Share

Kabanata 17

”Halika rito, patingin nga ako niyan.”

Mahinang snabi ng hindi mapakaling si Grandma Lyndon na nagpatabi sa lahat ng mga nakababatang miyembro ng kanilang pamilya na nasa kaniyang dadaanan.

Inayos nito ang kaniyang salamin at tinitigan ito nang husto.

Mayroon itong nakaemphasize na hugis, napakaganda at napakakinis! Isa talaga itong masterpiece!

“Nakasisiguro ako na hindi ito isang imitation,” Nakathumbs up na sinabi ng nasasabik na si Claude. “Hindi ko inaasahang makakakita ako ng orihinal na likha ni Wang Xizhi rito!”

“Oo nga! Sa mga museum lang natin madalas makita ang mga bagay na kagaya nito!”

“Napakaganda! Kung titingnang maigi ang pagkakagawa niya sa obrang ito, karapat dapat lang sa kaniya na pangalanan bilang Sage ng Kaligrapiya!”

Binati ito ng lahat na mas lalong nakapagparamdam ng thrill kay Grandma Lyndon!

“Sige na, sige na, sige na!” Tatlong beses na inulit ni Grandma Lyndon ang mga salitang ito bago dahan dahang itago ang scroll. Agad siyang nagutos sa kaniyang mga serbidora na “Ilagay niyo na ito sa box ngayundin. Siguraduhin niyo lang na maingat ninyo itong dadalhin at ilababa mamaya!”

“Opo.” Sunod sunod na tango ng mga serbidora ni Grandma habang nagiingat sa magaan nilang paghawak sa scroll. Sinabi na ng lahat na ito ang orihinal na gawa ni Wang Xizhi at mayroon ding hindi mapapantayang halaga. Kaya siguradong hindi nila magagawang mabayaran ang halaga nito sa sandaling masira nila ang scroll.

Sa isang tabi, napakagat na lang nang husto sa kaniyang labi si Lily at naantig sa hindi malamang dahilan.

Ibinenta ni Ashton ang kaniyang kumpanya para lang maibili siya ng isang pares ng high heels, at nagawa ring magbigay ng isang hindi makakalimutang regalo nito sa kaniyang Grandma Lyndon.

“Oy, tingnan ninyo naman ito! Nakakatawa iyong mukha ni Darryl sa mga sandaling ito, haha!”

Sumabog sa katatawa si William at tumuro kay Darryl habang sinasabing “Tingnan ninyo. Mayroon din siyang dalang box! Haha! Mayroon din siyang regalo para kay Granny!”

Agad na naimpluwensiyahan ng mga sinabing ito ni William ang lahat na mangasar kay Darryl.

Hindi nga naging natural ang ipinapakitang itsura ni Darryl sa mga sandaling ito, pero dahil ito sa kakapalan ng mukha na ipinakita ni Ashton sa lahat! At isipin ang pagbibigay ni Ashton ng pekeng antique bilang regalo sa kaarawan ni Grandma Lyndin!

“Sige na Darryl! Ilabas mo na iyang hawak mong regalo nang makita na naming kung ano ba talaga iyan!”

“Oo nga, haha!”

Nakita ng lahat ang box ng regalo na hawak ni Darryl. Sa sobrang luma ng sira sirang box na ito, mukhang pinulot lang ito ni Darryl sa basurahan.

Hindi maganda ang ginawang ito ni Darryl. Kahit na hindi niya magawang gumastos nang malaki sa araw araw niyang pamumuhay, kinakailangan pa rin ba niyang tipirin nang husto maging ang kaarawan ni Grandma Lyndon?

“Hayaan niyo na.”

Ikinaway ni Darryl ang kaniyang kamay matapos makita ang reaksyon ng lahat sa kaniya. SIguradong aasarin pa rin siya nito kahit na ano pang iregalo niya sa matanda, kaya mas maigi nang umiwas na lang siya at panatilihing nakasara ang dala niyang regalo.

“Sige na, haha!” Biglang napatalon si William. ”Birthday ni Grandma ngayon at nakita rin naming lahat ang regalo ng bawat isa. Iyang sa iyo na lang ang natitira! Maaagaw na rin sa iyo ng iba ang iyong asawa, kaya paano mong maibabangon ang pagkatao mo sa aming lahat kung hindi mo ipapakita ang dala mong regalo!”

“Hahaha!”

Agad na nagsitawa nang husto ang lahat ng nasa paligid ni Darryl dahil sa mga sinabing ito ni William.

Agad na sumama ang itsura ng unti unting nagagalit na si Lily. Sinabihan na niya noong una pa lang si Darryl na maghanda ng magandang regalo para sa kaniyang Grandma Lyndon, pero kabaliktaran pa rin ang ginawa ni Darryl! At ngayon ay ginagawa na nitong tanga ang kaniyang sarili sa harapan ng lahat.

“Umupo ka na. Ano pang itinatayo tayo mo riyan!” mahinang sermon ni Lily habang hinihila ang braso ni Darryl.

Sa kabilang banda, punong puno na rin ng galit ang itsura ni Samantha. Agad nitong tinuro si Darryl at sumigaw ng “Bilisan mo nang ilagay ang basurang dinala mo sa pintuan. Huwag mo na kaming ipahiya ritong talunan ka.”

“Oh,” Mahinang sinabi ni Darryl. Hinawakan niya ang box at naglakad papunta sa pintuan kung saan nakalagay ang iba pang mga regalo para kay Grandma Lyndon.

Ilalagay n ani Darryl ang dala niyang box katabi ng iba pang mga regalo nang tumakbo papalapit si William at surpresa itong hinablot mula kay Darryl!

“Haha, huwag ka namang ganyan, Darryl! Ano ba itong niregalo mo kay Grandma? Ipakita mo na kasi sa amin!” Nasasabik na sinabi ni William nang buksan niya ang box!

Sa loob ng isang iglap, agad na natahimik ang buong villa!

Napatingin ang lahat sa regalong dala ni Darryl habang napapalunok sa kanilang mga kinauupuan!

Isa itong antique na pamaypay, mayroon itong kulay itim na ribs.

Nang buksan ni William ang pamaypay, isang lupain ang nakapinta gamit ang makapal na ink sa tela ng pamaypay na nagpapakita sa isang nagniniyebeng araw. Napakaganda ng pagkakapinta rito na para bang ipininta ng isang kilalang tao noong kapanahunan niya! Posible lang maipinta ito ng isang tao gamit ang dekadekada niyang kaalaman at karanasan!

Isa ring tula ang makikitang nakasulat sa gilid ng pamaypay:

“Isang flake, dalawang flake, ikatlo at ika apat na mga snowflakes; lima anim, pito walo, siyam na mga flakes, sampu at higit pa; bumabagsak sa mga plum blossom, hindi na nakita pang muli ang mga snowflakes.”

Mayroon ding higit sa isang dosenang selyo ang makikita sa pamaypay, pero ang pinakanangibabaw sa mga ito ay ang royal-sign off na: Hongli!

Hongli?! Si Aisin Gioro Hongli?! Ang kilalang Qianlong Emperor?!

"Hahaha!"

Isa sa mga bisita sumabog sa katatawa na nakapagpatawa nang malakas sa lahat ng mga taong nasa party!

“Hahaha, hindi ko na kaya! Wala nang mas pepeke pa sa pamaypay na ito! Hahaha!”

“Oo nga. Napakaimposibleng makita natin dito ang pamaypay na ginamit ng mismong Qianlong Emperor! Haha!”

“Maging ang History Museum sa Donghai City ay hindi makapagsabi na nasa pangangalaga nila ito!”

Napahawak na lang si William sa kaniyang tiyan habang paulit ulit na napapayuko sa katatawa. Tinuro niya si Darryl habang tumatawang sinasabi na “Nakakatawa ka talaga, hahaha! Isa ka bang cuckoo? Hindi mo ba kayang gumastos ng kahit kaunti para sa birthday ni Grandma Lyndon ngayon? Haha, sabihin mo nga sa amin, saan mo naman nakuha ang pamaypay na ito? Hahaha!”

“Tinulugan ako ng isa sa mga kaibigan ko na bilhin ito.”

Direktang isinagot ni Darryl.

Ang una niyang naisip na iregalo ay ang Ping’an Tie ni Wang Xizhi pero iniregalo ito sa kaniya nina Wayne. At ang isang regalo na matataggap ng kahit na sino ay hindi na dapat pang iregalo sa iba dahil isa itong uri ng pambabastos sa taong nagbigay ng regalo.

Kaya humingi si Darryl ng pabor kay Emily na tulungan siyang humanap ng ireregalo para sa birthday ng matanda.

Ang hindi niya alam ay tutulungan pala siya ni Emily na mabili ang pamaypay na iyon! Sinabi ni Emily na isa sa mga nangungunang kolektor ng mga antique ang kaniyang kaibigan at matagal tagal rin siyang nagmakaawa rito bago makuha ang orihinal na pamaypay ng Qianlong Emperor. Maraming nagsasabi na isang taong ginamit ng Qianlong Emperor ang pamaypay na ito.

Tinulungan ka ng kaibigan mo na bilhin ito?” Napahawak si William sa kaniyang tiyan at sinubukang huwag tumawa. “Magkano naman ang nagastos mo rito?”

“Wala. Ayaw kasi tumanggap ng kaibigan ko ng pera,” sabi ni Darryl. “Gusto niya lang na ilibre ko siya ng rice noodle soup kapag may libre na akong oras.”

“Rice noodle soup?! Haha, ito ba iyong rice noodle soup ng Yunnan?!” Katitigil tigil lang ni William sa katatawa pero muli niyang hindi nakontrol ang kaniyang sarili. Halos mahimatay na siya sa sobrang tindi ng ginawa niyang pagtawa kanina.

Hahaha! Maging ang mga bisita ay sumabog sa mapanglait nilang tawanan!

Wala na talagang hangganan ang kakapalan ng mukha ng talunang si Darryl! Haha!

Nanlalamig na tumingin ang matanda kay Darryl at sinabing. “May natitira ka pa bang dignidad sa katawan mo? Napakamalas ni Lilybud na maipakasal sa iyo! Mayroon bang puwedeng magtapon ng basurang pamaypay na ito sa labas!”

“Opo!”

Tango ng dalawang serbidora, agad nilang kinuha ang pamaypay at ang box na kinalalagyan nito, binuksan ang pinto at itinapon pareho sa labas!

Hindi natapos dito ang tawanan ng mga bisita habang si ang napapabuntong hiningang si Darryl naman ay bumalik na sa kaniyang kainauupuan.

Natula si Grandma Lyndon sa naging selebrasyon ng kaniyang kaarawan kanina pero agad itong nagbago matapos ng mga nangyari kanina. Ikinaway nito ang kaniyang mga kamay at sinabing. “Sige, hayaan niyo muna akong magsalita.”

“Una sa lahat, maraming Salamat sa pagpunta ninyong lahat sa aking kaarawan kahit na alam kong busy ang inyong mga schedule.” Itinango nito ang kaniyang ulo nang bahagya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Gusto kong magenjoy kayong lahat ngayong araw. Kumain at uminom kayo hangga’t kaya ninyo! Dalawang mga binata ang nagpropose sa aming pamilya, at ikinokonsidera ko ang mga ito. Paguusapan natin ang tungkol sa mga ito pagkatapos ng party.”

At pagkatapos nito, tumayo ang matanda at sinabing “Aking mga bisita! Napakagaganda ng mga ibinigay ninyong regalo sa akin, kaya dapat lang na tapatan ko ang mga ito. Naghanda ako ng masasarap na pagkain at wine ngayong araw para sa inyo!”

Ipinalakpak ng matanda ang kaniyang mga kamay na naging hudyat sa dosedosenang mga waiter na naglabas sa mga masasarap na pagkain mula sa kusina.

"Premium King Abalone, Buddha’s Temptation, Shark Fin Soup with Abalone at Birds’ Nest..."

Maglaway sa paglabas ng mga pagkaing ito ang mga nakatinging bisita sa party.

Makikita ang higit sa isang dosenang mga putahe sa bawat table at ang bawat isa sa mga ito ay kilalang mga putahe! Kung ieestimate, hindi bababa sa 100,000 dollars ang halaga ng mga pagkaing isineserve sa bawat isang table sa kaarawang ito ni Grandma Lyndon!

Kasalukuyang namamangha ang lahat ng bisita sa mga nakikita nilang putahe nang marinig ng lahat ang isang announcement!

“Old Madam, narito na po si Ms. Yvonne Young.”

“Bilisan ninyong salubungin siya!” Mabilis na sinabi ng matanda.

Ilang henerasyon na sa antique business ang pamilya Young. Mayroon silang magandang relasyon sa pamilya Lyndon kaya naimbitahan si Yvonne maging sa selebrasyon na inorganize noon ni Grandma Lyndon para kay Lily.

Ngumiti rito si Lily. Humingi sa kaniya ng pabor noon si Yvonne na tanungin ang taong nagregalo sa kaniya ng Worship of Crystal kung mayroon pa ba siyang mabibiling pares nito kahit sa doble ng kasalukuyan nitong presyo sa mercado. Pero hindi pa alam noon ni Lily na si Ashton ang nagbigay nito sa kaniya.

Magaling! Maaari na niyang tanungin si Ashton tungkol dito at makisuyo para matulungang makabili si Yvonne ng isang orihinal na pares nito.

Agad na napatingin ang lahat ng lalaki nang magpakita ito sa venue.

Talagang kamanghamangha ang kaniyang ganda! Nakasuot ito ng masikip na jeans at kulay puting pang itaas na nagpakita sa korte ng balingkinitan niyang katawan.

“Paumanhin po, Grandma Lyndon, natraffic po kasi ako papunta rito.” Nagpakita si Yvonne ng nagpapaumanhing ngiti habang naglalakad papasok.

Pero nasurpresa ang lahat nang tumigil ito sa paglakad bago pa man matapos ang kaniyang pagsasalita!

“Ito… Ito ay ang…”

Tumingin si Yvonne sa sahig. Dito niya nakita ang itinapong luma at sira sirang pamaypay na regalo ni Darryl kay Lola Lyndon.

Nasa loob pa rin ng luma at sirang box ang pamaypay na iyon hanggang sa mga oras na ito. Bilang isang miyembro ng pamilya na may ilang henerasyon nang karanasan at kaalaman sa pagbebenta at pangongolekta ng mga antique, napansin ni Yvonne na ang box na ito…ay isang hindi pangkaraniwang box…

“President young, hindi mo na kailangan pang pulutan ang basurang iyan. Wawalisin din nila iyan mamaya.” Nakangiting sinabi ng matanda.
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Allen Vidal
walang kwentang storya ampootaaa
goodnovel comment avatar
Oliver Canoy
napaganda nang story na ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status