Hindi pa nagsasalita si Charlie. Pero, nang makita niyang pinulot ng ama ni Magnolia ang rolling pin, bigla siyang nagalit nang sobra.Ayos lang kung gumagawa lang sila ng sarkastiko at mapangutyang pangungusap, pinapagalitan siya, pati na rin ang pag-atake pagkatao niya. Dahil, sinamahan niya lang naman ang asawa niya dito para tulungan siyang ikasal ang kaklase niya noong high school. Kaya, ang gusto niya lang gawin ay umalis sa lalong madaling panahon para kumpletuhin ang layunin niyang ikasal ang kaibigan niya.Gayunpaman, hindi niya talaga ito natiis nang makita niyang umaasta na parang mga hinayupak ang mga magulang at ang kapatid ng kabila.Kaya, tumayo siya sa harap nina Claire at Magnolia sa mapagtanggol na paraan. Pagkatapos, tumingin siya nang malamig sa ama ni Magnolia habang sinabi, “Alam mo ba na iligal ang lahat ng kilos mo? Ang pangingialam sa kasal ng anak mo ay isang kalayaan na labag sa moralidad. Bukod dito, ang mga personal na atake at insulto, pati na rin ang l
Kahit na ginamit ng ama ni Magnolia ang lahat ng kanyang lakas, naramdaman niya na hinampas niya ang rolling pin sa isang matigas na bakal. Pagkatapos nito, mayroong malakas at marahas na panginginig sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo. Nakaramdam siya ng sobrang sakit at agad niyang binitawan ang rolling pin at hinawakan ang kanyang pulos habang sumigaw siya sa sakit.Nang tumingin ulit siya sa rolling pin, napagtanto niya na nahati na ito sa dalawa!Nagulat talaga dito ang ama ni Magnolia.Kaya talagang baliin ng lalaking ito ang rolling pin gamit lang ang mga kamay niya. Bukod dito, mukhang hindi man lang nasaktan ang taong iyon. Malinaw na magaling makipaglaban ang lalaking ito sa isang tingin lang!Paano niya magagawang galitin ang ganitong tao? Paano kung mamuo ang dugo sa ulo niya pagkatapos siyang suntukin ng lalaki? Sino ang makakausap niya kung gano’n? Dahil, isa lang siyang matandang lalaki na walang pera at walang kapangyarihan. Pagkatapos niyang mabugbog, wala
Pinupunasan pa rin ni Magnolia ang mga luha sa kanyang mukha nang dinala nina Charlie at Claire si Magnolia palabas sa community.Patuloy na pinapatahan ni Claire si Magnolia pero hindi kumilos si Charlie.Pagkatapos nilang lumabas sa community, maraming tao ang nakapalibot at nag-uunahan para kunan ng litrato ang dalawang kotse na ipinarada nila sa gilid ng kalsada.Umabante si Charlie para patabihin ang mga tao na nasa harap ng Aston Martin. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto sa co-driver seat at pinapasok muna si Magnolia sa kotse.Nagulantang si Magnolia nang makita niya ang Aston Martin One-77 sa harap niya. Tinanong niya sa sorpresa, “Claire, ang kotseng ito…”Ngumiti si Claire bago niya sinabi, “Hiniram ng asawa ko ang dalawang kotseng ito sa kaibigan niya. Huwag kang mag-alala, siguradong hindi ka mapapahiya kung gagamitin natin ang dalawang super sports car na ito papunta sa bahay ng biyenan mo.”Napuno ng konsensya si Magnolia habang sinabi, “Claire, akala ko na perpek
”Ano raw?”Nang marinig ito ng ina ni Francis, dumilim ang lahat sa harap ng mga mata niya!Isang daang milyong dolyar? Ano ito?Kahit na may isang milyong dolyar ang kabila, sa mga mata niya, sobrang kahanga-hanga na mayaman na tao na sila. Kung mayroon siyang sampung milyong dolyar, isa na siyang malaki at makapangyarihang tao na hindi nila pwedeng galitin. Kung mayroon siyang isang daang milyong dolyar, isa na siyang diyos!Bukod dito, hindi lang na may net worth sila na isang daang milyong dolyar ngunit ang dalawang kotse pa lang nila ay mahigit isang daang milyong dolyar na!Nang maisip niya ito, tinanong niya nang nagmamadali, “Sinasabi mo ba sa akin ang totoo? Gano’n kamahal ba talaga ang dalawang kakaibang kotse na ito?”Tumango si Francis habang sinubukang niyang hilahin pataas ang kanyang ina at sinabi, “Sa tingin mo ba ay ayoko ng bagong bahay? Pero sa ganitong sitwasyon, paano natin ito mapupuwersa? Maghihirap at mamomroblema nang sobra ang pamilya natin kung gagaliti
Si Vera Wang ay isang sikat na wedding dress designer sa buong mundo.Ang buong pangalan niya ay Vera Ellen Wang.Kahit ang anak ng dating President Clinton ng United States ay sinuto ang wedding dres na dinisenyo niya noong ikinasal siya.Ang asawa ni David Beckham, si Victoria, ay isinuot na rin ang wedding dress na dinisenyo ni Vera Wang noong pinakasalan niya si David Beckham. Kahit ang sikat na si Britney Spears at ang apong babae ng Macau Gambling King ay isinuot ang mga wedding dress na dinisenyo niya sa kasal nila.Sa impluwensya ni Vera Wang sa iba’t ibang bansa, karaniwan ay nagbubukas lang siya ng mga store sa mga pinakamalaking siyudad sa buong mundo. Ang dahilan kung bakit niya binuksan ang kanyang store sa Aurous Hill, isang second-tier na siyudad, ay dahil may magandang relasyon siya kay Jasmine. Gustong-gusto talaga ni Jasmine ang lahat ng disenyo niya sa mga wedding dress. Kaya, handa rin si Jasmine na mag-invest sa kanyang shop.Bihasa si Vera Wang sa pagdisenyo
Dahil sobrang bait sa kanya ni Claire, naramdaman ni Magnolia na siguradong hindi siya sasaktan ni Claire sa kahit anong paraan.Nagmaneho si Charlie direkta sa bridal shop ni Jasmine.Kahit si Claire ay nasorpresa nang kaunti nang tinigil ni Charlie nang kotse.Kakahiling niya lang sa kanya na humanap ng kaibigan na mahihiraman ng mas magandang wedding dress para sa kanila. Gayunpaman, hindi niya talaga inaasahan na makakahiram siya ng wedding dress dito!Ito ang store na pagmamay-ari ng world’s top wedding dress designer, si Vera Wang!Kahit si Claire ay hindi nangahas na umasa na magkakaroon siya ng pagkakataong suotin ang ganito kataas at karangyang wedding dress.Bukod dito, hindi niya talaga inaasahan na mapamaraan pa rin kahit dito ang kanyang asawa.Maaari ba na humiling din ang bridal shop ng tulong kay Charlie para tingnan ang Feng Shui nila?Habang nag-iisip siya, binuksan na ni Charlie ang pinto ng kanyang kotse habang papalabas siya dito.Sa sandaling ito, isang m
Medyo kinakabahan sina Claire at Magnolia habang iniisip nila kung papasok ba sila sa sandaling ito.Alam nilang dalawa na sobrang mahal ng ganitong bran ng wedding dress. Bukod dito, talagang hindi ito kayang bilhin ng mga ordinaryong tao.Halos nasa sampu-sampung libong dolyar na ang pagrenta ng isang magandang custom na wedding dress sa kahit anong general na bridal shop.Ang mga wedding dress na ito ay dinesenyo ni Vera Wang at aabutin sila ng anim na numero sa pinakamababa kung rerentahan nila ang kahit anong wedding dress nila sa isang araw.Kung bibilhin naman nila ang isa sa mga wedding dress dito, mas magiging mahal pa ito at nasa ilang milyong dolyar na ito!Naramdaman ni Magnolia na hindi siya karapat-dapat sa ganito kamahal na wedding dress. Kahit na hawakan niya lang ang wedding dress, natatakot siya na hindi niya kayang bayaran ang kabila para sa wedding dress kung masisira niya ito.Kaya, paano posible na mangangahas siyang pumunta sa kasal niya gamit ang ganito ka
Tinulungan siya ni Clairen a pumili ng isang napakagandang wedding dress na may tube top. Pagkatapos, sinabi niya, “Sa tingin ko ay bagay na bagay ito sa iyo. Sobrang marangal at elegante nito at ipinapakita rin nito ang collar bone mo, na napakaganda rin.”Nag-alangan si Magnolia nang ilang sandali bago niya sinabi, “Iyan na lang kung gano’n. Hindi ko talaga alam kung paano pumili…”Ngumiti si Jasmine habang sinabi, “Sobrang ganda ng panlasa ni Mrs. Wade. Ang wedding dres na ito ang may pinakamataas na rating at kagustuhan dito. Sa tingin ko rin ay bagay na bagay ang wedding dress na ito kay Miss Zevell.”Pagkatapos, agad tinawag ni Jasmine ang dalawang napaka propesyonal na assistant sa bridal shop. Agad nilang kinuha ang wedding dress bago nila magalang na pinangunahan si Magnolia sa fitting room.Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Magnolia suot ang isang puti at eleganteng wedding dress na may tube top. Medyo hindi siya mapalgay habang lumabas siya sa fitting room.Lumiwan
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa