Share

Kabanata 1253

Penulis: Lord Leaf
Hindi pa nagsasalita si Charlie. Pero, nang makita niyang pinulot ng ama ni Magnolia ang rolling pin, bigla siyang nagalit nang sobra.

Ayos lang kung gumagawa lang sila ng sarkastiko at mapangutyang pangungusap, pinapagalitan siya, pati na rin ang pag-atake pagkatao niya. Dahil, sinamahan niya lang naman ang asawa niya dito para tulungan siyang ikasal ang kaklase niya noong high school. Kaya, ang gusto niya lang gawin ay umalis sa lalong madaling panahon para kumpletuhin ang layunin niyang ikasal ang kaibigan niya.

Gayunpaman, hindi niya talaga ito natiis nang makita niyang umaasta na parang mga hinayupak ang mga magulang at ang kapatid ng kabila.

Kaya, tumayo siya sa harap nina Claire at Magnolia sa mapagtanggol na paraan. Pagkatapos, tumingin siya nang malamig sa ama ni Magnolia habang sinabi, “Alam mo ba na iligal ang lahat ng kilos mo? Ang pangingialam sa kasal ng anak mo ay isang kalayaan na labag sa moralidad. Bukod dito, ang mga personal na atake at insulto, pati na rin ang l
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Neneng Gutierrez
siguradong magiging hambog at pasikat ako ngayong araw,"
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1254

    Kahit na ginamit ng ama ni Magnolia ang lahat ng kanyang lakas, naramdaman niya na hinampas niya ang rolling pin sa isang matigas na bakal. Pagkatapos nito, mayroong malakas at marahas na panginginig sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo. Nakaramdam siya ng sobrang sakit at agad niyang binitawan ang rolling pin at hinawakan ang kanyang pulos habang sumigaw siya sa sakit.Nang tumingin ulit siya sa rolling pin, napagtanto niya na nahati na ito sa dalawa!Nagulat talaga dito ang ama ni Magnolia.Kaya talagang baliin ng lalaking ito ang rolling pin gamit lang ang mga kamay niya. Bukod dito, mukhang hindi man lang nasaktan ang taong iyon. Malinaw na magaling makipaglaban ang lalaking ito sa isang tingin lang!Paano niya magagawang galitin ang ganitong tao? Paano kung mamuo ang dugo sa ulo niya pagkatapos siyang suntukin ng lalaki? Sino ang makakausap niya kung gano’n? Dahil, isa lang siyang matandang lalaki na walang pera at walang kapangyarihan. Pagkatapos niyang mabugbog, wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1255

    Pinupunasan pa rin ni Magnolia ang mga luha sa kanyang mukha nang dinala nina Charlie at Claire si Magnolia palabas sa community.Patuloy na pinapatahan ni Claire si Magnolia pero hindi kumilos si Charlie.Pagkatapos nilang lumabas sa community, maraming tao ang nakapalibot at nag-uunahan para kunan ng litrato ang dalawang kotse na ipinarada nila sa gilid ng kalsada.Umabante si Charlie para patabihin ang mga tao na nasa harap ng Aston Martin. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto sa co-driver seat at pinapasok muna si Magnolia sa kotse.Nagulantang si Magnolia nang makita niya ang Aston Martin One-77 sa harap niya. Tinanong niya sa sorpresa, “Claire, ang kotseng ito…”Ngumiti si Claire bago niya sinabi, “Hiniram ng asawa ko ang dalawang kotseng ito sa kaibigan niya. Huwag kang mag-alala, siguradong hindi ka mapapahiya kung gagamitin natin ang dalawang super sports car na ito papunta sa bahay ng biyenan mo.”Napuno ng konsensya si Magnolia habang sinabi, “Claire, akala ko na perpek

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1256

    ”Ano raw?”Nang marinig ito ng ina ni Francis, dumilim ang lahat sa harap ng mga mata niya!Isang daang milyong dolyar? Ano ito?Kahit na may isang milyong dolyar ang kabila, sa mga mata niya, sobrang kahanga-hanga na mayaman na tao na sila. Kung mayroon siyang sampung milyong dolyar, isa na siyang malaki at makapangyarihang tao na hindi nila pwedeng galitin. Kung mayroon siyang isang daang milyong dolyar, isa na siyang diyos!Bukod dito, hindi lang na may net worth sila na isang daang milyong dolyar ngunit ang dalawang kotse pa lang nila ay mahigit isang daang milyong dolyar na!Nang maisip niya ito, tinanong niya nang nagmamadali, “Sinasabi mo ba sa akin ang totoo? Gano’n kamahal ba talaga ang dalawang kakaibang kotse na ito?”Tumango si Francis habang sinubukang niyang hilahin pataas ang kanyang ina at sinabi, “Sa tingin mo ba ay ayoko ng bagong bahay? Pero sa ganitong sitwasyon, paano natin ito mapupuwersa? Maghihirap at mamomroblema nang sobra ang pamilya natin kung gagaliti

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1257

    Si Vera Wang ay isang sikat na wedding dress designer sa buong mundo.Ang buong pangalan niya ay Vera Ellen Wang.Kahit ang anak ng dating President Clinton ng United States ay sinuto ang wedding dres na dinisenyo niya noong ikinasal siya.Ang asawa ni David Beckham, si Victoria, ay isinuot na rin ang wedding dress na dinisenyo ni Vera Wang noong pinakasalan niya si David Beckham. Kahit ang sikat na si Britney Spears at ang apong babae ng Macau Gambling King ay isinuot ang mga wedding dress na dinisenyo niya sa kasal nila.Sa impluwensya ni Vera Wang sa iba’t ibang bansa, karaniwan ay nagbubukas lang siya ng mga store sa mga pinakamalaking siyudad sa buong mundo. Ang dahilan kung bakit niya binuksan ang kanyang store sa Aurous Hill, isang second-tier na siyudad, ay dahil may magandang relasyon siya kay Jasmine. Gustong-gusto talaga ni Jasmine ang lahat ng disenyo niya sa mga wedding dress. Kaya, handa rin si Jasmine na mag-invest sa kanyang shop.Bihasa si Vera Wang sa pagdisenyo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1258

    Dahil sobrang bait sa kanya ni Claire, naramdaman ni Magnolia na siguradong hindi siya sasaktan ni Claire sa kahit anong paraan.Nagmaneho si Charlie direkta sa bridal shop ni Jasmine.Kahit si Claire ay nasorpresa nang kaunti nang tinigil ni Charlie nang kotse.Kakahiling niya lang sa kanya na humanap ng kaibigan na mahihiraman ng mas magandang wedding dress para sa kanila. Gayunpaman, hindi niya talaga inaasahan na makakahiram siya ng wedding dress dito!Ito ang store na pagmamay-ari ng world’s top wedding dress designer, si Vera Wang!Kahit si Claire ay hindi nangahas na umasa na magkakaroon siya ng pagkakataong suotin ang ganito kataas at karangyang wedding dress.Bukod dito, hindi niya talaga inaasahan na mapamaraan pa rin kahit dito ang kanyang asawa.Maaari ba na humiling din ang bridal shop ng tulong kay Charlie para tingnan ang Feng Shui nila?Habang nag-iisip siya, binuksan na ni Charlie ang pinto ng kanyang kotse habang papalabas siya dito.Sa sandaling ito, isang m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1259

    Medyo kinakabahan sina Claire at Magnolia habang iniisip nila kung papasok ba sila sa sandaling ito.Alam nilang dalawa na sobrang mahal ng ganitong bran ng wedding dress. Bukod dito, talagang hindi ito kayang bilhin ng mga ordinaryong tao.Halos nasa sampu-sampung libong dolyar na ang pagrenta ng isang magandang custom na wedding dress sa kahit anong general na bridal shop.Ang mga wedding dress na ito ay dinesenyo ni Vera Wang at aabutin sila ng anim na numero sa pinakamababa kung rerentahan nila ang kahit anong wedding dress nila sa isang araw.Kung bibilhin naman nila ang isa sa mga wedding dress dito, mas magiging mahal pa ito at nasa ilang milyong dolyar na ito!Naramdaman ni Magnolia na hindi siya karapat-dapat sa ganito kamahal na wedding dress. Kahit na hawakan niya lang ang wedding dress, natatakot siya na hindi niya kayang bayaran ang kabila para sa wedding dress kung masisira niya ito.Kaya, paano posible na mangangahas siyang pumunta sa kasal niya gamit ang ganito ka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1260

    Tinulungan siya ni Clairen a pumili ng isang napakagandang wedding dress na may tube top. Pagkatapos, sinabi niya, “Sa tingin ko ay bagay na bagay ito sa iyo. Sobrang marangal at elegante nito at ipinapakita rin nito ang collar bone mo, na napakaganda rin.”Nag-alangan si Magnolia nang ilang sandali bago niya sinabi, “Iyan na lang kung gano’n. Hindi ko talaga alam kung paano pumili…”Ngumiti si Jasmine habang sinabi, “Sobrang ganda ng panlasa ni Mrs. Wade. Ang wedding dres na ito ang may pinakamataas na rating at kagustuhan dito. Sa tingin ko rin ay bagay na bagay ang wedding dress na ito kay Miss Zevell.”Pagkatapos, agad tinawag ni Jasmine ang dalawang napaka propesyonal na assistant sa bridal shop. Agad nilang kinuha ang wedding dress bago nila magalang na pinangunahan si Magnolia sa fitting room.Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Magnolia suot ang isang puti at eleganteng wedding dress na may tube top. Medyo hindi siya mapalgay habang lumabas siya sa fitting room.Lumiwan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1261

    Biglang nagselos si Claire sa sandaling ito.Hula niya na siguradong may napakagandang impresyon si Jasmine sa kanyang asawa, kay Charlie.Kung hindi, hindi siya titingin nang ganito sa kanyang asawa.Dito napagtanto ni Claire na hindi pa sila masyadong malapit at malambing ng asawa niya. Iyon ang dahilan kung bakit may tiyak na distansya pa rin sa pagitan nila.Ang distansya na ito ay madaling magagamit ng pangatlong partido para makigulo sa relasyon nila.Kung sobrang lapit nila at may malalim silang nararamdaman para sa isa’t isa at kung malapit ang puso nila sa isa’t isa, natural na imposibleng mag-iwan sila ng kahit anong puwang para makigulo ang isang pangatlong partido sa relasyon nila.Nang maisip niya ito, biglang nakaramdam si Claire ng hindi inaasahang udyok.Sa sandaling ito, nakita ni Charlie na nakatulala pa rin si Claire at sinabi niya sa kanya nang mabilis, “Mahal, kailangan na nating umalis nang mabilis o mahuhuli tayo.”Doon lang bumalik sa diwa si Claire bago

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5912

    Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5911

    Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5910

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5909

    Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5908

    Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5907

    Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5906

    Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5905

    “Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5904

    Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status