Nang marinig ang mga sinabing ito ng nurse, agad na nagsimula sa kanikanilang mga bulungan ang mga tao sa paligid.“Hindi manlang siya makapagbayad para maipagamot ito, wala na silang pagasa.”Narinig ni Shelly ang usapan ng mga tao sa paligid at malalim na tiningnan si Darryl gamit ang kaniyang mga mata. “Ok lang iyan, tulungan na muna natin siya, naniniwala ako sa kaniya.”Noong nasa kasalan ni Jackson si Shelly, narinig niya na si Darryl ang ikalawang Young Master ng mga Darby at nagbigay ito ng 3 billion dollars para makabangon ang kanilang pamilya sa pagkalugi!Umaabot lang sa 700,000 dollars ang halaga ng operasyong ito kaya paano itong hindi mababayaran ni Darryl?Dito na nakaramdam ng pagkabagabag ang nurse. Mukhang isang mahirap na tao lang ang lalaki sa kaniyang harapan, kaya paano siya nagawang makilala ni Dr. Sullivan? Masyadong naging mabait dito si Dr. Sullivan. Dahil sa sandaling gamutin niya muna ang hampaslupang ito at hindi ito makapagbayad sa sinisingil sa kaniy
Ano?Hindi peke ang hawak na Amethyst Bank Black Card ng isang ito? At nagawa nitong makapaglabas ng 700,000 dollars?Sa loob ng isang iglap, nanigas ang buong mukha ni Richard habang gulat na gulat na tinitingnan si Darryl! Isang totoong… Black Card!?Buwiset! Buong buhay na nagtrabaho si Richard at nakakuha lang ng isang gold card mula sa Amethyst Bank!At sigurado rin siya sa kaniyang sarili na hindi hihigit sa tatlo ang mga black cards na matatagpuan sa buong Donghai City!“Well sir, nagkaroon po tayo ng hindi pagkakaintindihan kanina, ipagpaumanhin niyo po ang mga nangyari.” Nanginig si Richard habang nagsasalita, ang tanging alam niya lang ay hindi niya dapat bastusin ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan!Wow!Kasabay nito ang pagnganga ng mga taong nagpunta lang dito para makipagtawanan.700,000 dollars!Kaya nga talaga ng binatang ito na bayaran ang operasyon ng kaniyang ama.Hindi ba’t isa lang siyang nakikitirang manugang na siya ring isang basura? Kaya bakit s
Mas tumaas ang ngiti ni Richard na nagsabing “Tingnan mo ang sarili mo, paano kita magagawang parusahan! Matagal na kitang gusto, Shelly. Kaya sa sandaling sumama ka sa akin, sisiguruhin kong magiging maayos ang magiging trato ko sa ito. Matagal na ring bakante ang posisyon ng Deputy Head at marami ring mga doktor ang nagaagawan para rito, alam mo…” Hinatak ni Richard ang kamay ni Shelly at at niyakap ito. “Chief! Huwag niyo po itong gawin sa akin!” Sabi ni Shelly. Nagpumiglas ito pero masyadong naging malakas ang grip ni Richard sa kaniya. Ipinakita na nito ang tunay niyang kulay. Nagpakita ito ng isang malademonyong ngiti habang binabalewala ang mga pagawat ni Shelly habang mas lalo itong idinidiin sa sofa. SLAM! Sinipa pabukas ang pinto papasok sa opisina at pumasok si Darryl nang may maliwanag na ngiti. Hinahanap niya si Shelly sa opisina nito pero narinig niyang ipinatawag ito ng Chief of Staff sa kaniyang opisina, kaya agad ding nagpunta roon si Darryl para hanapin si She
Wala sa mood si Darryl sa mga sandaling ito kaya walang gana siyang sumagot ng, “Nasa City Hospital ako ngayon, hanapin mo na lang ako pagdating mo rito.” “Sige, malapit na akong makarating diyan,” tawa ng tao sa kabilang linya bago niya ibaba ang tawag. Dumura naman ng dugo ang nasa sahig na si Richard habang naghihinanakit na tinititigan si Darryl “Huwag nahuwag kang aalis dito!” At pagkatapos ay tinuro niya si Shelly at sinabing, “Ikaw! Sinadya mo siyang dalhin dito hindi ba! Alisin mo na sa isip mo ngayon pa lang ang paghawak sa posisyon ng director!” Dito na niya nilabas ang kaniyang cellphone at sinubukang magdial ng isang numero. “Nagawa mo pang magtawag ng kakampi mo? Sige lang, naghihintay lang ako rito.” Sabi ng nanlalamig na tumatawang si Darryl.Napuno naman ng pagkabagabag si Shelly. Nilapitan nito si Darryl at mahinang sinabi na, “Mas maigi kung aalis ka na ngayon, Darryl. Si Richard ang Chief of Staff ng ospital na ito kaya siguradong may mga kakilala siyang
THUD!Tumalsik nang dahil dito si Richard at tumama sa isang office desk bago tuluyang bumagsak sa sahig ng kaniyang opisina. Hindi niya nagawang mapasigaw sa sobrang sakit na kaniyang naramdaman habang buong takot na tinitingnan si Zachariah gamit ang kaniyang mga mata habang sinasabing “President Wright, ako po—" “Manahimik ka Richard! Mataas ang inaasahan ko mula sa iyo mula noong ibigay ko sa iyo ang posisyong ito. Tinatanggal na kita sa pagiging Chief of Staff.” Sagot ni Zachariah. “Pres…President…” Nanginginig na sinabi ni Richard pero hidni niya nagawang makagalaw sa kaniyang kinahihigaan. Tumingin naman si Zachariah kay Shelly at sinabing, “Bilang isang doktor, dapat lang na isipin niyo muna ang inyong mga pasyente bago ang lahat. Tama ang ginawa mong iyon. Kaya mula sa araw na ito, ikaw na ang Chief of Staff ng ospital na ito.” Ano? Nanginig na parang jellyace ang mga binti ni Shelly. Inaasahan niyang matatanggap niya mula rito ang pinakamasamang puwedeng mangyari s
Dahan dahang ngumiti si Darryl nang makita ang pagdududa sa kaniya ni Zachariah at sumagot ng “May kaunti akong alam tungkol dito, pero kung hindi ako nagkakamali, isang feng shui master ang nagplano ng buong layout ng lugar na ito hindi ba?”“Tama!” Tango ni Zachariah. Nagpatuloy sa pagsasalita si Darryl na nagsabing, “At pagkatapos lang nito dumating sa iyo ang fish tank na ito tama?” Sumagot naman dito si Zachariah ng, “Oo, ibinigay ito sa akin ng isa sa mga business partner ko tatlong taon na ang nakalilipas.” “Ayun nga, sinira ng fish tank na ito ang buong layout ng tower. At sa sandaling masira ang feng shui, agad na ninipis ang nilalabas nitong spiritual aura sa iyo. Kaya natural lang na maging inefficient ng ginagawa mong pagsasanay dito.” Nakangiting sinabi ni Darryl. Nagulat dito si Zachariah. Nagawa rin nitong mahulaan na pagkatapos lang niya itayo ang tower na ito dumating ang itinuturo nitong fish tank. Napakahusay talaga ng binatang ito! Alam din ni Darryl ang
Eight diagram na salamin?Nanlalamig na tumawa si Darryl, hinarap niya si Jackson at nagtanong ng “Pinagsususpetsahan mo rin ba na ako ang gumawa nito, Jackson?” Si Darryl ang pinakamalapiy kay Jackson sa buo nilang pamilya, para silang biological na magkapatid sa sobrang lapit ng dalawang ito sa isa’t isa. Kaya naniniwala si Darryl na hindi katulad ng iba niyang mga kapamilya si Jackson na maninisi nang hindi nalalaman ang buong katotohanan. Pero nadurog ang puso ni Darryl sa ibinigay na sagot ng kapatid niyang si Jackson. “Pinagkatiwalaan kita kuya Darryl. Pero mas nagtataka ako sa kung bakit nandoon ang eight diagram na salamin sa kuwartong iyon. Ano namang problema kung dito ako magbabase hindi ba?” Tanong ni Jackson na walang kahit na anong emosyon. Pagkatapos nito ay agad na napuno ng hinanakit at galit si Jackson, sumigaw siya kay Darryl ng, “Alam mo ba kung gaano na kami katagal ni Rebecca? Matapos ng napakaraming taon ay nagawa na rin naming magpakasal. Kaya bakit mo
“Huwag na po kayong magalit mahal kong master, ang importante sa ngayon ay ang paghahanap natin kay Darryl,” sa mga sandaling ito mabilis na lumapit ang isa sa mga tagasunod ni Skyler para kumbinsihin ito “At sa sandaling makita natin si Darryl, hindi pa po huli ang lahat para bumalik dito at parusahan ang mga miyembro ng pamilya Darby.” Hay! Matapos pakinggan ang mga salitang ito, huminga nang malalim si Skyler at agad na napababa ang kaniyang nararamdamang galit. Totoo ngang ninakaw nito ang kanilang secret manual na, [Ascensions of the Nine Dragons], na pagmamayari ng Cult Master. Ang nauna niyang plano ay ang paggawa ng isang kopya ng manual na ito bago ibalik ang orihinal na manual. Pero agad namang ninakaw ni Darryl ang manual bago pa siya makagawa ng kopya nito! Kaya ang pinakaimportanteng bagay na kinakailangan niyang gawin ay ang paghahanap sa nawawala nilang secret manual. Sa sandaling malaman ng Cult Master na nawawala ang kanilang secret manual, siguradong hindi na ta