Share

Kabanata 15

Habang nakasuot ng dress na nagpapakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan, tumayo si Elsa sa entrance ng Platinum Corporation. Hindi niya lang ibinibida ang kaniyang ganda at katawan, kundi para na rin magpasikat sa mga paparazzi na kumukuha sa kaniyang mga litrato matapos isipinna isa siyang bagong artista na papasok sa Platinum Corporation.

Naisip maging ng mga security guard na isang artista si Elsa kaya nagingat ang mga ito sa pagcheck sa kaniya. Dumiretso ito sa opisina ng presidente kung saan naaktuhan niya si Pearl na naglalakad palabas nang kakatok na sana siya sa pinto nito para pumasok.

Magsasalin sana si Pearl ng tsaa kay Darryl noong mgapanahong iyon. Pero nang buksan niya ang pinto at makita si Elsa, agad niyang pinaalis ito sa building matapos malaman na ipinadala ito ng mga Lyndon.

Mayroon bang kahit na sinong hindi nakakakilala kay Elsa? Bilang isang babae na nakilala sa kaniyang kagandahan sa buong Donghai City, marami na siyang naging manliligaw na kaniya ring tinanggihan. Pero noong araw na iyon, siya naman ang nakatanggap ng pagtanggi kaya nakaramdam siya ng hindi maalis na sama ng loob sa kaniyang dibdib.

Hindi naman mapakali ang matandang babae matapos malaman ang nangyari.

----

Kinabukasan, sa villa ng pamilya Lyndon.

Ngayon ang kaarawan ni Grandma Lyndon kaya naging masigla ang hangin sa loob ng villa.

Nagsiuwi ang mga miyembroi ng pamilya Lyndon saan man sila naroroon ngayon at ang balita tungkol sa ika 70 nitong birthday ay agad na kumalat sa buong Donghai City.

Natural lang na magimbita sila ng maraming tao para sa ika 70th birthday ni Grandma Lyndon. Kahit na isa lang second class na pamilya ang mga ito, marami pa ring mga tao ang inimbitahan para sa salo salong gaganapin sa kanilang villa.

Isang hilera ng mga sasakyan ang makikitang nakaparada sa labas ng villa na pagmamayari ng pamilya Lyndon.

Makikitang nakatayo sa harapan ng isang Land Rover sina Lily at Samantha na hindi mapakaling tumitingin sa kanilang mga orasan.

Hindi nagtagal, nakita na rin nila ang isang electric bike na dahan dahang lumalapit sa kanila. Agad na tumakbo si Darryl palapit sa dalawa nang mapahinto niya ang kaniyang bike.

“May nadaanan po akong traffic. Napakatinding traffic.” Humihingal na paliwanag ni Darryl.

“Buwisit!” Ihahatid dapat siya ni Pearl dito pero masyado nang naging mabigat ang traffic! Matapos mastuck sa flyover ng higit sa isang oras, agad niyang kinuha ang kaniyang electric bike mula sa compartment ng sasakyan at agad itong sinakyan dahil malapit nang magsimula ang salo salong hinanda ng pamilya Lyndon.

Gaya ng nakasanayan, isang prominenteng pamilya ang mga Lyndon na nakapagpatingin at nakapagpatawa sa maraming mga bisita nang makita nila ang pagdating ng isang bisita na nakasakay sa isang electric bike.

“Tingnan ninyo, hindi ba’t si Darryl ang isang iyan? Ang manugang nilang nakikitira lang sa pamilya ng kaniyang napangasawa.”

“Sigurado akong tama ka rito! Haha!”

“Napakabasura talaga nito. Masuwerte lang siya na nagawa niyang mapakasalan ang isang magandang babae na kagaya ni Lily!”

“Haha, kulang pa ang mga nalalaman mo sa kanila. Narinig kong natutulog lang siya sa sahig kahit na nakasama niya si Lily sa iisang bahay sa loob ng tatlong taon. Haha!”

Ilang mga nakababatang miyembro ng White Family ang nagsama sama para makipagchismisan. Ilang henerasyon na ring maganda ang relasyon sa pagitan ng mga Lyndon at ng mga White na mas lalo pa nilang napatibay sa pagpapakasal ng kanikanilang mga miyembro mula sa magkabilang pamilya. Kaya nagkaroon sila na napakaraming kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa pamilya Lyndon.

Muling nakaramdam ng kahihiyan si Lily matapos marinig ang malakas na usapan ng mga ito. Sinabi niya kay Darryl na “Puwede mo bang ipark naman sa malayo iyang bike mo sa susunod? Hindi mo ba napansin na maraming bisita rito?”

“Oh.”

Walang pakialam na tumango si Darryl.

Nagalit si Samantha matapos makita ang reaksyon ni Darryl. Isa itong importanteng pagdiriwang pero nagawa pa ring magsuot ni Darryl ng mga damit na nabili niya lang sa bangketa? Wala na bang mas ikakapal pa ang kaniyang mukha sa ginawa niyang ito?

“Nakapagdala ka ba ng regalo para kay Grandma?” Bulong ni Lily.

“Oo.” Tawa ni Darryl habang kinukuha ang isang parang pinaglumaang box na gawa sa kahoy.

“Ikaw talaga!” Ipinadyak ni Lily ang kaniyang mga binti matapos makita ang box. “Ano namang klase ng regalo ito? Ika 70th na birthday ni Grandma ngayon kaya hindi mo siya puwedeng bigyan ng basura!”

“Hindi ito basura.” Direktang sagot ni Darryl.

Hindi basura? Parang sira na nga ang box na ito kung titingnan. Kaya hindi na nakapagpigil pa si Samantha, tinuro niya si Darryl para murahin nang mainterrupt siya ng isang boses.

“Tinatawagan ang lahat ng mga batang miyembro ng Lyndon Family para batiin ang Grandma ng Happy Birthday!”

Nang matapos itong magsalita, daan daang miyembro ng Lyndon Family ang dumumog at pumasok sa gate ng villa.

Tumitig naman si Samantha kay Darryl. Pinigilan nito ang dapat na gagawin niyang panenermon dito at nagmadaling pumasok sa villa.

Sa mga sandaling iyon, nakaupo na ang mga bisita sa loob ng villa.

Pang masayang pagdiriwang ang tema ng damit na suot ng matandang babae. Umupo ito sa gitnang upuan at mukhang tuwang tuwa sa kaniyang mga nakikita.

“President Sohn ng Skybrook Group, maaari ka nang magpunta sa unahan para bumati kay Grandma Lyndon!” Tawag ng host na may hawak na mikropono.

Isang middle aged na lalaki ang naglakad palapit. Ito ay walang iba kundi si Albert Sohn na may net worth na hindi bababa sa daan daang milyon at may napakalapit na relasyon din kay Grandma Lyndon.

Sinusundan ito ng kaniyang babaeng secretary na mayroong hawak na malaking box sa kaniyang kamay.

“Haha, magkaroon ka sana nag masaya at mahabang buhay, Grandma Lyndon! Happy Blessed Birthday!” tawa ni Albert na siya ring nagbukas sa box.

Maririnig ang pagkagulat sa paligid!

Isa itong Cloisonné mula sa Qing Dynasty!

Ang Cloisonné ay kilala bilang Cloisonné enamel na mayroong napakagandang kasaysayan. Ang vase na nasa harapan ni Grandma Lyndon ay parang nagmula sa era ng Qianlong. Sa unang tingin, nagmukha itong premium item na may halagang hindi bababa sa isang milyon!

Napakatinding paggalang nito! Isang regalong nagkakahalaga ng hindi bababa sa isang milyong dolyar!

“Sige, sige, maaari ka nang maupo President Sohn. Hidni mo na kailangang gumastos nang ganito kalaki sa susunod. Hinding hindi ka mawawalan ng puwesto sa aking puso. Maraming Salamat, President Sohn!” sa sobrang saya ay napayuko nang paulit ulit ang matanda na hindi mapigil sa pagsasalita.

Alam ng lahat na mahilig sa antiques si Grandma Lyndon kaya nagustuhan niya ang regalong ito!

Matapos nito, naging simple na lang ang iba pang mga regalong natanggap niya.

Hanggang sa lumapit si William sa kaniyang Grandma Lyndon na kumuha sa atensyon ng lahat.

Narinig ng lahat na magbibigay daw si William ng isang hindi makakalimutang regalo kay Grandma Lyndin sa darating nitong kaarawan. Sabagay, siya ang paborito nitong apo!

Makikitang hawak ni William ang isang box, inayos niya ang kaniyang buhok bago maglakad papunta sa gitna at yumuko kay Grandma Lyndon.

“Grandma, hinihiling ko po sa inyo ang isang mahaba at maunlad na buhay!” ngiti ni William.

Walang pakialam ang kahit na sino sa mga sinabi ni William. Ang kanilang focus ay nakatuon sa hawak nitong box.

Hindi naging kalakihan ang box na ito pero mayroon itong kulay na berde at parang gawa sa jade na may pinakamagandang kalidad.

Napakarangya! Isang lalagyan ng regalo na gawa sa purong jade!

Nagbigay si William ng isang napakahabang speech bago dumating sa punto ng pagbibigay ng regalo kung saan nagsnap ang kaniyang mga daliri.

Dito na namatay ang napakaliwanag na mga ilaw sa dining hall ng villa. Isinara rin ang mga kurtina sa mga bintana na nakapagpadilim nang tuluyan sa buong dining hall.

Hindi na mapakali ang mga bisita nang sabihin ni William na “Huwag kayong magpanic. Kinakailangan kong padilimin ang paligid para makita ang aking regalo kay Grandma.

Habang sinasabi niya ito, mabilis niyang binuksan ang box na gawa sa jade na nakapagpamangha sa mga nakakitang bisita rito!

Isang kasinglaki ng kamaong perlas na nagliliwanag sa dilim ang makikita sa loob ng box na gawa sa jade! Nang magpakita ang perlas mula sa loob ng box, hindi ito nagliwanag na parang araw pero kasing lakas ng walo hanggang siyam na kandila ang liwanag na nilabas nito.

Gaano nga ba kamahal ang umiilaw na perlas na ito?

Mukhang nasa higit 2 million dollars ang halaga nito!

“Okay, okay, okay!” tawa ng matanda “William, hindi ako nagkamali sa pagpapalaki sa iyo!”

Dito pumalakpak ang lahat. Maituturing na kamanghamangha ang regalo niyang ito sa kaniyang lola.

Maituturing nang pambihira ang isang nagliliwanag na perlas sa buong Donghai City!

Pero sa mga sandaling ito, biglang tumawa ng malakas si Darryl.

“Haha, nagpapatawa ba si William?” Mukhang hindi marunong tumingin ang ibang taong ng mga bagay na kagaya nito pero agad na nakita ni Darryl na ang nagliliwanag na perlas na ito ay mayroon lang halaga na hindi hihigit sa 10,000 dollars. Agad niyang nakita ang pagiging synthetic nito.

Mayroon pa bang kayamanan na hindi nakita si Darryl matapos niyang lumaki sa pamilya Darby? Mayroon ding kasing laki ng kamaong perlas na umiilaw sa dilim ang opisina ng general manager sa kompanya ng kanilang pamilya.

Ang perlas na iyon ay nagkakahalaga ng higit sa dalawang milyon. Pero kahit na hindi ito ganoon kamahal, hindi naman sasapat ang pera upang mabili ito.

Itinuturing na walang katumbas na halaga ang mga nagliliwanag na perlas dahil tanging mga emperador at emperatris lamang ang maaring magsuot ng mga ganitong klase ng perlas noong unang panahon.

Dahil sa sobrang taas ng naging demand nito, gumamit na ang ilang mga tusong tao ng kemikal para pagsama samahin ang malilit na mga perlas at gawin itong kasing laki ng kamao.

Madaling mapapansin ang mga synthetic na mga nagliliwanag na perlas dahil nakaglue ang mga ito sa gitna.

Masyadong naging obvious ang mga bakas ng pagiging synthetic sa perlas na ibinigay ni William!

“Anong pinagtatawanan mo?” Sa sandaling ito, agad na lumingin si William at sumigaw kay Darryl.

At sa loob ng napakaiksing panahon na ito, ang buong atensyon ng lahat ay napunta kay Darryl.

“Pasensya na dahil hindi ko makontrol ang aking sarili.” Tinakpan ni Darryl ang kaniyang bibig “Masyado kasing peke ang perlas na ibinigay mo.”

“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo!” Namumulang sigaw ni William.

Alam niyang peke ang perlas na ibinigay niya, pero walang kahit na sino sa pamilya Lyndon ang nakakakita ng orihinal na kayamanang ito. Kaya walang sinuman sa kanila ang makakapagsabi ng orihinal sa hinding perlas. Ang mga sinabing ito ni Darryl ay kaniyang ginawa para pataasin ang anxiety ni William.

“Tigilan mo na ang kalokohan mo, Darryl.”

Mahinang siniko ni Lily si Darryl.

Agad na mabibiktima nito si Darryl sa sandaling hamunin niya si William

Pero ngumiti si William at sinabing “Isa ka lang manugang na nakikitira sa iyong asawa at nakakatanggap ng 200 dollars araw araw bilang pocket money. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi mo alam ang tungkol sa nagliliwanag na perlas. Hindi na ko makikipagtalo sa iyo, pero nacucurious dn ako sa kung anong regalo ang ibibigay mo kay Grandma!”

Palihim na tumingin si William at nakitang may dala si Darryl na isang sirang box sa kaniyang kamay. Haha! Parang walang kuwenta ang laman ng box kung titingnan pa lang kung gaano na kasira ang box na iyan!

Hindi na nagsalita si Darryl pero hindi niya pa rin makontrol ang kaniyang sarili sa pagtawa.

Sa kabilang banda, nagngitngit ang mga ngipin ni Samantha sa sobrang galit bago tumingin kay Darryl at nagsabing “Umalis ka na rito kung hindi mo kayang tumigil sa katatawa!”
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arnel Santos
paano naging magAsawa si Darryl at lily bakit di nila kilala ang angkan ni Darryl
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status