Share

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat
Author: Skykissing Wolf

Kabanata 1

“Darryl, itapon mo nga nga itong mga pinaghugasan namin ng paa.”

Tatlong mga babae ang makikitang nakaupo sa isang sofa, katatapos lang nilang ibabad at hugasan ang kanilang mga paa. Nagpapakita ng kaakit akit na ganda at class ang mga ito sa sinumang titingin sa kanila mula sa malayo, mayroon din silang kanya kanyang mga asset. Isa sa mga ito ang asawa ni Darryl habang ang dalawa ay ang dalawang pinakamatatalik niyang mga kaibigan.

Matapos marinig ang utos ng kaniyang asawa, masunuring itinapon ni Darryl ang maruming tubig mula sa tatlong mga pinagbabarang batsa. Hindi na siya nakagawa ng kahit na anong imik dahil isa siyang manugang na nakikitira sa pamilya ng kaniyang asawa. Kahit tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila ng kaniyang asawa, hindi na siya nagkaroon ng lugar sa pamilya ng kaniyang napangasawa. Madalas siyang sinesermonan ng kaniyang asawa at ng kaniyang biyenan sa tuwing nakakagawa siya ng kahit kaunting mali na makita ng mga ito sa kaniyang mga ginagawa. Mas nagawa pang irespeto ng mga ito ang kanilang aso kaysa sa kaniya.

Tatlong taon nang kasal sina Darryl at Lily Lyndon, pero mukhang sa pangalan lang ito makikita dahil hindi pa kailanman nila nasusulit ang kanilang pagsasama. Ni hindi manlang niya mahawakan ang kamay ng kaniyang asawa! Sa sahig lang din natutulog si Darryly dahil sa tindi ng inis sa kaniya ng asawa niyang si Lily.

Paglalaba, pagluluto, paglilinis ng mga kuwarto, ang lahat ng gawaing bahay ay nakatoka kay Darryl araw araw. Isang araw, kalahating oras siyang sinermonan ng asawa niyang si Lily matapos aksidenteng makabasag ng isang mangkok habang nagluluto.

Nagkaroon rin ng isang pangyayari kung saan hindi sinasadyang magising ni Darryl ang kaniyang asawa habang papunta sa banyo. Agad siya nitong sinampal nang malakas nang walang pagaalinlangan.

Ito ang unang beses na sinaktan si Darryl ng kaniyang asawa. Hindi siya nagawang pagbuhatan ng kamay maging ng kaniyang mga magulang noong siya ay bata pa! Kaya natural lang na magalit siya rito pero kinakailangan niya itong pigilan at sarilinin. Ang tanging magagawa niya lang ay ang magmakaawa at humingi ng tawad kay Lily. Pero sa huli, nagawa pa rin siya nitong paluhurin magdamag.

Tatlong taon na ang nakalilipas kaya sanay na si Darryl sa ganitong buhay. Wala na siyang masisi kundi ang kaniyang sarili sa pagiging manugang sa pamilyang ito hindi ba? Ang masaklap pa rito ay ang matinding pagmamahal na nararamdaman pa rin ni Darryl sa kaniyang asawang si Lily kahit na araw araw siya nitong kinamumuhian at itinuturing na basura!

Pangalawang anak si Darryl sa angkan ng Darby, kilala sila bilang pinakamalaking angkan sa buong Jiangnan Region. Tatlong taon na rin ang nakalilipas mula noong gumastos siya ng walong milyon para bilhin ang 8% ng kumpanyang Southeast Petroleum.

Daan daang miyembro ng kanilang angkan ang nagalit sa ginawa ni Darryl noong mga panahong iyon. Tinawag naman siyang hibang ng iba niyang mga kaangkan, habang inisip naman ng iba na sinusubukan nang solohin ni Darryl ang kayamanan ng kanilang angkan sa ginawa niyang ito. Kaya nagkasundo at nagpasya ang buong angkan ni Darryl, kasama ang kaniyang mga sariling magulang, na itakwil siya at burahin sa kasaysayan ng kanilang angkan!

Naramdaman ni Darryl ang mabilis na pagiging negatibo ng mga relasyon sa loob ng tatlong taon niyang karanasan kasama ang kaniyang asawa. Mabilis ring humahanap ng dahilan ang kaniyang mga dating matatalik na kaibigan upang layuan siya. Kaya wala na siyang nagawa kundi tumira sa pamilya ng kaniyang asawa para mabuhay. Hindi niya nasabi ang pangyayaring ito sa kahit kanino maging sa asawa niyang si Lily.

“Ohh Lily, mukhang naturuan mo nga nang husto ang asawa mong iyan.” Sabi ni Jade na isa sa mga best friend ni Lily.

Nanlalamig namang tumawa si Lily ant sinabing “Si Darryl ba ang tinutukoy mo? Nagiinit na ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang basurang iyan. Habang ang ibang babae ay nagpapakasal sa mga lalaking nagmula sa mga kilalang pamilya. Natali naman ako sa basurang iyan. Tingnan mo, ang dungis dungis niya. Mukha na siyang mahirap na trabahador sa probinsya. Siguradong kahihiyan lang ang dadalhin niya sa annual reunion ng aming angkan bukas.”

Hindi naiwasang mapatingin ni Jade kay Darryl. Walang duda na mumurahin nga ang brand na suot na damit ni Darryl at nagmukha na rin itong madungis. Tumatawang sinabi nito na “Sige na Lily, tama na ang tungkol sa kaniya. Pero seryoso, totoo ba ang narinig kong may problema raw ang kumpanya niyo nitong nakaraan?”

Dahan dahan namang tumango si Lily at sinabing “Milyon milyon ang nawala sa amin noong simulan naming pasukin ang fashion industry last month. Kaya kinakapos na ngayon ang aming kumpanya, kailangan na naming makahanap ng investor ngayong linggo para makakuha ng five million dollars para maibangon ang kumpanya.”

“Ohh Lily, sino namang investor ang magbibigay ng five million sa loob lang ng isang lingo para pondohan kayo?” buntong hininga ni Jade.

Hindi na sumagot pa rito si Lily, agad niyang napansin na nakikinig si Darryl sa kanilang usapan dahil tapos na nito ang kaniyang ipinapagawa. Nagbigay siya ng matalim na tingin dito at walang awang sinabi na “Sinong nagsabi sa iyo na puwede kang magstay dito, Darryl? Umalis ka na at maglaba ng mga damit ko.”

“Labhan mo na rin ang mga jeans ko sa maleta.” Dagdag ni Jade.

Hindi na nagawa pang magreklamo ni Darrly at agad na inilagay ang damit ng mga ito sa washing machine kasama ng sarili niyang mga damit. Bukas na ang kanilang high school reunion kaya kailangan niyang magmukhang presentable kahit papaano. Naputol ang kaniyang pagiisip nang biglang magvibrate ang kaniyang cellphone. Chineck niya ito at nakita ang isang text message mula sa isang numero na mayroong anim na digits sa dulo. Agad na napakunot ang kaniyang mga kilay nang makita ang numerong ito “Hindi bat ito ang numero ng aking angkan?” isip niya.

Nagtatakang binuksan ni Darryl ang text message at nagulat nang mabasa ito.

“O aming ikalawang young master, tulungan mo ang ating angkan. Nangangailangan ang ating angkan ng malaking pondo kaya kakailanganin namin ang suportang magmumula sa iyo!”

“Sinong niloko nito!” Kumunot muli ang mga kilay ni Darryl habang nagiisip nang magisa. “Tatlong taon na ang makalilipas mula noong itakwil ako ng buong angkan kaya wala nang kahit na anong kapangyarihan ang aking pangalan. Bente na lang din ang natitira sa aking bulsa, kaya bakit sila hihingi ng tulong pinansyal sa akin? Ano pa bang mahihita nila sa akin ngayon?”

Muling napatingin si Darryl nang magvibrate sa ikalawang beses ang kaniyang cellphone. Nakatanggap muli ito ng isa pang mensahe.

“Pakiusap young master, nagmamakaawa ako na tulungan mo ang pinagmulan mong angkan. Lumaki na nang husto ang kita ng shares na iyong binili tatlong taon na ang makalilipas. Kaya pakiusap… siguradong babagsak ang ating angkan kung hindi mo kami matutulungan…”

“Ano?”

“Napaatras si Darryl matapos basahin ang ikalawang text message. Agad niyang kinuha ang kaniyang Black Card mula sa Amethyst Bank sa loob ng isang iglap. Tatlong taon na rin niyang hindi nagagamit ang card na ito. Isa itong status symbol sa sumisimbolo sa mga mayayaman dahil ang bawat isang card ay mayroong isang customer service representative na nakahandang tumulong sa mayari nito sa anumang oras. Agad niyang idinial ang customer service hotline ng bangko.

“Maligayang pagbalik Mr Darby. Ano po ang maipaglilingkod namin sa iyo?” sagot ng isang sweet na boses ng babae.

“Ipakita mo sa akin ang balance ng aking account. Dali!”

“Wala pong problema sir, sandali lang po.” Sagot ng babae. Matapos ang ilang segundo, muling nagsalita ang babae. “Mr. Darby, lumampas na po sa checking limit ng bangko ang kabuohang account balance ng iyong account. Kaya maaari po kayong pumunta sa VIP section ng aming bangko dala ang mga kinakailangan naming valid ID at iba pang dokumento para matulungan kayo sa inyong request.”

Hindi pa natatapos ang babae sa kaniyang pagsasalita nang agad na ibaba ni Darryl ang tawag.

“Sobrang laki na ng pera sa bank account ko!?” tawa ni Darryl habang tuwang tuwang nagiisip sa kaniyang sarili. Sino ba namang makapagsasabi na ang napakalaking investment na kaniyang ginawa tatlong taon na ang nakalilipas, na siya ring nagging dahilan ng pagtakwil sa kaniya ng kaniyang pamilya ay lalago nang ganito!

“Lily, tingnan mo si Darryl, tuwang tuwa niyang tinitingnan ang balanse ng kaniyang bank account sa kaniyang cellphone.” Hindi mapigilang matawa rito ni Jade.

Natawa rin dito si Lily “Binibigyan ko siya ng 200 na allowance kada araw. Mukhang nakaipon na siya nitong nakaraang tatlong taon.”

“Ohh Lily, isipin mo na para ka lang nagaalaga ng isang aso.” Sabi ni Jade na nakapagpatawa sa kanilang tatlo.

Excited na tumakbo si Darryl papunta sa kaniyang asawa at sinabing “Kailangan ng kumpanya niyo ng 5 million dollars hindi ba? Paano kung sabihin ko sa iyong nakahanap na ako ng paraan para matulungan ka sa inyong problema?”

Malakas at tila walang hanggan naman ang naging pagtawa rito ni Jade. Sandali niyang tiningnan ni Darryl at sinabing “Darryl, naiintindihan mo ba kung gaano kalaki ang five million? 200 lang ang ibinibigay sa iyo ni Lily araw araw. Pero kung magagawa mo talagang maglabas ng limang milyon, mukhang kailangan na kitang tawagin na daddy.”

“Talaga lang ha?” ngisi ni Darryl na parang isang tuso. “Kung ganoon, tandan mo ang mga sinabi mong iyan.”

Hindi na siya magawa pang pagpasensyahan ni Lily. Mukhang nawala na sa tamang katinuan si Darryl matapos tumayo sa kanilang harapan na parang isang katulong at guluhin si Lily. Kaya naiinis niyang itinaas ang kaniyang kamay at sinabing “Umalis ka na, sumasakit na ang mga mata namin sa iyo.”

“Oh, sige.” Sabi ni Darryl at tahimik na umalis sa harapan ng mga ito.

Hindi na nagawa pang makatulog ni Darryl kinagabihan sa sobrang pagkasabik. Hindi siya makapaniwala sa hindi inaasahang balita na kaniyang natanggap kanina. Gustong guso na niya magpunta sa bangko upang tingnan nang personal ang perang nilalaman ng kaniyang bank account.

Napaikot ikot sa kaniyang higaan si Darryl bago makatulog nang bahagya. Pero nang papalalim na ang kaniyang tulog, agad na maririnig sa buong sala ang boses ng kaniyang biyenan.

“Gumising ka na Darrly at ihatid ang anak ko sa trabaho.”

Narinig ni Darry ang boses ng biyenan niyang si Samantha sa kaniyang pagtulog. Kaya inakala na isa lang itong panaginip at tumalikod para ipagpatuloy ang malalim niyang pagtulog. Pero sa mga sandalling ito, malakas na bumukas ang pintuan ng kanilang kuwarto at agad siyang tinadyakan ng naiiritang si Samantha.

“Bingi ka ba o tanga? Hindi mo ba naririnig na tinatawag kita para ihatid si Lily sa trabaho?” walang awang sinabi ni Samantha.

Aminado rin si Darryl na maganda pa rin si Samantha kahit nasa thirties na ang edad nito. Siguradong pinangangalagaan nito nang husto ang kaniyang itsura.

Inaantok pang tumayo si Darryl mula sa sahig na kaniyang hinihigaan at napatigil na tiningnan ang kaniyang biyanan. “Tatlong taon matapos naming ikasal, hindi manlang kami nakalabas ni Lily kahit isang beses dahil kahihiyan lang ang turing niya sa akin, pero ngayon gusto na nitong ihatid ko siya sa trabaho!?” Isip ni Darryl.

Nasa punto na siyang iyon ng kaniyang iniisip nang mismong si Lily na ang pumasok sa kanilang kuwarto, nakabihis ito sa kaniyang business attire. Agad nitong ipinadyak ang kaniyang paa sa sahig at sinabing “Bingi ka ba? Dahilan mo o di kaya ayaw mo talaga akong ihatid?”

“Gusto ko! Gusto ko!” Sabi ng walang tigil sa pagtangong si Darryl. Nagmamadali siyang nagbihis at sumakay sa kaniyang electric bike para ihatid si Lily sa opisina nito.

Naglalagablab ang galit ni Lily sa mga sandaling ito dahil sa kakulangan sa pondi ng kanilang kumpanya at sa pangangailangan nito ng 5 million para muling makabangon. Pero hindi pa siya nakakahanap ng investor na magbibigay ng ganito kalaking halaga sa kanila kaya nahaharap na sa pagkalugi ang kanilang kumpanya! Agad na nagpatawag ng emergency meeting ng mga shareholders ang kumpanya, at bilang general manager, kinakailangan niyang dumalo sa meeting na ito. Noong paglabas niya lang para pumasok naalala na ipinahiram niya pala ang kaniyang sasakyan kay Jade. Kaya wala na siyang nagawa kundi magpahatid kay Darryl sa trabaho.
Mga Comments (97)
goodnovel comment avatar
Manolet Cruz
tulong po bumalik po ako kabanata 1 eh 1857 napo ako
goodnovel comment avatar
Darkeonard Lucio
author humanda ka sa reviews sa gogle
goodnovel comment avatar
Darkeonard Lucio
NASA chapter 4550 na Ako tapos inulit nya ulit
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status