Habang nakasuot ng dress na nagpapakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan, tumayo si Elsa sa entrance ng Platinum Corporation. Hindi niya lang ibinibida ang kaniyang ganda at katawan, kundi para na rin magpasikat sa mga paparazzi na kumukuha sa kaniyang mga litrato matapos isipinna isa siyang bagong artista na papasok sa Platinum Corporation.Naisip maging ng mga security guard na isang artista si Elsa kaya nagingat ang mga ito sa pagcheck sa kaniya. Dumiretso ito sa opisina ng presidente kung saan naaktuhan niya si Pearl na naglalakad palabas nang kakatok na sana siya sa pinto nito para pumasok.Magsasalin sana si Pearl ng tsaa kay Darryl noong mgapanahong iyon. Pero nang buksan niya ang pinto at makita si Elsa, agad niyang pinaalis ito sa building matapos malaman na ipinadala ito ng mga Lyndon.Mayroon bang kahit na sinong hindi nakakakilala kay Elsa? Bilang isang babae na nakilala sa kaniyang kagandahan sa buong Donghai City, marami na siyang naging manliligaw na kaniya ring
Pagkatapos ng higit sa kalahating oras, naipakita na ng lahat ang kanilang mga regalo sa matanda. Kahit na hindi mamahalin ang ilan sa mga ito, hindi pa rin naman ito maituturing na mumurahin, dahil hindi bababa sa 200,000 dollars ang halaga ng karamihan sa mga ito.Maaari rin nating sabihin na pansin pansin ang regalong ibinigay ni Elsa sa matanda.Isa itong pares ng jadeite bracelets na mayroong flawless na kalidad. Hindi maipapaliwanag ng kahit na sino kung gaano ito kaganda sa kanilang paningin.Agad itong nagustuhan ni Grandma Lyndon habang paulit ulit na binabati matapos makita ang regalo nito sa kaniya. Matapos tanggapin ang jadeite bracelets, sinabi ni Grandma Lyndon sa lahat na “Siya ng apala, si Elsa ang pinakamatanda sa mga batang miyembro ng Lyndon Family. Pero wala pa siyang boyfriend, kaya kung sinuman sa inyo ang may gustong magpakasal sa kaniya, magsabi lang kayo sa akin. Hindi pa rin siyempre puwede ang matigas ang ulo at suwail sa akin. Sabagay, kung gusto niyo nga
”Halika rito, patingin nga ako niyan.”Mahinang snabi ng hindi mapakaling si Grandma Lyndon na nagpatabi sa lahat ng mga nakababatang miyembro ng kanilang pamilya na nasa kaniyang dadaanan.Inayos nito ang kaniyang salamin at tinitigan ito nang husto.Mayroon itong nakaemphasize na hugis, napakaganda at napakakinis! Isa talaga itong masterpiece!“Nakasisiguro ako na hindi ito isang imitation,” Nakathumbs up na sinabi ng nasasabik na si Claude. “Hindi ko inaasahang makakakita ako ng orihinal na likha ni Wang Xizhi rito!”“Oo nga! Sa mga museum lang natin madalas makita ang mga bagay na kagaya nito!”“Napakaganda! Kung titingnang maigi ang pagkakagawa niya sa obrang ito, karapat dapat lang sa kaniya na pangalanan bilang Sage ng Kaligrapiya!”Binati ito ng lahat na mas lalong nakapagparamdam ng thrill kay Grandma Lyndon!“Sige na, sige na, sige na!” Tatlong beses na inulit ni Grandma Lyndon ang mga salitang ito bago dahan dahang itago ang scroll. Agad siyang nagutos sa kaniyang mg
”Basura?”Natuwa si Yvonne nang marinig ang sinabing ito ng matanda. Kung tama ang kaniyang iniisip, maaring ito ang box na ginagamit ng palasyo noong Qianlong period ng dinastiyang Qing. Mamahalin ang mga materyalis na ginamit sa paggawa nito na mukha ring Golden-Thread Nanmu.Kahit na makikitang kupas at sira na ang box na ito, mapapansin pa rin ang maingat na pagkakagawa sa box na nakalapag sa sahig kung titingnan nang maigi!Ang box pa lang na ito ay nagkakahalaga nang daan daang libo pero itinuring pa rin nila itong basura?!At dahil sa dami ng karanasan ni Yvonne pagdating sa antiques, kusa niyang binuksan ang kaniyang bag nang hindi niya namamalayan at kumuha ng isang kulay pastel green na magnifying glass.Ilang henerasyon nang nasa antique business ng pamilyang Young at madalas din silang nakakakita ng mga kayamanan sa tabi tabi. Ito ang dahilan kung bakit parati nilang dala ang magnifying glass na maaari nilang magamit para masuri ang kanilang mga natitiyempuhang antique
Nang ipapagpatuloy na sana ni Yvonne ang pakikipagusap kay Darryl, ngumiti si Grandma Lyndon at naglakad papunya kay Lily habang may hawak na wine glass.Napatigil ang lahat sa pagkain nang makita nilang papalapit ang matanda sa kanila.“Lilybud, may gusto sana akong itanong sa iyo.” Dahan dahang nagsalita ang matandang babae.“Ok lang po, ano po iyon, Grandma?” sabi ni Lily.Tumango si Grandma Lyndon at nagsalita. “Birthday ng lola mo ngayon, Lilybud, kaya maipapangako mo ba sa akin na pupunta ka sa Platinum Corporation para makipagnegosasyon? Malaki ang kikitain ng pamilya natin sa sandaling ipahawak nila sa atin si Giselle. Ok lang ba sa iyo ito?”“Ito ay…”Hindi na alam ni Lily kung ano ang dapat niyang isipin nang palihim siyang tumingin kay Darryl.Kay William napunta ang lahat ng effort na ginawa niya para mapapayag ang Platinum Corporation na makipagpartner sa kanila, ito ang uminis nang husto sa nagiisip na si Lily.Sinabihan din siya ni Darryl na huwag siyang pumayag
Si Harry Crocker ang lalaking ito!Kahit na hindi siya kilala ni Lily sa personal, madalas nang nababanggit ang pangalan nito ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang mga usapan!Marami ang nagsasabi na kilalang tao si Harry sa buong Donghai City dahil una sa lahat, bata pa siya, matapang, walang awa at higit sa lahat, hawak ng maimpluwensiyang tao na si Samson.Si Samson ang may ari ng Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City.Kitang kita ni Lily ang mabagsik na mukha ni Harry habang may hawak na itak. At kung magawa nitong maabutan si Darryl, siguradong mapaparalisa o mapapatay niya ito.“Dalian mo nang umalis!” Nabagabag na nang husto sa mga sandaling ito si Lily. Napatayo siya sa kaniyang upuan para hatakin si Darryl sa kinatatayuan nito pero agad siyang pinigilan ng kaniyang mga kasama sa table.Hindi na rin maintindihan ni Lily ang kaniyang mga iniisip sa mga sandaling ito. Kahit na mababa lamang ang kaniyang tingin kay Darryl, hindi pa rin niya maiwasa
”Puwede ko bang tanungin kung nandito ngayon si Mr. Darby?” Inulit ni Wayne ang kaniyang tanong nang makita niyang hindi nagsalita ang lahat.Iniling naman ng lahat ang kanilang mga ulo.Alam nila na ang taong nakatayo sa pintuan ng venue ay ang kilalang si Wayne Woodall. Kaya paanong magiging Darryl, na isang basura ang tinutukoy na Mr. Darby ni Wayne?Nakitaan din ng pagkagulat sa kaniyang mukha si Wayne. Maaaring nagkamali siya ng natanggap na impormasyon, nagpadala na siya noon ng mga tao para magtanong tanong, kaya dapat lang na makita niya ang ikalawang young master sa villa ng pamilya Lyndon! Birthday ngayon ng ikalawang young master kaya personal siyang nagpunta rito para ibigay ang kaniyang regalo. At nang makarating siya sa villa, nakita niya ring magdiriwang ang mga Lyndon para sa kaarawan ng isa sa kanilang mga miyembro.Napalunok na lang dito si Wayne at ibinigay ang box na kaniyang hawak. “Mauuna na ako ngayong wala naman dito si Mr. Darby. Ito nga pala ang dala kong
Nagsimula na ring magbigay ng ispekulasyon ang ilang mga babae sa venue, sinabi ng iba na isa raw middle aged na bigotilyong lalaki si Mr. Darby.Sinabi naman ng iba na matangkad at guwapo raw si Mr. Darby. Nagawa na nilang mailagay sa kanilang ispekulasyon ang lahat ng magagandang katangian na kanilang naiisip.Dito na ikinaway ni Grandma Lyndon ang kaniyang kamay na nagpatigil sa usapan ng lahat.Tumingin sa paligid ang mga tauhan ni Felix pero hindi nakita ng mga ito si Darryl.“Iiwan ko na lang ang birthday gift na dinala ko kung ganoon, mauuna na po ako.” Bahagyang bow ni Felix.Nabagabag dito si Grandma Lyndon at iniling nang husto ang kaniyang ulo, nagawa rin nitong magbow pabalik kay Felix.Nang makaalis si Felix, binuksan na nila ang regalong iniwan nito. Ito ang regalong mas gumulat sa kanilang lahat!Isa itong titulo!“Para sa marami pang birthday at tagumpay na darating sa iyo. Sa iyong ipinagdiriwang na kaarawan, dala ko ngayon ang isang espesyal na regalo para sa