Sa gitna ng pagpapanig, pinilit ni Darryl na palakasin ang kaniyang inner force. Pero masyadong naging malakas ang epekto ng nalanghap niyangpowder kaya hidni pa rin nagagawang magrecover ng kaniyang lakas hanggang sa mga sandaling ito. Napuno ng desperasyon si Darryl. Pinilit ng mga tauhan ni Skyler na ibuka ang kaniyang kamay habang ibinubuwelo naman ng isa ang hawak niyang kutsilyo. Ipanghihiwa na sana ng lalaking ito nang buong puwersa ang hawak niyang kutsilyo nang sumigaw si Skyler ng, “Buwisit, itigil niyo iyan ngayundin!” Tumigil ang kamay ng lalaking may hawak na kutsilyo sa ere. Mukhang nagtaka ito sa kaniyang narinig pero agad pa rin siyang umatras sa ibabang utos ni Skyler. Agad na naglakad si Skyler papunta kay Darryl at tiningnan nang maigi ang singsing na nakasuot sa kaliwang hinlalaki nito. Hindi na mapigilan pa ni Skyler ang galit sa kaniyang puso. Naging pamilyar sa kaniya ang kulay itim at puting singsing na itong gawa sa jade. Kahit na kabilang sa anim na
Palihim na tiningnan ni Darryl ang kaniyang paligid. Dito na niya napagtanto na kakaiba ang dekorasyon sa loob nito kaysa sa ibang mga silid na nakita niya sa loob ng manor. Siguradong ito ang kanilang resting area.Para bang sumakto ang pagkalam ng sikmura ni Darryl. Hindi ganoon karami ang kaniyang mga nakain sa Oriental Pearl kung saan nagawa niya lang uminom ng ilang tasa ng tsaa. Nakaramdam siya ng kaunting hiya rito.Mahahalatang mahilig magobserba si Skyler. Tumatawa nitong sinabi na “Maghintay lang po kayo. Uutusan ko ang aking mga tauhan na maghanda ng pagkain at wine para sa inyo. Iinom tayo hanggang sa tuluyan na tayong bumagsak! Haha! Nga po pala, kamahalan, matapos nating maginuman ay maaari rin po tayong magsalit salitan sa Megan Castello na iyon. Masyado po talaga siyang attractive! Haha!”“Sige, sige.” Sagot ni Darryl.Nang umalis si Skyler, napansin ni Darryl na ito na ang tamang pagkakataon para maglibot at subukang hanapin ang labasan. Hindi pinigilan ng mga bant
Tumawa si Darryl kay Megan at bumulong ng “Napagkamalan nila ako na isa sa kanilang mga hari kaya sinakyan ko ang pinaniniwalaan nilang ito.” Naimpress sa ginawa niyang ito si Megan. Mukhang pinatunayan na nga ng nakikitirang manugang na ito ang kaniyang halaga nang ilang beses. “Kaya pala nagawa ka nilang tratuhin nang ganiyan—mukhang napagkamalan ka talaga nila!” Ngiti ni Kent “Kung ganoon, ano pa ang hinihintay mo? Umalis na sila para maginom kaya pakawalan mo na kami ngayundin!” Utos niya. …Dapat lang na sampalin ang walang utak na ito. Nairita ng naguutos na tono ni Kent si Darryl kaya hindi niya na ito pinansin. Hindi na rin mapakali sa mga sandaling ito si Megan. Marami rami rin kasi ang mga naaaresto niyang tauhan ni Skyler. Kaya siguradong hindi siya nito pakakawalan nang ganoon ganoon na lang. Malay ba natin kung ano ang maisip nitong gawin sa kaniya matapos makipaginuman. Habang nasa gitna ng pagpapanic, agad na nagtaka si Megan habang iniisip na “Bakit ganoon kaka
Tanging si Darryl lang ang makakapagligtas sa kaniya ngayon.“Nagmamakaawa ako sa iyo, Darryl. Iligtas mo siya.” Sabi ng hindi mapakaling si Megan. Dahan dahang ngumiti rito si Darryl “Paano? Paano ka magmamakaawa? Kailangan mong magpakasincere.” “Ano ang ibig mong sabihin?” Mahinhing sinabi ni Megan. “Paano kaya kung tatawagin mo ako bilang “Mabuti mong kuya”—para pakawalan ko siya.” Nagbibirong inalok ni Darryl. Agad na nagblush ang mukha ni Megan na napakagat nang husto sa kaniyang labi habang nagiisip nang malalim. Ito ang unang beses na may nagrequest nang ganitong klase ng bagay sa kaniya. Pangkaraniwang siya ang nasa mas mataas na posisyon kaya itinuturing siya ng lahat bilang nakatatandang ate. Hindi na matitiis pa ni Kent ang kahihiyang ito. Papasok na sana siya sa eksena nang maisip niyang hawak na ni Darryl ang kaniyang buhay—kaya agad niyang nilunok ang kaniyang pride. “Kung hindi mo ito gagawin, aalis na ako sa lugar na ito,” Natutuwang dagdag ni Darryl. Kasab
Mukhang bagsak ngayon ang mukha ni Lily.“Ano ang nangyari?” Tanong ni Darryl. Natuwa siya nang makita niya si Lily. Nagbuntong hininga si Lily at sinabing “Nagpatawag si Grandma Lyndon ng isang family meeting.” Napasimangot dito si Darryl at sinabing. “Isa nanamang family meeting? Mukhang mahilig nang magpatawag ngayon si Grandma Lyndon ng mga family meeting ah. Ano ba talaga ang gusto niya.” “Sasama ako sa iyo,” alok ni Darryl. Noong papunta na sila sa meeting nalaman ni Darryl ang rason nito—naaresto na ng mga pulis si Trent Young. Pumayag na itong bilhin ang 20% ng natitirang mga shares ng pamilya Lyndon pero hindi nagtagumpay sa huli ang kanilang deal. Marami sa mga miyembro ng pamilya Lyndon ang nagsabing si Lily ang may kasalanan nito dahil ayaw niyang makipagcooperate sa gustong mangyari ng kaniyang pamilya at ni Trent. Makasarili ang mga tao. Kaya kung papipiliin mo sila kung pera o pamilya ang kanilang uunahin, marami sa kanila ang sasagot ng pera nang walang pagaali
Bumagsak sa tindi ng nararamdaman niyang desperasyon si Lily nang marinig ang mga sinabi ni Grandma Lyndon.Tuwang tuwa na nagusap usap at nagmalaki sina William at ang iba pang miyembro ng pamilya Lyndon. Wala silang pakialam sa kasiyahan ni Lily dahil ang pinakaimportante sa kanila ay ang pagtatayo ng isang bagong kumpanya gamit ang perang ibibigay sa kanila ni Trent. Natawa naman si Darryl sa naging usapan ng mga ito. “Ano naman ang itinatawa tawa mo riyan?” Galit na itinanong ni Grandma Lyndon. Nanlolokong sinabi ni Darryl na, “Natatawa ako sa pamilya ninyo! Hindi magawa ng kinikilalang pamilya Lyndon na magmanage ng kanilang mga ariarian pero nagawa pa rin nilang isisi ang lahat ng ito sa isang babae. At ang mas masaklap pa rito ay nakahanda rin kayong isakripisyo maging ang inyong apo para lang sa kinabukasan ng mga Lyndon.” “Wala ka nang pakialam sa usapan ng aming pamilya! Kay Trent lang liligaya si Lily at hindi sa isang talunang katulad mo!” Sabi ni Grandma Lyndon.
Tinawag siyang hipag ni Paul James. Mayroon bang ibang karelasyon si Lily? Dito na natigilan ang lahat.Dito na naglakad si Paul papunta kay Darryl para bigyan ito ng isang bow! “Bro, hindi na ako magaatubiling bumiyahe pa kung alam ko lang na si Lily pala ang hipag ko.” Walang sinabi na kahit ano ang tumatangong si Darryl. “Kung ka nang kailangan pa, mauuna na ako sa iyo,” sabi ni Paul bago ito umalis. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, kaya noong umalis lang si Paul nakabalik sa realidad ang mga miyembro ng pamilya Lyndon. Ano ba ang nangyayari? Hawak na ni Lily ngayon ang 51% ng mga shares ng mga ari arian ng pamilya Lyndon? Nadidismayang tiningnan ni Grandma Lyndon si Lily. Gusto niyang magsalita pero hindi siya makapagbanggit ng kahit ano dahil sa sobrang gulat. Habang si Lily naman ay nanginig nang dahil sa mga nangyari. Naramdaman niya na parang isang panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi na niya maitago pa ang kaniyang pagtataka kaya agad niyang tinano
Tatlong taon na ang nakalilipas, itinakwil si Darryl at ang kaniyang mga magulang sa kanilang pamilya. Mula noon ay nanirahan na ang kaniyang mga magulang sa probinsya. Binisita sila ni Darryl kada sa ilang araw na lumilipas mula noon. “Darryl, narinig kong ibinigay daw ng iyong uncle ang Platinum Corporation sa iyo. Hindi ako makapaniwala rito kaya nagpunta kami para makita ito nang personal.” Nagliliwanag na tumawa rito si Daniel. “Ikaw na pala ang presidente ng Platinum Corporation?” Tanong ng nanay niyang si Luna. Tumango rito si Darryl at nagpaliwanag, “Pa, Ma. Naayos ko na ang bagay na kinaharap natin tatlong taon na ang nakalilipas. Muli na akong tinanggap sa ting pamilya at si Uncle Drake pa mismo ang nagbigay ng Platinum Corporation sa akin.” Nakukumportable siyang tumawa at sinabing “Napagalala ko kayong dalawa nitong nakalipas na tatlong tao. Pero lumipas na ang mga bagay na iyon kaya nitong nakaraang dalawang araw ay naisip ko kung paano ko sabihin ito sa inyo sa sa