Tanging si Darryl lang ang makakapagligtas sa kaniya ngayon.“Nagmamakaawa ako sa iyo, Darryl. Iligtas mo siya.” Sabi ng hindi mapakaling si Megan. Dahan dahang ngumiti rito si Darryl “Paano? Paano ka magmamakaawa? Kailangan mong magpakasincere.” “Ano ang ibig mong sabihin?” Mahinhing sinabi ni Megan. “Paano kaya kung tatawagin mo ako bilang “Mabuti mong kuya”—para pakawalan ko siya.” Nagbibirong inalok ni Darryl. Agad na nagblush ang mukha ni Megan na napakagat nang husto sa kaniyang labi habang nagiisip nang malalim. Ito ang unang beses na may nagrequest nang ganitong klase ng bagay sa kaniya. Pangkaraniwang siya ang nasa mas mataas na posisyon kaya itinuturing siya ng lahat bilang nakatatandang ate. Hindi na matitiis pa ni Kent ang kahihiyang ito. Papasok na sana siya sa eksena nang maisip niyang hawak na ni Darryl ang kaniyang buhay—kaya agad niyang nilunok ang kaniyang pride. “Kung hindi mo ito gagawin, aalis na ako sa lugar na ito,” Natutuwang dagdag ni Darryl. Kasab
Mukhang bagsak ngayon ang mukha ni Lily.“Ano ang nangyari?” Tanong ni Darryl. Natuwa siya nang makita niya si Lily. Nagbuntong hininga si Lily at sinabing “Nagpatawag si Grandma Lyndon ng isang family meeting.” Napasimangot dito si Darryl at sinabing. “Isa nanamang family meeting? Mukhang mahilig nang magpatawag ngayon si Grandma Lyndon ng mga family meeting ah. Ano ba talaga ang gusto niya.” “Sasama ako sa iyo,” alok ni Darryl. Noong papunta na sila sa meeting nalaman ni Darryl ang rason nito—naaresto na ng mga pulis si Trent Young. Pumayag na itong bilhin ang 20% ng natitirang mga shares ng pamilya Lyndon pero hindi nagtagumpay sa huli ang kanilang deal. Marami sa mga miyembro ng pamilya Lyndon ang nagsabing si Lily ang may kasalanan nito dahil ayaw niyang makipagcooperate sa gustong mangyari ng kaniyang pamilya at ni Trent. Makasarili ang mga tao. Kaya kung papipiliin mo sila kung pera o pamilya ang kanilang uunahin, marami sa kanila ang sasagot ng pera nang walang pagaali
Bumagsak sa tindi ng nararamdaman niyang desperasyon si Lily nang marinig ang mga sinabi ni Grandma Lyndon.Tuwang tuwa na nagusap usap at nagmalaki sina William at ang iba pang miyembro ng pamilya Lyndon. Wala silang pakialam sa kasiyahan ni Lily dahil ang pinakaimportante sa kanila ay ang pagtatayo ng isang bagong kumpanya gamit ang perang ibibigay sa kanila ni Trent. Natawa naman si Darryl sa naging usapan ng mga ito. “Ano naman ang itinatawa tawa mo riyan?” Galit na itinanong ni Grandma Lyndon. Nanlolokong sinabi ni Darryl na, “Natatawa ako sa pamilya ninyo! Hindi magawa ng kinikilalang pamilya Lyndon na magmanage ng kanilang mga ariarian pero nagawa pa rin nilang isisi ang lahat ng ito sa isang babae. At ang mas masaklap pa rito ay nakahanda rin kayong isakripisyo maging ang inyong apo para lang sa kinabukasan ng mga Lyndon.” “Wala ka nang pakialam sa usapan ng aming pamilya! Kay Trent lang liligaya si Lily at hindi sa isang talunang katulad mo!” Sabi ni Grandma Lyndon.
Tinawag siyang hipag ni Paul James. Mayroon bang ibang karelasyon si Lily? Dito na natigilan ang lahat.Dito na naglakad si Paul papunta kay Darryl para bigyan ito ng isang bow! “Bro, hindi na ako magaatubiling bumiyahe pa kung alam ko lang na si Lily pala ang hipag ko.” Walang sinabi na kahit ano ang tumatangong si Darryl. “Kung ka nang kailangan pa, mauuna na ako sa iyo,” sabi ni Paul bago ito umalis. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, kaya noong umalis lang si Paul nakabalik sa realidad ang mga miyembro ng pamilya Lyndon. Ano ba ang nangyayari? Hawak na ni Lily ngayon ang 51% ng mga shares ng mga ari arian ng pamilya Lyndon? Nadidismayang tiningnan ni Grandma Lyndon si Lily. Gusto niyang magsalita pero hindi siya makapagbanggit ng kahit ano dahil sa sobrang gulat. Habang si Lily naman ay nanginig nang dahil sa mga nangyari. Naramdaman niya na parang isang panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi na niya maitago pa ang kaniyang pagtataka kaya agad niyang tinano
Tatlong taon na ang nakalilipas, itinakwil si Darryl at ang kaniyang mga magulang sa kanilang pamilya. Mula noon ay nanirahan na ang kaniyang mga magulang sa probinsya. Binisita sila ni Darryl kada sa ilang araw na lumilipas mula noon. “Darryl, narinig kong ibinigay daw ng iyong uncle ang Platinum Corporation sa iyo. Hindi ako makapaniwala rito kaya nagpunta kami para makita ito nang personal.” Nagliliwanag na tumawa rito si Daniel. “Ikaw na pala ang presidente ng Platinum Corporation?” Tanong ng nanay niyang si Luna. Tumango rito si Darryl at nagpaliwanag, “Pa, Ma. Naayos ko na ang bagay na kinaharap natin tatlong taon na ang nakalilipas. Muli na akong tinanggap sa ting pamilya at si Uncle Drake pa mismo ang nagbigay ng Platinum Corporation sa akin.” Nakukumportable siyang tumawa at sinabing “Napagalala ko kayong dalawa nitong nakalipas na tatlong tao. Pero lumipas na ang mga bagay na iyon kaya nitong nakaraang dalawang araw ay naisip ko kung paano ko sabihin ito sa inyo sa sa
Sa Opisina ng presidente sa Platinum Corporation.Pagkatapos ng tatlong oras ng pagtitimpla, perpekto na niyang nabuo ang Godly Pill. Kasama ng kaniyang naging karanasan sa naunang dalawang beses ng paggawa nito, mas nasanay na si Darryl sa paggawa ng Godly Pill.Kaya sa pagkakataong ito, nagawang makabuo ni Darryl ng limang mga pill nang sabay sabay.Biglang nagring ang telepono ni Darryl nang tanggalin niya ang mga pills sa palayok.Ano ang nangyayari ngayong araw, bakit walang tigil sa pagtawag ang mga tao sa kaniya?Mga potensiyal kaya niyang customer ito na naghahanap ng Godly Pill sa kaniya?Gaano karaming tao ba ang sinabihan ng Brandon na iyon?Nang makita niya na isang landline ang numbero sa tawag na iyon, napakunot ng mga kilay si Darryl at agad na sinagot ang tawag.“Hello? Si Darryl ba ito? Tumatawag kami mula sa emergency department ng Donghai City Hospital, nasa ospital namin ngayon ang mga magulang mo at kinakailangan na nilang sumailalim sa operasyon ngayundin,
Tiningnan ng lahat si Darryl, tumingin sila na parang nakatingin sa isang demonyo!“Ano ang ginagawa mo!? Security! Tumawag ka ng security, itapon niyo sa labas ang tatlong ito!” Mahahalatang natakot ang nurse dito. Pero kung titingnan, nakasuot lang si Darryl ng mumurahing damit kaya paano niya magagawang takutin ang lahat?“Oo nga, ano bang problema mo para sumigaw ng ganiyan sa isang ospital?”“Tama nang mahirap lang kayo, pero nagawa mo pa ring utusan ang ospital na gamutin ang tatay mo nang libre?”Hindi na nakapagpigil pa ang ilan sa mga doctor at agad na nagsilapit para magaslita.Pagkatapos magsalita ng mga ito, higit sa isang dosenang mababagsik na mga security guard ang lumapit sa kaniya. Kahit na nakasuot ng security uniforms ang mga ito, makikita pa rin nang malinaw ang maskulado nilang mga katawan. Nagkaroon din sila ng mabagsik at pumapatay na ekspresyon sa kanilang mga mukha at sapat na ang isang tingin para masabi na dating mga gangster ang mga ito.Nang makita an
Nang marinig ang mga sinabing ito ng nurse, agad na nagsimula sa kanikanilang mga bulungan ang mga tao sa paligid.“Hindi manlang siya makapagbayad para maipagamot ito, wala na silang pagasa.”Narinig ni Shelly ang usapan ng mga tao sa paligid at malalim na tiningnan si Darryl gamit ang kaniyang mga mata. “Ok lang iyan, tulungan na muna natin siya, naniniwala ako sa kaniya.”Noong nasa kasalan ni Jackson si Shelly, narinig niya na si Darryl ang ikalawang Young Master ng mga Darby at nagbigay ito ng 3 billion dollars para makabangon ang kanilang pamilya sa pagkalugi!Umaabot lang sa 700,000 dollars ang halaga ng operasyong ito kaya paano itong hindi mababayaran ni Darryl?Dito na nakaramdam ng pagkabagabag ang nurse. Mukhang isang mahirap na tao lang ang lalaki sa kaniyang harapan, kaya paano siya nagawang makilala ni Dr. Sullivan? Masyadong naging mabait dito si Dr. Sullivan. Dahil sa sandaling gamutin niya muna ang hampaslupang ito at hindi ito makapagbayad sa sinisingil sa kaniy