Sa military hospital, sa intensive care unit.Pinupunasan ni Whitney ang katawan ni Henry.Pagkatapos ng ilang araw ng pagpapahinga, bumalik na sa sarili si Henry.Pumunta sa ward si James kasama si May.Huminto si Whitney at binati niya ito, “Hey, James.”Kumaway si James. Nang makita niya na bumalik na ang malay ni Henry, nakahinga na siya ng maluwag. Gumising si Henry ng mas maaga kaysa sa inaakala ni James.“James…”Binati siya ni Henry ng may mahinang boses mula sa kama, “Pasensya na. Hindi ako sapat.”Umupo si James sa isang tabi ng kama, “Ayos lang, tapos na ang lahat ngayon. Magpokus ka sa pagpapagaling. Kapag gumaling ka na, pwede na tayo magsama sa pakikipaglaban ulit. Pwede tayong gumawa ng bagong imperyo sa Cansington tulad ng ginawa natin sa labanan sa Southern Plains.”“Sige…”Sumagot si Henry.Pinakiramdaman ni James ang pulso niya para malaman ang kondisyon nito.Gumawa siay ng mga test bago siya gumawa ng prescription para kay Henry.Pagkatapos nito, tumaw
Si Henry ang General ng Southern Plains. Alam niya kung gaano kalaki ang panganib ng twenty-eight nation fighters.Alam niya kung gaano kahirap para kay James na buhatin ang katawan niyang walang malay habang nakikipag laban sa kanila.“James, ano ang mga plano mo pagkatapos nito?”Kinamayan siya ni James at sinabi, “Magpahinga ka muna sa ngayon. May mga bagay ako na ipapagawa sayo kapag nakapag pahinga ka na.”“Sige,” Sumagot si Henry.Nanatili si James sa hospital hanggang sa bumalik ang Blithe King.May dala na ID card si Blithe King at inabot niya ito kay James, “Ang bagong pagkakakilanlan ay handa na.”Tiningnan ito ng mabuti ni James.Ang pangalan na nakalagay sa card ay May Caden.Nagpaliwanag si Blithe King, “Ang background niya ay isa siyang malayong kamag-anak ng mga Caden. Isa siyang pinsan mo.”Inabot ito ni James kay May at tumawa siya.Hinawakan ni May ang card habang tumibok ng mabilis ang puso niya sa pagkasabik.Sa mga nakalipas na taon, isa siyang itinakwi
Hindi nag-aalala si James tungkol sa medical conference. Madali lang para sa kanya ang makuha ang titulo ng Asclepius. Ang tanging bagay na nasa isip niya ngayon ay ang makaisip ng paraan kung paano siya hindi masyadong mapapansin. Huminahon si Thea sa mga sinabi ni James. Umaasa siyabkay James. Kung hindi matutulungan ni James ang mga Callahan na malampasan ang krisis na ito, katapusan na ng pamilya. Habambuhay silang maghihirap. Kinagabihan. Kumakain ng hapunan ang pamilya.Tok! Tok! Tok! Mayroong kumatok sa pinto ng bahay nila.Tumayo si James at binuksan niya ang pinto. Nakatayo sa labas ang mga pamilya nila Lex, Howard, at John. Noong nakita niya sila, sumimangot si James at nagtanong, “Anong problema, lolo?”“Hayy…” Pagod na bumuntong hininga si Lex, “Sa loob na tayo mag-usap.” “Tuloy kayo.” Pinapasok ni James si Lex sa bahay.Noong makita niya na nandito ang mga Callahan, agad na sumama ang ekspresyon ng mukha ni Gladys.“Maupo kayo, papa.” Tumayo
Kaya bakit sila nandito at iniinsulto si Thea? Sinaktan na sana sila ni James kung hindi lang sila kamag-anak ni Thea. Nagsalita si Lex, "Hindi mo naiintindihan. Pagkatapos ng nangyaring insidente, hindi na namin makausap ang lahat ng mga kamag-anak namin." Sumigaw si Jolie, "Ang lahat ng ito ay dahil kay Thea! Na-bankrupt ang mga Callahan dahil sa kanya. Hindi na ako makakauwi sa bahay ng nanay ko. Walang sumasagot sa mga tawag ko." Tiningnan niya ng masama si Thea. Kanina pa sana niya sinampal sa mukha si Thea kung wala lang sila sa harap ng maraming tao. "Hayy…" Malungkot na bumuntong hininga si Lex. "Natural lang na mangyari ito. Pinagkakaguluhan ka ng mga tao kapag mayaman ka at sisipain ka nila kapag bumagsak ka." Dahil sa awa at sama ng loob, tumingin si Thea kay James at hinila niya ang kanyang manggas. Bumulong siya, "Mahal, pwede ka bang mag-isip ng paraan? Dapat natin silang tulungan na makahanap ng lugar na pansamantala nilang matutuluyan." Marahang h
Personal na hinatid ni James si Lex pababa. Pagkatapos, sinabi niya sa kanya ang pangalan at ang address ng hotel. "James, bakit hindi ka sumama sa'min?" Nagtatakang tumingin sa kanya ang isa sa mga nakababatang Callahan. Pinagtatawanan at iniinsulto sila ng mga tao sa umaga. Noong sandali na nalaman ng mga estate agency, mga hotel, at pati ng mga maliliit na motel, tumanggi silang asikasuhin sila at pinalayas sila. Natatakot sila na baka palayasin nanaman sila. Mangangamba nanaman sila na baka matulog sila sa lansangan. Kaswal silang kinausap ni James. "Ayos lang 'yan. Umalis na kayo. Inasikaso ko na ang lahat. Wala kayong dapat ipag-alala." Walang panahon si James para dito. Alang-alang sa kapakanan ni Thea, nagmagandang loob siya na tawagan si Scarlett upang maghanda ng matutuluyan nila. Kung naiba lang ang sitwasyon hindi siya mag-aaksaya ng oras niya para dito. Pagkatapos niyang sabihin 'yun tumalikod siya at umakyat ng hagdan. Kinausap ni Lex ang lahat.
Pak! Umalingawngaw ang malutong na tunog ng sampal sa buong lobby. "Bakit mo ako sinampal?!" Sa galit niya, inangat ni Colson ang kanyang binti at sinipa niya si Megan sa sikmura. Bumagsak sa sahig si Megan. "Security! May nangyayaring gulo dito!" Di nagtagal, dumating ang mga security guard. Noong nakita niya na palapit sila sa kanya, sumigaw si Colson, "Isa akong Oswald. Sino kayo para pigilan ako?" Ngayon lang narinig ng mga security guard ang pangalan ng mga Oswald. Subalit, noong nakita nila ang mabagsik na ekspresyon ng kanyang mukha, napahinto sila. Ayaw nilang galitin siya lalo. Sa mga sandaling iyon, bumalik ang attendant na nagpunta sa front desk. Magalang niyang kinausap si Lex. "Mr. Callahan, ito ang room card niyo. Please sumunod kayo sa'kin, dadalhin ko kayo sa mga kwarto niyo." Nabigla si Colson sa pagtrato ng attendant sa mga Callahan. 'May hotel na may lakas ng loob na tanggapin sila?' Agad siyang lumapit sa sobrang galit niya at sin
Ang mga Callahan ay pinalayas ng mga security guards palabas ng hotel. Ang lahat ay minura si James. “Lolo, sinabi ko na sa inyo na may masamang balak si James! Wala kang dapat alalahanin? Umasa naman tayo. Halata naman na pinapalala lang niya ang sitwasyon natin.” “Tama siya. Sa wakas ay naunawaan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin nung sinabi niya na hindi ka pwedeng dumepende na lang lahat sa pamilya. Sinasabi lang niya sa ibang paraan na hindi siya maaasahan!” Sunod-sunod nilang minura si James. Sinundan sila ni Colson palabas ng hotel. Siya ang dating boyfriend ni Megan at kilala ng mga Callahan. Ayaw naman niya talagang pag-initan ang mga ito. Subalit, isa itong malaking oportunidad para makuha ang loob ng mga Watson at mga Xenos. Nakasalalay sa kanya kung aangat o hindi ang estado ng mga Oswald. Kasama ng kanyang bagong nobya sa kanyang mga bisig, naglakad sila palabas at miserable na tiningnan ang mga Callahan. Pagkatapos, tumawa siya ng masama, “Lex,
Habang tinatakpan niya ang duguan niyang ilong, sinigaw ni Colson, “Walang aalis!” Tiningnan niya ang mga security guards na nakatayo sa may pintuan ng Glorious Hotel. “Ano pang tinatayo-tayo niyo dyan? Dalian niyo na at dakpin niyo na sila. Ang mga Callahan ay kinalaban ang mga Watson at ang mga Xenos. Pinagtatanggol ko lang sila. Tiyak na ibabaling nila sa iba ang pagsuntok nila sa akin. Gusto niyo ba na kayo ang piliin nila na sisihin?” Nang marinig ito, nataranta ang mga security guards. Kaagad na inutos ng security chief, “Pigilan sila!” Isang security guards ang sumugod na may hawak na electric baton at pinigilan ang mga Callahan na makaalis. Lumingon si Lex para tingnan si Colson. Kumunot ang kanyang noo sa galit. “Colson, kailangan mo ba talaga na maging ganito kawalang awa?” Lumapit si Colson sa kanya at sinipa ito sa sikmura. Nawalan ng lakas ang katawan ni Lex, at bumagsak sa lapag. Sinigaw ni Colson, “Ikaw na matandang hangal. Ano naman ngayon kung wala akong