Sinulyapan ni Axis si Abigail na kanina pa tahimik at nakaupo sa sofa. Kanina pa umalis si Faith dahil pinalayas niya ito. Pero pagkapasok nila rito sa loob ay naging tahimik ang dalaga. Tulala lamang itong nakatingin sa kaniya kaya umarko ang kilay niya.Hindi niya alam kung bakit umaakto itong ganito gayong matagal na nitong alam kung sino siya. Kaya umupo siya sa kaibayo nito at nag-de kuwatro. He tap his legs with his finger as he watch her pursed her lips into a thin line. Eyes gleaming with sadness and pain. Ngunit hindi siya apektado sa nakita niyang emosyon sa mata nito."Magtititigan lang ba tayo rito?" kaswal na tanong niya. He saw her flinched and look at him intently. Matiim din niyang sinalubong ang mata nito.Kumurap ito ng ilang beses bago napalunok. "You've been deceiving me from the start, Axis!""Ako ba talaga ang nag-deceived sa'yo? Hindi ba ay ikaw ang naunang gumawa nito sa akin?" malamig na wika niya.Umiling ito at napaluha. "H-Hindi kita maintindihan! P-Paano k
Naging sleepless night ang gabing ito para kay Abigail. Tulala lamang siyang nakatingin sa kawalan habang naglalaro sa utak ang mga sinabi ni Axis. Ang tungkol sa business nila at sa binanggit nitong plano. Lahat ng ito ay wala siyang alam dito. Nagkakamali ang binata na pumunta lang siya rito para akitin ito at paibigin. Dahil walang planong nangyari bago siya ipatapon ng kaniyang magulang dito. Clueless talaga siya sa lahat ng nangyayari sa pamilya niya. Hindi rin nila binanggit ang tungkol sa bumagsak na business nila sa kaniya noong pumunta siya rito. Wala siyang alam sa lahat ng akusa ni Axis.Alam niyang inosente siya sa lahat ng ito pero bakit sa balikat niya nakaatang ang tungkol dito?Naalala niya ang tawag ng kan'yang ina. Kaya pala galit na galit ito at sa tuwing nakatingin ito sa kaniya ay muhing-muhi ito. Dahil ang inisip agad nito ay niloloko niya ito. Kaya palaging sinasabi nito na umamin na siya kung may itinatago siya rito. Iyon ay dahil lang sa narinig nito."My god,
Nagpatuloy ang panlalamig ni Abigail kay Axis ng ilang araw at kahit anong gawin ng binata para mag-usap sila ay palaging umiiwas ang una. Kung sinusubukan niyang i-corner ito sa kusina, sa sala, sa kuwarto nito o kahit saang parte ng bahay pero palaging nakakawala ito sa kaniya. Ni hindi magawang salubungin ng dalaga ang mata niya. Palaging nakayuko ito. Kung hindi naman ay tagos lang ang tingin nito sa kaniya. At kung 'di sinasadyang magtama ang mata nila ay nauumid ang dila niya. Her eyes were full of mockery and loathing. Wala na roon ang saya at pagmamahal na nakikita niya noong nakaraang araw.He tried so hard to talk to her but every time, she will lock herself inside her room. At kapag tatayo siya sa labas ng pinto at magsisimulang magsalita ay bigla nitong bubuksan ang pinto at lalabas ng bahay. Para silang nagpapatintero na dalawa. Siya ang taya at ito ang haharangan niya. Pero sa tuwina ay nakakalampas ito nang hindi man lang niya ito nagagawang hawakan. Sa iisang bahay nga
Ang hindi alam ni Axis, pagkatalikod ni Abigail ay napalitan ng sakit at hinagpis ang lamig at indifferent na emosyon sa kaniyang mukha. Itinatago niya sa binata ang totoong nararamdaman niya. Ayaw niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya dahil ayaw niyang magpatalo rito. Masyado nang pinababa ni Axis ang pagkatao niya sa sinabi nito. Kaya hindi niya hahayaan na gawin pa uli nito iyon. May dignidad pa naman siyang natitira para sa kaniyang sarili at ayaw niyang maapakan pa iyon at baka mawalan pa siya ng respeto sa kaniyang sarili. At ito ang hindi niya nanaising mangyari.Hindi niya maintindihan kung bakit ngayon ay may nakikita na siyang pagsamo sa mata nito habang nakikiusap na mag-usap sila. Kung na-realize ba nito na hindi totoo lahat ng paratang nito or ito naman ang gustong makipaglaro sa kaniya. But he already hurt her so much that she can't find herself to forgive him right now. Dahil napakalalim ng sugat na ginawa nito sa kaniya. Yes, she loves him. But she can't forget
Magkaharap na silang dalawa ngayon sa sala ng bahay ni Axis. Malakas na malakas ang pagkabog ng dibdib ni Abigail habang hinihintay ang sasabihin ni Axis sa kaniya. Namumuti na rin kamay niya dahil sa mahigpit na pagkakakuyom niya rito. Gusto niyang siya ang maunang magsalita subalit animo nalulon niya ang kaniyang dila. Kinakabahan siya sa kung ano ang sasabihin ni Axis. Pero kung ano man ang marinig niya rito ay hindi siya kokontra o magrereklamo.Nakaupo si Axis sa pang isahang sofa habang si Abigail ay sa mahabang sofa naman nakaupo. Nakayuko ang dalaga habang nilalaro ang mga daliri nito. At pinapanood niya ito na may lungkot sa mukha. Pinag-isipan talaga niya ng mabuti ito. Ang hayaan nang bumalik si Abigail. Kahit na ayaw niya ay kung ito ang gusto ng dalaga ay hindi niya ito puwedeng pigilan. Kahit labag sa loob niyang pakawalan ito ay kailangan niyang tanggapin dahil siya rin naman ang may kasalanan.Huminga siya ng malalim at matiim na tinitigan ito."I'm sorry for everythin
Nang magmulat ng mata si Axis ay dumako agad ang mata niya kay Abigail na natutulog sa tabi niya. Ang kalahati ng mukha ay nakabaon sa unan. Ang braso nito ay nakadantay sa tiyan niya. Hinawakan niya ito na hindi inaalis ang tingin niya rito. Umungol ito at tumihaya. Gumalaw ang talukap ng mata nito at unti-unting nagmulat.Tahimik na pinagmasdan niya ito na humikab at kusutin ang mata. Pagkatapos ay bumaling ito sa gawi niya. Sa una ay blangko ang mukhang nakatitig sa kaniya. Hindi siya umimik at nagkatitigan lang sila. Abigail looked at him like she's still dreaming. Hindi na niya napigilan na mahinang natawa at pinindot ang tungki ng ilong nito. Napakurap ito at ng ilang beses."Oh right!" nanulas sa labi nito na parang naalala ang nangyari kagabi. Pumaskil ang matamis na ngiti sa labi nito at tumaas ang kamay nito. Hinaplos nito ang kaniyang mukha. "Maximus, you're so handsome and hot!""Again!" bulong niya."Again what?" takang usal nito."My name, ulitin mo uling tawagin ako sa
"It's like a dream!" usal ni Abigail nang nasa kuwarto na siya at inaayos ang mga gamit niya. Tinutupi niya ang mga ito pagkatapos ay ilalagay sa kaniyang maleta. Tapos na ang isang gabi at isang araw na usapan nila ni Axis. Babalik na sila sa realidad kung saan hindi talaga sila okay ng binata. Kailangan na nilang bumalik sa totoong mundo nilang dalawa.At kahit na labis ang kirot na nararamdaman niya ay pilit na iniignora niya ito. Dahil siya naman ang nagsabing kailangan nilang maghiwalay. Alam niyang hindi mabubura ni Axis ang tungkol kay Faith. Pero ang gusto lamang niya ay mawala na ang galit sa puso nito. Dahil kapag hindi nito ginawa iyon ay mananatili pa ring anino nito ang nakaraan. Hahabulin pa rin nito ang binata at kapag tinanggap niya ito ay isa pa rin iyon sa pagmumulan ng away nilang dalawa."Okay lang, Abby, kung kayo ang para sa isa't isa ay gagawa ang tadhana para magkatuluyan kayo," bulong niya sa kaniyang sarili. Pero napasigok pa rin siya at napahinto sa pagtupi
Sa isang mataas at particular na gusali sa Manila ay nakatayo ang isang binata at nakatanaw sa isang maliit na eroplano sa himpapawid. Napakaliit 'nun pero hindi pa rin umaalis sa harap ng floor to ceiling na glass window ang lalaki. His face was emotionless but inside his heart was in turmoil. No one will expect that this cold and stern man is fighting himself inside his head. At dahil iyon sa kagustuhan niyang sundan ang dalagang kahahatid lamang niya sa airport. Na sa oras na ito ay nakalulan na sa eroplanong ngayon ay hindi na abot ng kaniyang tanaw.But if you look closely at his emotionless face, in particular to his eyes. You will know that there's a hidden emotion inside of it. Sadness, longingness and repentance. There's also love within it. Ngunit dahil sa lamig na nagmumula sa awra nito ay walang maglalakas ng loob na titigan ang mukha nito. Natatakot silang masalubong ang mata nito dahil kahit na walang ekspresyon ang mukha nito ay animo may dalang panganib ang tingin nito
Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling
"Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni
Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even
Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum
Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub
Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear
"What do you mean we're going to the Philippines?" puno ng kalituhan na tanong ni Abigail sa kaniyang ama. Kagigising lang niya at nagkakape sila nang biglang sabihin ito ng ama niya. Napaso pa ang dila at labi niya dahil sa gulat. Hindi niya lubos maisip na maririnig sa bibig ng kaniyang ama ito. Dahil wala sa isip niya ang bumalik muna roon habang wala pa siyang napapatunayan kay Axis. She's still not good enough to become the next CEO of their company."Ako lang sana ang pupunta pero total gusto mo naman na maging pamilyar sa business natin ay magsisimula ka sa pagiging assistant ko. Isasama kita sa mga meetings ko at mag-take note para sa akin," esplika nito."P-Pero bakit kailangan nating pumunta roon?" may pagtutol sa tonong bigkas niya. "A-Ayaw ko pa ang bumalik sa pinas, Dad." Dahil kung pupunta siya ay baka hindi niya mapigilan ang sariling puntahan si Axis."Dahil katatagpuin ko ang may-ari ng Levanter —""Samson, honey," may warning sa boses na tawag ni Stephie sa asawa. "B
It's been a week since Abigail came back. At aminin niyang parang kagigising lang niya sa isang napakagandang panaginip sa gitna pero sa wakas ay naging sad ending. Kahit pa gaano siya kalungkot sa paglayo niya ay pinilit niyang magpakatatag. Hindi niya ipinahalata sa magulang na sa kalooblooban niya ay umiiyak at nagdurusa siya sa pag-ibig niyang agad natapos pagkalipas lang ng dalawang buwan. Those two months were the happiest and memorable days of her life with Axis. At kapag nakahiga na siya ay ang mukha at ngiti ng binata ang agad na naglalaro sa kaniyang balintataw. At sa hindi nakikita ng magulang niya ay umiiyak siya at tinatawag ang pangalan ng binata.At sa isang linggo na narito siya sa kanilang bahay sa Los Angeles ay ang tignan ang mga assets at nakaraang financing activities ng kanilang pabrika. Ito ang inatupag niya mula umaga hanggang sa hating gabi. Pero hindi pa rin ito sapat para maiwaglit niya sa isip si Axis. Dahil kahit na anong gawin niya ay ito pa rin ang laman
Sa isang mataas at particular na gusali sa Manila ay nakatayo ang isang binata at nakatanaw sa isang maliit na eroplano sa himpapawid. Napakaliit 'nun pero hindi pa rin umaalis sa harap ng floor to ceiling na glass window ang lalaki. His face was emotionless but inside his heart was in turmoil. No one will expect that this cold and stern man is fighting himself inside his head. At dahil iyon sa kagustuhan niyang sundan ang dalagang kahahatid lamang niya sa airport. Na sa oras na ito ay nakalulan na sa eroplanong ngayon ay hindi na abot ng kaniyang tanaw.But if you look closely at his emotionless face, in particular to his eyes. You will know that there's a hidden emotion inside of it. Sadness, longingness and repentance. There's also love within it. Ngunit dahil sa lamig na nagmumula sa awra nito ay walang maglalakas ng loob na titigan ang mukha nito. Natatakot silang masalubong ang mata nito dahil kahit na walang ekspresyon ang mukha nito ay animo may dalang panganib ang tingin nito