Share

Kabanata 3

Ang Bilyonaryong Tagapagmana

Ashley...

Ramdam kong may yumuyugyog sa akin ng bahagya. "Maglinis na, Ash. Buong araw kang natutulog na hindi kumakain."

"Hindi ako nagugutom, Sandra," umungol ako, sinusubukang hilahin ang mga kumot sa aking katawan.

“Kailangan mong kumain, Ash. Tandaan, may bitbit kang maliit na bata sa loob mo na nangangailangan ng pagkain at bukod pa, kapag naligo ka na at nakakain, sigurado akong mas gaganda ang pakiramdam mo."

"Sinasabi mo bang mabaho ako?" singhal ko.

"Hindi, pero sigurado akong kapag nakapagnakalinis ka na, mas gaganda ang pakiramdam mo."

Napatingin ako sa kanya at napagtantong tama siya. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Hindi ko kayang magpatuloy ng ganito. Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng makilala ko si Adrian.

"Sige, bababa na ako. Bigyan mo ako ng ilang minuto," sabi ko habang tumatayo.

Lumabas ng kwarto si Sandra at dali dali akong naligo. Tama si Sandra; Mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong linisin ang sarili ko. Bumaba ako para kumain. Nang tumunog ang phone ko,

"Magandang hapon. Si Mrs. Black ba ito?" May narinig akong boses ng lalaki sa phone.

"Oo, sino ang kausap ko?"

"Si Mr. King, ang abogado ni Mr. Black."

Kumunot ang noo ko, nagtataka kung bakit niya ako tatawagan kung pinirmahan ko na ang mga papeles. Napansin siguro ni Sandra ang pagtataka sa itsura ko habang nakataas ang isang kilay pero nagkibit balikat lang ako.

"Mrs. Black, nandyan ka pa ba?" Ang boses ng abogado ang nagpabalik sa akin sa realidad.

"Oo, nandito pa."

"Tinawagan kita para ipaalam na gumawa si Mr. Black ng bagong divorce settlement kaya pwede ka bang pumunta bukas ng 9 ng umaga."

Nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya pero sinagot ko siya, “Sige, pupunta ako.”

Binaba ko ang tawag at tumingin kay Sandra. "Gusto niyang pumirma ako ng bagong divorce paper."

"Bakit kaya?" Sabi pa niya sa sarili habang nakatitig sa kape niya.

"Hindi ko alam; Bukas ng umaga ko malalaman," kibit balikat ko.

"Siguro may kinalaman dito ang b*tch na si Tonya. Sinusumpa ko papatayin ko siya balang araw," pagbabanta ni Sandra na nahing rason ng pag-ngiti ko.

“Paumanhin, alam kong kambal mo siya pero p*ta, iniinis niya ‘ko, lalo na't sinusuyo niya ang katangahang iyon ng pinsan ko!"

"Okay lang; tsaka, hindi ko na malalaman hanggang bukas. Sana lang wala siya," sabi ko.

Hindi ako makapaniwala sa kanya. Paano niya nagawa sa akin 'to pagtapos ng ilang taon naming magkasama? Paanong naniniwala siya kay Tonya kaysa sa akin? Paano niya naiisip na niloko ko siya? O kaya may ginawa akong ganoon kay Tonya. I know we don't have the best sister relationship but I would never hurt her in such way.

“Palagi akong nandito para sa’yo," sabi ni Sandra, hinawakan ang kamay ko.

Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti, nagpapasalamat sa kung anong meron ako.

Hindi ako gusto ng pamilya ni Adrian para sa kanilang anak; Mas gusto nila si Tonya, magiging isang mahusay na asawa ito para sa kanya dahil siya ay palaging nasa limelight at ang sikat, hindi tulad ko, na mananatiling low profile at palaging abala sa mga libro ngunit sa huli, ako ang pinili niya. Iniwan niya ito noong high school para kay Fred. Hindi ko akalain na mahuhulog siya sa akin pero may iba siyang plano para sa amin. Dalawang taon kaming nag-date bago kami ikinasal. Sina Sandra at Cassady ay laging naka suporta sa akin. Mga pinsan niya ito sa side ng kanyang ama, at kambal din. Minsan gusto kong magkaroon kami ni Tonya ng ganoong klaseng pagsasama pero ang masaklap, hindi nangyari. Ang kapatid ni Adrian, na si Sally, ay matalik na kaibigan ni Tonya. Alam kong hindi niya ako gusto para kay Adrian pero dahil desisyon naman ni Adrian ang importante, wala akong pakialam. Palagi akong binubully ni Sally kapag wala si Adrian at hindi ko sinabi sa kanya dahil alam kong mahal na mahal niya ang kapatid niya. Ayokong mamagitan sa kanilang dalawa. Lagi akong pinapagalitan nina Sandra at Cassady dahil hindi ko sinasabi kay Adrian ang ginawa sa akin ng kapatidniya.

Mabilis lumipas ang araw. Buong araw kaming nanonood ni Sandra ng chick flick habang kumakain ng ice cream.

Sinabi ko kay Cassady ang tungkol sa tawag sa telepono na natanggap ko at tungkol sa nangyari kaninang umaga at para sabihing galit siya ay isang maliit na pahayag. Gusto niyang puntahan si Adrian at bigyan siya ng kaunting isip ngunit nakiusap ako na pabayaan siya.

"Kung maglakas-loob siyang pagbuhatan ka ng kamay bukas, ipinapangako ko sa iyo na puputulin ko ‘yun!" ungol niya.

"Ash, gusto mo ba akong sumama bukas?" Tanong ni Cassady, at alam ko kung bakit niya gustong pumunta.

"Hindi, ayos lang," sabi ko sa kanya, kahit alam kong kasinungalingan iyon.

"Tawagan mo ako paglabas mo doon," sabi ni Sandra at tumango ako.

"Oo, pangako."

Nagpuyat kami hanggang alas diyes nang sabihin ko sa kanila na hihiga ako dahil mahaba pa ang araw ko bukas.

Nag-ayos na ako at humiga buong gabi, iniisip kung anong pwedeng mangyari bukas, kapag hinarap ko na ito. Hindi ko alam kung malakas pa ba ako para dumaan sa panibagong round ng kahihiyan. Hindi ko alam kung kaya kong harapin, lalo na kung si Tonya ang kasama niya. Hindi ko alam kung ilang heartbreak ang kaya kong tumagal.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Dumating ako sa opisina ng abogado sampung minuto bago mag-9 at huminga muna ako bago umakyat.

"Kaya mo 'to, Ash," pagpapalakas ng loob ko habang papunta sa elevator. Pinindot ko ang number sa opisina ng lawyer at nang dumating ako nakita ko ang assistant nito at ngumiti.

"Hello, I'm Ashley Black. I have an appointment with Mr. King at nine."

"Oo, Mrs. Black, hinihintay ka na nila." Ngumiti siya at iginiya ako sa isang silid, kung saan kumatok siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nandito siya. Si Adrian Black, ang aking dating asawa, ay nakaupo doon sa lahat ng kanyang kaluwalhatian, gwapo gaya ng dati. Napaiwas ako ng tingin, parang papatayin lang ako ng tingin sa kanya.

"Magandang umaga, Mrs. Black, ako si Paul King; hinihintay ka lang namin. Mangyaring maupo ka," sabi ni Mr. King, itinuro ang isang bakanteng upuan.

"Magandang umaga," sabi ko, na ikinagulat ko ang aking sarili sa kung gaano ako kumpiyansa.

Napatingin ako kay Adrian pero hindi siya sumagot o tumingin man lang sa akin habang patuloy siya sa pagta-type sa phone niya.

"Mag-umpisa na tayo. Ang rason kung bakit kita pinapunta rito dahil may kaunting pagbabagong hiniling si Mr. Black sa divorce papers na babasahin ko na ngayon, Ms. Anderson," sabi ni Mr. King, sabay abot sa akin ng papel.

"Tulad ng nakikita mo, Ms. Anderson, wala kang mapapala sa kasal na ito; wala kang anumang karapatan sa kanyang mga ari-arian, sa kanyang pera, o sa kanyang kumpanya. Tama ba iyon, Mr. Black?"

Bakit ako nandito kung ito ay pareho sa unang kontrata na pinirmahan ko?

"Tama ka, Mr. King, wala siyang makukuha sa kasal na ito; lalabas siya kung paano siya pumasok," sabi ni Adrian, nakatingin sa akin sa unang pagkakataon mula noong dumating ako at puro poot ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Ms. Anderson, bago tayo magpatuloy, gusto ko sanang malaman, narinig kong buntis ka, tama ba?"

Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Oo," sagot ko, hindi natatakot na sabihin ito ng malakas dahil kay Adrian ang bata.

"Kung ganoon, kailangan kong hilingin sa iyo na pirmahan ang dokumentong ito kasama ang mga papeles ng diborsyo na ibinigay ko sa iyo," sabi ni Mr. King, na iniabot sa akin ang mga dokumento.

Sumimangot ang mukha ko habang nakatingin sa abogado. "Ano ito?"

"Hindi kinikilala ni Mr. Black ang batang ito bilang kanya at gusto niyang makasigurado na hindi mo siya idedemanda ng pera para sa bata sa hinaharap," sabi niya, na malungkot na tumingin sa akin.

Nagulat ako at nasaktan matapos kong marinig ang sinabi niya at hindi ko na napigilan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. Paano siya naging ganito kalupit?

Hindi ako makapaniwalang pinahiya niya ako ng ganito! Ang kapal ng mukha niya!

Hinawakan ko ang panulat, galit na pinirmahan ang mga dokumento at humingi ng kopya ng mga dokumento. Pagkabigay niya, tumayo na ako.

"Pwede na ba akong umalis?" Tanong ko, ayokong makasama sa kwarto ni devil.

"Oo, Ms. Anderson, pwede ka nang umalis."

Lumabas ako ng kwarto at papasok pa lang sa elevator nang may humila sa akin ng marahas at sinabing, "Teka lang

"Akin na ang singsing at kwintas, masyadong mahal ang mga ‘yan para sa p*kpok at rapist na tulad mo," sabi ni Adrian na napabuntong hininga ako.

Hinubad ko iyon at inihagis sa kanya. "Hindi ko rin naman gusto ‘yan."

Tinignan niya ako na parang gusto niya akong patayin habang bumulong sa tenga ko, "Sana magtagumpay ka at ang bastardo mong anak na wala ang pera ko. Kawawang bastardo, hindi alam na ang kanyang ina ay isang p*kpok."

Binitawan niya ako at nang malaya, sinampal ko siya. "Ang bastardo kong anak, kung ano mang gusto mong itawag, ay magiging maayos ang buhay," dinuraan ko siya bago ako pumasok sa elevator, naiwan na gulat na gulat si Adrian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status