Samantala, sa Neptunus Corporation.Kalalabas lang ni Lily sa meeting room matapos ang meeting ng mga shareholders nang makita niya ang mga babaeng empleyado na naguusap at nagtatawanan habang nakatingin sa kanilang mga cellphone.Paano nila nagawang magpatambay tambay during work hours? Naglakad si Lily papunta sa mga babaeng empleyado para sabihan ang mga ito, at doon na niya nakitang nanonood ang mga ito ng video, at makikita sa video na ito ang isang lalaki na walang iba kundi si Darryl!“Parang naging kapatid ko na rin ang bike na ito, huwag kang magalala. Ipaghihiganti kita…”Makikita sa video ang mukhang nagluluksang si Darryl habang niyayakap ang kaniyang bike.“Haha, nakakatawa naman ang lalaking ito, kilala niyo ba siya?”“Hindi mo siya kilala? Iyan ang asawa ni Miss Lyndon.”“Ano? Iyong basurang Darryl na iyon? Narinig kong ikinasal daw siya sa basurang iyon…”Masayang nagchichismisan ang mga babae habang tumatayo ang isa para gayahin ang ginagawa ni Darryl sa video.
“Hayop ka, kalalaba ko lang nito kahapon, makasabi ka ng madumi ito sa paningin mo ha?” Isip ni Darryl sa kaniyang sarili. Magsasalita na sana siya ng kaniyang opinyon sa mga sinabi ni Giselle nang hatakin siya palayo ni Alex Armstrong.Malapit silang magkaibigan noong high school pa lang sila. Nagkaroon na rin ng ilang pagkakataon kung saan nakipagaway at nagcutting classes nang magkasama. Mukhang si Alex lang ang nagiisang hindi nandidiri kay Darryl ngayong gabi.Matapos hatakin si Darryl sa isang tabi, iniling ni Alex ang kaniyang ulo at sinabing “Bro, sinasabi ko s aiyo, isa ang tulad ni Giselle sa mga uri ng babaeng hindi natin dapat nilalapitan. Naghahanap ka ba ng sermon at kahihiyan sa ginawa mong iyong kanina?”Hindi na nakapagsalita pa rito si Darryl at tumawa na lang nang mahina. Uminom at kumain silang lahat nang hindi namamalayan ang mabilis na paglipas ng gabi.Maging si Giselle ay tipsy na rin kaya nang pilitin ng kaniyang mga dating kaklase, kinuha niya ang mikropon
Nasa kamay ng kanilang lola ang pamamahala sa buong angkan ng mga Lyndon, at si William ang pinakapaburito nitong miyembro ng angkan. Naging maganda rin ang ipinakitang performance ni William dahil mayroon na itong hindi bababa sa 30 million dollars na halaga ng mga ari arian. Kaya siguradong mamasamain ang sinumang babastos o makakaaway nito.“Anong ginagawa mo Mom?” tanong ni Lily habang naglalakad papalapit para awatin ang kaniyang ina.Kahit na kinaiinisan ni Lily si Darryl, nagawa pa rin nitong ipagtanggol siya at ibangon sa nararamdaman niyang kahihiyan.Hinawakan ni Darryl ang kaniyang muka kung saan makikita ang namumulang bakas ng kamay ni Samantha. Pero nagpakita pa rin siya ng kaunting ngiti. Matapos ng tatlong taon nilang pagsasama, ito ang unang beses na kampihan siya ni Lily. Tumalikod na lang si Darryl at nakangiting umalis.“Bumalik ka ritong basura ka!” kahit na nakalayo na siya kay Samantha. Narinig niya pa rin ang malakas nitong sigaw.Habang pinapanood ng lahat
Napatingin si Darryl kay Pearl. Kung hindi siya nagkakamali, siya na nga ang secretary na nabanggit nito noong nakaraan.“Pasensya na Mr. President, hindi ko po sinadyang malate. Natraffic po kasi kami papunta rito…” mahinahong nagpaliwanag ni Pearl habang iniiwasan ang pagtingin nang direkta sa mga mata ni Darryl at bahagyang yumuko.“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo, Pearl!” Humakbang paabante si Penelope. Dito na nabahiran ng kaunting galit ang napakaganda niyang itsura. “Siya ang bagong security guard ng kumpanya natin, kaya bakit mo siya tinatawag na Mr. President?”“Bagong security guard?” hinanap ni Pearl sa dala dala niyang handbag ang isang picture. Kinumpara niyang maigi ang itsura ng lalaki sa picture at ang mukha ni Darryl at nagmamadaling sumagot kay Penelope. “Hindi po ako nagkakamali, Ms. Peach. Siya po ang bagong president ng ating kumpanya na si Mr. Darby.”“Ano!?” Napanganga ang mga taong nakikiusyoso sa kanilang paligid habang hindi makapaniwalang nakatitig kay
"Jade, tigilan mo na yan," mahinang bulong ni Lily matapos marinig ang pagsaway ni Jade kay Darryl. Kahapon, sa taunang pagtitipon ay ipininagyabang ni William ang kanyang suit, ngunit si Darryl pa rin ang tumayo at tumulong kay Lily para mapawi ang kaniyang kahihiyan. “Lily, masyadong malambot ang puso mo. Kung ako lang sa iyo, hihiwalayan ko na siya, ”malamig na sinabi ni Jade. "Matagal ka nang kasal sa kanya, pero hindi niyo pa nasusulit ang iinyong pagsasama. Hindi ko alam kung paano mo natitiis makasama ang basura na ito araw-araw," "Jade," tawag ni Darryl habang tumititig nang malalim. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at agad nang gumawa ng sarili niyang hakbang. Masasabi nating maganda si Jade, nakasuot siya ng isang maikli at masikip na palda na nagpapakita sa kayumanggi niyang mga binti. "Nangangailangan ng limang milyon ang kumpanya ng aking asawa, kaya paano mo nasabing hindi ako makakatulong sa kaniya?" nakangiting sinabi ni Darryl. "At kung tama ang a
Tatlong segundo lang ang inabot ni Ashton para sagutin ang tawag.Agad na pinindot ni Lily ang Loudspeaker button.Napangiti naman si Samantha na nakatayo sa tabi matapos makita ang screen ng cellphone ni Lily “Mahal kong anak, so si Ashton pala ang nagbigay ng Worship of Crystal sa iyo. Mabait siyang lalaki kaya siguruin mong maaapreciate mo ang mga nagawa niya sa iyo dear.Sadyang nilakasan ni Samantha ang kaniyang pagsasalita at hindi rin nakalimot magbigay ng tingin kay Darryl. Kung ikukumpara kay Ashton, walang kahit na anong naging kuwenta si Darryl. Nabanggit din ni Ashton noon na nakahanda itong magbayad ng 20 milyong dolyar bilang dote kung magagawa niyang mapakasalan si Lily.Maririnig naman sa kabilang linya si Ashton na kasalukuyang nakaupo sa bangketa. Kanikanina lang ay nakatanggap ito ng isang tawag na bumabawi sa lahat ng suportang ibinigay ng mga Darby sa kaniya!Halos malusaw si Ashton sa kaniyang kinatatayuan nang marinig niya ang balitang ito. Siguradong magigi
Haha! Halos matawa nang sobrang lakas ni Darryl nang marinig niya ang halaga ng bill. Isa talagang mangmang ang William na ito! Walang sinuman sa party ang nakakaalam sa wine na inorder ni William para sa lahat, maliban na lang kay Darryl. Ito ay ang Romanée-Conti, na mayroong retail price na umaabot sa higit 1 million dollars, at higit 30 bote nito ang inorder ni William para sa lahat!“Pinaglololoko mo ba ako?” Nagpapanic na sinabi ni William. Tumayo sya at sinabi sa waiter na “Nasa 30 million dollars ang halaga ng nakain ng higit 300 miyembro ng mga Lyndon na dumalo rito? Kung ganoon, nasa 100,000 ang average na bill ng bawat isang bisita tama? Sige, gusto kong makausap ang manager ninyo.”Napatingin na lang ang dalawang waiter ng hotel sa isa’t isa, wala na silang nagawa kundi tawagin ang kanilang manager.Ang kanilang manager ay isang 30 year old na lalaking nakasuot ng isang malinis na suit.“Gusto niyo pa bang ipagpatuloy ang pagooperate ng hotel na ito?” Umabante si William
“Haha, nakalimutan mong dalhin ang iyong bank card? Napakagandang rason!” Malakas na tumawa si William at tumingin kay Samantha, “Nakalimutan mo rin bang dalhin yung iyo, tita Samantha?”“Oo…”“Hahaha!” Hindi na mapigilan pa ng lahat ang kanilang pagtawa. Isang dalaga ang biglang napasabi ng “Siguradong nakalimutan din ni Darryl yung card niya, nagpunta lang dito ang pamilyang iyan para makikain nang libre!”Napakagat nang husto si Lily sa kaniyang labi dahil wala na siyang magawa pa sa pagkakataong ito. Dito na rin kumilos si Darryl.”“Dala ko ang aking card, kaya lang…”Bago pa matapos ni Darryl ang kaniyang sinasabi, mabilis na inagaw ni William ang kaniyang card at ipinasa ito sa waiter. “Halika rito, tingnan natin kung aabot bas a 300,000 dollars ang laman ng card na ito!”Hindi mapakaling napapadyak na lang sa sahig si Lily habang iniisip kung paano magkakaroon ng 300,000 dollars ang card ng kaniyang asawa kung nasa 200 dollars lang ang allowance na ibinibigay niya rito ara