Share

Kabanata 10

Author: Skykissing Wolf
“Haha, nakalimutan mong dalhin ang iyong bank card? Napakagandang rason!” Malakas na tumawa si William at tumingin kay Samantha, “Nakalimutan mo rin bang dalhin yung iyo, tita Samantha?”

“Oo…”

“Hahaha!” Hindi na mapigilan pa ng lahat ang kanilang pagtawa. Isang dalaga ang biglang napasabi ng “Siguradong nakalimutan din ni Darryl yung card niya, nagpunta lang dito ang pamilyang iyan para makikain nang libre!”

Napakagat nang husto si Lily sa kaniyang labi dahil wala na siyang magawa pa sa pagkakataong ito. Dito na rin kumilos si Darryl.”

“Dala ko ang aking card, kaya lang…”

Bago pa matapos ni Darryl ang kaniyang sinasabi, mabilis na inagaw ni William ang kaniyang card at ipinasa ito sa waiter. “Halika rito, tingnan natin kung aabot bas a 300,000 dollars ang laman ng card na ito!”

Hindi mapakaling napapadyak na lang sa sahig si Lily habang iniisip kung paano magkakaroon ng 300,000 dollars ang card ng kaniyang asawa kung nasa 200 dollars lang ang allowance na ibinibigay niya rito araw araw.

Siguradong lolokohin lang ni Darryl ang kaniyang sarili.

Nakita ni Lily ang pagpipigil ng lahat sa kanilang pagtawa habang hinihintay ang napakagandang joke na mangyayari kay Darryl.

Sa mga sandaling ito, walang kahit na sinong nakapansin sa dahan dahang pagtayo ni Yvonne. Napuno ng pagkagulat ang napakaganda nitong mukha!

“Hindi naman ako nagkakamali hindi ba? Isa ba itong black card ng Amethyst Bank?!” sabi ni Yvonne.

Agad na naging kasing tahimik ng sementeryo ang kaninang maingay sa tawanang dining hall.

Mukhang naging bato ang lahat sa mga salitang binitawan ni Yvonne!

Napakaganda nga ng bank card na ito, isa itong kulay itim na may kulay gintong guhit na parang isang ribbon at isang diyamante na nakaukit dito. Dalawang nagagandahang mga salita ang napakagandang nakasulat sa bottom right na bahagi ng bank card na nagsasabing: Darryl Darby.

Isang black card ng Amethyst Bank!

Paano ito naging posible?! Maging ang platinum card ni William ay nangangailangan ng hindi baba sa 10 milyong dolyar magkaroon nito.

Sa taas nito ay ang diamond card na nangangailangan ng savings na hindi bababa sa isang daang milyon.

Sa itaas naman nito ay ang VIP card na mayroong laman na hindi bababa sa limang daang milyon!

At ang pinakamataas sa lahat ng mga card ay ang black card na nangangailangan ng lamang hindi bababa sa isang bilyong dolyar!

Mukhang hindi tataas sa tatlo ang bilang ng mga card na ito sa buong Donghai City! Walang sinuman sa loob ng hotel na ito maging ang boss na si Wayne ang may black card!

Pareho ring natigilan dito sina Lily at Samantha, hindi sila makapagbanggit ng kahit isang salita!

“Isa…isa lang itong sticker na para sa mga bank card hindi ba?” Biglang sinabi ng isa sa mga bisitang malapit nang matawa.

Nakahinga na rin ang lahat sa mga sandaling ito. Mukhang isa lang itong uri ng sticker! Imposibleng magkaroon ng black card ang isang napakadungis na tao.

“Haha, nakakadiri ka talaga Darryl.” Malakas na tawa ni William. “Kahit na hindi namin pansinin ang pagiging mahirap mo, nagawa mo pa ring umarte na parang isang mayaman.”

Hindi na nagsalita ng kahit na ano si Darryl at nagpakita na lang ng isang ngiti.

Lumapit si Lily at nakita ang waiter na kumuha ng card para bayaran ang kanilang bill. “Darryl, alisin mo nga ang sticker na iyan paguwi natin, hindi ka na ba nahiya? At…at… sapat ba ang laman ng card mo para mabayaran ang bill natin?” Hindi maiwasang maitanong ni Lily nang pabulong.

“Sapat na yung laman nito, inipon ko ang lahat ng allowance na ibinibigay mo sa akin araw araw. Kaya kung isasama yung naipon ko noon, sapat na ito para mabayaran ang bill natin.” Sabi ni Darryl.

Hahahaha!

Kahit na naging mahina ang boses ni Darryl, narinig pa rin ng lahat ang kaniyang sinabi at nagsimula muli sa pagtawa.

Matapos bayaran ang kanikanilang mga bill, nagsialis na ang mga miyembro ng pamilya Lyndon. Dito na patagong hinawakan ni Wayne ang braso ni Darryl at agad na isinakay sa kaniyang sasakyan.

“Sa wakas, nakita na kitang muli, ikalawang young master…” sabik na sinabi ni Wayne habang nagdadrive ng kaniyang sasakyan.

“Saan mo ako dadalhin?”

“Ipapakilala kita sa ilang mga tao, siguradong gustong gusto ka na rin nilang makita!” nanginig ang mga kamay ni Wayne sa mga sandaling ito. “Kaya kailangan mong sumama sa akin…”

“Sige, sige, sige. Sasama na ako sa iyo basta magingat ka lang sa pagdadrive.” Sabi ni Darryl.

Buwisit, bakit ba sabik na sabik ang lalaking ito? Hindi na niya mahawakan nang maayos ang manibela ng kaniyang sasakyan.

Mabilis na umandar ang sasakyan at agad na nakarating sa entrance ng isang bar.

Ang Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City!

Masasabing hindi bababa sa 10,000 dollars ang pinakamaliit na magagastos ng kahit na sino para sa dalawang tao na iinom sa bar na ito!

Maraming mga magagarang sasakyan ang makikitang nakapark sa entrance ng Moonlit River bar, kaya siguradong may kaya kahit papaano ang mga parokyanong nagpupunta sa bar na ito.

“Ano bang ginagawa natin sa lugar na ito?” tanong ni Darryl habang bumababa sa sasakyan.

Ayaw niya sa mga ganitong klase ng lugar dahil sa matinding ingay ng mga ito.

“Para bigyan ka ng isang surpresa.” Nakangiting sinabi ni Wayne. “Ikalawang young master, matagal niyo na ring kakilala ang boos ng Moonlit River Bar, ito ay si Samson Facey.”

Si Samson Facey?

Oh, naalala na ito ni Darryl. Noong una, isa lang itong all around na trabahador sa angkan ng mga Derby. Naisip ni Darryl na mayroon itong utak kaya pinromote niya ito sa isang managerial na posisyon. Matapos magtrabaho ng dalawang taon at makaipon ng malaki, umalis na siya sa angkan ng mga Darby para magsimula ng sarili niyang negosyo.

Hindi inasahan ni Darryl na si Samson ang nagtayo ng Moonlit River Bar. Mukhang hindi nga nito binigo si Darryl.

“Ikalawang young master, mauna ka na po sa loob, hintayin moa ko sa loob ng room number 888,” sabi ng nakayukong si Wayne. “Ihahanda lang naming ni Samson ang surpresa naming sa iyo na siguradong magugustuhan mo!”

Umalis na si Wayne bago pa man makasagot si Darryl.

Napabuntong hininga na lang si Darryl na pumasok sa Moonlit River Bar.

Kaya pala naging ganito kasikat ang bar na ito, maging ang mga usher nito sa entrance ay mga nagagandahang mga binibini.

Nakangiting pumasok si Darryl nang marinig nia ang nakabibinging tugtog sa loob ng bar.

Napakasigla ng eksena na masasaksihan ng kahit na sino sa loob ng bar na ito, makikita ang nagkukumpulang mga lalaki at babae sa dance floor na iniindak ang kanikanilang mga katawan sa malakas na tugtog ng bar…

Naramdaman na ni Darryl ang pagtanda niya kaya hindi na para sa kaniya ang mga ganitong klase ng lugar…

“Oh? Hindi ba ako namamalikmata, hindi ba iyon ang walang kuwentang si Darryl?” Biglang sinabi ng isang tao mula sa likuran ni Darryl. Dahil dito ay agad na napalingon si Darryl at nagulantang sa kaniyang nakita.

Nakatayo sa likuran niya ang isang napakagandang babae na nakasuot ng skinny jeans na nakapagpasexy nang husto sa kaniyang katawan. Ito ay walang iba kundi si Jade.

“Ano ba ang dapat mong itawag sa akin? Hindi ba’t dapat mo na akong tawagin na daddy?” Nakangiting sinabi ni Darryl.

“Ikaw!” Napakagat sa kaniyang labi si Jade, tuwang tuwa siyang nagpunta sa bar ngayong araw para makipagnegosasyon at gumawa ng isang deal kasama ng isang napakalaking kliyente! Siguradong kikita siya ng hindi bababa sa isang milyong dolyar na kumisyon sa sandaling pumirma siya at ang kliyente niyang ito ng kontrata!

Kaya inimbitahan niya ang kliyente niyang ito rito, para uminom nang kaunti at mapirmahan ang kontrata.

Pero hindi niya inasahang makikita niya si Darryl sa lugar na ito!

“Kahit na ang isang madungis na kagaya mo ay nakakapunta sa lugar na ito?” sabi ni Jade habang tinitingnan si Darryl mula ulo hanggang paa. “Nagawa mong magipon ng 200 dollars araw araw sa loob ng isang taon para lang gastusin itong lahat sa lugar na ito? Sulit na ba ito para sa iyo?”

“Hindi,” tawa ni Darryl. “Gusto ko lang malaman kung kalian mo ako tatawaging daddy?”

Sa mga sandaling ito, isang matipunonglalaki ang tumayo, naglakad sa tabi ni Jade at nagtanong ng “Sino siya, Miss Jade? Bakit parang tanga siyang magsalita? Gusto mo bang turuan ko siya ng leksyon?”

Tumawa si Jade at sinabing, “Kilala mo ba kung sino ang lalaking nasa tabi ko, Darryl? Siya lang naman ang head of security ng Moonlit River Bar. Iiyak ka kaya kung sasabihin ko sa kaniyang itapon ka sa labas?”

Hindi ako nagkakamali, ang matipunong lalaki na ito ang kaniyang kliyente na si Harry Crocker!

Titulo lang nito ang Head of Security, pero bouncer lang talaga ang tingin dito ng mga taong marunong makaintindi.

Sabagay, marami nga namang magsisimula ng gulo sa isang lugar na kagaya nito. Sikat si Harry sa buong Donghai City na mayroong 20 hanggang 30 na tauhang nagbabantay sa buong lugar na ito.

“Naririnig mo ba iyon palito? Umalis ka na sa lugar na ito.” Gigil na sinabi ni Harry habang umaabante palapit kay Darryl.

Ano bang problema ng mga usher na iyon para magpapasok ng isang madungis na tao sa bar na ito. Siguradong hindi manlang aabot sa dalawang libong dolyar ang sinasahod ng ganitong klase ng lalaki na nakasuto ng mumurahing mga damit, pero nagawa pa rin niyang magpunta sa lugar na ito?

Ngumiti lang dito si Darryl, hindi na niya pinansin ang mga sinabi ni Harry at dumiretso na lamang papunta sa room 888.

Gawa sa salamin ang lahat ng mga rooms dito. At ang Room 888 ay ang room na nakapuwesto sa gitna ng bar, kung titingnan mula sa labas, mukhang isang palasyo ang Room 888 na parang pinakaespesyal na room sa buong bar.

“Tumigil ka!”

Sigaw ni Harry nang makita niyang naglalakad si Darryl papunta sa Room 888. Naisip nitong pumunta sa bar na ito si Darryl para magsimula ng gulo!

Gawa sa ginto ang lahat ng gamit sa loob ng Room 888, kaya umaabot sa 800,000 dollars kada oras ang presyo ng pagpapareserve at paggamit nito.

Nakaupo na sa loob ng Room 888 si Darryl habang hawak hawak ang isang tasa ng tsaang pinaghahandaan na niyang inumin.

Hahaha! Siguradong ito na ang katapusan ni Darryl!

Nakaramdam ng matindi ng tuwa sa dibdib si Jade. Nasisiraan na ba ng bait si Darryl? Ang isang private room na kagaya ng Room 888 ay isang lugar na hindi para upuan ng isang walang kuwentang manugang na kagaya niya.

Nagusap na kanina sina Jade at Harry at nasabi ni Harry na kalahating taon na ang nakalilipas mula noong may huling gumamit ng room na ito!

Parang naging maginong ang naging naging pagtrato nina Harry at ang boos ng bar na ito, pero hindi pa rin nagawang pumasok ni Harry sa loob ng Room 888.

“Bingi ka ba? Hindi mo ba ako naririnig?” Sigaw ni Harry habang mabilis na lumalapit kay Darryl na kaniya ring kinuwelyuhan.

“Haha, nandito ang diyosang si Jade, kaya siguradong maipakikita ko kung gaano ako kalakas sa sandaling bugbugin ko ang hayop na ito tama?” isip ni Harry habang tinatawag si Darryl. Agad na nagsisugod ang nasa higit 20 mga matitipunong lalaki papasok sa Room 888. Silang lahay ay mga bouncer sa Moonlit River Bar.

“Anong problema, Harry?” sagot ng matitipunong mga lalaki.

Lumingon si Harry kay Jade at tumawa, “Ms. Jade, anong gusto mong gawin ko sa lalaking ito?”

Tumingin si Jade kay Darryl na tila wala pa ring pakialam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Ito ang mismong gumalit kay Jade!

Ipinadyak ni Jade ang kaniyang mga paang nakasuot ng heels at sinabing. “Pilitin ninyo siya na tawagin akong mommy at saka niyo siya itapon sa labas.”
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Marcelo Mabao
chapter 2818
goodnovel comment avatar
Jason Magallon Salo
pano bayan nababasa ng full chapter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 11

    Habang malakas na ipinapadyak ang kaniyang mga paa nakasuot ng high heels na mas nakapagpaganda pa rito, sinabi ni Jade na “Pilitin ninyo siya na tawagin akong mommy at saka niyo siya itapon sa labas.”“Narinig mo ba ang sinabi ni Ms. Jade, palito? Tawagin mo na siyang mommy kung ayaw mong…” sigaw ni Harry.Nang marinig niya ito, binunot ng higit 20 matitipunong lalaki sa kanilang likuran ang kanilang mga nakatiklop na batuta.“Kung hindi, huwag mo akong sisihin na hindi kita binigyan ng kahit isang pagkakataon para isalba ang sarili mo. Ito na ang pagkakataon mo kaya tawagin mo na kasi siyang mommy.” Kumikindat na sinabi ni Harry bago muling magpatuloy sa pagsasalita. “At pagkatapos, kung luluhod ka sa harap niya para aminin ang mga ginawa mong pagkakamali ngayon gabi, hahayaan ka naming lumabas ng bar nang hindi nasasaktan. Pero kung hindi, sisiguraduhin ko na lalabas ka rito nang nakastretcher.”Hindi na mapigilan pa ni Jade ang kaniyang pagtawa. Humakbang siya ng dalawang beses

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 12

    “Ikaw…” Napasimangot si Lily nang banggitin ni Ashton ang tungkol sa kaniyang marriage proposal. “Huwag mo na itong ituloy dahil hindi pa ako divorced.”Kahit na isang talunan si Darryl, nagsumikap naman ito para gawin ang walang katapusan nitong mga gawain sa bahay. At agad din itong nakakatanggap ng walang awang mga sermon mula sa kanila sa sandaling magkamali ito nang kahit kaunti sa kaniyang mga ginagawa pero hindi pa rin niya nagawang magreklamo rito.Maging ang aso ay mayroon ding damdamin, paano pa kaya ang tao.Nagawa siyang pahiramin ni Darryl nitong nakaraan ng limang milyon para maibangon ang kanilang kumpanya. Maliban pa rito, ginastos din ni Darryl ang ilang taon niyang ipon para makaiwas sila sa kahihiyan nang magyabang si William sa Oriental Pearl Hotel.Buong puso siyang tiningnan ni Ashton. “Ano bang mayroon kay Darryl na wala ako? Isa siyang talunan! Huwag kang magalala, maghahanda ako ng magandang regalo para sa birthday ni Grandma para batiin siya ng happy birth

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 13

    “Malapit na ang Valentine’s Day, Lily. Siguradong magiging biyaya para sa akin na makatanggap ng isang set ng Crown Line Cosmetics.” Saib ni Phoebe kay Lily.“ikaw? Nananaginip ka na siguro.” Nakangiting sinabi ni Lily.Sa kasalukuyan, ang Crown Line ng Poesia Eleganza ay may napakataas na presyo at limitado lang din sa 520 sets na siguradong ubos na. Ang mga pamilyang nakabili rito ay ang mga naglalakihang mga pamilya na may sapat na kuneksyon para magkaaccess dito. Habang ang mga pamilya naman na gaya ng mga Lyndon ay walang kahit na anong tiyansa para makabili ng kahit isa sa mga ito. “Sige na, tama na.” tawa ni Lily. “Halika na’t magshopping ng mga damit. Malapit na rin ang birthday ni Grandma. Kailangan nating magmukhang presentable sa magiging selebrasyon ng aming pamilya.”Tumango rito si Phoebe, at magkasabay silang pumasok sa isang store ni Lily.Kinabukasan, sa Platinum Corporation.Umupo si Darryl sa loob ng General Manager’s office at tumayo mula sa sofa. 2 na

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 14

    “Magisip ka nang mabuti Lily. Isipin mo na lang kung gaano karaming sermon at pagpapahiya ang kinakailangan mong harapin mula noong pakasalan mo si Darryl.” Nanlalamig na sinabi ni Samantha. “Binigyan natin siya ng makakain at masisilungan sa loob ng tatlong taon ninyong pagsasama. Pero atleast ay nagawa niyang matulungan ang ating pamilya sa pagpapahiram sa atin ng pera para maibangon ang ating kumpanya. Kaya pantay na kami ngayon ni Darryl at ang hinihiling ko lang ay ang pakikipaghiwalay mo sa talunang iyan.”“Mom…” napakagat na lang sa kaniyang labi si Lily.“Tinawagan din ako ni Ashton at sinabing dadalo raw siya sa birthday ni Grandma Lyndon.” Nagpatuloy si Samantha sa pagsasalita. “Naghanda raw siya ng magandang regalo na siguradong magugustuhan ni Grandma. Dapat lang na mapunta ka sa kaniya sa sandaling magustuhan siya ni Grandma.”Habang nagsasalita, nakita ni Samantha ang isang lalaki na naglalakad mula sa malayo. Nakasuot ito ng isang suit at leather na sapatos habang dal

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 15

    Habang nakasuot ng dress na nagpapakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan, tumayo si Elsa sa entrance ng Platinum Corporation. Hindi niya lang ibinibida ang kaniyang ganda at katawan, kundi para na rin magpasikat sa mga paparazzi na kumukuha sa kaniyang mga litrato matapos isipinna isa siyang bagong artista na papasok sa Platinum Corporation.Naisip maging ng mga security guard na isang artista si Elsa kaya nagingat ang mga ito sa pagcheck sa kaniya. Dumiretso ito sa opisina ng presidente kung saan naaktuhan niya si Pearl na naglalakad palabas nang kakatok na sana siya sa pinto nito para pumasok.Magsasalin sana si Pearl ng tsaa kay Darryl noong mgapanahong iyon. Pero nang buksan niya ang pinto at makita si Elsa, agad niyang pinaalis ito sa building matapos malaman na ipinadala ito ng mga Lyndon.Mayroon bang kahit na sinong hindi nakakakilala kay Elsa? Bilang isang babae na nakilala sa kaniyang kagandahan sa buong Donghai City, marami na siyang naging manliligaw na kaniya ring

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 16

    Pagkatapos ng higit sa kalahating oras, naipakita na ng lahat ang kanilang mga regalo sa matanda. Kahit na hindi mamahalin ang ilan sa mga ito, hindi pa rin naman ito maituturing na mumurahin, dahil hindi bababa sa 200,000 dollars ang halaga ng karamihan sa mga ito.Maaari rin nating sabihin na pansin pansin ang regalong ibinigay ni Elsa sa matanda.Isa itong pares ng jadeite bracelets na mayroong flawless na kalidad. Hindi maipapaliwanag ng kahit na sino kung gaano ito kaganda sa kanilang paningin.Agad itong nagustuhan ni Grandma Lyndon habang paulit ulit na binabati matapos makita ang regalo nito sa kaniya. Matapos tanggapin ang jadeite bracelets, sinabi ni Grandma Lyndon sa lahat na “Siya ng apala, si Elsa ang pinakamatanda sa mga batang miyembro ng Lyndon Family. Pero wala pa siyang boyfriend, kaya kung sinuman sa inyo ang may gustong magpakasal sa kaniya, magsabi lang kayo sa akin. Hindi pa rin siyempre puwede ang matigas ang ulo at suwail sa akin. Sabagay, kung gusto niyo nga

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 17

    ”Halika rito, patingin nga ako niyan.”Mahinang snabi ng hindi mapakaling si Grandma Lyndon na nagpatabi sa lahat ng mga nakababatang miyembro ng kanilang pamilya na nasa kaniyang dadaanan.Inayos nito ang kaniyang salamin at tinitigan ito nang husto.Mayroon itong nakaemphasize na hugis, napakaganda at napakakinis! Isa talaga itong masterpiece!“Nakasisiguro ako na hindi ito isang imitation,” Nakathumbs up na sinabi ng nasasabik na si Claude. “Hindi ko inaasahang makakakita ako ng orihinal na likha ni Wang Xizhi rito!”“Oo nga! Sa mga museum lang natin madalas makita ang mga bagay na kagaya nito!”“Napakaganda! Kung titingnang maigi ang pagkakagawa niya sa obrang ito, karapat dapat lang sa kaniya na pangalanan bilang Sage ng Kaligrapiya!”Binati ito ng lahat na mas lalong nakapagparamdam ng thrill kay Grandma Lyndon!“Sige na, sige na, sige na!” Tatlong beses na inulit ni Grandma Lyndon ang mga salitang ito bago dahan dahang itago ang scroll. Agad siyang nagutos sa kaniyang mg

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 18

    ”Basura?”Natuwa si Yvonne nang marinig ang sinabing ito ng matanda. Kung tama ang kaniyang iniisip, maaring ito ang box na ginagamit ng palasyo noong Qianlong period ng dinastiyang Qing. Mamahalin ang mga materyalis na ginamit sa paggawa nito na mukha ring Golden-Thread Nanmu.Kahit na makikitang kupas at sira na ang box na ito, mapapansin pa rin ang maingat na pagkakagawa sa box na nakalapag sa sahig kung titingnan nang maigi!Ang box pa lang na ito ay nagkakahalaga nang daan daang libo pero itinuring pa rin nila itong basura?!At dahil sa dami ng karanasan ni Yvonne pagdating sa antiques, kusa niyang binuksan ang kaniyang bag nang hindi niya namamalayan at kumuha ng isang kulay pastel green na magnifying glass.Ilang henerasyon nang nasa antique business ng pamilyang Young at madalas din silang nakakakita ng mga kayamanan sa tabi tabi. Ito ang dahilan kung bakit parati nilang dala ang magnifying glass na maaari nilang magamit para masuri ang kanilang mga natitiyempuhang antique

Pinakabagong kabanata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7050

    Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7049

    Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7048

    Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7047

    Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7046

    Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7045

    Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7044

    "Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7043

    Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7042

    Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status