”Ano raw?”Nang marinig ito ng ina ni Francis, dumilim ang lahat sa harap ng mga mata niya!Isang daang milyong dolyar? Ano ito?Kahit na may isang milyong dolyar ang kabila, sa mga mata niya, sobrang kahanga-hanga na mayaman na tao na sila. Kung mayroon siyang sampung milyong dolyar, isa na siyang malaki at makapangyarihang tao na hindi nila pwedeng galitin. Kung mayroon siyang isang daang milyong dolyar, isa na siyang diyos!Bukod dito, hindi lang na may net worth sila na isang daang milyong dolyar ngunit ang dalawang kotse pa lang nila ay mahigit isang daang milyong dolyar na!Nang maisip niya ito, tinanong niya nang nagmamadali, “Sinasabi mo ba sa akin ang totoo? Gano’n kamahal ba talaga ang dalawang kakaibang kotse na ito?”Tumango si Francis habang sinubukang niyang hilahin pataas ang kanyang ina at sinabi, “Sa tingin mo ba ay ayoko ng bagong bahay? Pero sa ganitong sitwasyon, paano natin ito mapupuwersa? Maghihirap at mamomroblema nang sobra ang pamilya natin kung gagaliti
Si Vera Wang ay isang sikat na wedding dress designer sa buong mundo.Ang buong pangalan niya ay Vera Ellen Wang.Kahit ang anak ng dating President Clinton ng United States ay sinuto ang wedding dres na dinisenyo niya noong ikinasal siya.Ang asawa ni David Beckham, si Victoria, ay isinuot na rin ang wedding dress na dinisenyo ni Vera Wang noong pinakasalan niya si David Beckham. Kahit ang sikat na si Britney Spears at ang apong babae ng Macau Gambling King ay isinuot ang mga wedding dress na dinisenyo niya sa kasal nila.Sa impluwensya ni Vera Wang sa iba’t ibang bansa, karaniwan ay nagbubukas lang siya ng mga store sa mga pinakamalaking siyudad sa buong mundo. Ang dahilan kung bakit niya binuksan ang kanyang store sa Aurous Hill, isang second-tier na siyudad, ay dahil may magandang relasyon siya kay Jasmine. Gustong-gusto talaga ni Jasmine ang lahat ng disenyo niya sa mga wedding dress. Kaya, handa rin si Jasmine na mag-invest sa kanyang shop.Bihasa si Vera Wang sa pagdisenyo
Dahil sobrang bait sa kanya ni Claire, naramdaman ni Magnolia na siguradong hindi siya sasaktan ni Claire sa kahit anong paraan.Nagmaneho si Charlie direkta sa bridal shop ni Jasmine.Kahit si Claire ay nasorpresa nang kaunti nang tinigil ni Charlie nang kotse.Kakahiling niya lang sa kanya na humanap ng kaibigan na mahihiraman ng mas magandang wedding dress para sa kanila. Gayunpaman, hindi niya talaga inaasahan na makakahiram siya ng wedding dress dito!Ito ang store na pagmamay-ari ng world’s top wedding dress designer, si Vera Wang!Kahit si Claire ay hindi nangahas na umasa na magkakaroon siya ng pagkakataong suotin ang ganito kataas at karangyang wedding dress.Bukod dito, hindi niya talaga inaasahan na mapamaraan pa rin kahit dito ang kanyang asawa.Maaari ba na humiling din ang bridal shop ng tulong kay Charlie para tingnan ang Feng Shui nila?Habang nag-iisip siya, binuksan na ni Charlie ang pinto ng kanyang kotse habang papalabas siya dito.Sa sandaling ito, isang m
Medyo kinakabahan sina Claire at Magnolia habang iniisip nila kung papasok ba sila sa sandaling ito.Alam nilang dalawa na sobrang mahal ng ganitong bran ng wedding dress. Bukod dito, talagang hindi ito kayang bilhin ng mga ordinaryong tao.Halos nasa sampu-sampung libong dolyar na ang pagrenta ng isang magandang custom na wedding dress sa kahit anong general na bridal shop.Ang mga wedding dress na ito ay dinesenyo ni Vera Wang at aabutin sila ng anim na numero sa pinakamababa kung rerentahan nila ang kahit anong wedding dress nila sa isang araw.Kung bibilhin naman nila ang isa sa mga wedding dress dito, mas magiging mahal pa ito at nasa ilang milyong dolyar na ito!Naramdaman ni Magnolia na hindi siya karapat-dapat sa ganito kamahal na wedding dress. Kahit na hawakan niya lang ang wedding dress, natatakot siya na hindi niya kayang bayaran ang kabila para sa wedding dress kung masisira niya ito.Kaya, paano posible na mangangahas siyang pumunta sa kasal niya gamit ang ganito ka
Tinulungan siya ni Clairen a pumili ng isang napakagandang wedding dress na may tube top. Pagkatapos, sinabi niya, “Sa tingin ko ay bagay na bagay ito sa iyo. Sobrang marangal at elegante nito at ipinapakita rin nito ang collar bone mo, na napakaganda rin.”Nag-alangan si Magnolia nang ilang sandali bago niya sinabi, “Iyan na lang kung gano’n. Hindi ko talaga alam kung paano pumili…”Ngumiti si Jasmine habang sinabi, “Sobrang ganda ng panlasa ni Mrs. Wade. Ang wedding dres na ito ang may pinakamataas na rating at kagustuhan dito. Sa tingin ko rin ay bagay na bagay ang wedding dress na ito kay Miss Zevell.”Pagkatapos, agad tinawag ni Jasmine ang dalawang napaka propesyonal na assistant sa bridal shop. Agad nilang kinuha ang wedding dress bago nila magalang na pinangunahan si Magnolia sa fitting room.Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Magnolia suot ang isang puti at eleganteng wedding dress na may tube top. Medyo hindi siya mapalgay habang lumabas siya sa fitting room.Lumiwan
Biglang nagselos si Claire sa sandaling ito.Hula niya na siguradong may napakagandang impresyon si Jasmine sa kanyang asawa, kay Charlie.Kung hindi, hindi siya titingin nang ganito sa kanyang asawa.Dito napagtanto ni Claire na hindi pa sila masyadong malapit at malambing ng asawa niya. Iyon ang dahilan kung bakit may tiyak na distansya pa rin sa pagitan nila.Ang distansya na ito ay madaling magagamit ng pangatlong partido para makigulo sa relasyon nila.Kung sobrang lapit nila at may malalim silang nararamdaman para sa isa’t isa at kung malapit ang puso nila sa isa’t isa, natural na imposibleng mag-iwan sila ng kahit anong puwang para makigulo ang isang pangatlong partido sa relasyon nila.Nang maisip niya ito, biglang nakaramdam si Claire ng hindi inaasahang udyok.Sa sandaling ito, nakita ni Charlie na nakatulala pa rin si Claire at sinabi niya sa kanya nang mabilis, “Mahal, kailangan na nating umalis nang mabilis o mahuhuli tayo.”Doon lang bumalik sa diwa si Claire bago
Sa sandaling ito, sinabi rin ng ama ni Draco na nakatayo sa gilid, “Draco, dapat ka talagang makinig sa mga magulang mo tungkol dito. Ang pinakamahalagang bagay kapag kinakasal ka ay makahanap ng isang asawa mula sa pamilya na bagay sa atin pagdating sa social status. Marahil ay hindi masyadong mayaman o makapangyarihang pamilya ang pamilya Scotson pero may net worth tayo na sampu-sampung milyong dolyar. Sa mga pamilya natin, kamag-anak, at kaibigan, ang pamilya natin ang maituturing na pinakamayaman sa lahat. Kung makikinig ka sa akin at maghahanap ka ng ibang young lady na tugma o mas mayaman sa pamilya natin, mas mamumukod-tangi ang lakas ng pamilya Scotson.Pagkatapos niya itong sabihin, nagbuntong hininga ang kanyang ama habang sinabi, “Napakatigas ng ulo mo. Pwede ka namang maghanap ng kahit sinong dalaga pero naghanap ka ng isang babae na galing sa isang napakahirap na pamilya. Hindi ba’t gagawin tayong katatawanan ng mga kamag-anak at kaibigan natin kung gano’n?”Nakaramdam s
Hindi man lang alam ng nakakaawang si Draco ang plano na ginagawa ng mga magulang niya sa sandaling ito.Hinihintay niya pa ring lumitaw ang pinakamahal na babae niya.Gayunpaman, habang lumilipas ang oras, nag-aalala na rin siya nang kaunti.Hindi siya natatakot na magbabago ang isip ni Magnolia. Pero, natatakot lang siya na hindi papayag ang mga magulang ni Magnolia na pakasalan siya ngayong araw.Sa sandaling ito, mayroong umaatungal na tunog ng isang super sports car sa kalsada.Naakit ang lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya Scotson sa mabangis na tunog.Pagkatapos, sumigaw ang isa, “P*ta! Bugatti Veyron pala ito!”“Seryoso!” Ang pinsan ni Draco, si Hans Scotson, ay tumingin sa Bugatti Veyron na papalapit sa malayo habang sinabi niya sa paghanga, “Ito ang Hermes limited edition na Bugatti Veyron at mayroon lang isang kotse na ganito sa buong bansa! Nakita ko ang kotseng ito sa Aurous Hill International Automobile Show dati. Sinasabi na isang misteryoso at mayamang
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago