Hindi makapagsalita kaagad si Paulo dahil sa sinabi ni Igneel, noong una ay hindi niya pa maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito kaya noong napagtanto niya na, mas lalong hindi siya makapagsalita."Lalabas ka ba o ako na mismo ang tutulak sa'yo palabas?" Seryosong sabi ni Igneel. Sinamaan siya ng tingin ni Paulo na para bang susuntokin niya na si Igneel ngunit nagtitimpi siya."Wala kang utang na loob, sinamahan kita at tinulungan na makuha ang deal na ito, Igneel." Giit na sabi ni Paulo.Ngumisi naman si Igneel dahil para sa kanya wala lang iyon, ang ginawa ni Paulo para sa kanya ay sadyang nagpapakitang tao lamang at hindi ito sincere kaya bakit niya papasalamatan. "I don't care about your feelings and besides, kahit hindi mo ako samahan na pinilit mo lang kay Senior Elias, makukuha ko ang deal na ito. Baka nakalimutan mo na ako lang ang gustong makita ni Mr. Sanchez." Nayayabangan na si Paulo kay Igneel kaya mas lalong nainis siya kaya wala siyang choice kundi ang bumaba ng k
Nang marinig ni Igneel ang pangalan na Jefferson, naalala niya lang ang nag message na nakita niya sa laptop ni Aricella. “Nabasa mo ang sinabi niya?” tanong ni Igneel. Nagtaka naman si Aricella sa tanong nito. “Uhm oo kasi hawak ko ang cell phone ko kanina habang nasa meeting—““Mas inuna mo siyang i-message kaysa sa akin na alam mo rin na nag-aantay ako rito, ganoon ba?” tanong pa ni Igneel, baka sa boses nito ang pagtatampo. Mas lalong kumunot ang noo ni Aricella dahil sa sinabi ni Igneel, hindi niya pa rin naitindihan ang ibig sabihin ito. “Bakit parang galit ka? Nabasa mo ba ang message niya?” Nagtatakang tanong ni Aricella.Umiwas ng tingin si Igneel dahil hindi niya alam kung sasabihin niya ba o hindi na nabasa niya ang sinabi ng lalaking iyon. Nahihiya siya kay Aricella na sabihin pa iyon dahil hindi niya naman iyon ginagawa noon, ngayon lang talaga na sinubukan niyang pakealaman ang kahit na anong gamit ni Aricella. Pero inaamin niya sa kanyang sarili na naiinis siya sa l
Umawang ang bibig ni Jefferson nang marinig ang sinabi ni Igneel. Ilang segundo siyang nakatingin lang sa kamay ni Igneel na hanggang ngayon ay nakalahas pa rin sa harap niya.“Husband?” Hindi makapaniwalang banggit ni Jefferson nang unti-unti ng pumasok sa kokote niya ang salitang “husband”. Bumaling siya kay Aricella na ngayon ay kagat labing nakayuko, hindi niya sinabi kay Jefferson sa skype na kasama niya si Igneel at may asawa siya. Dahil sobrang haba na ng panahon na hindi sila nagkikita ni Jefferson, from high school to before this day na magkita sila kaya laki na lang ang gulat ni Jefferson nang malaman na may asawa ito. “I’m sorry, hindi ko sinabi—““Bakit ka humihingi ng sorry na hindi mo sinabi? Magagalit ba siya kung may asawa ka?”“Igneel, ano ba?” Bulong ni Aricella kay Igneel dahil sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng hiya kay Jefferson kaya nagpaalam muna siya na lumayo para kausapin si Igneel.“Bakit? May nagawa ba akong mali? Anong mali sa sinabi ko?” Sunod-sunod na
Hindi agad nakapagsalita si Igneel sa sinabi ni Jefferson, gusto niyang matawa dahil feeling niya ay nagpapatawa lang ang lalaking nasa harap niya ngayon ngunit nang napansin niyang pati si Arice ay seryoso. “What? Totoo ang sinabi niya?” tanong ni Igneel kay Aricella.Huminga nang malalim si Aricella at tumingin ng seryoso kay Igneel. “Mga bata pa lang kami no’n pero pareho naming ayaw dahil hindi pa kami handa, gusto ng magulang namin na kami ang mag-aasawa para sa negosyo ng pamilya namin.” Paliwanag ni Aricella.Pero para kay Igneel hindi siya naniniwala sa ganoong tradition. “So, you are his fiancé and ready to get marriage that time kung pareho kayong handa?”“Exactly!” Pasigaw na sagot ni Jefferson sa tanong ni Igneel. Mas lalong kumunot ang noo ni Igneel dahil sa pagsigaw ni Jefferson na tila bang natutuwa pa ito. “I don’t like your smile—““Igneel, stop that.” Sita na naman ni Aricella kay Igneel dahil umaariba na naman ang pagiging attitude nito sa harap ni Jefferson. “I d
Nanlaki ang mga mata ni Aricella dahil sa pagsigaw ni Igneel sa kanya, napaatras siya nang natakot. Bigla namang lumambot ang mukha ni Igneel nang makitang natatakot si Aricella sa kanya."Look, I'm sorry---""Don't touch me, uuwi na ako."Mabilis na umalis si Aricella kaya sabay siyang tinawag nina Igneel at Jefferson. Si Jefferson na nagulat din sa ginawa ni Igneel, he expected that pero mas nagulat siya na nangyari nga."Aricella!" sigaw ni Jefferson ngunit akmang susundan niya na sana si Aricella nang pinigilan siya ni Igneel. "What?" tanong ni Jefferson kay Igneel. Sinamaan siya ng tingin ni Igneel. "Ako ang susunod sa kanya. hindi ikaw. Umuwi ka na---""What the hell are you talking? Alam kong asawa mo siya pero hindi mo dapat iyon ginawa kay Aricella, sinigawan mo siya sa kung saan maraming tao? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni Jefferson ngunit hindi na siya sinagotpa ng mahaba ni Igneel."Wala akong pakealam sa opinion mo kaya tumabi ka sa harap ko," sabi ni Igneel
Hindi nakapag salita si Aricella dahil sa narinig mula sa lalaki, para siyang namanhid at hindi alam kung magagalaw pa ba ang katawan niya."Oh my gosh." Napatakip sa bibig niya si Janette dahil hindi na rin siya makagalaw sa kanyang kinaupuan na para bang hinihila pababa sa lupa, ganoon din si Aricella, namamanhin."Uso ba ang biruan dito?" Pilit tumawa ni Aricella kahit na kinakabahan na siya ngunit nang makitang seryoso ang mukha ng lalaki mas lalong umawang ang bibig niya. "Nasaan si Igneel? Hindi totoo ang sinabi mong iyan. Hindi totoo iyan." Umiiyak na si Aricella, hini na napigilan ang sarili. Kahit si Janette ay hindi makapaniwala sa narinig kung totoo ba iyon o hindi. "Pumasok po muna kayo sa palasyo at doon magpaghinga sa loob, sa ngayon ay pinapahanap pa ni Senior si Signore," paliwanag ng lalaki.Ngunit umiling si Aricella, wala rin naman si Igneel sa loob at alam niyang hindi siya papagalawin ng pamilya ni Igneel kung siya mismo ang maghahanap kay Igneel. "Hahanapin ko s
“Tulog pa rin ba?”“Opo Lolo, hindi pa rin nagigising. Marami ka ng dahom na nilagay sa katawan niya pero medyo bumaba naman ang lagnat niya.” “Mabuti naman, pumunta ka muna kay Emil at humingi ng bigas, baka paggising ng ating bisita ay magugutom siya.”“Sige po Lolo, sana po ay may bigas pa sila Tatay.”“Meron pa iyan, may natanggap na ayuda iyon kay Konsehal.”“Eh bakit ikaw Lolo ay wala?”“Meron naman, pinangsabong ko lang.”Umiling ang dalaga sa sagot ng kanyang lolo, alam niyang mas malaki ang makukuha ng mga Senior Citizens kaysa sa mga hindi pa, pero para sa kanya hindi imposible na hindi niya agad ito gagamitin sa sabong.Sa maliit na baryo kung saan lahat ng tao o magkakapitbahay ay halos pamilya na ang turingan dahil kilala na nila ang isa’t isa, tahimik at masaya. Nagiginh malungkot lang sa tuwing may sakuna na dumarating, minsan ay dahil sa malakas na bagyo nasisira ang mga kabahayan. Sa baryo Tinalian kung tawagin ay ang mga taong handang tumulong kahit hindi sila sigura
"Sino ba kasi ang lalaking iyan? Baka kriminal iyan kaya napadpad dito sa lugar natin, tumakbo dahil hinahabol ng mga parak. Ibalik na natin yan sa dalampasigan." Mahabang sabi ng binata. Hinampas naman siya ng kanyang ama. "Ikaw Arman, magtigil ka na sa mga iniisip mo. Huwag kang mag-isip ng ganyan, kita mong walang malay ang bisita,""Tama si Tatay, kuya. Hindi naman mukhang kriminal ang taong iyan. Ang pogi nga e.""Hoy Kurdya, manahimik ka ha. Huwag kang mahuhulog sa lalaking hindi natin kilala. Ang ganyang mukha hindi mapagkakatiwalaan." saad ng kuya niya. Wala pa ring malay si Igneel, binigyan na siya ng dahong gamot sa katawan at maligamgam na tubig dhail nagkasinat ito. "Ikaw muna ang bahala sa dayuhan. Magpapasama lang ako sa Tatay at Kuya mo na mangisda at maghanap na rin ng pwedeng gamot sa dayuhan," mahabang sabi ng matanda. Tumango ang dalaga at umalis na rin ang pamilya niya. Nang siya na lang mag-isa, tinignan niya ng malapitan si Igneel. "Ang gwapo mo namang lala