Share

Kabanata 6688

Habang nakikita ang pag-alis ng Blazing Tiger, gumaan ang pakiramdam ni Darryl at ngumiti kay Alice. "Okay, maayos na ang lahat ngayon. Kailangan ko na rin umalis. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam."

Kaagad na tinago ni Darryl ang Fire Fungi at lumiko pababa.

Nakatitig si Alice sa likuran ni Darryl na puno ng galit sa kaniyang kaloob-looban. 'Pagkatapos ng lahat ng kaguluhan sa buong gabi, wala pa rin sa mga kamay ko ang Fire Fungi. Ginawa pa kong katatawanan ng bastardong to.'

Gusto sanang habulin ni Alice si Darryl para patayin at kunin ang Fire Fungi. Gayunpaman, pagkatapos niya makipaglaban sa Blazing Tiger, naputol ang kaniyang meridian, at naging napakahina. Wala siyang nagawa kundi panoorin na lamang ang pag-alis ni Darryl.

Sa sitwasyon naman ni Darryl…

Pagkatapos makuha ang Fire Fungi, gumaan ang pakiramdam ni Darryl. Humuhuni siya ng kanta habang nagmamadaling pumunta sa Emerald Cloud City. 'Gamit ang Fire Fungi, pwede ko na ngayong pinuhin ang Fire Spirit Pill.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status