Hirap na hirap gumawa ng desisyon si James. Ayaw na niya talaga ng gambalain pa si Quincy.Gayunpaman, umaasa siya na tutulungan siya nito. “Sabihin mo sa akin ang iba pang mga detalye. Ano ang gusto mong gawin ko? Hindi kita tutulungan ng libre. May limitasyon kung hanggang kailan kita tutulungan ng libre.” pilyang ngumiti si Quincy.Pinag-isipan muna ni James ang tungkol dito ng mga ilang sandali saka sinabi, “Hahanap muna ako ng paraan para makahanap ng pera. Gugulin mo ang ilang susunod na mga araw para ihanda ang pagtatatag ng kumpanya. Kapag naasikaso ko na ang lahat sa panig ko, tatawagan kita para sa susunod na hakbang.”“Tumango si Quincy. “Sige. Pwede na yun.”Tumayo siya at lumingon para tingnan ang ospital.Gusto ni quincy na bisitahin si Thea ngunit alam niya na masama pa din ang loob sa kanya ni Thea, kaya hindi na lang niya ito ginawa. Kinaway niya ang kanyang kamay at naglakad palayo. “Mauuna na akong umalis.”Pinanood ni James si Quincy na umalis. Pagkatapo
Kung nangyari ito habang si James ay ang Dragon King pa, tatanggihan niya ito.Subalit, kailangan na kailangan niya ang pera ngayon.“Pakiusap at isipin mo na lang na utang ko ito sayo, tinitiyak ko na babayaran kita kapag kaya ko na. At tungkol naman kay Cynthia, bigyan mo ko ng panahon. Magagawa ko din siyang pagalingin ng tuluyan.”Kampante si James sa kakayahan ng Crucifier.Hangga’t magagawa niyang mag-cultivate ng True Energy at gamitin ito, ang sakit ni Cynthia ay tuluyan na niyang mapapagaling.“Sige. Magkita na lang tayo sa Cansington bukas.”Pagkatapos magkaroon ng kasunduan kay Zane, tinapos na ni James ang tawag. Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos niyang ibaba ang tawag.Mabuti na lang, bukal sa loob ni Zane na tulungan siya, Kung hindi, hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Pagkatapos na lutasin ang isyu tungkol sa pera, pumasok na siya sa ward. Sila Newton at Serena ay lumingon at binati siya. “Mr. Caden.”Tumango si James bilang tugon. Pinulo
Umikot si James at umalis.Sumigaw ang director sa kanyang likuran, “Isang disenteng babae si Lydia! Magiging isa siyang mabuting asawa!” Hindi siya pinansin ni James at bumalik na sa ward ni Thea. Napagod siya sa kakatakbo sa loob ng ospital. Humiga siya sa may sopa at dahan-dahan na minasahe ang kanyang sentido.Habang inaasikaso niya ang ilang mga bagay, hindi naman natulog si Thea. “Mahal, pwede ka bang lumapit at makipag-usap sa akin?” Muling sinubukan ni Thea na makipag-usap kay James.Tinaas ni James ang kanyang ulo at tiningnan si Thea.Nang makita ang walang magawa na ekspresyon nito, napabuntong hininga na lang siya.Sumama ang loob niya para kay thea at wala siyang ibang gusto kung hindi ang protektahan ito gamit ang kanyang buhay.Subalit, wala siyang oras para gawin ang bagay na iyon ngayon.Kumuha si James ng isang bangko at umupo sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay nito at sinabi, “Napagod ako kanina at wala akong lakas para makipag-usap. Hindi naman s
“Nandito ako sa Military Hospital.”“Sige, papunta na kami dyan.”Pagkatapos ipaalam sa kanila ni James ang kanyang lokasyon, tinabi niya ang kanyang phone at muling nag-isip ng malalim. Hindi nagtagal ang nakarating na sila Zane at Cynthia.Nakaupo pa din si James sa may hagdan sa may entrance ng inpatient ward nung nakarating sila.“James!”Isang masayang boses ang nagmula sa may malapit.Bumalik ang ulirat ni James at napatingala siya.Isang babae na nasa edad 20 na nakasuot ng isang puting dress ang tumakbo papunta sa kanya ng masaya. Ang mahaba nitong buhok ay sumayaw sa hangin habang tumatakbo ito papunta sa kanya.Hindi nagtagal, huminto siya sa harapan ni James. Tumayo si James at binati ito, ‘Cynthia.”Ang magandang mukha ni Cynthia ay may masayang ekspresyon. Hinawakan niya ang kamay ni James at masigla itong nginitian. “Sa wakas at nakita kitang muli! Kamusta ka naman? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?”Malumanay na sinabi ni James, “Wala naman nagbago, pero kahi
Ang buong diskusyon na iyon ang tuluyang umubos sa natitirang lakas ng isip meron si James. Pagkatapos tumango kay Quincy, pagod siyang humiga sa sopa. “Sige. Ipipikit ko lang sandali ang mga mata ko.”Tumayo si Cynthia at saka sinabi, “Tutulungan na kita na umakyat sa itaas, James.”“Sige.”Sa tulong ni Cynthia, sinamahan niya si James papunta sa guest bedroom sa may ikalawang palapag.Iniwan niya ito para magpahinga sa kwarto at dahan-dahan na isinara ang pinto. Pagkatapos, bumaba si Cynthia. Umupo siya sa sopa sa tabi ni Quincy at masigla itong nginitian. “Kung ganun, may nangyari na ba sa inyo?”Inirapan siya ni Quincy at naiirita itong sinagot, “Itigil mo nga yan. Walang namamagitan sa aming dalawa.”“Pfft. Anong tingin mo sa akin, tanga? Halata naman na may pagtingin ka sa kanya.” Sumimangot si Cynthia, medyo dismayado sa sagot ni Quincy.Napabuntong hininga si Quincy.Pinigilan niyab ang kanyang sarili mula sa pag-iisip ng hinaharap kasama si James at kung ano ang magi
Naguguluhan si Quincy dahil sa sitwasyon. Huminto siya sandali bago muling kinausap si Tiara, ‘Umuulan dito sa labas. Pumasok ka muna sa loob.”Umiling si Tiara.Lumapit si Cynthia, hinila ang kamay nito, at sinabi, “Pumasok ka muna sa loob. Hindi maganda ang pakiramdam ni James ngayon at nagpapahinga siya. Pwede mo siyang makita kapag nagising na siya.”Sa wakas ay pumasok na din si Tiara sa loob nung sinabi sa kanya ang bagay na ito.Pagkatapos pumasok sa loob ng villa, isang maid ang nagbigay sa kanya ng maligamgam na tubig.Tinanggap ito ni Tiara at ininom ito.Tiningnan ni Cynthia si Quincy, hinila ito sa tabi, at binulong dito, “Anong gagawin natin, Quincy?”Nagkibit-balikat si Quincy. “Bakit mo ko tinatanong? Anong alam ko dyan? Dapat natin hintayin si James na magising at kausapin siya mismo.”Hindi niya narinig na nabanggit ni James ang kahit na ano tungkol sa pagpapakasal niya kay Tiara, pero wala siya sa lugar para tanungin siya. Lalo na, wala naman relasyon sila Qui
Ngayon ay tanging sila James at Tiara na lang ang naiwan sa may sala. Hindi siya sigurado kung ano ang kanyang sasabihin sa isang dalisay at inosenteng babae na kagaya ni Tiara. Ang nangyari sa kanila ay isa lamang hindi pagkakaunawaan. May nag-set up kay James, pero sa kanyang teorya, kailangan niyang panagutan ito bilang isang lalaki. Subait, dahil sa masyadong marami ang pinapasan niyang mga pasakit, wala siyang ibang magawa. Anumang pangako na binigay niya ay pawang mga salita lamang. Masasaktan niya lamang si Tiara sa bandang huli. “Ano kasi… Tiara… Ang totoo, ako…” Tiningnan ni James si Tiara at sinabi, “Narinig ko ang tungkol sa iyong sitwasyon. Kahit na gusto kong panagutan ka dahil sa nagawa ko sayo, masyado akong maraming pinapasan sa mga sandaling ito. Bukod dun, ang katawan ko ay hindi maganda ang kalagayan. Pwede akong mamatay anumang oras. Kailangan ko din isipin ang kapakanan ni Thea…” Nang marinig niya ito, tumingala si Tiara para antalain si James. “Al
"Ah, ganun ba." Hindi na gaanong inisip ni Thea ang tungkol dito. Kahit na alam niyang nagkaroon ng sekswal na relasyon si James sa isang babae, hindi niya alam ang kanyang pangalan. Tsaka, isa lang itong hindi pagkakaintindihan. Kaya naman, hindi na naghinala pa si Thea. Kinabahan ng husto si James. Iniisip niya na gagawa ng paraan si Tiara upang magkagulo sila ni Thea. Hindi niya inasahan na ganito kabait si Tiara. Sa loob-loob niya, bumuntong hininga siya. Kahit na isang mabuting babae si Tiara, malaki ang kasalanan niya sa kanya. Napaisip siya kung gaano karaming puso pa ba ang kanyang sasaktan sa hinaharap. Nainiwala si James na naging malupit ang tadhana kay Tiara. Subalit, pagkatapos niyang mag-isip ng mas malalim, lumalabas na siya ang tunay na naging malupit kay Tiara. Kung naging mas responsable at mas maaasahan lang sana siya, hindi sana pagdaraanan ni Tiara ang mga paghihirap na nararanasan niya ngayon. Noong maalala niya ang mga komplikadong tanong na ito
Swoosh! Inihagis ni James ang kanyang kamao kay Wotan. Isang walang katapusang anino ang bumalot sa buong lugar, kabilang ang katawan ni Wotan.Patuloy na winawagayway ni Wotan ang kanyang espada, na naging sanhi ng walang humpay na pagkamit ng Sword Energy, na winasak ang mga anino sa paligid.“Sige.” Matapos durugin ang hindi mabilang na mga anino at makawala sa maraming pag atake ni James, tumigil si Wotan at tiningnan si James, na natatakpan ng mga pinsala at ang buhok ay gulo. Ngumiti siya, sinasabi, "Hindi na kailangang makipag away, alam ko na kung hanggang saan ang kakayahan mo. Kung magpapatuloy tayo, siguradong matatalo ka."Sinubukan ni James na ngumiti. Kung hindi dahil sa mga paghihigpit na ipinataw niya sa kanyang sarili at sa katotohanang hindi niya maipatupad ang Chaos Power, hindi siya magiging ganito kahina kapag kaharap si Wotan.Sa pagtingin kay Wotan, na hindi nasaktan at malinis pagkatapos ng labanan, binigyan ni James ng thumbs up si Wotan, na nagsasabing, "Na
Nasa isang pagkapatas ngayon sina James at Wotan. Wala ni isa sa kanila ang gumalaw.Kahit na mukhang kalmado si James, ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas. Matapos ipatawag ang Omniscience Path at maabot ang Seventh Stage nito, ang kapangyarihan ni James ay tumaas nang husto, na nagpapahintulot sa kanya na magkaroon ng isang lubhang nakakatakot na kapangyarihan. Ang produkto ay isang invisible magnetic field na lumalaban sa pag atake ni Wotan.Wala sa kanila ang gumagalaw, ngunit nagmula ang malalaking enerhiya mula sa dalawang core. Ang sitwasyong ito ay nagpatuloy ng halos isang minuto. Pagkaraan ng isang minuto, naputol ang magnetic field. Sa sandaling ito, ang makintab na talim ay patungo sa utak ni James.Dahil sa mabilis niyang reaksyon, madaling nakaiwas si James sa pag atake. Ang nakabubulag na kapangyarihan ng espada ay sumabog, tumagos sa kawalan at bumubuo ng isang napakalaking black hole. Ang black hole ay agad na nabawi ng mystical power.Sa pag iwas lamang sa sunt
Huminga ng malalim si James. Sa kasalukuyan, kailangan niyang umasa nang husto sa Chaos Power at sa Omniscience Path. Sa mga ganoong sitwasyon, kailangan niyang mag ingat na huwag ilantad ang Chaos Power, dahil makakaapekto ito sa kanyang magiging membership sa Dooms. Sa oras na iyon, hindi alintana kung siya ay matagumpay na pumasa bilang isang miyembro ng Dooms, ang Dooms ay magiging maingat sa kanya at tatanggihan siya sa mas mataas na posisyon. Kahit na kailangan niyang ipagsapalaran ang paglantad ng kanyang pagkatao, hindi dapat ipaalam ni James ang kanyang Chaos Power.Ang pag atake ni Wotan Buster ay nagdulot ng pagkagulat sa hindi mabilang na bilang ng mga buhay na nilalang na natipon sa lugar na ito."Siya ay nabubuhay hanggang sa kanyang pangalan–-ang Chaos Gold Ranking's top ten. Bagama't ang pisikal na lakas ni Forty nine physical ay nasa Quasi Acme Rank, napasok niya ang kanyang dibdib sa isang suntok.""Tsk, tsk, grabeng tao. At ito ay purong lakas, ng hindi gumagamit n
Mayabang si Wotan. Hindi niya kailangan ng anumang kakampi. Ang sinumang gustong makipagsanib pwersa sa kanya ay kailangan munang patunayan ang kanilang halaga."O baka kalabanin mo ako."Lumakas ang boses ni Wotan.Sinulyapan ni James si Leilani at ang iba pa bago tumingin kay Wotan. Pagkatapos ng ilang pagmumuni muni, nagpasya siyang lumaban kay Wotan. Si Wotan ay nasa ika sampung rank sa Chaos Gold Ranking. Gusto niyang makita kung gaano kalakas si Wotan, kung isasaalang alang na ang lahat ay natatakot sa kanya.“Ikaw.”Tinuro ni James si Wotan.Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Wotan. Sa sandaling iyon, isang napakalakas na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at tumagos sa paligid. Naging sanhi ito ng pagkasira ng kawalan. Isinasaalang alang na ang Planet Desolation ay pinangangalagaan ng kapangyarihan ng formation, hindi pa banggitin na mayroong isang misteryosong tao na kumokontrol sa lahat mula sa likod ng mga eksena, ang espasyo ay lubhang matatag d
Ngayong lumabas na si Wotan na nasa ika sampu sa Chaos Gold Ranking, banta na siya sa lahat.Kahit na naririnig ni Wotan ang mga talakayang ito, hindi niya ito pinansin. Sa halip, sinuri niya ang kanyang paligid at humakbang pasulong, patungo sa Five-color Holy Pond sa gitna.Kahit na mayroong hindi mabilang na mga nabubuhay na nilalang dito, wala sa kanila ang nangahas na kumilos nang walang ingat. Kahit na gusto nilang pigilan si Wotan, hindi sila nangahas na humakbang pasulong, dahil ang pagpukaw kay Wotan ay maaaring mangahulugan ng tiyak na kamatayan.Papalapit ng papalapit si Wotan sa Five-color Holy Pond.Si Leilani, Wynnstand, Sigmund at ang iba pa ay nababalisa. Malungkot ang ekspresyon ni James. Ang paglalaan na ito ay magiging lubhang kapaki pakinabang sa kanya. Kaya naman, hindi niya ito kayang isuko ng ganun ganun lang."Sinusubukan na angkinin ang providence para sa sarili mo? Ano sa tingin mo ang gagawin namin?" Sabi ni James at nagpakita sa ere. Sinalubong ng kanyan
Nakaharap kay Wotan, maging ang ekspresyon ni Leilani ay malungkot. Para sa kanya, kailangan niyang pagsamahin ang lakas ng kanyang grupo para makalaban si Wotan.Sa sandaling iyon, maraming buhay na nilalang ang dumating. Gayunpaman, nang makita si Leilani, Wotan at ang iba pa, napaatras sila at hindi nangahas na lumapit. Si Leilani, Wynnstan, at ang iba pa sa grupo ay hindi kapani paniwalang makapangyarihang mga indibidwal. Gayunpaman, ang presensya ni Wotan ay nagtanim ng takot sa kanilang mga puso.Ng makitang parami ng parami ang mga taong nagkukumpulan dito, napataas ang kilay ni James. Napakaraming tao na ang narito sa maikling panahon. Nag aalala siya na may dadating pa.'Ano ang dapat kong gawin?'Naguguluhan si James.Tiwala siya sa kanyang lakas. Gayunpaman, hindi siya masyadong mapagmataas para maniwala na kaya niyang labanan ang lahat ng pinakamakapangyarihang nilalang sa Greater Realms ng mag isa.Ng makita si Leilani at ang iba pa, naglakad si James palapit sa kani
"Mga kapwa ko kaibigan!"Sa sandaling iyon, muling nagboom ang boses kanina."Maraming providences sa Planet Desolation. Ngayon, ang unang major providence ay lumitaw sa isang limang kulay na pond sa isang bundok. Sa pond, mayroong isang pambihirang Five-color Holy Water. Sa pamamagitan ng pagbababad sa pond, ang iyong pisikal na lakas ay tataas ng mabilis! Ang Five-Color Holy Pond ay napakabihirang, kaya mangyaring huwag hayaan ang isang mapagkukunan ng buhay na sayangin ang maaari."Ng marinig ito ni James ay tuwang tuwa.Sa ibang mga nilalang, ito ay para lamang sa pagpapataas ng pisikal na lakas ng isang tao. Gayunpaman, para kay James, ito ay isang malaking hakbang patungo sa Eight Stage ng Omniscience Path. Sa sandaling tumawid siya sa Eighth Stage ng Omniscience Path, hindi na siya matatakot sa sinumang Acmeans. Kapag naabot na niya ang Ninth Stage, nasa stage na si Soren Plamen, walang nabubuhay na nilalang sa Greater Realms ang makakapatay sa kanya.Tuwang tuwa si James,
Itinago ni James ang kanyang sarili sa mga anino at pinanood ang labanan sa pagitan ng dalawampung buhay na nilalang. Pagkatapos, nagsagawa siya ng Blossoming at ipinatawag ang Sacred Blossom. Habang lumalaganap ang kapangyarihan ng Sacred Blossom, ang mga buhay na nilalang sa ibaba ay agad na nawasak.Matapos lipulin ang mga taong iyon, naramdaman ni James ang ilang pagbabago sa loob ng kanyang katawan. Habang pinagmamasdan niyang mabuti ang kanyang katawan, wala siyang makitang kakaiba.Nagsalubong ang kilay niya.Kahit na may mga anomalya sa loob ng kanyang katawan, hindi niya ito maramdaman. Ito ay hindi makatwiran. Ang kanyang cultivation base ay umabot na sa tugatog ng cultivation. Gayunpaman, ang boses na humihila ng mga string sa likod ng mga eksena ay nagawang pakialaman ang kanyang katawan. Nangangahulugan ito na ang pag cucultivate ng buhay na nilalang ay higit pa sa kanya.Dahil hindi maintindihan ni James ang nangyayari, isinantabi muna niya ang mga iniisip. Ang kailan
Bukod dito, nakikita nila na ang pagbuo ay dahan dahan at unti unting lumilipat patungo sa gitnang rehiyon. Kahit na ang bilis ay katamtaman, ang pagbuo ay magiging sentro ng Desolate Grand Canyon sa loob ng isang milyong taon.“Totoo ba ito?”"Talagang pinapatay ang mga tao sa formation?"Sa sandaling iyon, marami ang nagsimulang kabahan. Ang ilan ay pumailanglang sa langit at sinubukang umalis sa lugar na ito. Gayunpaman, ng malapit na silang umalis sa Planet Desolation, nakipag ugnayan sila sa formation at agad na nagkawatak watak sa kawalan.Ng makita ito, namutla ang mukha ng maraming tao. Malungkot din ang ekspresyon ni James."Mukhang totoo ito. Kailangan kong asahan ang pinakamasama," Bulong niya.Siya ay nagpaplano para sa pinakamasamang senaryo. Iyon ay dahil hindi niya alam kung sino ang pumasok sa Planet Desolation at kung mayroong anumang mga Acmean sa kanila sa nakalipas na milyon milyong taon. Kung meron man, mahirap para sa iba na mabuhay."Hindi ito laro, mga ta