasisiguro ka na matatapos ako ng ilang araw lang. Sa totoo lang, hindi masyadong malayo ang Japan sa Oskia. Kung pupunta ako sa Japan direkta sa Aurous Hill, nasa dalawang oras lang ang biyahe ng eroplano.”“Okay…” Bahagyang tumango si Claire bago sinabi, “Kung gano’n, kailangan m
Ngumiti nang walang pakialam si Charlie nang makita niya ang sabik na ekspresyon sa mukha ni Elaine. Pagkatapos buksan ang pinto sa likod ng kotse, nilabas niya ang maraming Hermes gift box.Nang makita ni Elaine ang napakaraming Hermes box, biglang lumaki ang mga mata niya sa sorpresa. Kahit ang mga mata niya ay kumikinang sa sandaling ito.Sa kailaliman ng puso niya, sabik na sabik siya, at hindi niya mapigilang sabihin sa isipan niya. ‘Jusko! Hermes! Sobrang mahal ng mga Hermes bag. Marahil ay hindi papayag si Charlie na bilhin ito para sa akin. Pero, kahit ang Hermes scarf ay nasa sampu-sampung libong dolyar na!’Kaya, lumapit agad si Elaine. Habang tinatakpan ang kanyang bibig sa saya, sinabi niya, “Oh! Oh! Hermes! Mabuti kong manugang, sobrang mapagbigay mo! Anong binili mo para sa mama mo sa Hermes?”Pinili ni Charlie ang ilang magkakaibang laki na gift box. Binigay niya ang mga ito kay Elaine at sinabi, “Ma, ang malaking box ay isang Hermes bag na bagay na bagay sa iyo. Bak
Tumango si Charlie at sinabi, “Nasa dalawampu o tatlumpung libong dolyar.”“Oh! Manugang ko, sobrang mapagbigay ka talaga! Binilhan mo ako ng napakamahal na scarf! Kaya ko nang bumili ng isang mink coat gamit ang dalawampu o tatlumpung libong dolyar!”Pagkatapos, binuksan ni Elaine ang isa pang gift box bago sinabi, “Oh! Ito ang classic Hermes belt na pangbabae! Mabuti kong manugang, ilang taon ko nang gusto ang sinturon na ito pero nag-aalangan ako nang sobra na bilhin ito. Hindi ko talaga inaasahan na tutuparin mo ang mga pangarap ko para sa akin…”Si Jacob, na nakatayo sa gilid, ay medyo nainggit at nagselos. Hindi niya napigilang itanong, “Mabuti kong manugang, hindi ka ba naghanda ng regalo para sa papa mo?”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Syempre, naghanda ako! May ilang regalo ako para sayo.”Habang nagsasalita siya, binigay ni Charlie ang dalawang Hermes gift box kay Jacob.Habang hinahampas ang kanyang mga hita sa saya, sinabi nang sabik ni Jacob, “Oh! Naghanda ka rin
Nang ipinakita ni Jacob kay Charlie ang Rolex na natanggap niya mula kay Matilda sa kotse, nakaupo rin si Claire sa likod.Kaya, naintindihan niya kung bakit nanghingi ng Rolex ang kanyang ama kay Charlie sa sandaling ito. Isa lang itong pormalidad, dahil gusto niyang humanap ng pagkakataon na isuot nang lantaran ang Lorex na ibinigay sa kanya ni Matilda.Sa sandaling ito, kahit na medyo hindi komportable si Claire, nag bulag-bulagan na lang siya sa sitwasyon nang maalala niya ang nakaraan ng kanyang ama at ina, at lahat ng paghihirap na dinanas at tiniis ng kanyang ama sa mga nagdaang taon.Pero, hindi talaga inaasahan ni Claire na makikisali ang kanyang ina sa sandaling ito. Humiling pa siya kay Charlie na bilhan siya ng Rolex.Sinabi niya nang nagmamadali kay Elaine, “Ma, kadalasan ay mga lalaki ang nagsusuot ng Rolex. Hindi ito magandang tingnan sa iyo. Kung gusto mo talaga ng mga relo, pwede kitang bilhan ng pambabaeng Tissot watch para sayo sa susunod.”Sumagot nang nandidir
Nagpasalamat si Claire, “Salamat, mahal, pero sa hinaharap, hindi ka dapat gumastos nang marangya para sa akin nang ganito…”Alam ni Charlie na siguradong hindi matatanggap ni Claire ang mga napakamahal na regalo. Kaya, ngumiti lang siya at sinabi, “Okay, naiintindihan ko. Bibilhan kita ng mga mas abot-kayang regalo sa hinaharap.”…Pagkatapos pumasok sa bahay, nagmamadaling nilagay ni Elaine ang lahat ng Hermes na regalo na ibinigay sa kanya ni Charlie sa sahig ng living room.Habang inayos nang mabuti ang mga regalo at package box, nilabas niya ang kanyang cellphone para kumuha ng iba’t ibang litrato mula sa iba’t ibang anggulo. Pagkatapos, pumili siya ng siyam na litrato na pinaka nagustuhan niya at agad niya itong in-upload sa kanyang social media na may caption na: “Pumunta ang mabuting manugang na lalaki ko sa Eastcliff para magtrabaho at binigyan niya ako ng napakaraming Hermes na regalo pagkatapos umuwi! Sobrang saya ko!”Bumugso agad ang mga likes at comment sa social m
Umiling lang si Charlie nang makita niyang bumuntong hininga si Jacob.Kaunti pa lang ng mundo ang nakikita ng kanyang biyenan na lalaki.Noong naglalaro siya ng mga antigo, kaya niya lang bumili ng mga pekeng antigo. Ganito rin pagdating sa mga dahon ng tsaa.Ang pangunahing dahilan ay dahil sobrang baba talaga ng katayuan niya sa pamilya Wilson at kailanman ay hindi siya pinahalagahan ni Lady Wilson dati. Pagkatapos, inaapi siya ni Elaine sa napakaraming taon. Hindi siya nabuhay nang kuntento at kaunti lang din ang pera niya.Buti na lang, medyo may magandang pagkatao si Jacob. Kung ibang tao ito, na-depress na sila dahil hindi nila kinaya ang sitwasyon.Habang masayang tinitikman ni Charlie at ng pamilya niya ang pino at premium na dahon ng tsaa, naghahanda ng tanghalian si Hannah para sa pamilya sa Villa A04 sa kabila.Kinamumuhian na ng pamilyang ito si Hannah dahil nabuntis siya ng supervisor sa coal mine, at dahil nahawaan niya si Christopher ng ilang venereal disease.Pe
Sa sandaling ito, biglang binuksan ang pinto.Inalalayan ni Christopher ang matandang babae habang sila muna ang pumasok sa villa. Nakasunod sa likod nila sina Harold at Wendy.May suot na eleganteng mink coat ang matandang babae. Maliwanag ang kanyang mukha, kumikinang sa mabuting kalusugan at mukhang sobrang saya niya.Simula noong nabuhay ulit ang Wilson Group, araw-araw na naging masigla si Lady Wilson at kumikinang ang kanyang mukha sa liwanag, tila ba kakakain niya lang ng isang Rejuvenating Pill.Sa sandaling pumasok siya sa villa, binuksan ni Lady Wilson ang kanyang bibig at sinabi, “Oh! Kahit na hindi na masyadong maganda ang kalagayan ng pamilya Webb, ang isang mayamang pamilya na naging mas mababa ang kayamanan kaysa dati, ay mas mayaman pa rin kumpara sa isang mahirap na pamilya. Gamit ang proyekto na ibinigay nila sa atin, kikita tayo ng dalawampung milyong dolyar sa pinakamababa sa susunod na taon. Sobrang galing talaga nito!”Si Christopher, na nakatayo sa gilid,
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang