Share

Kabanata 6677

Nabalot ng pagkabagsak ang itsura ng heneral habang nagsasalita.

Walang kahit na sino ang makakatanggap sa pagkawala ng ganito karami niyang mga tauhan sa loob lang ng isang laban.

’50,000 na lang ang natitira sa mga ito…’

Sumama ang nagpupurple na itsura ni Paya sa narinig niyang mga salita, agad na naglagablab ang galit sa kaniyang dibdib habang nagngingitngit siyang sumisigaw sa direksyon ng Emerald Cloud City. “Tatandaan ko ang araw na ito, Darryl Darby.”

Dito na sila nakarinig ng sunod sunod na tunog mula sa tubig. Napatingin ang lahat hanggang sa makita nila ang eksena na ikinagulat nilang lahat.

Nakita nila ang nasa higit 50 mga barkong pandigma ng Emerald Cloud City. Napuno ang bawat isang barko ng mga sundalo na nagpakita ng determinadong mga itsura.

Taas noo namang tumayo ang mga heneral ng hukbong dagat sa layag ng mga barko. Desperado na ang mga itong makabawi sa nagawa nilang pagatras kaya wala na silang ibang gusto kundi ang mahuli si Paya.

Tumitig ang mata ng mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status