“Halika rito Darryl, maupo ka.” Ngiti ni Megan. Kumuha siya ng isang upuan sa kaniyang tabi habang hindi pinapansin ang nanghuhusgang tingin ng mga tao sa kaniyang paligid.Aalis na sana si Darryl pero natouch siya sa ipinakitang sinseridad ni Megan kaya kalmado siyang umupo sa upuang inabot nito. “Meg Love, bakit ka naman nakikipagkaibigan sa isang katulad niya?” Sabi ng nakabalik na sa realidad na si Kent—na nacoconfuse na nagtanong kay Megan. Dahan dahan namang nagbuntong hininga si Megan at sinabing “Kent, hindi mo ba kayang huwag husgahan ang isang tao nang ayon sa panlabas nitong katangian? Pantay pantay lang ang lahat sa paningin ko. Kaya ano naman kung isa lang nakikitirang manugang si Darryl sa kaniyang mga biyenan? Ang ibig ba noon sabihin ay hindi na ako maaari pang makipagkaibigan sa kaniya?” Paliwanag ng nagpapasensyang si Megan. Natigilan dito si Kent. Iniling naman ni Megan ang kaniyang ulo at kinuha ang Godly Pill sa kaniyang bag. “Hindi ba’t nastuck ka na sa ika
“Oh wow, nagtatrabaho ka para sa isang tao. Haha!” Naeexagerate na tumango rito si Kent.Nagsimula nang magserve ang waiter. At dahil sa galit na ipinakita ni Megan kanina, nabawas bawasan na ang hindi magagandang bagay na lumalabas sa bibig ni kent. Pero sinubukan pa rin niyang maghanap ng iba’t ibang topic na magpapahiya kay Darryl kasama ng mga mayayamang spoiled brats na kasama niyang nagtatanong dito. Hindi na makapagpigil pa rito si Megan, nagpaalam siya para pumunta sa washroom. Nang umalis ito sa box, agad na dinerekta ni Kent si Darryl. “Dude, kung ako lang s aiyo, aalis na ako rito sa lalong madaling panahon. Ano bang maganda ang makukuha mo sa pananatili rito? Alam mo ba kung anong klase ng lugar ito? Ang Oriental Pearl ay ang pinakamarangyang hotel sa buong Donghai City. Sino ka para kumain dito?” Hinampas ng kaniyang mga kasama ang lamesa bilang pagsangayon habang nanlolokong nakangiti ang mga girlfriend na kasama ng mga ito kay Darryl. Agad ding sumali ang iba sa
Tumayo nang diretso si Kent habang iniisip kung gaano siya kaguwapo habang sinasabing, “President Woodall, ikinagagalako kong ma—"Natigilan si Kent sa kaniyang nakita. Hindi manlang siya pinansin ni Wayne na direktang naglalakad papunta kay Darryl. “Napatawag po kayo Mr. Darby, ano pong maitutulong ko sa inyo?” Ano? Mr. Darbu? Nagawang bigyan ng honorific ni Wayne Woodall ang walang kuwentang manugang na ito ng mga Lyndon? Napanganga at naguluhan ang lahat sa kanilang narinig. Paano naging posible para sa isang talunang kagaya ni Darryl na maging kakilala ngisang taong kagaya ni Wayne Woodall? Habang nasa gitna pa ng kanikanilang pagkagulat ang lahat, dahan dahang ngumiti si Darryl at tumango kay Wayne. “Wala naman, gusto lang kitang makita.” Sabi ni Darryl. “Masyado ka talagang mabait Mr. Darby!” Masunuring tumawa si Wayne kay Darryl. Tiningnan niya ang paligid at agad na naintindihan ang sitwasyon bago muling magpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Sinabi niyo po sanang pupu
Mahina namang tumawa rito si Darryl. “Ok lang, wala rin naman na akong gagawin pa roon, at hindi rin naman ako gutom.”Napuno ng paghingi ng tawad si Megan sa mga sandaling ito. “Pasensya kana kina Kent at sa mga kasama nito kanina, ganoon lang talaga sila. Huwag mo na silang pansinin.” Binalewala naman ito ni Darryl, “Ok lang, marami na akong nakilala na katulad nila.” Tumingin siya kay Megan at nagdalawang isip bago magtanong ng. “Pero, iniisip mo pa rin bang bagay kayo ni Kent Hough sa isa’t isa?” Wala na siyang pakialam sa bagay na ito kaya hindi na ito dapat itinanong ni Darryl, pero hindi niya alam kugn ano ang nagudyok sa kaniya para itanong ito. Hindi naman siya sinagot ni Megan, pero mukhang natigilan at naging awkward ang reaksiyon nito sa kaniyang narinig. Sa totoo lang, hindi naman kinamumuhian ni Megan si Kent, pero wala rin siyang nararamdaman para rito. Nangyari lang ito dahil sa magkaparehong katayuan ng kanikanilang mga pamilya na matagal na ring malapit sa isa’
Sinubukan ni Megan na hindi magpanic. Tumitig siya sa binatang nakaupo sa unahan ng sasakyan at nagtanong ng “Sino ka ba? Saan niyo ba kami dadalhin?”Ang binatang ito—na mukhang leader ng grupo—na mukha ring puno ng kasamaan ay agad na tumalikod at nagpakita ng malademonyong ngiti habang sinasabing “Marami ka nang mga naarestong tao Officer Castello kaya kinailangan ko nang kumilos.” “Mula…mula ka Grandmaster Heaven Cult?” Sabi ni Megan na para paunti unti na nitong naiintindihan ang lahat. “Sa Gr…Grandmaster Heaven?” Nagulat dito ang kasama nilang si Kent na nagsimula na ring magpanic. Napasimangot naman dito si Darryl, ‘Ang Grandmaster Heaven Cult? Anong kapangyarihang mayroon ang mga ito at bakit hindi ko pa sila nagagawang marinig noon?” Isip niya. “Gaya ng inaasahan sa hepe ng Criminal Investigation Unit, tama nga ang mga sinabi mo. Hindi na masama, hidni na talaga masama para sa iyo.” Ngiti ng lider ng grupo. “Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Ang pangalan ko ay Sky
Hindi na nakapagsalita pa si Megan sa naging reaksiyon ni Kent sa mga sinabi niyang ito. Wala na siyang nagawa kundi tahumik na iiling ang kaniyang ulo.Tila nagbibiro namang tumawa si Skyler at sinabing “Niloloko mo yata ako Officer Castello! Pinaghirapan ko kayong dukuting tatlo kaya bakit ko sila pakakawalan para sa iyo?” Tumingin siya kay Kent at sinabing, “Kilala kita, isa ka sa mga mayayamang spoiled brat ng Donghai City, ikaw si Kent Hough tama?” Itinango nang husto ni Kent ang kaniyang ulo, sinubukan nitong kumbinsihin si Skyler at nagalok na, “Oo ako nga iyon! Kaya sinisiguro ko sa iyong bibigyan kita ng pabuya sa sandaling pakawalan mo ako rito! Name your price! Ibibigay ko ito nang buo sa iyo!” Tumawa rito si Skyler at sinabing, “Hindi ka naman takot mamatay no iho? Narinig kong engaged na raw kayo ni Officer Castello tama? At ibang isang lalaki, ayaw mo bang iligtas ang iyong fiancée na maiiwan dito sa sandaling pakawalan kita?” Napanganga rito ang hindi makapagsal
Sa gitna ng pagpapanig, pinilit ni Darryl na palakasin ang kaniyang inner force. Pero masyadong naging malakas ang epekto ng nalanghap niyangpowder kaya hidni pa rin nagagawang magrecover ng kaniyang lakas hanggang sa mga sandaling ito. Napuno ng desperasyon si Darryl. Pinilit ng mga tauhan ni Skyler na ibuka ang kaniyang kamay habang ibinubuwelo naman ng isa ang hawak niyang kutsilyo. Ipanghihiwa na sana ng lalaking ito nang buong puwersa ang hawak niyang kutsilyo nang sumigaw si Skyler ng, “Buwisit, itigil niyo iyan ngayundin!” Tumigil ang kamay ng lalaking may hawak na kutsilyo sa ere. Mukhang nagtaka ito sa kaniyang narinig pero agad pa rin siyang umatras sa ibabang utos ni Skyler. Agad na naglakad si Skyler papunta kay Darryl at tiningnan nang maigi ang singsing na nakasuot sa kaliwang hinlalaki nito. Hindi na mapigilan pa ni Skyler ang galit sa kaniyang puso. Naging pamilyar sa kaniya ang kulay itim at puting singsing na itong gawa sa jade. Kahit na kabilang sa anim na
Palihim na tiningnan ni Darryl ang kaniyang paligid. Dito na niya napagtanto na kakaiba ang dekorasyon sa loob nito kaysa sa ibang mga silid na nakita niya sa loob ng manor. Siguradong ito ang kanilang resting area.Para bang sumakto ang pagkalam ng sikmura ni Darryl. Hindi ganoon karami ang kaniyang mga nakain sa Oriental Pearl kung saan nagawa niya lang uminom ng ilang tasa ng tsaa. Nakaramdam siya ng kaunting hiya rito.Mahahalatang mahilig magobserba si Skyler. Tumatawa nitong sinabi na “Maghintay lang po kayo. Uutusan ko ang aking mga tauhan na maghanda ng pagkain at wine para sa inyo. Iinom tayo hanggang sa tuluyan na tayong bumagsak! Haha! Nga po pala, kamahalan, matapos nating maginuman ay maaari rin po tayong magsalit salitan sa Megan Castello na iyon. Masyado po talaga siyang attractive! Haha!”“Sige, sige.” Sagot ni Darryl.Nang umalis si Skyler, napansin ni Darryl na ito na ang tamang pagkakataon para maglibot at subukang hanapin ang labasan. Hindi pinigilan ng mga bant