Share

Kabanata 6675

Mabilis ang ginawang pagkilos ng mga bantay kaya isang iglap lang ang kinailangan bago nila magawang sindihan ang mga natitirang barko. Gawa lang sa kahoy ang mga ito at masyado ring malakas ang hangin sa paligid kaya mabilis na nabalot ng apoy ang mga ito.

“Sunog! Mayroong sunog!”

Takot na isinigaw ng maraming mga sundalo nang makita nila ang sitwasyon. Agad na tumalon sa tubig ang karamihan sa kanila nang makita nila iyon.

Inakala ng mga sundalo na ginawa muli ni Darryl ang pagatakeng tumakot sa kanilang lahat kanina.

Ngayong nabigo sila sa pagaapula sa apoy ni Darryl gamit ang tubig, inakala ng mga sundalo na hindi maaapula ng tubig ang apoy na sumunog sa mga natitirang barko.

Kaya natural lang para sa mga itong tumalon na lamang sa tubig para mailigtas ang kanikanilang mga sarili.

Namutla ang mukha ni Paya nang makita niya ang mga apoy habang nabablangko ang kaniyang isipan.

“Paano… paano itong nangyari?’

Babagsak ng ganoon ganoon na lang ang hukbo niya na binubuo ng daan d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status