Agad na napatayo si Seniro Elias sa narinig mula kay Igneel, seryoso niyang tiningnan ang apo kahit sa kanyang loob ay natutuwa siya at gusto niyang ngumiti at tumawa dahil sa tuwa pero dahil may katandaan na siya, nais niyang itanong ulit para makumpirma na tama ang kanyang naririnig."Anong sabi mo, Igneel? Tama ba ang narinig ko na babalik ka mismo sa organisasyon?" tanong ni Senior Elias. Hindi sumagot si Igneel, seryoso niya ring tiningnan ang kanyang Lolo. Si Igneel ang klase ng tao na kapag sinabi niya na ng isang beses ay hindi niya na ulit sasabihin pa dahil alam niyang narinig naman ng taong sinabihan niya. Isang beses na pagsabi ay isang beses na rin na pagkumpirma. "Anong ginagawa mo?" Pagtataka ni Senior Elias. Naglakad si Igneel palapit sa lamesa ni Senior Elias, kinuha niya ang maliit na kutsilyo na nasa gilid lang nakalagay sa lamesa ni Senior Elias, bahagyang lumaki ang mga mata ni Senior Elias nang sinugatan ni Igneel ang pulso niya.Laking tuwa at pagtataka ni Se
Natahimik si Sandro at Lawrence at nagkatinginan, pareho sila ng nag-iisip sa sinabi ni Paulo ngunit iba-iba ang nasa isip. Isa sa kanila ay posible, at ang isa naman ay imposibleng magawa ang sinasabi ni Paulo."What? Bakit hindi kayo makapagsalita? Do not tell me, natatakot kayo?" Natatawang sabi ni Paulo. Lawrence smirked as if, ayaw niyang magpatinag sa sinasabi ni Paulo na natatakot dahil kahit kailan ay hindi siya natatakot kay Igneel. "I'm in--""Kuya, we can't do that." Agad na sabi ni Sandro na siyang nakapagtahimik kina Paulo at Lawrence. Kunot noo nilang tinignan si Sandro na tila ba may nasabing hindi kanais-nais na narinig sa mga tainga nila. "Ikaw ang natatakot? Isang Sandro Rubinacci ay inaatrasan ang pinsan niya? Akala ko ba gusto mo rin mapunta sa pagpipilian ni Lolo, Sandro? Bakit parang umikli yata ang buntod mo..." Mahabang sabi ni Paulo na tila ba natatawa sa sinabi ng pinsan. Bakas naman sa mukha ni Lawrence ang inis niya sa kanyang kapatid kaya hinila niya it
“Magbabayad kayo!” Tinulak ni Jannah si Aricella palayo sa kanya. Hindi inasahan ni Jannah na alam ni Aricella ang tungkol sa illegal na negosyo nila, ito rin ba ay dahil kay Igneel? Sinabi niya kay Aricella? Iilan lang iyan sa mga tanong ni Jannah sa kanyang isipan.“Tama ba ang sinabi ni Aricella, ate?” Nauutal na tanong ni Janette kaya bumaling ang attention ni Jannah sa kanya. Ayaw niyang sagutin ang tanong dahil iniisip niya ang pamilya niya at si Marco. “Hindi iyon totoo. Gumagawa lang ng storya si Aricella para layuan ko ang asawa niya!” Galit na sigaw ni Jannah sa kanila.Hindi nila napansin na umalis na si Aricella maliban kay Jennica kaya sinundan niya ang kapatid.“Where do you think you’re going?” tanong ni Jennica na siyang nagpahinto kay Aricella sa paglabas ng gate. Nakasunod din sa kanya si Jonas at iyon ang hinayaan niya dahil alam niyang bilin iyon ni Igneel na huwag umalis si Jonas para bantayan siya ngunit hindi niya inasahan na susundan siya ng kanyang ate na s
Halos lumaki ang mga mata ni Marco nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. Paano nalaman ni Aricella? Matagal na ba nitong alam? Sinabi ni Igneel? Iilan lang iyan sa mga katanungan ni Marco sa kanyang isipan. Galit ang kanyang loob dahil mismong kamag-ana niya pa ang kakalaban sa kanya. He admitted that he hates Aricella pero hindi niya inakalang mas lalong lalala ang galit niya kay Aricella dahil sa problemang kinakaharap nila ngayon.“Let’s go home,” Marco said.Akma na sana siyang umalis nang magsalita si Marlon. “Where is your fiancee?” Huminto si Marco, umigting ang panga at ikinuyom ang mga kamao. Kanina pa siya nasasaktan dahil sa pag alis ni Aricella, kanina niya pa tiniis hanggang sa banggitin ng kanyang ama. Dahan-dahan siyang bumaling sa pamilya na ngayon ay nagtatanong ang mga hitsura.“She broke up with me,” simpleng sagot ni Marco na siyang dahilan ng pagkagulat ng pamilya niya. “Ayaw niyang masali sa gulo, we broke up because of me…” Hindi na napigilan ni Marco ang umi
Tatlong araw na ang lumipas simula nang umalis si Igneel ay hindi pa rin siya nagpapakita kay Aricella kahit na hindi naman kumalat ang litrato at videos. Nagtataka si Aricella kung bakit hindi ito bumabalik at nagtatanong na kahit kay Jonas kung nasaan ito. Hindi rin naman masabi ni Jonas ang totoo dahil iniisip niya si Igneel, kahit na nakaramdam na naman siya ng awa sa ibang tao at ngayon ay kay Aricella na, hindi niya magawang tugonan ang awa na iyon. Kabilin-bilin ni Igneel na kahit anong mangyari ay hinding hindi sasabibin ni Jonas ang totoo. “Ma’am, magsisimula na po ang meeting in fifteen minutes.” Pumasok si Carlyn sa opisina ni Aricella pero mukhang hindi siya nito narinig o nakita manlang. Tutok na tutok si Aridella sa kanyang cell phone, nakatingin sa numero ni Igneel. “Ma’am Aricella?” tawag muli ni Carlyn. Ngunit hindi pa rin ito lumingon sa kanya hanggang sa nilapitan niya na mismo si Aricella sa lamesa nito.Doon niya napagtanto kung bakit tulala si Aricella, Bumunto
Ilang minuto ang lumipas nang walang nagsalita sa kanilang dalawa ni Aricella at Carlyn, bumaba na rin sila sa grab taxi at nakatayong nakatingin sa isang club na pinuntahan nila. Kinakabahan si Aricella dahil ito ang unang beses na papasok si Aricella sa isang club, ganoon din si Carlyn pero si Carlyn mismo ang nag-aya kay Aricella. Nakita lang ni Carlyn ang idea na iyon sa pinapanood niyang palabas."Sigurado ka ba sa gagawin natin, Carlyn?" Mahinang tanong ni Aricella. Umiling naman si Carlyn at napipilitang ngumiti. "Hindi ako sigurado ma'am, pero si-nearch ko rin po ito sa internet, ang pagba-bar daw ang isa sa solusyon para makalimutan po o maibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman ng isang tao." mahabang sabi ni Carlyn.Pareho silang hindi sigurado. Hindi nila tinuloy ang meeting ng alas otso ng gabi kahit isang oras lang naman dapat ito dahil sa nangyari at inaya na ni Carlyn ang amo sa ganitong activity. Para naman kay Aricella ay walang masama kung susubukan niya dahil i
Kinabukasan, nagising si Aricella na iba ang nakita sa paligid. Alam niyang hindi nila kwarto ni Igneel ang bumungad sa kanya. Kinusot niya pa ang mga mata para maging sigurado pero tama nga siya, hindi ito ang kwarto na nakasanayan niya. Ang kwartong bumungad sa kanya ay malaki, mabango at maaliwalas na para bang mas mayaman sa kanila ang may ari. "Nasaan ako? May nangyari ba kagabi kaya napunta ako sa ibang bahay? Oh God!" Agad niyang inalis ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan para tignan kung may damit pa siya pero meron pa naman at iyon ang dami na suot niya kagabi. Walang katulong si Igneel sa mansyon kaya wala siyang mautusan na babae para magbihis kay Aricella, ayaw niya rin magpapasok ng kahit sinong tao sa kwarto niya. Ito nga ang unang beses na may pinapasok siya at iyon si Aricella lang. Ayaw niya rin galawin ang damit ni Aricella kahit na nakita niya naman na lahat kay Aricella, ayaw niyang samantalahin ang kawalang malay ng asawa. "Shit! Carlyn!" sigaw niya nang
Isang malalang katahimikan ang bumalot kina Aricella at Igneel. Halos malaglag si Aricella sa kanyang kinaupuan nang marinig ang sinabi ni Igneel. “B-bakit?” Nauutal na tanong ni Aricella. Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig niya, hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin niya. “I’m sorry…” Mahinang sabi ni Igneel.Kagaya kay Aricella, iyon lang din ang lumabas sa bibig ni Igneel. Hindi niya rin alam kung bakit ganoon din kaagad ang sinabi niya. “Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin?” Bakas sa bosss ni Aricella na nahihirapan pa rin siyang magsalita. “Bakit tinago mo ito?” Yumuko si Igneel, hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Aricella. Paano niya sasabihin ang lahat, iniisip siya na kapag ngayon niya sinabi lahat ang tungkol sa kanya kay Aricella, lalayuan siya ni Aricella at iyon ang kinakatakutan ni Igneel na mangyayari sa kanya."I just...want to protect you, a-ayaw kong malaman ang tungkol sa'yo, hindi dahil kinakahiya kita, maniwala ka. G