Sa sandaling ito, isang di gaano katandang lalaki ang sumigaw sa malamig na boses, “Talagang inaapi at pinagsasamantalahan ng pamilya ng lalaking ito ang iba. Buntis ka na sa apo nila at hindi man lang sila magbibigay ng kahit anong dowry. Hindi ba sila natatakot na ipapalaglag mo ang sanggol?”Sumagot ang isang binata, “Bakit matatakot ang pamilya Scotson? Gusto nilang ipalaglag ng ate ko ang sanggol. Dahil minamaliit at kinamumuhian nila ang ate ko at sa tingin nila ay hindi siya karapat-dapat na ikasal sa pamilya nila.”Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Ate, bakit parang nahumaling ka na? Bakit kailangan mong pakasalan ang lalaking iyon na may apelyidong Scotson? Sobrang sama ng g*gong iyon at ng buong pamilya niya! Bakit hindi ka magtanong-tanong sa community natin at tingnan kung may ibang babae na hindi nakatanggap ng dowry sa mga biyenan nila noong kinasal sila? Ikinasal ang kapatid ng mabuting kaibigan na si Samuel sa isang ordinaryong lalaki sa sumunod na bayan at binigyan ng pa
Sa sandaling ito, lumala na ang mga abusadong boses sa itaas.Galit na sinumbat ng di gaano katandang babae, “Paano ko ba ipinanganak ang isang basura na tulad mo? Nagsikap akong suportahan ka at bayaran ang edukasyon mo sa university. Hindi ka man lang kumita nang malaki para sa pamilya natin sa nakaraang dalawang taon at ngayon, nagmamadali ka nang manganak para sa iba. Kung alam ko lang na magiging walang konsensyang tao ka, tinapon na sana kita pagkatapos kitang ipanganak!”Umiyak ang dalaga habang sinabi, “Ma, nakapasok ako sa university dahil umasa ako sa student loan! Hanggang ngayon ay binabayaran ko pa rin ang student loan. Sa panahong iyon, hindi mo man lang ako pinayagang pumasok sa university. Gusto mo pa akong ikasal noong labing-walong taon pa lang ako. Sinabi mo sa akin na kapag mas bata ikakasal ang isang babae, mas mahalaga siya!”“Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para makapasok sa university pero pinagbawalan mo pa rin akong pumasok dito. Sinubukan mo pang pun
Pagkatapos niyang magsalita, ipinakilala niya si Charlie sa binata. “Francis, siya ang asawa ko, si Charlie.“Asawa?” Tinanong sa sorpresa ni Francis. “Claire, kasal ka na?”Bahagyang tumango si Claire bago siya ngumiti at sniabi, “Oo, mahigit tatlong taon na akong kasal ngayon. Nasaan ang ate mo? Nasa bahay ba siya?”Sa sandaling ito, isang dalaga na may limang fingerprint na bakas sa mukha niya ang pumunta at naglabas ng pekeng ngiti sa kanyang mukha habang sinabi, “Claire, nandito ka na!”Medyo maganda rin ang babae at may magandang katawan din siya. Siguradong galing siya sa upper middle class.Pero, malinaw na may suot na sobrang murang wedding dress ang babae. Makikita pa na may punit na ang ilang parte ng wedding dress.Isang lalaki at babae ang biglang lumabas sa kwarto sa sandaling ito. Mukhang nasa limampung taon ang mag-asawa at mayroon silang napakalamig na ekspresyon sa kanilang mukha sa sandaling ito. Nang makita nila si Claire, tumingin ang mag-asawa kay Magnolia a
Hindi pa nagsasalita si Charlie. Pero, nang makita niyang pinulot ng ama ni Magnolia ang rolling pin, bigla siyang nagalit nang sobra.Ayos lang kung gumagawa lang sila ng sarkastiko at mapangutyang pangungusap, pinapagalitan siya, pati na rin ang pag-atake pagkatao niya. Dahil, sinamahan niya lang naman ang asawa niya dito para tulungan siyang ikasal ang kaklase niya noong high school. Kaya, ang gusto niya lang gawin ay umalis sa lalong madaling panahon para kumpletuhin ang layunin niyang ikasal ang kaibigan niya.Gayunpaman, hindi niya talaga ito natiis nang makita niyang umaasta na parang mga hinayupak ang mga magulang at ang kapatid ng kabila.Kaya, tumayo siya sa harap nina Claire at Magnolia sa mapagtanggol na paraan. Pagkatapos, tumingin siya nang malamig sa ama ni Magnolia habang sinabi, “Alam mo ba na iligal ang lahat ng kilos mo? Ang pangingialam sa kasal ng anak mo ay isang kalayaan na labag sa moralidad. Bukod dito, ang mga personal na atake at insulto, pati na rin ang l
Kahit na ginamit ng ama ni Magnolia ang lahat ng kanyang lakas, naramdaman niya na hinampas niya ang rolling pin sa isang matigas na bakal. Pagkatapos nito, mayroong malakas at marahas na panginginig sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo. Nakaramdam siya ng sobrang sakit at agad niyang binitawan ang rolling pin at hinawakan ang kanyang pulos habang sumigaw siya sa sakit.Nang tumingin ulit siya sa rolling pin, napagtanto niya na nahati na ito sa dalawa!Nagulat talaga dito ang ama ni Magnolia.Kaya talagang baliin ng lalaking ito ang rolling pin gamit lang ang mga kamay niya. Bukod dito, mukhang hindi man lang nasaktan ang taong iyon. Malinaw na magaling makipaglaban ang lalaking ito sa isang tingin lang!Paano niya magagawang galitin ang ganitong tao? Paano kung mamuo ang dugo sa ulo niya pagkatapos siyang suntukin ng lalaki? Sino ang makakausap niya kung gano’n? Dahil, isa lang siyang matandang lalaki na walang pera at walang kapangyarihan. Pagkatapos niyang mabugbog, wala
Pinupunasan pa rin ni Magnolia ang mga luha sa kanyang mukha nang dinala nina Charlie at Claire si Magnolia palabas sa community.Patuloy na pinapatahan ni Claire si Magnolia pero hindi kumilos si Charlie.Pagkatapos nilang lumabas sa community, maraming tao ang nakapalibot at nag-uunahan para kunan ng litrato ang dalawang kotse na ipinarada nila sa gilid ng kalsada.Umabante si Charlie para patabihin ang mga tao na nasa harap ng Aston Martin. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto sa co-driver seat at pinapasok muna si Magnolia sa kotse.Nagulantang si Magnolia nang makita niya ang Aston Martin One-77 sa harap niya. Tinanong niya sa sorpresa, “Claire, ang kotseng ito…”Ngumiti si Claire bago niya sinabi, “Hiniram ng asawa ko ang dalawang kotseng ito sa kaibigan niya. Huwag kang mag-alala, siguradong hindi ka mapapahiya kung gagamitin natin ang dalawang super sports car na ito papunta sa bahay ng biyenan mo.”Napuno ng konsensya si Magnolia habang sinabi, “Claire, akala ko na perpek
”Ano raw?”Nang marinig ito ng ina ni Francis, dumilim ang lahat sa harap ng mga mata niya!Isang daang milyong dolyar? Ano ito?Kahit na may isang milyong dolyar ang kabila, sa mga mata niya, sobrang kahanga-hanga na mayaman na tao na sila. Kung mayroon siyang sampung milyong dolyar, isa na siyang malaki at makapangyarihang tao na hindi nila pwedeng galitin. Kung mayroon siyang isang daang milyong dolyar, isa na siyang diyos!Bukod dito, hindi lang na may net worth sila na isang daang milyong dolyar ngunit ang dalawang kotse pa lang nila ay mahigit isang daang milyong dolyar na!Nang maisip niya ito, tinanong niya nang nagmamadali, “Sinasabi mo ba sa akin ang totoo? Gano’n kamahal ba talaga ang dalawang kakaibang kotse na ito?”Tumango si Francis habang sinubukang niyang hilahin pataas ang kanyang ina at sinabi, “Sa tingin mo ba ay ayoko ng bagong bahay? Pero sa ganitong sitwasyon, paano natin ito mapupuwersa? Maghihirap at mamomroblema nang sobra ang pamilya natin kung gagaliti
Si Vera Wang ay isang sikat na wedding dress designer sa buong mundo.Ang buong pangalan niya ay Vera Ellen Wang.Kahit ang anak ng dating President Clinton ng United States ay sinuto ang wedding dres na dinisenyo niya noong ikinasal siya.Ang asawa ni David Beckham, si Victoria, ay isinuot na rin ang wedding dress na dinisenyo ni Vera Wang noong pinakasalan niya si David Beckham. Kahit ang sikat na si Britney Spears at ang apong babae ng Macau Gambling King ay isinuot ang mga wedding dress na dinisenyo niya sa kasal nila.Sa impluwensya ni Vera Wang sa iba’t ibang bansa, karaniwan ay nagbubukas lang siya ng mga store sa mga pinakamalaking siyudad sa buong mundo. Ang dahilan kung bakit niya binuksan ang kanyang store sa Aurous Hill, isang second-tier na siyudad, ay dahil may magandang relasyon siya kay Jasmine. Gustong-gusto talaga ni Jasmine ang lahat ng disenyo niya sa mga wedding dress. Kaya, handa rin si Jasmine na mag-invest sa kanyang shop.Bihasa si Vera Wang sa pagdisenyo
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang