Habang nagsasalita, humarap si Yankee sa mga heneral. “Sige. Masasabi ko naman na ginawa ninyo ang buo ninyong makakaya.”Agad na napaluhod ang mga heneral nang marinig nila iyon habang malakas nilang sinasabi na, “Maraming salamat po sa walang kapantay ninyong kabaitan, Kamahalan!”Habang nagsasalita, nakahinga na rin ang mga ito ng maluwag sa kanilang dibdib.Gumawa silang lahat ng kataksilan kaya ginawa nila ang lahat para mahuli si Paya na siyang babawi sa kanilang nagawa. Pero nagawa pa rin nitong makatakas na nagiwan ng panic sa puso ng mga heneral. Agad na nawala ang takot sa kanilang mga puso nang marinig nila na hindi sila ipapapatay ni Yankee.Tumango naman dito si Yankee. Kahit na hindi niya nahuli si Paya, nagawa niya naman itong pabagsakin, at masyado na itong maganda para sa araw na iyon.Dito na tumingin sa kaniyang paigid si Yankee bago nito nakangiting sabihin na, “Dapat nating pasalamatan si Mr. Darryl sa tagumpay natin ngayong araw. Maghanda kayo ng isang banque
‘Ano? Nakipagsanib puwersa ako kay Darryl?’Kumabog naman ang dibdib ni ng alkalde noong marinig niya ang mga sinabi ni Paya, dito na niya nagpoprotestang sinabi na, “Mayroon akong alyansa kasama ka, Heneral! Bakit naman ako magbibigay ng problema sa iyo?”Habang nagsasalita, nanginig sa sobrang takot ang katawan ng alkalde.Nanlalamig namang ngumisi si Paya, hindi niya pinaniwalaan ng kahit na kaunti ang alkalde. “Hindi? Kung ganoon ay tatanungin kita. Totoo ba ang sinabi mo na plano mo ang lahat ng ito?”Napakatalim ng tingin ni Paya habang nagsasalita.‘Well…’Nagdalawang isip ang alkalde sa tanong na iyon, dito na namula sa kahihiyan ang kaniyang mukha.Inakala niya na magiging mahusay ang plano ni Darryl kaya agad niyang sinabi kay Paya na siya ang nagisip nito sa pagasang mapapataas nito ang opinyon ni Paya sa kaniya.Hindi niya inasahan ang pagatake ni Darryl gamit ang apoy pagkatapos nito…Sumama ng husto ang mukha ni Paya nang makita niya ang pagdadalawang isip ng alk
Ngunit alam ni Darryl ang paraan kung paano gumawa ng pill at may alam din siyang paraan para mapabilis ang proseso na maibalilk ang Red Lotus Fayette.Nakakuha ng maraming damo si Darryl at mga spirit pill sa pagwasak sa tahanan ng heneral ni Lukas, at ang Fire Fungi na lamang ang sangkap na wala sa kaniya.Fire Fungi?Natahimik si Haring Astro habang nagmumuni-muni bago ito nagsalita ng dahan-dahan ng, "Bihirang bumisita ang yumaong emperor sa palasyong to. Kaya, meron lamang mga tipikal na halamang gamot sa bodega at mga hindi rin gaanong mahalaga."May gustong malaman ang mga tingin ni Haring Astro. "Sa tingin ko, wala sa amin ang Fire Fungi na sinasabi mo… ni hindi ko pa naririnig ang tungkol sa bagay na yan, sa totoo lang."Whew!Napabuntong-hininga si Darryl sa kaniyang sarili dahil sa pagkadismaya pero nagawa parin niyang ngumiti. "Isang espesyal na uri ito ng spirit fungi. Maapoy na pula ang kulay nito, at mayroong kapangyarihan ng apoy…"Hindi ito ang Nine Continents,
"Masusunod, senior brother Choza!"Makalipas ang ilang minuto, mabilis na dumeretso pa hilaga ang mga elite na nasa illalim ng pamumuno ni Bosco.Mabilis nilang nakita ang markang iniwan ng isang alagad na sumusunod kay Darryl patungo sa Cloudstream Mountain. Nagpatuloy sila at hindi na masyadong nag-isip pa.Whew!Sa wakas, nakita ni Bosco ang alagad sa unahan niya. Huminga siya ng malalim at nagmamadaling lumapit.Madikit na sumunod sa kaniya ang mga elite."Senior brother Choza!"Walang ibang naramdaman ang alagad kundi masabik nang makita sila at nagmamadaling lumapit.Tumango si Bosco bago nagtanong ng, "Nasaan si Darryl?"Huminga ng malalim ang mga alagad, at nakaturo sa buhol. "Kakaakyat niya lang doon. Mukhang may hinahanap siya sa tingin ko, lumabas siya ng bayan nang gabing-gabi."May hinahanap na isang bagay?Napasimangot si Bosco sa mga salitang narinig.Ano kayang hinahanap niya sa mga oras na ito?Kasabay nito, napasimangot din ang mga elite na nasa kaniyang l
Base sa antas ng kakayahan ni Darryl, walang ibang paraan para mapansin siya.Slash!Ngunit bago pa siya makalayo, isang ingay ang narinig mula sa kaniyang likuran habang may hampas ng hangin na dumampi sa kaniyang likod.Buwisit, may ibang tao ba dito?Nagulat si Darryl sa mga galaw, at kusang napaiwas sa gilid. Sa wakas tumama ito sa dinging ng burol, kumikinang ito sa asul na liwanag sa gitna ng gabi.Mayroon itong pill sa gitna, at babad ng lasonWhew!Napakunot ang kilay ni Darryl nang makita ang karayom, at napalingon.Isang babae ang tanging makikita lamang na dahan-dahang lumalabas sa kagubatan sa likod ni Darryl. Nakasuot siya ng itim na damit, na may perpektong kurba ang katawan at nakakaakit na mukha.'Grabe, isang nakakaakit na babae.'Napahinto si Darryl nang makita siya.Halata naman na mag-isang naglalakbay ang babaeng iyon at mukhang makapangyarihan. Gayunpaman, bakit niya siya inatake kung hindi niya ito kilala?"Binibini!"Makalipas ang ilang segundo, buma
Nananatiling walang pakialam ang ekspresyon ni Alice noon, ngunit kumakabog ang kaniyang dibdib sa nerbiyos.Nakakainis!Kund hindi lang siya takot sa Blazing Tiger sa loob ng kuweba, papatayin na sana niya agad si Darryl.Ho ho!Napangisi si Darryl sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang pag-aalalang tono sa mga sinabi ni Alice, habang nagpapakita ng pagkawalang-interes. "Alam mo, matapang talaga akong lalaki. Hindi ako natatakot sa kamatayan ng kahit kaunti!"Habang nagsasalita siya, sinulyapan saglit ni Darryl ang kuweba bago ito nagsalita ng, "Gusto mo bang makipag pustahan?""Anong pustahan?" Seryosong tinanong ni Alice.Napakamot ng ulo si Darryl, nakaturo sa Flame Fungi sa dingding ng burol. "Magpupustahan tayo kung makukuha ko ang Flame Fungi nang hindi nagigising ang Blazing Flame Tiger.""Wala ka ring kailangang gawin kung mabigo man ako. Papatayin lang din naman ako ng Blazing Tiger."Ho ho…Seryosong ngumisi si Alice sa mga salita niya. Hinahanap talaga ng lal
'Buwisit, hindi tumutupad sa pangako ang babaeng to.'Sa saglit din na iyon, napamura si Darryl sa kaniyang sarili nang marinig ang hampas na nanggaling sa kaniyang likuran. Isang sorpresang pag-atake na naman, talaga?Ngunit hindi nagpanic si Darryl ng kahit kaunti, humahagikgik at sumigaw ng, "Hindi ka nakikipaglaro ng patas dito."Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, iniwasan ni Darryl ang mahabang espada sa isang mabilis na paghampas. Mabilis na gumalaw ang kaniyang mga kamay, at binunot ang Fire Fungi sa dingding ng burol.Thump!Pagkatapos din nun, malakas na tumama sa dingding ang mahabang espada, at nagpakawala ito ng malakas na tunog.Agad na nagising ang Blazing Tiger sa nangyayaring kaguluhan."Roar!"Sa sumunod na segundo, isang ungol ang maririnig mula sa kuweba habang nagmadaling lumabas ang isang dambuhalang pigura."Wow…" Kahit na handa siyang makita ito, hindi naiwasan ni Darryl ang mamangha sa kaniyang sarili. 'Isang Blazing Tiger nga talaga.'
Noon, sa lugar kung saan binibihag ang mga demonyo, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng White Tiger Tribe at ng Red Sparrow Tribe. Bago namatay ang reyna ng Red Sparrow, ipinasa ng reyna ang Power of Bird Ancestor kay Darryl.Kahit na dumaan sa muling pagsilang si Darryl, hindi nawala ang Power of Bird Ancestor kundi nakatago ito sa kaniyang mga ugat. Sa kritikal na sandali, alam ni Darryl na wala siyang oras para makipag-usap sa Blazing Tiger gamit ang wika ng hayop kaya nagdesisyon siyang ilabas ang Power of Bird Ancestor.'Ha?'Sa sandaling iyon, naramdaman ng Blazing Tiger ang paglabas ng enerhiya sa loob ng katawan ni Darryl at napatigil ito. Gulat na nakatitig ito kay Darryl.'Kakaiba… bakit may kapangyarihan ng godly beasts ang lalaking ito?'Dagdag pa dun, parang napakalakas ng kapangyarihan nito.'Gumaan ang pakiramdam ni Darryl nang makitang huminto ang Blazing Tiger, at kinausap niya ito sa wika ng hayop, "Sa totoo lang, galing sa Red Sparrow ang kapangyarihan sa loob ng