"Magugustuhan kaya ito ni Trisha?" tanong ni Abigail kay Axis. Hawak niya ang isang malaking stuff toy na panda. Puwede itong yakapin ng bata kapag matutulog ito. Sa bahay nila sa Los Angeles ay puno iyon ng mga stuff toys, mula maliliit hanggang sa malaki. Simula pa kasi noong teenager siya ay naadik siyang mangolekta ng mga ganito. Kaya naman may isang kuwarto sa kanilang bahay na lahat ay mga collections niya. Sa laruan, stuff toys at ang mga pictures na kinunan niya noon."Hindi mapili si Trisha. Kung ano ang ibibigay mo ay matutuwa na siya at tatanggapin niya agad," tugon ni Axis. Tinignan pa niya ang hawak nito at napatango-tango. Malambot iyon sa kamay kapag hinahawakan."Sige ito na lang ang bibilhin ko," ani Abigail at tinanong sa tindera kung anong price ng stuff toy. Pagkatapos ay binayaran ito. "Ikaw, wala kang bibilhin? Baka magtampo niyan si Trisha kung wala kang ibibigay sa kaniya.""Oh! I already bought one," tugon niya."Ah? Kailan pa?""Noong pumunta ako sa'yo Baguio
Tuluyang napahagulgol na si Abigail nang mawala sa paningin niya ang binata. Kahapon lamang ay pakiramdam niya nasa buwan na siya sa kaligayahan. Feeling pa niya ay parang nasa ulap siya. Ngunit sa isang kisap mata lamang ay nabasag ang buwan na binuo niya para sa kanilang dalawa ni Axis. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Kung nahulaan lang niya na babanggitin ito ng ina niya dahil sa pagtawag nito ay hindi nila sinagot iyon. Hindi naman kasi nito alam na numero iyon ng magulang niya. ‘Di sana ay bago pa nito mapindot ang answer ay napigilan na niya ito. Naiwasan sana ang ganitong hindi nila pagkakaintindihan.Napahawak siya sa dibdib dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. She felt stuffy inside. Parang may kutsilyong bumabaon doon. At paulit-ulit na tumatarak iyon. Nasasaktan siya hindi lang para kay Axis kundi pati na rin sa relasyon nila na kasisimula pa lang na mag-bloom. Ang malas naman kasi ng entrada ng ina niya. Kung kailan ang saya na nilang dalawa saka naman ni
Humigpit ang pagkakahawak ni Axis sa cellphone. Katatapos lang niyang makausap ang ina nang masigurong umalis na si Abigail at pumunta sa bahay nina Mia. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit sa inamin ng ina. Nakakatawang isipin na akala niya ay magkaiba ang dalawang babae, sina Faith at Abigail, pero pareho lang pala. Pareho silang mapanlinlang na dalawa.Faith approached him and said she loves him. Na siya lamang ang lalaking msmahalin at magiging kabiyak nito. Ngunit iyon ay dahil lang pala sa pera niya. Para makaipon ng perang pampapakasal nila ng asawa nito ngayon. At ngayon, si Abigail naman ang gumawa nito sa kaniya. At ano nga ba ang kasasabi lang kaniyang ina?Umigtang ang bagang niya at mariing kumuyom ang kaniyang kamao. Parang naririnig pa kasi niya ang tinig ng kaniyang ina. He's furious!!'Yes, hijo, naikuwento nga sa'kin ng mama niya ang tungkol sa bankruptcy ng business nila. Nagulat nga kami dahil hindi namin inaasahan na may malaking problemang kinakaharap ang
"Are you sure about the details?" seryosong tanong niya.His eyes lingered at the only reason why Abigail's family business went into bankruptcy. Hindi naging profitable ang business nila sa mga nakaraang taon kaya hindi nila mabayaran ang long term at short term bills nila. Kaya naman nabaon na sila sa malaking utang. Nagde-demand na rin ang mga bangko na bayaran nila iyon at may taning na iyon. Kukunin ng pinagkakautangan nila ang kanilang business 'pag 'di na sila nakabayad. Sa dami ng mga business na katulad ng sa kanila ay pinili ng iba ang mas maganda ang kalidad o kaya ay mas mababa ang presyo. Ang dating kliyente nila ay nagsiatrasan na lamang bigla sa hindi malamang kadahilanan. Ang iba naman na investors nila ay umatras na rin at naghanap ng ibang kompanya na pag-invest-an. Dahil ganun naman talaga ang kalakaran sa business industry, kapag hindi ka na nagkakaroon ng income sa isang business ay lilipat ka sa kabila na mas kikita ka.Inutusan niya si Amara na mag-imbistiga uko
"Gusto mo bang mag-hike at mag-camping? Mag-o-overnight din tayo roon kung gusto mo," paanyaya ni Axis sa dalaga isang umaga habang kumakain sila. Ito kasi ang naisip niyang gawin nila habang naglolokohan silang dalawa ng babae.Huminto ito sa pagnguya at tinignan siya. Mukhang interesado ito dahil bahagyang kumislap ang mata nito. "Hike at camping? Saan naman?""Hindi ba at nasabi ko sa'yo na may malaking bukal dito na siyang nagsu-supply ng tubig sa buong baranggay? Doon tayo pupunta," tugon niya."Really? Of course, let's go hiking!" excited na sumagot ito. Her eyes curved in happiness. "Kukunin ko uli ang camera para magpi-picture ako roon. Gusto kong mag-ipon tayo ng mga memories natin. Tapos babalikan natin kapag matanda na tayo!""Sure!" tumatangong saad niya. "Then, ituloy mo muna ang kumain at aayusin ko ang mga dadalhin natin. Hindi naman marami pero kailangan ko pa ring ayusin."Tumayo siya at akmang lalabas na ng kusina nang nagpahabol ito ng tanong. Huminto siya saglit at
Ilang beses silang nagpahinga sa daan at ang iba roon ay halos trienta minutos dahil nagsimulang magreklamo si Abigail. Kaya naman alas kwatro y media na ng hapon sila nakarating sa may bukal. Sa tabi 'nun ay may flat area na pwede nilang pagtayuan ng tent. At ang mayayabong na puno sa paligid ang nagsisilbing silungan ng area na ito.Para may matutulugan sila mamayang gabi ay itinayo na niya ang tent habang si Abigail ay namamanghang pinanood ang pagligwak ng malaking tubig sa gitna ng malawak na bukal. Hindi puwedeng lumusong doon dahil sa malaking tubig na lumalabas doon. Kaya kung gusto mong maligo ay magsalok ka lang. Puwede mo na ring inumin ang tubig dahil malinis at malamig pa iyon. Noong pumunta siya rito ay katulad din siya ni Abigail na namangha sa ganda ng kapaligiran. Napakatahimik at sa mga taong mas prefer ang ganito ay mare-relax talaga sila.Agad naman na na-set up niya ang tent at nilagay sa loob ang mga gamit nila. Nang tignan niya ang dalaga ay nagsasalok ito ng tu
“I hate you, Axis!” mangiyak ngiyak na sikmat ni Abigail sa kaniya paggising pa lang nila ng umagang ito. Nanlalata itong nakaupo habang nakabalabal sa katawan nito ang kumot at hawak ang stainless na tasa at nagkakape. Ang mukha nito ay kababakasan ng pagod. Ang boses nito ay bahagyang paos at ang labi ay namumula.Nang tumayo kasi ito ay nanginginig ang balakang at tuhod nito at napaupo sa higaan nila. He knew that they overdid it last night. Kaya naman ito at todo reklamo ang dalaga na masakit ang balakang nito. Pero alam niyang kahit na puro reklamo ito ay ito naman ang nagi-initiate sa kanilang pagtatalik. At kung magbiro pa ito ay wala itong pinipiling lugar.“Paano ako maglalakad nito pauwi kung ganitong tinatamad ang buong katawan ko dahil sa sobrang pagod!” padaing na sabi nito.Ngumisi siya at biniro ito, “habang nagtatalik tayo kagabi ay hindi naman kita narinig na nagreklamo pero bakit ngayon ay para kang parrot sa kakaulit sa ‘I hate you’ na iyan. Eh, alam naman natin na
Pahinamad na naupo si Abigail sa sofa pagkarating nila ng bahay. Tama nga ang sinabi ni Axis na mas matagal kang makakarating sa bukal kaysa 'pag uuwi ka. Ala una sila bumaba ng bundok tapos alas singko sila nakauwi. Hindi katulad kahapon na isang araw talaga sila umakyat paakyat sa may bukal. Hindi naman siya sobrang pagod pero ang binti at paa niya ang namamanhid. Siguro ay dahil sa layo ng nilakad nilang dalawa.Dumako ang tingin niya kay Axis na ibinababa ang hiking bag sa sahig. Kapagdaka ay naupo at inalis ang suot na hiking boots. Tahimik lang din niyang pinanood ang bawat kilos nito. Parang nasasanay na siyang kahit hindi ito nagsasalita basta nasa tabi niya ito at nakikita ay kontento na ang puso niya. Nang maalis nito ang suot na boots at medyas ay tumayo ito at lumapit sa kaniya. Lahat ng sakit at tampo na naramdaman niya kanina ay agad naglaho nang lumuhod ito at alisin ang sapatos niya.Hindi maayos ang pagkakatali ng buhok nito kaya nalaglag iyon at natakpan ang mata nit