Habang tinatakpan niya ang duguan niyang ilong, sinigaw ni Colson, “Walang aalis!” Tiningnan niya ang mga security guards na nakatayo sa may pintuan ng Glorious Hotel. “Ano pang tinatayo-tayo niyo dyan? Dalian niyo na at dakpin niyo na sila. Ang mga Callahan ay kinalaban ang mga Watson at ang mga Xenos. Pinagtatanggol ko lang sila. Tiyak na ibabaling nila sa iba ang pagsuntok nila sa akin. Gusto niyo ba na kayo ang piliin nila na sisihin?” Nang marinig ito, nataranta ang mga security guards. Kaagad na inutos ng security chief, “Pigilan sila!” Isang security guards ang sumugod na may hawak na electric baton at pinigilan ang mga Callahan na makaalis. Lumingon si Lex para tingnan si Colson. Kumunot ang kanyang noo sa galit. “Colson, kailangan mo ba talaga na maging ganito kawalang awa?” Lumapit si Colson sa kanya at sinipa ito sa sikmura. Nawalan ng lakas ang katawan ni Lex, at bumagsak sa lapag. Sinigaw ni Colson, “Ikaw na matandang hangal. Ano naman ngayon kung wala akong
Si Lex Callahan, na isang ma-pride na lalaki, ay tinapon ang kanyang pride para sa mga Callahan. Nagpakumbaba siya at lumuhod sa harap ni Colson, isang lalaki na mas bata sa kanya ng maraming taon. Ang gusto lang naman niya ay protektahan ang kanyang pamilya. Subalit, ang gusto lang gawin ni Colson ay ang ipahiya sila. Namutla ang mukha ni Lex. Natahimik ang mga Callahan. Tanging si Montgomery lang ang hindi natinag. Determinado siya na hindi idamay ang iba pa sa laban niya. Si Stefon, ang patriyarka ng mga Oswald, ay dumating na may kasamang ilang mga pulis sa likuran niya. Kahit na hindi siya masyadong maimpluwensya sa Cansington, kilala pa din siya sa ilang lugar nito. Ang mga Oswald ay may kapangyarihan din. Subalit, kung ikukumpara sa mga Watson at mga Xenos, isa lang silang maliit na punso sa harap ng isang bundok. Nang marinig niya na nakuha ni Colson ang loob ni Quay Xenos, nagmadali siyang pumunta dito. “Ama.” Nilapitan siya ni Colson. Nagpasak siya ng t
Naghahanda na si James naa matulog. Bigla, tumunog ang kanyang phone. Bumangon siya sa kama at kinuha ang kanyang phone mula sa kanyang lamesa. Nang mapagtanto niya na si Lex ang tumatawag, napasimangot siya, “May nangyari nanaman ba?” Sinagot niya ang tawag. “Anong problema, lolo?” Sinabi ni Lex kay James ang lahat ng nangyari. “Kuha ko. Hintayin niyo ako sa harapan ng Glorious Hotel. Darating ako kaagad.” Binaba ni James ang phone. Malamig ang kanyang mga mata. Si Thea, na nakahiga na sa kama, ay napatingin sa kanya. “Anong problema? May nangyari ba?” Sinabi ni James habang nagbibihis siya, “May nangyari sa kanila lolo. Pupuntahan ko sila. Matulog ka na.” “Sasama ako sayo.” naghanda si Thea na bumangon sa kama. Kinaway ni James ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi na kailangan. Kaya ko na to. Hindi naman ito masyadong malaki.” “Sige kung ganun. Ingat ka.” Tumango si James. Pagkatapos magbihis, umalis na siya ng bahay. Nagmaneho siya papunta ng Glorious
Sa labas ng Glorious Hotel… Bakas ang pagkabalisa sa mukha ni Lex. Ganun din ang pamilya ni John. Nilapitan ni John si James at nagmakaawa, “James, tutal nagawa mo kaming hanapan ng matutuluyan, may magagawa ka ba para mapigilan mo na makulong si Montgomery? May nakaalitan siyang Oswald. Para lang makuha ang loob ng mga Xenos, binali ng mga Oswald ang kanyang mga binti. Lala lang ang kondisyon niya kapag nakulong siya.” “Sa tingin mo ba talaga ay matutulungan niya tayo, John?” bakas ang pagkamuhi sa mukha ni Tommy. Hindi naman sa may personal siyang sama ng loob laban kay James. Ang lalaki ay isa lamang walang kwentang son-in-law. Ano ba ang kaya niyang gawin bukod sa umasa sa kayamanan ng mga Callahan? Sumingit na din si Megan para gatungan ang sinabi ni Tommy, “Hindi siya magpapakasal sa ating pamilya kung talagang may kakayahan siya na gawin ang kahit na ano.” “Tama siya. Anong pumasok sa kokote mo ng humingi ka ng tulong sa isang basura? May tama ka na ata.” nakisal
“Isa.” “Dalawa.” Laalong nagalit si Tommy nang marinig niya ang pagbibilang ni Christopher. Kahit na wala naman siyang ibang ginagawa bukod sa nakatayo lang sa tabing kalsada, dumating pa din ang staff ng Glorious Hotel para palayasin siya dun. “Gusto kong makita na palayasin mo kami dito.” Humalukipkip siya para ipakita ang kanyang pagsalungat. Iniisip pa din niya na ang estado niya bilang isang Callahan ay meron pa ding kahit na anong halaga. “Tatlo.” Pagkatapos magbilang hanggang tatlo, nilingon ni Christopher ang mga security guards. “Gulpihin sila.” Isang dosenang security guards na armado ng electric batons ang sumugod kay Tommy at pinagkumpulan ang ubod ng yabang na lalaki. Ilan sa mga Callahan ang lumapit para subukan na tulungan ito. Subalit, pati sila ay nagulpi din. Nakaupo si James sa isang baitang ng hagdan sa malapit habang naninigarilyo. Hindi niya pinansin ang kaguluhan. Nararapat lang ito kay Tommy. Oras na para maturuan siya ng leksyon. M
Hindi inaasahan ni Christopher na ang Glorious Hotel ay hawak na ngayon ng Transgenerational Group. Kahit na paano, ang mga Callahan ay malamang may binayaran sa loob ng Transgenerational Group para tulungan sila na makakuha ng matutuluyan.Ngayon na nalaman ng mga nasa taas ang bagay na ito, kaya sila nagpatawag ng pagpupulong.Gusto ni Tyron na gamitin si Christopher na panakip-butas para sa buong pangyayari na ito.Katapusan na ng karera ni Christopher.“Mr. Woodrow, kailangan mo kong tulungan. May pamilya pa akong pinapakain.” Tinapik ni Tyron ang likuran ni Christopher at sinigurado ito. “Huwag kang mag-alala. Hangga’t nandito ako, sisiguraduhin ko na hindi ka mamamatay sa gutom. Pagkatapos ng sitwasyon na ito, nangangako ako na ibabalik kita sa trabaho mo.” Ng marinig niya ito, nakahinga ng maluwag si Christopher. Ang management team ng Glorious Hotel ay naghihintay sa may harap na pinto ng hotel. Hinihintay nila ang pagdating ng kanilang boss. Bukod sa general man
Kaagad na nabalot ng galit ang mukha ni Scarlett. Nilapitan niya ito at saka sinampal ng malakas sa mukha. Pak! Hindi makaganti si Christopher. Niyuko niya ang kanyang ulo at walang tigil na humingi ng tawad, “Patawad, Ms. Brooks. Hindi ko alam na pina-blacklist na pala ng mga Watson at ng mga Xenos ang mga Callahan. Kung alam ko lang, hindi ko na sana hinanda ang mga kwarto para sa kanila nung una palang.” Ngumiti ng bahagya si Tyron. Inako ni Christopher ang lahat ng kasalanan. Kabaliktaran sa inaasahan ni Christopher, nagsimula na si Scarlett na sermunan siya ng husto. “Anong pakialam ko sa mga Watson at mga Xenos? Wala akong pakialam tungkol sa Five Provinces Business Alliance! Ang mga Callahan ay mga VIP ng Transgenerational Group. Sa tingin niyo ba talaga ay susundin namin kung ano ang kagustuhan ng mga Watson at mga Xenos ng ganun lang kadali?” “…” Napanganga na lang si Christopher kay Scarlett, gulat na gulat at walang masabi. Nataranta si Tyron ng mapagtant
Nagulantang sila. Kakapalayas pa lang sa kanila sa nakakahiya at hindi makataong paraan. Ano ang biglaang pagbabago sa kanilang pag-uugali? Si James ba ang may gawa nito? Lumapit si Christopher kay Lex at sinampal ang kanyang sarili sa harapan ng nakatatandang Callahan. “Labis akong humihingi ng tawad sa inyo, Mr. Callahan. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Wala akong alam na kayo pala ay isang VIP ng Transgenerational Group. Kung alam ko lang, inayos ko sana ang pagtrato sa inyo.” Pati si Tyron ay lumapit din at humingi ng tawad, “isa itong pagkakamali sa aming parte. Tanggal na siya sa trabaho.” Tiningnan ni Layla si Tyron at sinabi, “Tanggal ka na din.” “Ano?” Nagulantang si Tyron. Pagkatapos, sinigaw niya, “Ms. Nora, wala akong kinalaman dito. Kasalanan itong lahat ni Christopher. Buong buhay ko, inilaan ko ang aking sarili sa kumpanya…” “Mag-impake ka na at lumayas.” Hindi pinansin ni Layla ang himutok nito. Kung ang gulong ito ay sapat na para palitawin si Scar