Share

Kabanata 6

Napatingin si Darryl kay Pearl. Kung hindi siya nagkakamali, siya na nga ang secretary na nabanggit nito noong nakaraan.

“Pasensya na Mr. President, hindi ko po sinadyang malate. Natraffic po kasi kami papunta rito…” mahinahong nagpaliwanag ni Pearl habang iniiwasan ang pagtingin nang direkta sa mga mata ni Darryl at bahagyang yumuko.

“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo, Pearl!” Humakbang paabante si Penelope. Dito na nabahiran ng kaunting galit ang napakaganda niyang itsura. “Siya ang bagong security guard ng kumpanya natin, kaya bakit mo siya tinatawag na Mr. President?”

“Bagong security guard?” hinanap ni Pearl sa dala dala niyang handbag ang isang picture. Kinumpara niyang maigi ang itsura ng lalaki sa picture at ang mukha ni Darryl at nagmamadaling sumagot kay Penelope. “Hindi po ako nagkakamali, Ms. Peach. Siya po ang bagong president ng ating kumpanya na si Mr. Darby.”

“Ano!?” Napanganga ang mga taong nakikiusyoso sa kanilang paligid habang hindi makapaniwalang nakatitig kay Darryl!

“Uhm Miss, si… sigurado akong namamalik mata ka lang hindi ba?” Napakagat na lang nang husto sa kaniyang bibig si Giselle habang nakatingin kay Pearl. “Kilala ko lang lalaking iyan, siya si Darryl na naging kaklase ko noong highschool. Tingnan mo kung gaano siya kadungis para maging presidente ng kumpanya hindi ba?”

Paano itong nangyari! Bakit magsusuot ng mumurahing damit at gagamit ng isang electric bika ang isang presidente ng kumpanya? Wala ring nagawang bumati kay Darryl noong dumalo ito sa kanilang high school reunion nitong nakaraan.

“Nagkamali ako?” Nilabas ni Pearl ang kaniyang cellphone at ipinakita ito kay Giselle. “Basahin mong maigi, mismong kinikilalang ama na ng mga Darby ang nagsabi sa akin na ang pangalan ng bagong presidente ng kumpanyang ito ay Darryl Darby! Mayroon ding picture ng bagong president ang kaniyang sinend sa conversation thread naming, tingnan mo!”

Woosh!

Dito na tuluyang nablangko ang isip ni Giselle sa loob ng isang iglap! Nanghina ang kaniyang mga tuhod at hindi na nagawa pang tingnan nang direkta sa mata si Darryl.

Habang napapakagat naman nang husto sa kaniyang labi si Penelope. Bilang deputy manager ng Platinum Corporation, mayroon siyang mas mataas na posisyon kaysa sa karamihan ng mga empleyado nito. Pero pagmamayari pa rin ng mga Darby ang Platinum Corporation. Kaya hindi siya makapaniwala na pinagbantaan niyang tanggalin ang mismong presidente ng kumpanya…

“Mister Darryl…” Namutla nang hustoa ng mukha ni Penelope, naglakad siya papalapit kay Darryl at dahan dahang bumulong dito.

“Sa pagkakaalam ko, hindi iyan ang dapat mong itawag sa akin,” tawa ni Darryl. “Tita ka ng kaklase kong si Giselle. Kaya hindi nababagay para sa iyo na tawagin akong mister.”

“Mister Darryl, nagkamali ako… nagkamali po ako, inaamin ko po na nagkamali ako sa inasal ko kanina…” Mahinang sinabi ni Penelope habang nakayuko sa harapan ni Darryl.

Ikinaway ni Darryl ang kaniyang kamay na pumigil sa pagsasalita ni Penelope, tumalikod siya at tumingin sa head ng security. Kasalukuyang nakatulala sa mga sandaling ito ang head ng security habang dahan dahang lumiliyad pakalikod ang buo niyang katawan na para bang babagsak na sa lupa.

“Tanggal ka na sa trabaho.” Walang kahirap hirap na sinabi ni Darryl ang mga salitang ito sa head ng security bago pumasok sa building.

Buong lakas na sumundo ang isang grupo ng mga tao kay Darryl na nagsimula ng mga usap usapan sa mga empleyado na kasalukuyang nasa ground level ng building. Sumunod din sa kaniya sina Giselle at Penelope pero napuno ng pagpapakumbaba ang mga ito. Pinilit pa rin nilang maglakad at makasabay sa bilis ng paglakad ni Darryl kahit na hirap silang maglakad gamit ang kanilang mga heels.

Masasabi nating engrande ang building ng Platinum Corporation. Sinadya ang paglalagay sa interior nito ng ilang mga mamahaling dekorasyon para mukhang isang palasyo. Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagdating ng bagong presidente ng kumpanya, kaya mabilis na nagsiyuko ang mga empleyadong madadaanan ni Darryl.

Sa 11th floor matatagpuan ang opisina ng presidente. Agad na umupo si Darryl sa kaniyang upuan nang makarating siya sa bago niyang opisina.

“Napakaganda rito” namamanghang isip ni Darryl. Mula noong itakwil siya ng kaniyang angkan tatlong taon na ang makalilipas, hindi pa siya ulit nagkakaroon ng oportunidad na makabisita sa mga ganitong klase ng lugar.

“Mr. President…”

Sinundan siya nina Giselle at Penelope papasok sa kaniyang opisina at masunuring tumayo sa harapan ng kaniyang lamesa.

Sa totoo lang, kahit na tita lang ni Giselle si Penelope, nagawa pa rin nitong ingatan ang kaniyang itsura. Kaya magmumukha silang magkapatid sa sandaling pagtabihin silang dalawa.

“Mr. Darryl… taos puso po akong humihingi ng paumanhin…” Kinagat ni Penelope ang kaniyang labi at nagdalawang isip sa loob ng isang sandali bago muling magpatuloy sa kaniyang pagsasalita “Mr. Darryl, bibigyan pa po ba ninyo ng tiyansa si Giselle na pirmahan ang kaniyang kontrata sa inyong kumpanya? Gagawin ko ang lahat ng sabihin ninyo sa sandaling payagan niyo siyang pumirma ng kontrata.”

“Lahat ng sasabihin ko?” Dito na tumawa nang malakas si Darryl. Pero bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Penelope, kumatok si Pearl sa pinto ang naglakad papasok.

“Mr. Darby, nasa labas po si William mula sa angkan ng mga Lyndon, nandito raw po siya para makipagnegosasyon.”

William Lyndon? Sapat na ang pagbanggit sa pangalan nito para mapakulo ang dugo ni Darryl.

Tumawa si Darryl at sinabing “Sabihin mong umalis na siya.”

“Opo, sir.”

***

Sa villa ng mga Lyndon. Nagpatawag ang kanilang Grandma Lyndon ng isang emergency meeting na dinaluhan ng daan daang miyembro ng Lyndon Family.

“Masyadong wala sa lugar ang Platinum Corporation na ito, Grandma!” Namula sa sobrang galit ang mukha ni William. “Nagpunta ako roon para pagusapan ang partnership ng ating angkan sa kanilang kumpanya nang sabihan akong umalis na lang, umalis na lang! Malinaw na minamaliit tayong mga Lyndon ng Platinum Corporation.”

Napailing na lang sa isa’t isa ang mga Lyndon. Malinaw na wala na silang magagawa pa rito, dahil pumapantay lang naman sa kanilang kapangyarihan ang kanilang inaasal. Kaya wala na silang magagawa kundi magreklamo sa kanilang mga sarili.

“Tama na.” Kumakaway na sinabi ni Grandma Lyndon. “Narinig kong nasa 20 years old pa lang daw ang bagong presidente ng Platinum Corporation. Masyado pa siyang bata pero may malaki na siyang potensyal kaya nagagawa niyang magpadalos dalos sa kaniyang mga desisyon. Kahit na naging ganoon ang asal niya sa atin, dapat lang tayong magpatuloy hanggang sa pumayag silang makipagpartner sa atin, ngayon, sino sa inyo ang may gustong pumunta roon?”

Ano?!

Gulat na gulat silang tumingin sa isa’t isa. Gusto pa rin ng mga Lyndon na makipagusap at makipagnegosasyon sa Platinum Corporation para sa isang partnership? Sinabihan na ng Platinum Corporation si William na umalis na lang, pero nagawa pa rin ng mga Lyndon na magpatuloy sa pangungumbinsi rito? Sino nga ba ang gagawa pa nito para sa kanilang angkan!?

Dito na napabuntong hininga si Grandma Lyndon. Alam niya na walang kahit na sino sa kanila ang naubusan na ng hiya para bumalik muli roon at makipagusap. Pero kung magagawa naman nilang kumbinsihin ito na makipagpartner sa kanila, magiging isa na itong napakalaking biyaya para sa mga Lyndon! Kaya hindi dapat sila sumuko!

Isinara nang husto ni William ang kaniyang mga kamao at biglang tumayo bago sabihing “Grandma, paano kaya kung si Lily naman ang papuntahin natin doon?”

“William!” Napakagat nang malakas si Lily sa kaniyang labi, alam niyang mahilig talaga maghanap ng gulo si William pero hindi niya inaasahang magiging ganito ito kasama sa kaniya.

“Anong problema?” Tanong ni William. “Kabilang ka rin naman sa mga Lyndon hindi ba? At saka nangangailangan din pala ang kumpanya niyo ng 5 million dollars tama? Hayaan na natin yung tungkol sa masamang performance ng inyong kumpanya. Ayaw mo bang gawin ito para tulungan ang iyong angkan?”

Pagkatapos nito agad na pumunta si William sa tabi ni Grandma Lyndon at sinabing “Gusto ko pong si Lily naman ang makipagnegosasyon sa Platinum Corporation, Grandma!”

Tumango ang ulo rito ni Grandma Lyndon. Si William ang kaniyang favorite sa kanilang angkan kaya matapos niyang pakinggan ang hiling nito, dahan dahan siyang tumingin kay Lily at sinabing “Nasa mga kamay mo na ang tungkol dito, Lilybud. Magpunta ka sa Platinum Corporation bukas at makipagnegosasyon para sa isang partnership.”

“Pero grandma, hi….”

Gusto sanang magsalita ni Lily, pero ikinaway na ni Grandma Lyndon ang kaniyang kamay at sinabing “Tama na iyan, tatapusin ko na ang ating meeting.”

Sunod sunod na nagsialis ang mga daan daang miyembro na umattend ng meeting pagkatapos magsalita ni Grandma Lyndon. Natuwa ang bawat isa sa mga ito dahil hindi sila ang napili para bumalik sa Platinum Corporation.

Hindi mapakali si Lily habang pauwi sa kanilang tahanan. Napakaimposible ng ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang angkan. Paano niya magagawang makipagnegosasyon para sa isang partnership bukas?

Dito na nainis nang husto si Lily at agad na naghanap ng gagawin dahil ayaw na niyang magisip pa tungkol sa bagay na ito. Agad niyang tinawagan ang mga kaibigan niyang sina Jade at Phoebe para makapaglabas ng hinanakit.

Nang makarating ang matatalik na kaibigan ni Lily, agad na gumaan ang kaniyang loob.

“Nasaan na ang basurang iyon, Lily?” tanong ni Jade habang umuupo sa sofa, dahan dahan siyang uminom ng wine sa hawak niyang wineglass.

Agad na nalaman ni Lily kung sino ang tinutukoy ni Jade at tumatawang sumagot ng “Umalis siya pagkatapos niyang magalmusal, hindi pa siya nakakabalik hanggang ngayon.”

“Masyadong mahaba ang pasensya mo sa kaniya Lily.” Baba ni Jade sa kaniyang wine glass “Kahit ako ay hindi na makatiis sa walang kafuture future niyang itsura. Nangangailangan ng pera ang kumpanya ninyo ngayon, kung mayroon ka lang na kahit may kayang asawa, kahit na hindi niya magawang maglabas ng 5 million, magagawa niya naman sigurong mabigyan ka ng dalawa hanggang talong milyon hindi ba? Habang ang basura mong asawa na si Darryl ay hindi manlang makapaglabas ng kahit 30,000 dollars.”

Habang nagsasalita si Jade, narinig nila ng tunog mula sa pagbubukas ng pinto sa harapan ng kanilang bahay. Dito na nila nakita si Darrly na mayroong bitbit na isang itim na sako habang punong puno naman ng dumi at grasa ang buo niyang katawan.

Buwiset, nagsimulang umulan noong makalabas si Darryl sa building ng kaniyang kumpanya para umuwi. Nasira rin ni Giselle ang scooter na ginamit niya papasok kaya kinailangan niyang maglakad at maligo sa ulan para makauwi.

“Oh, speaking of the devil.” Sabi ni Jade habang nakatingin kay Darryl.

Hindi na siya nagawa pang batiin ni Darryl, nilagay na lang nito ang itim na sako sa sofa.

“Nagagawa mo pa ring ipakita ang pagmumukha mo sa pamamahay na ito, Darryl?” sabi ng galit na si Samantha habang palabas sa kaniyang kuwarto.

Hindi sana isusuggest ni William na si Lily naman ang pumunta sa Platinum Corporation kung hindi lang nakipagaway si Darryl dito.

Tumitig si Samantha kay Darryl at sinabing. “Mas papangit na nang papangit ang ipinapakita mong pagaasal, Darryl. Kahit na makalimutan ko pa ang tungkol sa naging away ninyo ni William kagabi, paano mo pa rin nagagawang ipakita sa akin ang pagmumukha mo? Hindi mo ba naisip na nagkakalat iyang sapatos mo ng putik sa loob ng bahay? Masyado ring madumi ang dala dala mong sako pero nagawa mo pa rin itong ipating sa sofa? Gusto mo na bang lumayas dito nang wala sa oras? Walang pumipigil sa iyo na umalis Darryl!”

Dito na napabuntong hininga si Darryl. Siya nga ang nagkalat ng putik at dumi sa bahay, pero hindi ba’t siya rin ang naglilinis nito mula noong tumira siya rito?

Hindi nagalit dito si Darryl, dahil kanina pa sana siya nagalit kung nagpaapekto siya sa mga sinabi sa kaniya ni Samantha.

Walang pakialam na lumapit si Darryl kay Lily at buong ngiting sinabi na “Honey, kailangan ng kumpanya ninyo ng 5 million dollars hindi ba? Dala ko na ito ngayon…”

“Woah.” Natawa nang malakas si Jade na nakaupo di kalayuan nang malakas matapos marinig ang mga sinabi ni Darryl at tumitig bago sabihing “Wala na talagang kapantay ang kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Hindi ka lang walang silbi, nagawa mo pang ipaalala sa iba ang kanilang mga problema. Oo, nangangailangan si Lily ng five million dollars na hindi magagawang ibigay ng isang basurang kagaya mo, pero nagawa mo pa rin itong isingit sa usapan.”
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rolly Anciano
anyare sa ibang kabanata
goodnovel comment avatar
Jaymark Umbao Salinas
pangit naka lock Yung ibang kabanata
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status