Naging sleepless night ang gabing ito para kay Abigail. Tulala lamang siyang nakatingin sa kawalan habang naglalaro sa utak ang mga sinabi ni Axis. Ang tungkol sa business nila at sa binanggit nitong plano. Lahat ng ito ay wala siyang alam dito. Nagkakamali ang binata na pumunta lang siya rito para akitin ito at paibigin. Dahil walang planong nangyari bago siya ipatapon ng kaniyang magulang dito. Clueless talaga siya sa lahat ng nangyayari sa pamilya niya. Hindi rin nila binanggit ang tungkol sa bumagsak na business nila sa kaniya noong pumunta siya rito. Wala siyang alam sa lahat ng akusa ni Axis.Alam niyang inosente siya sa lahat ng ito pero bakit sa balikat niya nakaatang ang tungkol dito?Naalala niya ang tawag ng kan'yang ina. Kaya pala galit na galit ito at sa tuwing nakatingin ito sa kaniya ay muhing-muhi ito. Dahil ang inisip agad nito ay niloloko niya ito. Kaya palaging sinasabi nito na umamin na siya kung may itinatago siya rito. Iyon ay dahil lang sa narinig nito."My god,
Nagpatuloy ang panlalamig ni Abigail kay Axis ng ilang araw at kahit anong gawin ng binata para mag-usap sila ay palaging umiiwas ang una. Kung sinusubukan niyang i-corner ito sa kusina, sa sala, sa kuwarto nito o kahit saang parte ng bahay pero palaging nakakawala ito sa kaniya. Ni hindi magawang salubungin ng dalaga ang mata niya. Palaging nakayuko ito. Kung hindi naman ay tagos lang ang tingin nito sa kaniya. At kung 'di sinasadyang magtama ang mata nila ay nauumid ang dila niya. Her eyes were full of mockery and loathing. Wala na roon ang saya at pagmamahal na nakikita niya noong nakaraang araw.He tried so hard to talk to her but every time, she will lock herself inside her room. At kapag tatayo siya sa labas ng pinto at magsisimulang magsalita ay bigla nitong bubuksan ang pinto at lalabas ng bahay. Para silang nagpapatintero na dalawa. Siya ang taya at ito ang haharangan niya. Pero sa tuwina ay nakakalampas ito nang hindi man lang niya ito nagagawang hawakan. Sa iisang bahay nga
Ang hindi alam ni Axis, pagkatalikod ni Abigail ay napalitan ng sakit at hinagpis ang lamig at indifferent na emosyon sa kaniyang mukha. Itinatago niya sa binata ang totoong nararamdaman niya. Ayaw niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya dahil ayaw niyang magpatalo rito. Masyado nang pinababa ni Axis ang pagkatao niya sa sinabi nito. Kaya hindi niya hahayaan na gawin pa uli nito iyon. May dignidad pa naman siyang natitira para sa kaniyang sarili at ayaw niyang maapakan pa iyon at baka mawalan pa siya ng respeto sa kaniyang sarili. At ito ang hindi niya nanaising mangyari.Hindi niya maintindihan kung bakit ngayon ay may nakikita na siyang pagsamo sa mata nito habang nakikiusap na mag-usap sila. Kung na-realize ba nito na hindi totoo lahat ng paratang nito or ito naman ang gustong makipaglaro sa kaniya. But he already hurt her so much that she can't find herself to forgive him right now. Dahil napakalalim ng sugat na ginawa nito sa kaniya. Yes, she loves him. But she can't forget
Magkaharap na silang dalawa ngayon sa sala ng bahay ni Axis. Malakas na malakas ang pagkabog ng dibdib ni Abigail habang hinihintay ang sasabihin ni Axis sa kaniya. Namumuti na rin kamay niya dahil sa mahigpit na pagkakakuyom niya rito. Gusto niyang siya ang maunang magsalita subalit animo nalulon niya ang kaniyang dila. Kinakabahan siya sa kung ano ang sasabihin ni Axis. Pero kung ano man ang marinig niya rito ay hindi siya kokontra o magrereklamo.Nakaupo si Axis sa pang isahang sofa habang si Abigail ay sa mahabang sofa naman nakaupo. Nakayuko ang dalaga habang nilalaro ang mga daliri nito. At pinapanood niya ito na may lungkot sa mukha. Pinag-isipan talaga niya ng mabuti ito. Ang hayaan nang bumalik si Abigail. Kahit na ayaw niya ay kung ito ang gusto ng dalaga ay hindi niya ito puwedeng pigilan. Kahit labag sa loob niyang pakawalan ito ay kailangan niyang tanggapin dahil siya rin naman ang may kasalanan.Huminga siya ng malalim at matiim na tinitigan ito."I'm sorry for everythin
Nang magmulat ng mata si Axis ay dumako agad ang mata niya kay Abigail na natutulog sa tabi niya. Ang kalahati ng mukha ay nakabaon sa unan. Ang braso nito ay nakadantay sa tiyan niya. Hinawakan niya ito na hindi inaalis ang tingin niya rito. Umungol ito at tumihaya. Gumalaw ang talukap ng mata nito at unti-unting nagmulat.Tahimik na pinagmasdan niya ito na humikab at kusutin ang mata. Pagkatapos ay bumaling ito sa gawi niya. Sa una ay blangko ang mukhang nakatitig sa kaniya. Hindi siya umimik at nagkatitigan lang sila. Abigail looked at him like she's still dreaming. Hindi na niya napigilan na mahinang natawa at pinindot ang tungki ng ilong nito. Napakurap ito at ng ilang beses."Oh right!" nanulas sa labi nito na parang naalala ang nangyari kagabi. Pumaskil ang matamis na ngiti sa labi nito at tumaas ang kamay nito. Hinaplos nito ang kaniyang mukha. "Maximus, you're so handsome and hot!""Again!" bulong niya."Again what?" takang usal nito."My name, ulitin mo uling tawagin ako sa
"It's like a dream!" usal ni Abigail nang nasa kuwarto na siya at inaayos ang mga gamit niya. Tinutupi niya ang mga ito pagkatapos ay ilalagay sa kaniyang maleta. Tapos na ang isang gabi at isang araw na usapan nila ni Axis. Babalik na sila sa realidad kung saan hindi talaga sila okay ng binata. Kailangan na nilang bumalik sa totoong mundo nilang dalawa.At kahit na labis ang kirot na nararamdaman niya ay pilit na iniignora niya ito. Dahil siya naman ang nagsabing kailangan nilang maghiwalay. Alam niyang hindi mabubura ni Axis ang tungkol kay Faith. Pero ang gusto lamang niya ay mawala na ang galit sa puso nito. Dahil kapag hindi nito ginawa iyon ay mananatili pa ring anino nito ang nakaraan. Hahabulin pa rin nito ang binata at kapag tinanggap niya ito ay isa pa rin iyon sa pagmumulan ng away nilang dalawa."Okay lang, Abby, kung kayo ang para sa isa't isa ay gagawa ang tadhana para magkatuluyan kayo," bulong niya sa kaniyang sarili. Pero napasigok pa rin siya at napahinto sa pagtupi
Sa isang mataas at particular na gusali sa Manila ay nakatayo ang isang binata at nakatanaw sa isang maliit na eroplano sa himpapawid. Napakaliit 'nun pero hindi pa rin umaalis sa harap ng floor to ceiling na glass window ang lalaki. His face was emotionless but inside his heart was in turmoil. No one will expect that this cold and stern man is fighting himself inside his head. At dahil iyon sa kagustuhan niyang sundan ang dalagang kahahatid lamang niya sa airport. Na sa oras na ito ay nakalulan na sa eroplanong ngayon ay hindi na abot ng kaniyang tanaw.But if you look closely at his emotionless face, in particular to his eyes. You will know that there's a hidden emotion inside of it. Sadness, longingness and repentance. There's also love within it. Ngunit dahil sa lamig na nagmumula sa awra nito ay walang maglalakas ng loob na titigan ang mukha nito. Natatakot silang masalubong ang mata nito dahil kahit na walang ekspresyon ang mukha nito ay animo may dalang panganib ang tingin nito
It's been a week since Abigail came back. At aminin niyang parang kagigising lang niya sa isang napakagandang panaginip sa gitna pero sa wakas ay naging sad ending. Kahit pa gaano siya kalungkot sa paglayo niya ay pinilit niyang magpakatatag. Hindi niya ipinahalata sa magulang na sa kalooblooban niya ay umiiyak at nagdurusa siya sa pag-ibig niyang agad natapos pagkalipas lang ng dalawang buwan. Those two months were the happiest and memorable days of her life with Axis. At kapag nakahiga na siya ay ang mukha at ngiti ng binata ang agad na naglalaro sa kaniyang balintataw. At sa hindi nakikita ng magulang niya ay umiiyak siya at tinatawag ang pangalan ng binata.At sa isang linggo na narito siya sa kanilang bahay sa Los Angeles ay ang tignan ang mga assets at nakaraang financing activities ng kanilang pabrika. Ito ang inatupag niya mula umaga hanggang sa hating gabi. Pero hindi pa rin ito sapat para maiwaglit niya sa isip si Axis. Dahil kahit na anong gawin niya ay ito pa rin ang laman