Sa mga sandaling ito, umupo si Grandma Lyndon sa kaniyang kinauupuan, umikot ang kaniyang paningin sa paligid habang seryosong nagsasalita sa mga ito.Binubuo ang mga tao sa kaniyang paligid ng mga miyembro ng pamilya Lyndon. At ang bawat isa sa mga ito ay may bagsak na mga mukha habang nananatiling tahimik sa kanilang kinatatayuan. Sa totoo lang, napasakamay ni Paul James ang kapangyarihang magdesisyon ng mga Lyndon para sa kanilang mga kumpanya. At si Paul James ay hindi rin isang pangkaraniwang tao kaya ang pinaplano ni Grandma Lyndon na ibalik sa kanila ang awtoridad sa kanilang mga kumpanya mula rito ay maituturing na isang panaginip na walang wala sa realidad. Sa mga sandaling ito kuminang ang mga mat ani William Lyndon na tumayo at nagsabing “Mayroon po akong ideya, Grandma.”“Magaling, sabihin mo sa amin ang naiisip mo ngayon, William.” Natutuwang sinabi ni Grandma Lyndon.Dahil sa insidente ng pananabotahe kay Giselle Lindt noon, pinarusahan ng pamilya Lyndon si William na
Muling inulit ni Grandma Lyndon ang kaniyang mga sinabi, “William, sa sandaling mabenta mo ang ating mga shares, hindi lang kita bibigyan ng isang malaking pabuya, dahil ipapahawak ko rin sa iyo ang bagong kumpanyang itatayo natin.”“Maraming Salamat po Grandma. Maraming Salamat po!” Halos sumabog sa sobrang pagkasabik si William habang sinasadyang tingnan si Lily.“Hindi ba’t ikaw ang may pinakamataas na naitulong sa ating pamilya? Ninakaw mo ang deal na ginawa ko sa Platinum Corporation. Pero ngayong naharap sa panganib ang ating mga kumpanya, hindi ba’t ako pa rin ang nagsalba nito para sa ating lahat?” Isip ni William sa kaniyang sarili.Matapos ang isang sandali, isang itim na limousine ang pumarada sa entrance ng mansyon na pagmamayari ng mga Lyndon. Isang lalaki ang naglakad pababa rito na nakasuot ng isang casual na damit at isang pares ng shades sa kaniyang mga mata. Ito ay walang iba kundi si Trent Young na may kasamang mga body guard na sumusunod sa kaniyang likuran. Nasa
Hindi naging kumportable si Elsa dahil sa pressure ng pagtingin sa kaniya ng lahat. Gusto niyang magsalita pero hindi niya ito magawa.Nakabalik na rin si William sa realidad at agad na sinabing “Tinakot mo talaga ako roon kuya! Hindi ako mapakali kaiisip kanina kung ano ang kundisyong hinihingi mo pero ito lang pala iyon!”Hindi nagsalita rito si Trent, umaasa lang itong nakatingin kay Grandma Lyndon. Ang pinopropose niyang kasalan na ito ang magdedetermina sa kinabukasan ng pamilya Lyndon na tanging si Grandma Lyndon lamang may karapatang makapagsabi.Sa mga sandaling ito, hindi na nagdalawang isip pa si Grandma Lyndion at nakangiting sinabi na “Ikinagagalak naming ang pakikipagisa ng aming pamilya sa inyo Master Young sa pamamagitan ng isang kasalan,” Dito na lumingon si Grandma Lyndon kay Elsa at agad na nagtanong ng “Ano sa tingin mo Elsa?”Tumayo rito si Elsang magsisimula na sana sa pagsasalita nang makita nila ang pagiling ni Trent habang nagsasabing “Nagkakamali po kayo Gr
”Tsk tsk, napakasexy! Mas lalo kitang nagustuhan matapos kong makita ang galit mong mukha. Kaya siguradong sigurado ako sa aking sarili na ikaw ang gusto ko.” Hindi napaatras ng naging reklamo ni Lily si Trent na mas lalo pang nasabik sa kaniyang mga nakita.Nang sabihin niya ito, muli niyang hinawakan si Lily. Pero sa pagkakataong ito, ginamit na si Trent ang kaniyang martial skill para kunin ang kaniyang mga kamay. Natural lang na hindi na nagawa pang lumaban ni Lily. Matapos nito ay agad na lumapit si Trent at malakas na inamoy si Lily sa harapan ng lahat at agad na nagkaroon ng parang nananaginip na mukha habang sinasabi na “Napakabango mo talaga.”Dito na tuluyang nagberde ang mukha ni Grandma Lyndon, Sa totoo lang, pumapayag na siya sa inaalok na proposal ni Trent kay Lily, dahil hindi naman ito naging masama para sa kanila. Magbibigay na sana siya ng araw kung kailan maiuuwi ni Trent si Lily sa kanila. Pero agad na nagpakita ng hindi magandang pagaasal si Trent sa harap niya a
“Sino ka bang bata ka?” Nanlalamig na pangaasar ni Trent habang hindi pinapansin ang nanlalamig na aurang nagmumula kay Darryl.Seryoso naman itong sinagot ni Darryl, “Darryl Darby.”“Oh… hahaha! Ikaw pala ang basurang pinaguusapan nilang lahat. Ano na ngayon? Hindi mo matiis ang ginagawa kong pakikipagmakeout sa iyong asawa? Sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang, sa akin na ang asawa mo!” Sabi ni Trent na may disturbing at naghahamong mukha.”“Mukhang naghahanap ka ng gulo.”Paisa isang sinabi ni Darryl ang mga salitang ito. Agad na naramdaman ng lahat ang panlalamig na inilalabas ng kaniyang aura sa paligid.Ito pa rin ba ang basurang manugang natin noon? Bakit siya biglang nagkaroon ng ganito kalakas na aura?“Ah? Ako ba? Naghahanap ng gulo? Kilala mo ba kung sino ang kausap mo, bata? Kanina pa kita hinahanap pero nagawa mo na ring dalhin ang sarili mo sa akin ngayon!” Angil ni Trent kay Darryl na para bang isang bayolenteng tigre.Nang mapanood ito ng mga nakapaligid na miyem
SLAP! SLAP! SLAP!Napapapigil sa paghinga ang lahat sa bawat isang sampal na ibinibigay ni Darrly kay Trent habang napupuno ng katahimikan ang buong mansyon ng pamilya Lyndon. Sa wakas, dumating na rin ang dalawang mga police mobile. Pinangunahan ng nakauniform na si Megan Castello ang kaniyang mga tauhan papasok sa mansyon. Matapos pumasok sa main hall, agad siyang binulaga ng eksena sa kaniyang harapan. “Huwag kayong gagalaw!” Isang pulis ang naglakad papalapit sa pinangyarihan ng insidente. Tumigil si Darryl at dahan dahang tumayo habang itinataas ang kaniyang mga kamay. Matapos makilala si Darryl, naglakad si Megan papalapit sa kaniya. “Sino ang tumawag sa mga pulis?” Sabi ng isa sa mga pulis. Nilabas niya ang kaniyang report book habang tumitingin sa paligid. Dito na nagsimulang bumalik si Lily sa realidad at mabilis na nagsabing “Ako po… ako po ang tumawag sa inyo.” “Sinabi mong mayroong bumubugbog sa iyong asawa? Ito bang lalaking nakahiga sa sahig ang asawa mo?” Tu
Pero naiba sa mga ito si Darryl.Naiba naga rito si Darryl dahil mayroon itong hawak na isang mahalagang bagay na gaya ng isang Godly Pill at nagawa ring maging isang Level Two Master sa loob lang ng napakaiksing panahon. Habang nagiisip, biglang huminhin ang tono ng boses ni Megan, “Kung ganoon, ano ba ang dapat kong gawin para makakuha ng isa pang Goldy Pill” Kahit suot ang kaniyang uniporme, makapigil hininga pa rin ang hubog ng katawan ni Megan. Tawa ni Darryl, “Sige, paano kaya kung magsabi ka ng magagandang bagay na tungkol sa akin. Batiin mo ako pero kailangan mong maging sincere rito. Bibigyan kita sa sandaling matuwa ako rito.” Bumagsak dito ang mukha ni Megan. Hindi na niya ito dapat gawin! Wala rin sa kaniyang bokabularyo ang pagyuko sa harapan ng iba para sa ikatutuwa ng mga ito. Binagalan niya ang pagpapatakbo sa kaniyang sasakyan habang napapakagat sa kaniyang labi habang nagiisip nang malalim. Matapos ang isang sandali, sumuko na rin siya at sinabing “Darryl, ik
“Halika rito Darryl, maupo ka.” Ngiti ni Megan. Kumuha siya ng isang upuan sa kaniyang tabi habang hindi pinapansin ang nanghuhusgang tingin ng mga tao sa kaniyang paligid.Aalis na sana si Darryl pero natouch siya sa ipinakitang sinseridad ni Megan kaya kalmado siyang umupo sa upuang inabot nito. “Meg Love, bakit ka naman nakikipagkaibigan sa isang katulad niya?” Sabi ng nakabalik na sa realidad na si Kent—na nacoconfuse na nagtanong kay Megan. Dahan dahan namang nagbuntong hininga si Megan at sinabing “Kent, hindi mo ba kayang huwag husgahan ang isang tao nang ayon sa panlabas nitong katangian? Pantay pantay lang ang lahat sa paningin ko. Kaya ano naman kung isa lang nakikitirang manugang si Darryl sa kaniyang mga biyenan? Ang ibig ba noon sabihin ay hindi na ako maaari pang makipagkaibigan sa kaniya?” Paliwanag ng nagpapasensyang si Megan. Natigilan dito si Kent. Iniling naman ni Megan ang kaniyang ulo at kinuha ang Godly Pill sa kaniyang bag. “Hindi ba’t nastuck ka na sa ika