Share

Kabanata 19

Penulis: Skykissing Wolf
last update Terakhir Diperbarui: 2021-04-28 16:10:02
Nang ipapagpatuloy na sana ni Yvonne ang pakikipagusap kay Darryl, ngumiti si Grandma Lyndon at naglakad papunya kay Lily habang may hawak na wine glass.

Napatigil ang lahat sa pagkain nang makita nilang papalapit ang matanda sa kanila.

“Lilybud, may gusto sana akong itanong sa iyo.” Dahan dahang nagsalita ang matandang babae.

“Ok lang po, ano po iyon, Grandma?” sabi ni Lily.

Tumango si Grandma Lyndon at nagsalita. “Birthday ng lola mo ngayon, Lilybud, kaya maipapangako mo ba sa akin na pupunta ka sa Platinum Corporation para makipagnegosasyon? Malaki ang kikitain ng pamilya natin sa sandaling ipahawak nila sa atin si Giselle. Ok lang ba sa iyo ito?”

“Ito ay…”

Hindi na alam ni Lily kung ano ang dapat niyang isipin nang palihim siyang tumingin kay Darryl.

Kay William napunta ang lahat ng effort na ginawa niya para mapapayag ang Platinum Corporation na makipagpartner sa kanila, ito ang uminis nang husto sa nagiisip na si Lily.

Sinabihan din siya ni Darryl na huwag siyang pumayag sa request na ito ni Grandma Lyndon.

Hindi na kataka takang nakita niyang iniiling ni Darryl ang kaniyang ulo.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Lily. Kakailanganin niyang tanggihan ang pakiusap sa kaniya ng matandang nagdiriwang sa kaniyang kaarawan kung pakikinggan niya ang talunang iyon.

“Oo naman, Ma.” Biglang tumayo ang ina ni Lily na si Samantha. “Si Lily na po ang bahala rito. Siguradong hindi ka niya po bibiguin!”

“Mabuti kung ganoon!” Ngiti ng matandang babae.

Pero sa mga sandaling ito, walang ni isang nagakala na bigla ring tatayo ang tahimik na nakaupo sa isang tabi na si Darryl.

“Huwag na kayong umasa.”

Naging matindi ang mga salita na kaniyang binitawan!

“Si Lily naman talaga ang unang nakipagnegosasyon para sa kontrata, pero agad itong inangkin ni William.” Nanlalamig na sinabi ni Darryl. “Ngayon niyo lang ulit naalala ang asawa ko ngayong ayaw nang kilalanin ng Platinum Corporation si William, tama?”

“Ikaw… Anong sinabi mo?” Tumuro ang galit na galit na matanda kay Darryl.

Tumingin ang mga miyembro ng pamilya Lyndon kay Darryl na para bang nakatingin sila sa isang taong wala sa kaniyang tamang pagiisip.

Nasisiraan na ba siya? Naiisip niya pa ba kung ano ang katayuan niya sa pamilya Lyndon? Siya lang naman ang nakikitirang manugang ng pamilya Lyndon! Kaya mas naging masarap pa ang buhay ng aso na pagmamayari ng mga Lyndon kaysa sa kaniya!

“Matagal na akong nagpipigil sa iyo!” Hidni na nakapagpigil pa si William na biglang pumasok sa eksena. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Sino ka nga ba para diktahan ang mga dapat at hindi dapat gawin ni Lily? Nagsisimula ka ba ng gulo sa birthday ng lola namin? Nagsuot ka ng mumurahing mga damit, nagregalo ng basurang pamaypay at ngayon ay nagsisimula ka namang makialam sa usapan ng aming pamilya? Papatayin talaga kita!”

Agad na sumuntok nang malakas ni William pagkatapos na pagkatapos nitong magsalita!

Mukhang ibinigay niya na ang lahat ng kaniyang lakas sa suntok na iyon! Paboritong paborito si William ni Grandma Lyndon kaya naispoil na ito noong bata pa lang siya. Ang pagiging spoil na ito ang naging ugat kung bakit siya nagkaroon ng maiksing pasensya. Kaya kilala siya sa pakikipagaway at pagiging number 1 bully sa kanilang school. Pero kahit isa sa siyang matanda ngayon na palaging busy sa kaniyang negosyo, kilala pa rin siya bilang isang tao na kayang dalhin ang kaniyang sarili at kakilala ng karamihan sa mga big boss sa komunidad.

“Siguradong lagot na si Darryl. Nakasisiguro akong lalabas ito ngayon nang nakastretcher.”

“Dapat lang sa kaniya iyan! Walang kahit na sinong aawat kay William habang binubugbog siya nito.”

Maririnig ang usap usapan sa paligid at pinigilan ng lahat ang kanilang pagtawa habang sabik na pinapanood ang mga susunod na pangyayari.

Siguradong makakapagpabagsak ng bear ang suntok na iyon ni William.

Mabilis na lumiit ang mga pupil sa mat ani Darryl. At sa halip na umiwas sa papalapit na suntok, nanatili pa rin si Darryl sa kaniyang kinatatayuan nang hindi gumagalaw!

“Tumakbo ka na dali!” Hindi inasahan ni Lily na bibigyan niya ng tulong ang talunang iyon.

Siguradong hindi magiging masarap sa kaniyang pakiramdam kung makikita niyang mabugbog ang isang tao na nagawa niyang makasama sa loob ng tatlong taon…

“Alam mo nang hanggang diyan ka lang pero nagawa mo pa ring makipagaway?” nanlalamig na sinabi ni Darryl.

“Parang isang gangster sa kalye ang estilo sa pakikipagaway ni William. Maaaring puno nga ng lakas ang suntok na iyon, pero nananaginip siguro siya kung iisipin niyang masasaktan niya ako nang gamit ito.”

Bahagyang napangisi si Darryl. Kailangan ng mga batang miyembro ng pamilya Darby na panatilihing fit ang kanilang mga katawan. Pitong taon pa lang si Darryl nang magaral siya ng Wing Chun sa ilalim ni Li Shan na ika 23 henerasyon ng mga practitioner ng Wing Chun na nagturo sa kaniya nito sa loob ng isang taon.

Kahit na hindi niya masabi na magagawa niyang talunin ang sampung katao nang sabay sabay, hidni magiging problema para sa kaniya ang pagtalo sa dalawa o tatlong mga ordinaryong maskulado na kumalaban sa kaniya!

Thud!

Itinaas ni Darryl ang kaniyang braso para sumalag, pero agad din itong nalampasan ng direktang suntok na ginawa ni William! Pero sa loob ng mga sandaling iyon, agad na napasigaw nang malakas si William!

"Aghh!"

Naramdaman ni William na para bang Tumama sa bakal na armor ang kaniyang kamao, kaya agad niyang naisip na nabalian na siya nang buto habang nanghihina nang husto sa kaniyang kinatatayuan. Dito na siya bumagsak sa sahig at magpaikot ikot dahil sa sakit na kaniyang dinanas.

Ano?!

Nablangko ang isip ng lahat sa kanilang nakita! Walang sinuman sa kanila ang nakakita kung paano bumagsak si William sa sahig ng venue.

Nagawa ba ni Darryl na tanging babad lang sa mga gawaing bahay ng tatlong taon na magkaroon ng ganoong kakayahan? Sino bang magaakala ng ganito sa kaniya?!

“Maghintay ka lang, Darryl, maghintay ka lang hayop ka!” Sigaw ng puno sa desperasyong si William. Nilabas nito ang kaniyang cellphone at tumawag sa isang number bago sumigaw ng “Bro, magdala ka ng dalawang sasakyang tao rito. Ngayon, ngayon! Dalhin mo na ang mga bata mo!”

Pagkatapos ng tawag, nagngitngit ang mga ngipin ni William habang tumatayo at tumuturo kay Darryl. “Huwag na huwag kang aalis, maghintay ka rito! Makikita mo kung paano kita patayin ngayong araw!”

Napatahimik ang lahat sa kanilang nakita. Dahil alam din nila na mahilig magtanim ng sama ng loob si William. Kaya siguradong mamasamain si Darryl sa sandaling hamunin niya ito ng away.

Hindi pananakot ang dahilan ni William nang gawin niya ang tawag na iyon!

Pero kahit na ganoon, nakahanda pa rin ang isipan ng lahat habang pinapanood ang mga susunod na pangyayari. Agad na gaganda ang palabas na kanilang pinanonood sa sandaling tumaas ang tensyon nito! Walang sinuman ang may pakialam sa nakikitirang manugang na iyan!

Pero hindi pa rin pinansin ni Darryl nang kahit kaunti si William. Tumingin siya sa matanda at sinabing “Hindi ba’t unfair ito para kay Lilybud? Ang lahat ng pagkilala sa ginawa niya ay napunta lahat kay William, at ngayon lang muli pumasok si Lilybud sa inyong isipan ngayong siya lang ang kinikilala ni Platinum Corporation dahil sa kaniyang mga ginawa. Hindi tatanggapin ni Lily ang ipinapagawa niyong ito sa kaniya. Maghanap na lang po kayo ng iba kung gusto niyo pa rin pong ipagpatuloy ang pakikipagnegosasyon sa Platinum Corporation!”

“Ikaw… Ikaw… Anong sinabi mo!” Turo ni Grandma Lyndon kay Darryl. “Ano ka ba rito? Sino ka para gumawa ng mga desisyon para kay Lilybud? Anong karapatan mo para gawin ito?”

“Ako po ang asawa niya.”

Nanlalamig na sinabi ni Darryl na nagsimula ng bulungan sa kanilang paligid!

Makikita sa mga sandaling ito ang panginginig ng buong katawn ni Lily!

Habang natutulala, hindi naiintindihang tumingin ang lahat kay Darryl.

Paano masasabi ng isang talunang nakikitira lang sa pamilya Lyndon ang bagay na iyan?!

“Ikaw ang asawa niya?” Napatawa rito nang malakas ni Grandma Lyndon. “Sige, tanungin natin si Lilybud kung kinikilala ka ba niya bilang kaniyang asawa? At kung sasagot siya ng oo, hindi ko na siya kikilalanin pa bilang apo mula sa araw na ito! At kung hindi, mas maigi kung umalis ka na na sa lalong madaling panahon!”

Agad na napatingin ang lahat kay Lily nang sabihin ito ni Grandma Lyndon!

Naging simple at direkta ang tanong na ito ng matanda: Sino ba ang pipiliin ni Lily, Si Grandma Lyndon ba? O ang talunan niyang asawa.

Napasara nang husto ang mga kamao ng hindi makapagsalitang si Lily na para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan.

Slap!

Habang nakatingin ang nasasabik na mga tao sa paligid, tumayo si Samantha at bigla nitong sinampal nang malakas si Darryl!

Sa tindi ng biglaang pagsampal na ito, nawala sa balanse ang katawan ni Darryl na muntik nang mitumba sa sahig. Namula nang husto ang parte ng kaniyang pisngi na sinampal ni Samantha.

“Tama nga si Grandma. Sino ka ba sa tingin mo?” Tumuro si Samantha kay Darryl at sumigaw. “Aso ka lang ng pamilya Lyndon, Darryl. Kaya sinong nagbigay sa iyo ng karapatan para gumawa ng ganito kalaking iskandalo? Ipinagmamalaki mong asawa ka ni Lilybud hindi ba? Kung ganoon, tatanungin kita, ano pa bang meron ka maliban sa marriage certificate? Ni hindi mo nga nahawakan ang kamay ng anak ko sa tatlong taon ninyong pagsasama, hindi ba? Masyado nang mataas ang naging tingin mo sa iyong sarili! Kaya sino ka para magturo rito! Umalis ka na!”

Hahaha!

Sinubukan ng lahat na pigilan ang kanilang tawa habang unti unting gumaganda ang mga nangyayari na kanilang nasasaksihan.

Kung nangyari ito noon, hihingi na lang ng tawad si Darryl sa lahat.

Tumingin ang lahat sa kaniya, pero ang tanging nakita nila ay ang maliit na ngiti ng bibig ni Darryl na unti unting nabubuo sa kaniyang mukha.

TInitigan nito nang husto si Samantha na para bang isa siyang kinatatakutang tao!

Hindi rin makapaniwalang napatingin si Lily kay Darryl. Matapos ang tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi niya aakalahin na magiibang anyo ang palaging nagmumukhang kawawa na si Darryl sa harapan ng lahat.

Ngumiti si Darryl at tumingin kay Samanta. “Tatlong taon na kaming kasal ng anak ninyo. At sa loob ng panahong ito, walang sawa akong nagsumikap na gawin ang lahat ng ipinapagawa ninyo sa akin kahit alam ko na wala kong mararating na kahit kung susundin ko ang mga ito. Pero Nagreklamo ba ako sa tatlong taon ng pangaalipin ninyo sa akin? Kung ganoon, kung hindi mo talaga naaalala ang mga magagandang bagay na nagawa ko sa inyo, bahala na kayo sa mga buhay ninyo!”

Nagsara nang husto ang mga kamao ni Darryl habang nageecho ang kaniyang boses sa buong venue. “Mukhang dahil nga siguro sa akin kung bakit kayo nagawang maliitin ng iba niyong mga kapamilya! Pero ngayong nasampal mo na ako nang malakas, patas na tayo. Paulit ulit mong sinasabi na umalis na ako hindi ba? Kung ganoon, sige, aalis na ako.”

Nanlalamig na tumingin pabalik si Darryl. Tumayo siya at agad na umalis matapos niyang magsalita!

Nagulat ang lahat sa ipinakitang ito ni Darryl!

Walang sinuman ang nagakala na magagawa ng isang talunan ang ganitong klase ng mga bagay!

Pero wala ring pumigil sa kaniya dahil gusto na rin siyang paalisin ng buong pamilya Lyndon sa kanilang mga buhay.

Pero agad na humarang si William nang papunta na si Darryl sa pintuan at agad nitong dinuro habang sumisigaw ng “Aalis ka nang ganoon ganoon na lang? Hindi pa tayo tapos Darryl! Makakaalis ka naman, pero kailangan mo nga lang lumabas dito nang nakastretcer!”

Nagtapos ang mga sinabi niyang ito sa pagtigil ng dalawang mga itim na van sa entrance ng villa.

Bumukas ang mga pintuan nito at higit 20 matitipunong lalaki ang bumaba habang may dalang mga baseball bat at tubo na gawa sa bakal.

“Mr. Harry!” Sigaw ni William habang mabilis na naglalakad papalapit sa lider ng grupo.

Tumango naman ang lalaking may hawak na itak at nagtanong ng “Sino ang umagrabyado sa iyo rito?”

“Itong mangmang na ito, Mr. Harry. Bugbugin niyo siya hanggang sa mapaluhod siya sa lupa!” Sigaw ni William.

Hindi inaasahang nagkaroon ng eye contact si Darryl at ang lider ng grupo na iyon, agad na pinigilan ni Darryl ang kaniyang sarili sa pagtawa nang malakas.

Si Harry? Harry Crocker?

Walang duda na ang inaanak ni Samson na si Harry Crocker ang tinatawag ni Bro ni William sa tawag, siguradong maaalala pa rin nito nang malinaw ang mga nangyari sa kanila noon sa Moonlit River Bar.

Agad na nabuhay ang dugo ng lahat na napatayo sa tindi ng excitement na kanilang nararamdaman. Wala sa kanilang nagakala na umaabot pala kay Harry ang mga kuneksyon ni William!

Kilala sa kawalan ng awa si Harry sa kaniyang mga nakakaawak at siguradong matatalo ng mga ito si Darryl kahit saang anggulo pa nila tingnan!

“Umalis ka na Darryl!”

Hindi na rin nakapagisip pa nang matino si Lily. Agad siyang tumayo at sumigaw para balaan si Darryl.
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Norberto Valdez
bawat Araw Isang kabanata, walang bayad.
goodnovel comment avatar
DeLmar Trinidad Adolatre
magkacanser sana kayong gumawa nito
goodnovel comment avatar
DeLmar Trinidad Adolatre
Damot nyo tanginanyo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 20

    Si Harry Crocker ang lalaking ito!Kahit na hindi siya kilala ni Lily sa personal, madalas nang nababanggit ang pangalan nito ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang mga usapan!Marami ang nagsasabi na kilalang tao si Harry sa buong Donghai City dahil una sa lahat, bata pa siya, matapang, walang awa at higit sa lahat, hawak ng maimpluwensiyang tao na si Samson.Si Samson ang may ari ng Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City.Kitang kita ni Lily ang mabagsik na mukha ni Harry habang may hawak na itak. At kung magawa nitong maabutan si Darryl, siguradong mapaparalisa o mapapatay niya ito.“Dalian mo nang umalis!” Nabagabag na nang husto sa mga sandaling ito si Lily. Napatayo siya sa kaniyang upuan para hatakin si Darryl sa kinatatayuan nito pero agad siyang pinigilan ng kaniyang mga kasama sa table.Hindi na rin maintindihan ni Lily ang kaniyang mga iniisip sa mga sandaling ito. Kahit na mababa lamang ang kaniyang tingin kay Darryl, hindi pa rin niya maiwasa

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-28
  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 21

    ”Puwede ko bang tanungin kung nandito ngayon si Mr. Darby?” Inulit ni Wayne ang kaniyang tanong nang makita niyang hindi nagsalita ang lahat.Iniling naman ng lahat ang kanilang mga ulo.Alam nila na ang taong nakatayo sa pintuan ng venue ay ang kilalang si Wayne Woodall. Kaya paanong magiging Darryl, na isang basura ang tinutukoy na Mr. Darby ni Wayne?Nakitaan din ng pagkagulat sa kaniyang mukha si Wayne. Maaaring nagkamali siya ng natanggap na impormasyon, nagpadala na siya noon ng mga tao para magtanong tanong, kaya dapat lang na makita niya ang ikalawang young master sa villa ng pamilya Lyndon! Birthday ngayon ng ikalawang young master kaya personal siyang nagpunta rito para ibigay ang kaniyang regalo. At nang makarating siya sa villa, nakita niya ring magdiriwang ang mga Lyndon para sa kaarawan ng isa sa kanilang mga miyembro.Napalunok na lang dito si Wayne at ibinigay ang box na kaniyang hawak. “Mauuna na ako ngayong wala naman dito si Mr. Darby. Ito nga pala ang dala kong

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-29
  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 22

    Nagsimula na ring magbigay ng ispekulasyon ang ilang mga babae sa venue, sinabi ng iba na isa raw middle aged na bigotilyong lalaki si Mr. Darby.Sinabi naman ng iba na matangkad at guwapo raw si Mr. Darby. Nagawa na nilang mailagay sa kanilang ispekulasyon ang lahat ng magagandang katangian na kanilang naiisip.Dito na ikinaway ni Grandma Lyndon ang kaniyang kamay na nagpatigil sa usapan ng lahat.Tumingin sa paligid ang mga tauhan ni Felix pero hindi nakita ng mga ito si Darryl.“Iiwan ko na lang ang birthday gift na dinala ko kung ganoon, mauuna na po ako.” Bahagyang bow ni Felix.Nabagabag dito si Grandma Lyndon at iniling nang husto ang kaniyang ulo, nagawa rin nitong magbow pabalik kay Felix.Nang makaalis si Felix, binuksan na nila ang regalong iniwan nito. Ito ang regalong mas gumulat sa kanilang lahat!Isa itong titulo!“Para sa marami pang birthday at tagumpay na darating sa iyo. Sa iyong ipinagdiriwang na kaarawan, dala ko ngayon ang isang espesyal na regalo para sa

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-29
  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 23

    Makalipas ang 30 minuto, sa bahay ni Ashton.“Tulong, tulungan ninyo kami!” Sigaw ng nakataling si Samantha!Hindi kailanman pumasok sa isipan ni Samantha na gagawa ng ganitong klase ng bagay ang inaasahan niyang magiging asawa ng kaniyang anak! Pareho silang nakatali ng anak niyang si Lily sa mga sandaling ito.“Shhh.” Sabi ni Ashton habang nilalagay ang kaniyang daliri sa kaniyang mga labi para mapatahimik ang dalawa. “Huwag na kayong sumigaw dahil wala rin namang makakarinig sa inyo kahit na anong sigaw pa ang gawin ninyo. Mas makapal nang tatlong beses kaysa sa normal na pader ang mga pader ng bahay ko. Kaya huwag na kayong magsayang ng lakas.” Sabi ng masiglang si Ashton.Nagsara nang husto ang mga kamao ni Samantha habang namumula ang kaniyang mga mata. “Huwag kang magpadalos dalos, Ashton, isa kang talentadong bata na may magandang kinabukasan, huwag mong sirain ang kinabukasan mo!”“Manahimik ka!” Mabilis na naglakad si Ashton papunta kay Samantha, sinabunutan niya ito at

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-30
  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 24

    ”Grandma, narito naman po ngayon ang president ng Poesia Eleganza na si Emily Dickinson.”Wow!Nagulat sa mga sandaling ito ang buong villa!Kung masasabi ng marami na mataas na ang reputasyon nina Wayne at Felix sa buong Donghai City, mas mataas naman ng isang level sa dalawang ito ang reputasyon ni Emily!Nasa golden age nito ngayon ang Poesia Eleganza! Sa lahat ng mga cosmetic brands, tanging ang Poesia Eleganza lang ang nakatanggap ng napakataas na mga review habang nangunguna sa sales at maging sa market shares. Maging ang bagong labas nitong Crown line ay hindi magagawang makuha o mabili ng kahit na sino!Kilala rin ni Grandma Lyndon si President Dickinson?Natitigilang tumingin ang lahat sa pintuan papasok sa venue.Nakasuot si Emily ng business attire at high hills habang naglalakad kasama ang lima hanggang anim na mga maskuladong lalaki sa kaniyang likuran.Natigilan ang karamihan sa mga lalaki sa kanilang nakita. Masyadong naging kabighabighani ang aura na ipinakita n

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-30
  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 25

    Natural naman na sumunod ang iba pang mga bisita na magpapahayag ng interes nila sa pakikiparpartner sa pamilya Lyndon matapos magsalita ni Galien.Dito na napuno ng ngiti ang mga batang miyembro ng pamilya Lyndon, masyadong naging mabilis ang pagdating ng biyaya sa kanila!Nang biglang tumayo na rin si Wentworth.“Ano iyon, Wentworth?” Nagtatakang tanong ni Grandma Lyndon.Dating pinapaboran ni Grandma Lyndon si Wentworth. Pero bilang ama ni Lily, mula noong maikasal ito kay Darryl, tumigil na rin si Grandma Lyndon sa pagpabor dito nang husto.Ikinaway ni Wentworth ang kaniyang kamay at sinabi sa kaniya na “Ma, alam mo namang matagal na akong nasa ibang bansa pero umuwi ako sa pagkakataong ito para icelebrate ang inyong birthday. Pero maliban dito, mayroon din akong dal ana magandang balita sa inyo. Isa itong project na magbibigay sa inyo ng maramingpera.”“Talaga?” Sagot ni Grandma Lyndon habang nakataas ang kaniyang mga kilay. “Sabihin mo kung ano ito.”Walang duda na narinig

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-01
  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 26

    Woah! Umingay ang lahat sa sobrang pagkasabik pero wala nang kahit na sino ang tumutol pa rito dahil maituturing nang final ang anumang desisyon na gagawin ni Grandma Lyndon. Sabagay, paboritong paborito nito si William kaya sapat na ang opinyon nito para makagawa siya ng isang desisyon. Sa tulong ng financial director ng kanilang pamilya, nasasabik na tinransfer ni Wentworth ang 400 million na pera ng pamilya Lyndon sa kaniyang account. ***Sa Grandioso residential community ng Donghai City. Makikita ang ilang mga kotse ng pulisya na nakaparada sa entrance papasok sa residential community habang dose dosenang mga pulis ang mabilis na pumaligid sa bahay ni Ashton! Isa itong single story na bahay, at ngayon ay napaligiran na ito ng mga pulis.Hindi inaasahan ng kahit na sino na ang babaeng pulis na nasa harapan ay ang kanilang team leader. Hindi naitago maging ng suot nitong uniporme ang kabighabighaning korte ng kaniyang katawan. “Ano na po ang susunod nating gagawin, M

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-01
  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 27

    ”Hindi na natin puwede pang isali si Darryl sa gulong ito, Ma…” hikayat ni Lily. “Anong hindi na siya puwedeng isali rito?” Tawa ni Samantha. “Tatlong taon nating pinalamon ang Darryl na iyan na nagpaliit nang husto sa tingin ng mga kapamilya natin sa atin! Tatlong taon Lily! Kaya papasukin mo na siya rito!” Napangiti si Ashton habang mahigpit na hawak ang kutsilyo sa kaniyang kamay. Wala nang mawawala pa sa kaniya at inaasahan na niyang darating sa ganitong punto si Darryl. Pagpapalit ng mga hostage? Imposible! “Bakit ka nagpapakabasura, Ashton? Ngiti ni Darryl habang naglalakad papunta sa mga bintana. Isa na itong bagay sa pagitan nilang dalawa ni Ashton ngayon. “Nagustuhan mo nga ang aking asawa pero hindi ka naman niya gusto. Kaya nagalit ka ngayon? Lalaki ka ba talaga?” “Manahimik ka!”Dito na mas naging agresibo si Ashton! Si Darryl ang kilalang basura sa kanilang pamilya pero siya rin ang asawa ng gusto niyang diyosa! Isa itong balakid na hindi niya malampas lampasa

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-02

Bab terbaru

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7050

    Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7049

    Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7048

    Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7047

    Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7046

    Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7045

    Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7044

    "Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7043

    Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7042

    Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito

DMCA.com Protection Status