Napahiga si Aricella sa kanyang kama, hindi niya alam kung saan magpupunta at ano ang gagawin. Sa loob ng mahabang panahon ay pinangarap niya na makasama si Igneel sa buong buhay niya, ngunit sa ngayon ay hindi niya alam kung paano magtitiwala sa kanya muli.Nang bigla na lamang may kumatok sa kanyang pinto, napalingon siya at nakita ang kanyang pinsan din na lalaki na si Jules. Hindi na niya napigilan ang pag-iyak at napahagulgol siya sa harapan ng kanyang pinsan."Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Jules habang siya ay nagpapahid ng luha ni Aricella."Lahat ng akala ko sa buhay ko ay kasinungalingan lang pala...pinaniwalaan ko ang lahat ng mga sinabi niya. Akala ko siya na ang taong magmamahal sa akin ng totoo," sagot ni Aricella sa mahinang tinig."Si Igneel ba iyan?" Tama ang hinala ni Jules. "Ano ba ang nangyari?"Nagsimulang magkuwento si Aricella kay Jules, hindi niya na napigilan ang sarili niya at ibinuhos na niya lahat ng nararamdaman niya. Matapos niyang magkwento
Nagtataka ang pamilya ni Aricella dahil hindi ito umuwi sa kanila pagkatapos umalis. Gumabi na pa rin ay hindi pa bumabalik si Aricella. "Malaki na siya, uuwi rin iyon." Pagsusungit ni Jennica."O baka naman naging maayos na sila ni Igneel, Mama." singit naman ni Kenji at tumabi kay Jennica.Dahil sa sinabi ni Kenji, sumama ang timpla ng mukha ni Jannete dahil ayaw niyang isipin na maging maayos si Aricella at Igneel."Hindi pwede, kailangan niya ng hiwalayan ang lalaking iyon..." Gigil na sabi ni Janette.Hindi pa nila alam ang tungkol kay Igneel at ang pakipagbalikan ni Aricella kay Igneel dahil wala namang balak si Aricella na sabihin niya ang sikreto ni Igneel sa pamilya niya. Problema nilang mag-asawa ang haharapin kaya dapat lamang na walang mangealam."Ang tigas ng ulo ni Aricella, Mama. Kahit anong sabihin mo o natin sa kanya hindi iyon susunod. Kay Igneel pa rin iyon susunod dahil asawa niya. Alam mo po ba ang mas mahalaga? Ang bigyang pansin ang mga negosyo natin at ang pag
Nagulo ang isip ni Aricella sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sitwasyon nila. Hindi pa niya kayang tanggapin ang mga nangyari sa nakaraan at hindi pa rin niya lubos na mapapatawad si Igneel. Ngunit sa nakikita niyang pagkakaisa ng kanyang pamilya, unti-unti niyang napagtanto na hindi lang siya ang nasaktan sa mga nangyari.Nagpasya siya na magpakatotoo sa kanyang pamilya. "Sige, sumama na lang tayo," sagot ni Aricella, na sa simula ay hindi pa ganap na kumbinsido.Napakamot si Igneel sa kanyang ulo, alam niyang hindi pa handa si Aricella na makasama siya. Ngunit natutuwa siya sa hakbang na ito ng kanyang pamilya, kahit paano'y nagsisimula na silang maghilom at magkabati-bati.Kinabukasan, naghanda ang pamilya ni Aricella ng kanilang mga bagahe dahil ang usapan ay bukas na agad sila lilipat sa bahay ni Igneel. "Sigurado ba talaga kayo rito?" tanong ni Aricella.Hindi pa rin niya gusto ang nangyayari, parang may mali na biglang naging maayos ang pakikitungo ng p
Kinabukasan, nagising si Igneel na masakit ang ulo at dahil na rin sa sinag ng araw. Dahan-dahan siyang bumangon dahil nakaramdam siya na parang may pumapatak na tubig sa kanyang kamay, tumingin siya sa taas at napagtanto niyang umuulan. Babangon na sana siya nang mas napagtanto niyang nasa labas siya natulog, hindi lang siya kundi kasama rin si Kenjin at ang asawa ni Jemma. Napasapo siya sa kanyang ulo nang maalala ang nangyari, nalasing siya kasama ang ama ni Aricella na si Arman at ang mga asawa ng mga kapatid ni Aricella. Dahan-dahan niyang inalis ang paa ni Kenjin sa kanyang paa at naunang bumangon. Hinayaan niya ang dalawa na tulog mantika. Pumasok siya sa loob ng bahayat dumiretso sa kwarto nila ni Aricella. Naglagay rin si Igneel ng kwarto para sa kanila ni Aricella kung gusto ni Aricella umuwi sa pamilya niya, ginawa ni Igneel ang lahat upang maging komportable si Aricella. Naligo si Igneel at pagkatapos lumabas ng banyo, saktong paglabas niya ay pumasok si Aricella. "Good
Nang marinig ng pamilya ni Aricella ang paliwanag ni Ricco, naintindihan na nila kung bakit may mga taong nakabantay kay Igneel. Nagbigay naman agad ng pahintulot ang pamilya ni Aricella para i-check ang mga dala nilang pagkain at gamit."Okay lang po, basta't hindi naman masisira o mapupunta sa ibang tao ang dala namin," sabi ni Janette.Binuksan naman ni Samuel ang mga dala nilang prutas at iba pang pagkain at sinigurado na walang bawal na gamot o kahit anong bagay na maaaring makasama kay Igneel."Maari na po kayong pumasok sa loob para dalawin si Sir Igneel. Basta't hindi po kayo magulo at maingay," sabi ni Jay.Pumasok naman ang pamilya ni Aricella sa kwarto ni Igneel at nakita nilang nakahiga ito sa kama. Mukha namang okay si Igneel dahil nakangiti ito nang makita ang mga bisita."Kamusta ka na Igneel? Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Arman."Medyo mahina pa pero okay naman. Salamat at bumisita kayo," sagot ni Igneel."May dala kami para sa'yo na prutas at mga pagkain na pw
Buong maghapon umiiyak si Aricella dahil sa nangyari, hindi niya maintindihan kung bakit pinakulong si Igneel kahit na wala namang ibedensiya talaga si Kenjin, kulang ito pero dahil may connection din ang pamilya ni Kenjin, nagawan niya ng paraan.Sa parte ni Aricella, hindi niya inasahan na mismong pamilya niya anggagawa no'n, ang buong akala niya ay okay na. "Bakit niyo ba ginawa iyon? Wala namang ginagawang masama si Igneel..." Umiiyak na sabi ni Aricella."Pumapatay siya ng tao, hindi ko alam kung bakit hinayaan mong makapasok ang ganong klaseng tao sa buhay mo o sa buhay natin---""Papa, si Igneel ang nagbigay ng bahay na ito sa inyo! Pati ba iyon hindi ninyo iisipin? Iisipin niya pa rin na masama siya?" galit na sigaw ni Aricella."Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, anak, pero alam mo ba ang ebidensya laban kay Igneel ay masyadong malakas upang hindi siya ikulong. Hindi namin kaya itong ipagwalang-bahala," sagot ng ama ni Aricella."Kahit na wala naman talagang ebidensya na
Pagkarating sa mansyon ng Rubinacci, naroon na lahat ang pamilya ng Rubinacci. Inaantay ang pagdating ni Senior Elias, Enrique at Igneel. "Masyado kang nagmahal kaya napapahamak ka." Natawang sabi ni Paulo. Hindi siya pinansin ni Igneel dahil alam ni Igneel na nagpapansin lang si Paulo sa kanya ay kay Senior Elias. Umupo na lang si Igneel sa pwesto niya na hindi tumitingin sa miyembro ng pamilya ng Rubinacci dahil wala naman siyang mahalagang rason para tignan ang bawat isa sa kanila. "We need to find that guy, ang gumawa nito kay Igneel. Kenjin is his name. Lawrence, hanapin mo ang lalaking iyon at dalhin sa akin, buhay man o patay." Utos ni Senior Elias kay Lawrence. Hindi na lang nagsalita si Lawrence, tumango na lang siya dahil kahit ayaw niya man gawin ang inutos ni Senior Elias, wala siyang magagawa. Susundin at susundin niya pa rin iyon. Ayaw niyang gumawa ng utos mula kay Senior Elias kung para kay Igneel ang gagawin niya. "Hindi na kailangan gawin iyon dahil hindi ko nama
Isang linggo ang lumipas simula nang nakalabas si Igneel mula sa kulungan at hindi pa rin nahahanap si Kenji ng mga tauhan ni Senior Elias, marami na ang nangyari tulad na lang ng pagiging takot ng pamilya ni Aricella kay Igneel. Simula nang malaman nila ang pagkatao ni Igneel, nagiging maingat na sila sa mga galaw nila at sasabihin, kahit tumingin sa mga mata ni Igneel ay hindi magawa. “May problema ba, Ma, Pa?” tanong ni Aricella sa magulang niya. Nasa hapagkainan sila, bumalik din si Igneel sa bahay ngunit hindi na tulad ng dati na dito siya natutulog dahil may inaayos pa siya sa palasyo. Pinaglaban niya sa pamilya niya na kailangan niyang makita palagi si Aricella at walang magagawa ang mga ito, ginamit ni Igneel ang kahinaan ng pamilya na kung hindi siya papayagan ni Senior Elias na makita si Aricella ay hindi niya papamunuan ang organisasyon."Wala naman anak...uhm, may gusto pa ba kayong kainin? Jennica, magluto ka roon---""Ma?" Hindi pinatapos ni Aricella si Janette dahil n