Nananatiling walang pakialam ang ekspresyon ni Alice noon, ngunit kumakabog ang kaniyang dibdib sa nerbiyos.Nakakainis!Kund hindi lang siya takot sa Blazing Tiger sa loob ng kuweba, papatayin na sana niya agad si Darryl.Ho ho!Napangisi si Darryl sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang pag-aalalang tono sa mga sinabi ni Alice, habang nagpapakita ng pagkawalang-interes. "Alam mo, matapang talaga akong lalaki. Hindi ako natatakot sa kamatayan ng kahit kaunti!"Habang nagsasalita siya, sinulyapan saglit ni Darryl ang kuweba bago ito nagsalita ng, "Gusto mo bang makipag pustahan?""Anong pustahan?" Seryosong tinanong ni Alice.Napakamot ng ulo si Darryl, nakaturo sa Flame Fungi sa dingding ng burol. "Magpupustahan tayo kung makukuha ko ang Flame Fungi nang hindi nagigising ang Blazing Flame Tiger.""Wala ka ring kailangang gawin kung mabigo man ako. Papatayin lang din naman ako ng Blazing Tiger."Ho ho…Seryosong ngumisi si Alice sa mga salita niya. Hinahanap talaga ng lal
'Buwisit, hindi tumutupad sa pangako ang babaeng to.'Sa saglit din na iyon, napamura si Darryl sa kaniyang sarili nang marinig ang hampas na nanggaling sa kaniyang likuran. Isang sorpresang pag-atake na naman, talaga?Ngunit hindi nagpanic si Darryl ng kahit kaunti, humahagikgik at sumigaw ng, "Hindi ka nakikipaglaro ng patas dito."Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, iniwasan ni Darryl ang mahabang espada sa isang mabilis na paghampas. Mabilis na gumalaw ang kaniyang mga kamay, at binunot ang Fire Fungi sa dingding ng burol.Thump!Pagkatapos din nun, malakas na tumama sa dingding ang mahabang espada, at nagpakawala ito ng malakas na tunog.Agad na nagising ang Blazing Tiger sa nangyayaring kaguluhan."Roar!"Sa sumunod na segundo, isang ungol ang maririnig mula sa kuweba habang nagmadaling lumabas ang isang dambuhalang pigura."Wow…" Kahit na handa siyang makita ito, hindi naiwasan ni Darryl ang mamangha sa kaniyang sarili. 'Isang Blazing Tiger nga talaga.'
Noon, sa lugar kung saan binibihag ang mga demonyo, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng White Tiger Tribe at ng Red Sparrow Tribe. Bago namatay ang reyna ng Red Sparrow, ipinasa ng reyna ang Power of Bird Ancestor kay Darryl.Kahit na dumaan sa muling pagsilang si Darryl, hindi nawala ang Power of Bird Ancestor kundi nakatago ito sa kaniyang mga ugat. Sa kritikal na sandali, alam ni Darryl na wala siyang oras para makipag-usap sa Blazing Tiger gamit ang wika ng hayop kaya nagdesisyon siyang ilabas ang Power of Bird Ancestor.'Ha?'Sa sandaling iyon, naramdaman ng Blazing Tiger ang paglabas ng enerhiya sa loob ng katawan ni Darryl at napatigil ito. Gulat na nakatitig ito kay Darryl.'Kakaiba… bakit may kapangyarihan ng godly beasts ang lalaking ito?'Dagdag pa dun, parang napakalakas ng kapangyarihan nito.'Gumaan ang pakiramdam ni Darryl nang makitang huminto ang Blazing Tiger, at kinausap niya ito sa wika ng hayop, "Sa totoo lang, galing sa Red Sparrow ang kapangyarihan sa loob ng
'Patay!' Natataranta si Alice habang nakikita niya ang Blazing Tiger na pasugod sa kaniya. Hindi siya kaagad na nakaiwas at tanging pag pagana lamang ng kaniyang enerhiya ang napanlaban niya.Agad na nagkabanggaan ang tigre at si Alice, at isang malakas na ingay ang narinig. Isang napakalaking kapangyarihan ang naramdaman ni Alice, at nahihilong napaatras ng dose-dosenang metro.Napaatras ng ilang metro ang Blazing Tiger, at mabilis itong nakabalik sa kaniyang tindig. "Roar!" Matapos maibalik ang tindig nito, muling sumigaw ang Blazing Tiger, at lumapit kay Alice. Mas nakakatakot nang ipinakita nito ang taglay na eighth-grade power.Nataranta si Alice, at napansin niyang nakatayo siya sa tabi ng isang bangin, at walang ibang matatakbuhan."Hoy!" Habang natatakot, tumingin si Alice kay Darryl, at hindi napigilang sabihin na, "Di ba sabi mo sumusunod to sayo? Sabihin mong tumigil na siya." Sa katunayan, arognateng tao si Alice, at hindi siya hihingi kailanman ng tulong sa iba.Nas
Habang nakikita ang pag-alis ng Blazing Tiger, gumaan ang pakiramdam ni Darryl at ngumiti kay Alice. "Okay, maayos na ang lahat ngayon. Kailangan ko na rin umalis. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam." Kaagad na tinago ni Darryl ang Fire Fungi at lumiko pababa.Nakatitig si Alice sa likuran ni Darryl na puno ng galit sa kaniyang kaloob-looban. 'Pagkatapos ng lahat ng kaguluhan sa buong gabi, wala pa rin sa mga kamay ko ang Fire Fungi. Ginawa pa kong katatawanan ng bastardong to.'Gusto sanang habulin ni Alice si Darryl para patayin at kunin ang Fire Fungi. Gayunpaman, pagkatapos niya makipaglaban sa Blazing Tiger, naputol ang kaniyang meridian, at naging napakahina. Wala siyang nagawa kundi panoorin na lamang ang pag-alis ni Darryl.Sa sitwasyon naman ni Darryl…Pagkatapos makuha ang Fire Fungi, gumaan ang pakiramdam ni Darryl. Humuhuni siya ng kanta habang nagmamadaling pumunta sa Emerald Cloud City. 'Gamit ang Fire Fungi, pwede ko na ngayong pinuhin ang Fire Spirit Pill.
"Ikaw!" Mabilis na tumalikod si Darryl at nakita si Bosco. Galit na galit siya.Kasabay nito, napansin din ni Darryl na doon nakatago ang mga disipulo, para tambangan siya na plinano ni Bosco."Darryl!" Mukhang nasasabik at kampante si Bosco. Ngumisi siya. "Pustahan di mo to inaasahang mangyari. Sinabi ko sayo na isang araw, magiging bihag din kita. Mapunta ka sana sa impyerno."Kaagad na sumabog ang enerhiya ni Bosco at tinamaan si Darryl sa likod ng kaniyang dibdib. Boom!Napakabilis ni Bosco. Napapaligiran si Darryl ng maraming disipulo at hindi niya ito kaagad naiwasan. Tinamaan siya sa likod ng kaniyang dibdib. Napaungol siya at napadura ng sariwang dugo habang itinatapon palabas.Itinapon si Darryl ng dose-dosenang metro, at bumagsak siya sa lupa. Nakaramdam siya ng matinding sakit at muntik na siyang mawalan ng malay.'Buwisit!' Sa sandaling iyon, palihim na nagmura si Darryl. 'Buti na lang, meron akong Red Lafayette Protector. Kundi, napatay na ko ng palad na yun.'Nar
'Moriri?'Nagulat si Darryl, at naguluhan siya.'Bakit sya nandito…'Sumagot ang isang disipulo, nagmadaling pumasok sa isang kuwarto sa likuran, at dinala si Moriri, na nakatali. Sa sandaling iyon, mukhang masama ang loob ni Moriri.Noong araw na iyon, matapos matapik ni Bosco ang kaniyang mga acupoints, mabilis na nagising si Moriri. Gusto niyang tumakas, ngunit matalino si Bosco at binantayan ang labas ng pinto. Pagkatapos makipaglaban, natalo si Moriri, at muli siyang tinali."Bosco… Ikaw…" Sa bakuran, sumigaw si Moriri kay Bosco, "Pakawalan mo ko. Kundi, sasabihin ko to sa Sect Master, at kailangan mong tiisin ang magiging resulta nito…"Habang nagsasalita si Moriri, galit na galit lamang siya."Haha…" Nang marinig iyon, hindi napigilan ni Bosco na matawa. "Moriri, itinali kita dahil nag-aalala akong maabala mo ang plano ko sa Emerald Cloud City.Pagkatapos nun, nagbago ang tono ni Bosco. "Hayaan na muna natin yan. Nahuli ko ang kaibigan mo. Tignan mo kung sino." Agad nama
"Punyeta!"Si Bosco ay nagngingitngit; singhal niya, "Paano mo nagawang—" Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, tumingala siya at nakita ang isang taong lumalapit, na ikinagulat niya.Sa parehong panahon, ang mga tao roon ay tumingin din sa pinanggagalingan ng malamig na liwanag. Nakita nila ang isang anino na lumulutang sa itaas ng isang puno sa bakuran. Ang taong iyon ay suot ang mahabang itim na damit, matangkad, at may malakas na aura.Si Kye ito."Sect Master!" Nang matanto ng mga disipulo na siya ang kanilang Sect Master, naging mapaggalang sila.'Magaling, andito na ang aking matalik na kapatid.' Ngumiti si Darryl, at hindi na siya nawalan ng pag-asa. 'Okay lang ako habang nandyan si Kye.'Lunok!Nagulat si Bosco nang makita si Kye. Hindi niya mapigilan ang paglunok at kinabahan.Alam niya na ang pagkakatali kay Moriri ay labag sa mga alituntunin ng sektang iyon. Inakala ni Bosco na may iba pang gagawin si Kye at hindi makakabisita sa Emerald Cloud City, subalit sa kany