Pak! Umalingawngaw ang malutong na tunog ng sampal sa buong lobby. "Bakit mo ako sinampal?!" Sa galit niya, inangat ni Colson ang kanyang binti at sinipa niya si Megan sa sikmura. Bumagsak sa sahig si Megan. "Security! May nangyayaring gulo dito!" Di nagtagal, dumating ang mga security guard. Noong nakita niya na palapit sila sa kanya, sumigaw si Colson, "Isa akong Oswald. Sino kayo para pigilan ako?" Ngayon lang narinig ng mga security guard ang pangalan ng mga Oswald. Subalit, noong nakita nila ang mabagsik na ekspresyon ng kanyang mukha, napahinto sila. Ayaw nilang galitin siya lalo. Sa mga sandaling iyon, bumalik ang attendant na nagpunta sa front desk. Magalang niyang kinausap si Lex. "Mr. Callahan, ito ang room card niyo. Please sumunod kayo sa'kin, dadalhin ko kayo sa mga kwarto niyo." Nabigla si Colson sa pagtrato ng attendant sa mga Callahan. 'May hotel na may lakas ng loob na tanggapin sila?' Agad siyang lumapit sa sobrang galit niya at sin
Ang mga Callahan ay pinalayas ng mga security guards palabas ng hotel. Ang lahat ay minura si James. “Lolo, sinabi ko na sa inyo na may masamang balak si James! Wala kang dapat alalahanin? Umasa naman tayo. Halata naman na pinapalala lang niya ang sitwasyon natin.” “Tama siya. Sa wakas ay naunawaan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin nung sinabi niya na hindi ka pwedeng dumepende na lang lahat sa pamilya. Sinasabi lang niya sa ibang paraan na hindi siya maaasahan!” Sunod-sunod nilang minura si James. Sinundan sila ni Colson palabas ng hotel. Siya ang dating boyfriend ni Megan at kilala ng mga Callahan. Ayaw naman niya talagang pag-initan ang mga ito. Subalit, isa itong malaking oportunidad para makuha ang loob ng mga Watson at mga Xenos. Nakasalalay sa kanya kung aangat o hindi ang estado ng mga Oswald. Kasama ng kanyang bagong nobya sa kanyang mga bisig, naglakad sila palabas at miserable na tiningnan ang mga Callahan. Pagkatapos, tumawa siya ng masama, “Lex,
Habang tinatakpan niya ang duguan niyang ilong, sinigaw ni Colson, “Walang aalis!” Tiningnan niya ang mga security guards na nakatayo sa may pintuan ng Glorious Hotel. “Ano pang tinatayo-tayo niyo dyan? Dalian niyo na at dakpin niyo na sila. Ang mga Callahan ay kinalaban ang mga Watson at ang mga Xenos. Pinagtatanggol ko lang sila. Tiyak na ibabaling nila sa iba ang pagsuntok nila sa akin. Gusto niyo ba na kayo ang piliin nila na sisihin?” Nang marinig ito, nataranta ang mga security guards. Kaagad na inutos ng security chief, “Pigilan sila!” Isang security guards ang sumugod na may hawak na electric baton at pinigilan ang mga Callahan na makaalis. Lumingon si Lex para tingnan si Colson. Kumunot ang kanyang noo sa galit. “Colson, kailangan mo ba talaga na maging ganito kawalang awa?” Lumapit si Colson sa kanya at sinipa ito sa sikmura. Nawalan ng lakas ang katawan ni Lex, at bumagsak sa lapag. Sinigaw ni Colson, “Ikaw na matandang hangal. Ano naman ngayon kung wala akong
Si Lex Callahan, na isang ma-pride na lalaki, ay tinapon ang kanyang pride para sa mga Callahan. Nagpakumbaba siya at lumuhod sa harap ni Colson, isang lalaki na mas bata sa kanya ng maraming taon. Ang gusto lang naman niya ay protektahan ang kanyang pamilya. Subalit, ang gusto lang gawin ni Colson ay ang ipahiya sila. Namutla ang mukha ni Lex. Natahimik ang mga Callahan. Tanging si Montgomery lang ang hindi natinag. Determinado siya na hindi idamay ang iba pa sa laban niya. Si Stefon, ang patriyarka ng mga Oswald, ay dumating na may kasamang ilang mga pulis sa likuran niya. Kahit na hindi siya masyadong maimpluwensya sa Cansington, kilala pa din siya sa ilang lugar nito. Ang mga Oswald ay may kapangyarihan din. Subalit, kung ikukumpara sa mga Watson at mga Xenos, isa lang silang maliit na punso sa harap ng isang bundok. Nang marinig niya na nakuha ni Colson ang loob ni Quay Xenos, nagmadali siyang pumunta dito. “Ama.” Nilapitan siya ni Colson. Nagpasak siya ng t
Naghahanda na si James naa matulog. Bigla, tumunog ang kanyang phone. Bumangon siya sa kama at kinuha ang kanyang phone mula sa kanyang lamesa. Nang mapagtanto niya na si Lex ang tumatawag, napasimangot siya, “May nangyari nanaman ba?” Sinagot niya ang tawag. “Anong problema, lolo?” Sinabi ni Lex kay James ang lahat ng nangyari. “Kuha ko. Hintayin niyo ako sa harapan ng Glorious Hotel. Darating ako kaagad.” Binaba ni James ang phone. Malamig ang kanyang mga mata. Si Thea, na nakahiga na sa kama, ay napatingin sa kanya. “Anong problema? May nangyari ba?” Sinabi ni James habang nagbibihis siya, “May nangyari sa kanila lolo. Pupuntahan ko sila. Matulog ka na.” “Sasama ako sayo.” naghanda si Thea na bumangon sa kama. Kinaway ni James ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi na kailangan. Kaya ko na to. Hindi naman ito masyadong malaki.” “Sige kung ganun. Ingat ka.” Tumango si James. Pagkatapos magbihis, umalis na siya ng bahay. Nagmaneho siya papunta ng Glorious
Sa labas ng Glorious Hotel… Bakas ang pagkabalisa sa mukha ni Lex. Ganun din ang pamilya ni John. Nilapitan ni John si James at nagmakaawa, “James, tutal nagawa mo kaming hanapan ng matutuluyan, may magagawa ka ba para mapigilan mo na makulong si Montgomery? May nakaalitan siyang Oswald. Para lang makuha ang loob ng mga Xenos, binali ng mga Oswald ang kanyang mga binti. Lala lang ang kondisyon niya kapag nakulong siya.” “Sa tingin mo ba talaga ay matutulungan niya tayo, John?” bakas ang pagkamuhi sa mukha ni Tommy. Hindi naman sa may personal siyang sama ng loob laban kay James. Ang lalaki ay isa lamang walang kwentang son-in-law. Ano ba ang kaya niyang gawin bukod sa umasa sa kayamanan ng mga Callahan? Sumingit na din si Megan para gatungan ang sinabi ni Tommy, “Hindi siya magpapakasal sa ating pamilya kung talagang may kakayahan siya na gawin ang kahit na ano.” “Tama siya. Anong pumasok sa kokote mo ng humingi ka ng tulong sa isang basura? May tama ka na ata.” nakisal
“Isa.” “Dalawa.” Laalong nagalit si Tommy nang marinig niya ang pagbibilang ni Christopher. Kahit na wala naman siyang ibang ginagawa bukod sa nakatayo lang sa tabing kalsada, dumating pa din ang staff ng Glorious Hotel para palayasin siya dun. “Gusto kong makita na palayasin mo kami dito.” Humalukipkip siya para ipakita ang kanyang pagsalungat. Iniisip pa din niya na ang estado niya bilang isang Callahan ay meron pa ding kahit na anong halaga. “Tatlo.” Pagkatapos magbilang hanggang tatlo, nilingon ni Christopher ang mga security guards. “Gulpihin sila.” Isang dosenang security guards na armado ng electric batons ang sumugod kay Tommy at pinagkumpulan ang ubod ng yabang na lalaki. Ilan sa mga Callahan ang lumapit para subukan na tulungan ito. Subalit, pati sila ay nagulpi din. Nakaupo si James sa isang baitang ng hagdan sa malapit habang naninigarilyo. Hindi niya pinansin ang kaguluhan. Nararapat lang ito kay Tommy. Oras na para maturuan siya ng leksyon. M
Hindi inaasahan ni Christopher na ang Glorious Hotel ay hawak na ngayon ng Transgenerational Group. Kahit na paano, ang mga Callahan ay malamang may binayaran sa loob ng Transgenerational Group para tulungan sila na makakuha ng matutuluyan.Ngayon na nalaman ng mga nasa taas ang bagay na ito, kaya sila nagpatawag ng pagpupulong.Gusto ni Tyron na gamitin si Christopher na panakip-butas para sa buong pangyayari na ito.Katapusan na ng karera ni Christopher.“Mr. Woodrow, kailangan mo kong tulungan. May pamilya pa akong pinapakain.” Tinapik ni Tyron ang likuran ni Christopher at sinigurado ito. “Huwag kang mag-alala. Hangga’t nandito ako, sisiguraduhin ko na hindi ka mamamatay sa gutom. Pagkatapos ng sitwasyon na ito, nangangako ako na ibabalik kita sa trabaho mo.” Ng marinig niya ito, nakahinga ng maluwag si Christopher. Ang management team ng Glorious Hotel ay naghihintay sa may harap na pinto ng hotel. Hinihintay nila ang pagdating ng kanilang boss. Bukod sa general man