Umawang ang bibig ni Jefferson nang marinig ang sinabi ni Igneel. Ilang segundo siyang nakatingin lang sa kamay ni Igneel na hanggang ngayon ay nakalahas pa rin sa harap niya.“Husband?” Hindi makapaniwalang banggit ni Jefferson nang unti-unti ng pumasok sa kokote niya ang salitang “husband”. Bumaling siya kay Aricella na ngayon ay kagat labing nakayuko, hindi niya sinabi kay Jefferson sa skype na kasama niya si Igneel at may asawa siya. Dahil sobrang haba na ng panahon na hindi sila nagkikita ni Jefferson, from high school to before this day na magkita sila kaya laki na lang ang gulat ni Jefferson nang malaman na may asawa ito. “I’m sorry, hindi ko sinabi—““Bakit ka humihingi ng sorry na hindi mo sinabi? Magagalit ba siya kung may asawa ka?”“Igneel, ano ba?” Bulong ni Aricella kay Igneel dahil sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng hiya kay Jefferson kaya nagpaalam muna siya na lumayo para kausapin si Igneel.“Bakit? May nagawa ba akong mali? Anong mali sa sinabi ko?” Sunod-sunod na
Hindi agad nakapagsalita si Igneel sa sinabi ni Jefferson, gusto niyang matawa dahil feeling niya ay nagpapatawa lang ang lalaking nasa harap niya ngayon ngunit nang napansin niyang pati si Arice ay seryoso. “What? Totoo ang sinabi niya?” tanong ni Igneel kay Aricella.Huminga nang malalim si Aricella at tumingin ng seryoso kay Igneel. “Mga bata pa lang kami no’n pero pareho naming ayaw dahil hindi pa kami handa, gusto ng magulang namin na kami ang mag-aasawa para sa negosyo ng pamilya namin.” Paliwanag ni Aricella.Pero para kay Igneel hindi siya naniniwala sa ganoong tradition. “So, you are his fiancé and ready to get marriage that time kung pareho kayong handa?”“Exactly!” Pasigaw na sagot ni Jefferson sa tanong ni Igneel. Mas lalong kumunot ang noo ni Igneel dahil sa pagsigaw ni Jefferson na tila bang natutuwa pa ito. “I don’t like your smile—““Igneel, stop that.” Sita na naman ni Aricella kay Igneel dahil umaariba na naman ang pagiging attitude nito sa harap ni Jefferson. “I d
Nanlaki ang mga mata ni Aricella dahil sa pagsigaw ni Igneel sa kanya, napaatras siya nang natakot. Bigla namang lumambot ang mukha ni Igneel nang makitang natatakot si Aricella sa kanya."Look, I'm sorry---""Don't touch me, uuwi na ako."Mabilis na umalis si Aricella kaya sabay siyang tinawag nina Igneel at Jefferson. Si Jefferson na nagulat din sa ginawa ni Igneel, he expected that pero mas nagulat siya na nangyari nga."Aricella!" sigaw ni Jefferson ngunit akmang susundan niya na sana si Aricella nang pinigilan siya ni Igneel. "What?" tanong ni Jefferson kay Igneel. Sinamaan siya ng tingin ni Igneel. "Ako ang susunod sa kanya. hindi ikaw. Umuwi ka na---""What the hell are you talking? Alam kong asawa mo siya pero hindi mo dapat iyon ginawa kay Aricella, sinigawan mo siya sa kung saan maraming tao? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni Jefferson ngunit hindi na siya sinagotpa ng mahaba ni Igneel."Wala akong pakealam sa opinion mo kaya tumabi ka sa harap ko," sabi ni Igneel
Hindi nakapag salita si Aricella dahil sa narinig mula sa lalaki, para siyang namanhid at hindi alam kung magagalaw pa ba ang katawan niya."Oh my gosh." Napatakip sa bibig niya si Janette dahil hindi na rin siya makagalaw sa kanyang kinaupuan na para bang hinihila pababa sa lupa, ganoon din si Aricella, namamanhin."Uso ba ang biruan dito?" Pilit tumawa ni Aricella kahit na kinakabahan na siya ngunit nang makitang seryoso ang mukha ng lalaki mas lalong umawang ang bibig niya. "Nasaan si Igneel? Hindi totoo ang sinabi mong iyan. Hindi totoo iyan." Umiiyak na si Aricella, hini na napigilan ang sarili. Kahit si Janette ay hindi makapaniwala sa narinig kung totoo ba iyon o hindi. "Pumasok po muna kayo sa palasyo at doon magpaghinga sa loob, sa ngayon ay pinapahanap pa ni Senior si Signore," paliwanag ng lalaki.Ngunit umiling si Aricella, wala rin naman si Igneel sa loob at alam niyang hindi siya papagalawin ng pamilya ni Igneel kung siya mismo ang maghahanap kay Igneel. "Hahanapin ko s
“Tulog pa rin ba?”“Opo Lolo, hindi pa rin nagigising. Marami ka ng dahom na nilagay sa katawan niya pero medyo bumaba naman ang lagnat niya.” “Mabuti naman, pumunta ka muna kay Emil at humingi ng bigas, baka paggising ng ating bisita ay magugutom siya.”“Sige po Lolo, sana po ay may bigas pa sila Tatay.”“Meron pa iyan, may natanggap na ayuda iyon kay Konsehal.”“Eh bakit ikaw Lolo ay wala?”“Meron naman, pinangsabong ko lang.”Umiling ang dalaga sa sagot ng kanyang lolo, alam niyang mas malaki ang makukuha ng mga Senior Citizens kaysa sa mga hindi pa, pero para sa kanya hindi imposible na hindi niya agad ito gagamitin sa sabong.Sa maliit na baryo kung saan lahat ng tao o magkakapitbahay ay halos pamilya na ang turingan dahil kilala na nila ang isa’t isa, tahimik at masaya. Nagiginh malungkot lang sa tuwing may sakuna na dumarating, minsan ay dahil sa malakas na bagyo nasisira ang mga kabahayan. Sa baryo Tinalian kung tawagin ay ang mga taong handang tumulong kahit hindi sila sigura
"Sino ba kasi ang lalaking iyan? Baka kriminal iyan kaya napadpad dito sa lugar natin, tumakbo dahil hinahabol ng mga parak. Ibalik na natin yan sa dalampasigan." Mahabang sabi ng binata. Hinampas naman siya ng kanyang ama. "Ikaw Arman, magtigil ka na sa mga iniisip mo. Huwag kang mag-isip ng ganyan, kita mong walang malay ang bisita,""Tama si Tatay, kuya. Hindi naman mukhang kriminal ang taong iyan. Ang pogi nga e.""Hoy Kurdya, manahimik ka ha. Huwag kang mahuhulog sa lalaking hindi natin kilala. Ang ganyang mukha hindi mapagkakatiwalaan." saad ng kuya niya. Wala pa ring malay si Igneel, binigyan na siya ng dahong gamot sa katawan at maligamgam na tubig dhail nagkasinat ito. "Ikaw muna ang bahala sa dayuhan. Magpapasama lang ako sa Tatay at Kuya mo na mangisda at maghanap na rin ng pwedeng gamot sa dayuhan," mahabang sabi ng matanda. Tumango ang dalaga at umalis na rin ang pamilya niya. Nang siya na lang mag-isa, tinignan niya ng malapitan si Igneel. "Ang gwapo mo namang lala
Nagising ulit si Igneel ngunit ganoon pa rin ang kanyang sitwasyon, nagtataka. Hindi niya maalala kung sino siya o ano ang nangyari sa kanya. Nakatingin lang din sa kanya ang pamilyang tumulong sa kanya at si Mang Ulpo."Ayos ka na ba, iho?" tanong ni Mang Ulpo. Hindi sumagot si Igneel, tinignan niya ang katawan niya at naroon pa rin ang nilalagay nila na gamot. "Anong nangyari sa akin?" tanong niya nang mahawakan niya ang kanyang ulo, may bandana ito na kulay puti at mayroong dugo gawa ng sugat niya sa ulo. "At nasaan ako? Sino kayo?" sunod-sunod na tanong ni Igneel. Umiling ang ama ni Kurdya at ang kuya nito, ang matandang lalaki at si Mang Ulpo ay nakatingin lang kay Igneel ng seryoso habang ang dalaga na si Kurdya ay malungkot na tumingin kay Igneel."Wala nga po siyang naalala, sigurado po ba kayo Lolo na dumito muna siya sa isla natin?" tanong ng dalaga. Tumingin sila sa matandang lalaki, ganoon din si Igneel. "Wala na tayong magagawa, hindi natin pwedeng pabayaan ang dayuhan
Tahimik ang paligid ngunit may kunting bulungan pa rin ang nagaganap. Nasa harap si Igneel kasama ang pamilyang tumulong sa kanya. Sina Mang Ulpo, si Mang Lauro ang matandang tumulong sa kanya at ang mga anak ni Lauro at ang apo niyang sina Kurdya at Karlo. Ngayon nila ipapakilala si Igneel sa mga tao sa Isla dahil nasa batas ng Isla ay bawal magtago ng kahit ano o sino sa bawat isa. Kaya hindi nila pwedeng itago si Igneel dahil makikita at malalaman din naman ng mga tao ang tungkol sa kanya. "Mga kababayan!" panimulang sigaw ni Mang Lauro. Si Mang Lauro ang tinuguriang pinuno sa Isla kaya lahat ng tao ay nagbibigay respeto sa kanya, mataas ang tingin dahil na rin sa mga naitulong ni Mang Lauro sa lahat sa kanila. "Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat at kung sino ang bagong mukha na kasama namin ngayon," dagdag niya at huminto sa pagsasalita kaya nakapag-react ang mga tao."Oo Amang Lauro, sino nga ba iyang kasama ninyo? Halatang hindi siya taga rito at mukh