Pahinamad na naupo si Abigail sa sofa pagkarating nila ng bahay. Tama nga ang sinabi ni Axis na mas matagal kang makakarating sa bukal kaysa 'pag uuwi ka. Ala una sila bumaba ng bundok tapos alas singko sila nakauwi. Hindi katulad kahapon na isang araw talaga sila umakyat paakyat sa may bukal. Hindi naman siya sobrang pagod pero ang binti at paa niya ang namamanhid. Siguro ay dahil sa layo ng nilakad nilang dalawa.Dumako ang tingin niya kay Axis na ibinababa ang hiking bag sa sahig. Kapagdaka ay naupo at inalis ang suot na hiking boots. Tahimik lang din niyang pinanood ang bawat kilos nito. Parang nasasanay na siyang kahit hindi ito nagsasalita basta nasa tabi niya ito at nakikita ay kontento na ang puso niya. Nang maalis nito ang suot na boots at medyas ay tumayo ito at lumapit sa kaniya. Lahat ng sakit at tampo na naramdaman niya kanina ay agad naglaho nang lumuhod ito at alisin ang sapatos niya.Hindi maayos ang pagkakatali ng buhok nito kaya nalaglag iyon at natakpan ang mata nit
Habang nakamasid si Abigail kay Axis na inaayos ang duyan sa ilalim ng bayabas ay napangiti siya. Pinasingkit pa niya ang kaniyang mata at binasa ang kaniyang labi. Kapag kasi gumagalaw ito ay kumikislot ang mga muscles nito sa braso at sa likod lalo na sa may balikat. Napaka-erotic iyon tignan at nakakatakam. At ewan ba niya kung bakit ito ang naisip niyang paglalarawan doon. Wala rin siyang maisip na tamang rason. Basta ito ang agad pumasok sa isip niya.Namaywang ito at tiningala ang sanga na pagtatalian nito ng isang tali ng duyan. May kataasan iyon kaya kailangan nitong akyatin ang sanga para maitali ang duyan. Napahugot siya ng malalim na paghinga nang makita kung paano ito umakyat ng walang kahirap hirap. Kumislot ang muscles nito sa may balikat at animo naglaway siya nang masilayan iyon. Pagkatapos ay tinali nito ang hawak na malaking lubid sa sanga. And then he swiftly climb down again."Do I look cool?"Napakislot siya nang marinig ang tinig nito. May mata ba ito sa likod at
Sinulyapan ni Axis si Abigail na kanina pa tahimik at nakaupo sa sofa. Kanina pa umalis si Faith dahil pinalayas niya ito. Pero pagkapasok nila rito sa loob ay naging tahimik ang dalaga. Tulala lamang itong nakatingin sa kaniya kaya umarko ang kilay niya.Hindi niya alam kung bakit umaakto itong ganito gayong matagal na nitong alam kung sino siya. Kaya umupo siya sa kaibayo nito at nag-de kuwatro. He tap his legs with his finger as he watch her pursed her lips into a thin line. Eyes gleaming with sadness and pain. Ngunit hindi siya apektado sa nakita niyang emosyon sa mata nito."Magtititigan lang ba tayo rito?" kaswal na tanong niya. He saw her flinched and look at him intently. Matiim din niyang sinalubong ang mata nito.Kumurap ito ng ilang beses bago napalunok. "You've been deceiving me from the start, Axis!""Ako ba talaga ang nag-deceived sa'yo? Hindi ba ay ikaw ang naunang gumawa nito sa akin?" malamig na wika niya.Umiling ito at napaluha. "H-Hindi kita maintindihan! P-Paano k
Naging sleepless night ang gabing ito para kay Abigail. Tulala lamang siyang nakatingin sa kawalan habang naglalaro sa utak ang mga sinabi ni Axis. Ang tungkol sa business nila at sa binanggit nitong plano. Lahat ng ito ay wala siyang alam dito. Nagkakamali ang binata na pumunta lang siya rito para akitin ito at paibigin. Dahil walang planong nangyari bago siya ipatapon ng kaniyang magulang dito. Clueless talaga siya sa lahat ng nangyayari sa pamilya niya. Hindi rin nila binanggit ang tungkol sa bumagsak na business nila sa kaniya noong pumunta siya rito. Wala siyang alam sa lahat ng akusa ni Axis.Alam niyang inosente siya sa lahat ng ito pero bakit sa balikat niya nakaatang ang tungkol dito?Naalala niya ang tawag ng kan'yang ina. Kaya pala galit na galit ito at sa tuwing nakatingin ito sa kaniya ay muhing-muhi ito. Dahil ang inisip agad nito ay niloloko niya ito. Kaya palaging sinasabi nito na umamin na siya kung may itinatago siya rito. Iyon ay dahil lang sa narinig nito."My god,
Nagpatuloy ang panlalamig ni Abigail kay Axis ng ilang araw at kahit anong gawin ng binata para mag-usap sila ay palaging umiiwas ang una. Kung sinusubukan niyang i-corner ito sa kusina, sa sala, sa kuwarto nito o kahit saang parte ng bahay pero palaging nakakawala ito sa kaniya. Ni hindi magawang salubungin ng dalaga ang mata niya. Palaging nakayuko ito. Kung hindi naman ay tagos lang ang tingin nito sa kaniya. At kung 'di sinasadyang magtama ang mata nila ay nauumid ang dila niya. Her eyes were full of mockery and loathing. Wala na roon ang saya at pagmamahal na nakikita niya noong nakaraang araw.He tried so hard to talk to her but every time, she will lock herself inside her room. At kapag tatayo siya sa labas ng pinto at magsisimulang magsalita ay bigla nitong bubuksan ang pinto at lalabas ng bahay. Para silang nagpapatintero na dalawa. Siya ang taya at ito ang haharangan niya. Pero sa tuwina ay nakakalampas ito nang hindi man lang niya ito nagagawang hawakan. Sa iisang bahay nga
Ang hindi alam ni Axis, pagkatalikod ni Abigail ay napalitan ng sakit at hinagpis ang lamig at indifferent na emosyon sa kaniyang mukha. Itinatago niya sa binata ang totoong nararamdaman niya. Ayaw niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya dahil ayaw niyang magpatalo rito. Masyado nang pinababa ni Axis ang pagkatao niya sa sinabi nito. Kaya hindi niya hahayaan na gawin pa uli nito iyon. May dignidad pa naman siyang natitira para sa kaniyang sarili at ayaw niyang maapakan pa iyon at baka mawalan pa siya ng respeto sa kaniyang sarili. At ito ang hindi niya nanaising mangyari.Hindi niya maintindihan kung bakit ngayon ay may nakikita na siyang pagsamo sa mata nito habang nakikiusap na mag-usap sila. Kung na-realize ba nito na hindi totoo lahat ng paratang nito or ito naman ang gustong makipaglaro sa kaniya. But he already hurt her so much that she can't find herself to forgive him right now. Dahil napakalalim ng sugat na ginawa nito sa kaniya. Yes, she loves him. But she can't forget
Magkaharap na silang dalawa ngayon sa sala ng bahay ni Axis. Malakas na malakas ang pagkabog ng dibdib ni Abigail habang hinihintay ang sasabihin ni Axis sa kaniya. Namumuti na rin kamay niya dahil sa mahigpit na pagkakakuyom niya rito. Gusto niyang siya ang maunang magsalita subalit animo nalulon niya ang kaniyang dila. Kinakabahan siya sa kung ano ang sasabihin ni Axis. Pero kung ano man ang marinig niya rito ay hindi siya kokontra o magrereklamo.Nakaupo si Axis sa pang isahang sofa habang si Abigail ay sa mahabang sofa naman nakaupo. Nakayuko ang dalaga habang nilalaro ang mga daliri nito. At pinapanood niya ito na may lungkot sa mukha. Pinag-isipan talaga niya ng mabuti ito. Ang hayaan nang bumalik si Abigail. Kahit na ayaw niya ay kung ito ang gusto ng dalaga ay hindi niya ito puwedeng pigilan. Kahit labag sa loob niyang pakawalan ito ay kailangan niyang tanggapin dahil siya rin naman ang may kasalanan.Huminga siya ng malalim at matiim na tinitigan ito."I'm sorry for everythin
Nang magmulat ng mata si Axis ay dumako agad ang mata niya kay Abigail na natutulog sa tabi niya. Ang kalahati ng mukha ay nakabaon sa unan. Ang braso nito ay nakadantay sa tiyan niya. Hinawakan niya ito na hindi inaalis ang tingin niya rito. Umungol ito at tumihaya. Gumalaw ang talukap ng mata nito at unti-unting nagmulat.Tahimik na pinagmasdan niya ito na humikab at kusutin ang mata. Pagkatapos ay bumaling ito sa gawi niya. Sa una ay blangko ang mukhang nakatitig sa kaniya. Hindi siya umimik at nagkatitigan lang sila. Abigail looked at him like she's still dreaming. Hindi na niya napigilan na mahinang natawa at pinindot ang tungki ng ilong nito. Napakurap ito at ng ilang beses."Oh right!" nanulas sa labi nito na parang naalala ang nangyari kagabi. Pumaskil ang matamis na ngiti sa labi nito at tumaas ang kamay nito. Hinaplos nito ang kaniyang mukha. "Maximus, you're so handsome and hot!""Again!" bulong niya."Again what?" takang usal nito."My name, ulitin mo uling tawagin ako sa