Kaagad na nabalot ng galit ang mukha ni Scarlett. Nilapitan niya ito at saka sinampal ng malakas sa mukha. Pak! Hindi makaganti si Christopher. Niyuko niya ang kanyang ulo at walang tigil na humingi ng tawad, “Patawad, Ms. Brooks. Hindi ko alam na pina-blacklist na pala ng mga Watson at ng mga Xenos ang mga Callahan. Kung alam ko lang, hindi ko na sana hinanda ang mga kwarto para sa kanila nung una palang.” Ngumiti ng bahagya si Tyron. Inako ni Christopher ang lahat ng kasalanan. Kabaliktaran sa inaasahan ni Christopher, nagsimula na si Scarlett na sermunan siya ng husto. “Anong pakialam ko sa mga Watson at mga Xenos? Wala akong pakialam tungkol sa Five Provinces Business Alliance! Ang mga Callahan ay mga VIP ng Transgenerational Group. Sa tingin niyo ba talaga ay susundin namin kung ano ang kagustuhan ng mga Watson at mga Xenos ng ganun lang kadali?” “…” Napanganga na lang si Christopher kay Scarlett, gulat na gulat at walang masabi. Nataranta si Tyron ng mapagtant
Nagulantang sila. Kakapalayas pa lang sa kanila sa nakakahiya at hindi makataong paraan. Ano ang biglaang pagbabago sa kanilang pag-uugali? Si James ba ang may gawa nito? Lumapit si Christopher kay Lex at sinampal ang kanyang sarili sa harapan ng nakatatandang Callahan. “Labis akong humihingi ng tawad sa inyo, Mr. Callahan. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Wala akong alam na kayo pala ay isang VIP ng Transgenerational Group. Kung alam ko lang, inayos ko sana ang pagtrato sa inyo.” Pati si Tyron ay lumapit din at humingi ng tawad, “isa itong pagkakamali sa aming parte. Tanggal na siya sa trabaho.” Tiningnan ni Layla si Tyron at sinabi, “Tanggal ka na din.” “Ano?” Nagulantang si Tyron. Pagkatapos, sinigaw niya, “Ms. Nora, wala akong kinalaman dito. Kasalanan itong lahat ni Christopher. Buong buhay ko, inilaan ko ang aking sarili sa kumpanya…” “Mag-impake ka na at lumayas.” Hindi pinansin ni Layla ang himutok nito. Kung ang gulong ito ay sapat na para palitawin si Scar
Nagmaneho si James papunta sa villa ng mga Oswald. Wala sa ayos ngayon ang Cansington, at maraming mga partido ang sangkot sa likod nito. Magiging mahirap para sa kanya na iligtas si Montgomery gamit ang kanyang koneksyon. Isa pa, wala siyang iba pang kontak sa gobyerno maliban sa Blight King. Bilang commander-in-chief ng five armies, ang mataas niyang posisyon ay hinahangad ng maraming ambisyosong tao. Kapag nakagawa siya ng kahit na isang pagkakamali, pwede siyang bumagsak. Isang paraan na lang natitira para iligtas si Montgomery. Kailangan lang niyang makumbinsi ang taong nagpakulong dito na ilabas ito sa kulungan. Hindi nagtagal, nakarating siya sa villa ng mga Oswald. Alas tres ng ng umaga. Subalit, ang mga ilaw sa may ikalawang palapag ng villa ay bukas pa din. Bumaba ng kotse si James at nilapatan ang labas ng villa. Pagdikit niya ng kanyang kamay sa pader, tumalon siya ng dalawang metro sa maty ere at sa may paligid ng villa. Pagkatapos, inakyat niya ang pad
Kaagad na bumangon ang babaeng artista at tinignan si Colson. Nagulantang siya. Sinimulan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya. Subalit, kahit na anong gawin niya, wala itong naging reaksyon. “Argh! Ano na ang gagawin ko ngayon?!” Desperadong sigaw ni Colson. Samantala, nagtungo naman si James sa kwarto ni Stefon. Tulog si Stefon. Nang marinig niya ang ingay ng isang tao na gumagapang sa may bintana, kaagad siyang nagising. Mabilis niyang binuksan ang ilaw at binunot ang kanyang patalim mula sa likod ng kanyang kama. Sinigaw niya, “Sinong nandyan?” “Anong problema, Stefon? Bakit ka sumisigaw sa gitna ng gabi?” Isang magandang babae ang nakahiga sa tabi niya. Naiinis siyang nakatingin kay Stefon. Nang makita nito si James na palapit sa kanila, tumili ito. “Aaaaah!” Nilapitan sila ni James at naupo sa isang bangko. “James, basura ka! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?” Nang makita niya na si James ito, kumulo ang dugo ni Stefon dahil sa galit. Nilabas niya
Sumagot si Thea. Niyakap niya si James at sumandal siya sa kanyang mga bisig. Napakabilis ng takbo ng isip ni James ngayon. Binalewala niya ito at hinalikan niya si Thea. "Ah," Nabigla si Thea at tinulak niya si James palayo. Dinilaan ni James ang kanyang mga labi at kontento siyang ngumiti. Gusto niyang galawin ang kanyang magandang asawa, ngunit pagkatapos niya itong pag-isipan ng maigi, nagdesisyon siya na maghintay hanggang sa araw ng kasal nila. Mas maganda kung maayos na ang lahat pagdating ng araw na iyon. "Wala lang, good night." Ngumisi si James ng parang isang binatilyong umiibig. Sapat na ang isang halik para sa kanya sa ngayon. Pinikit niya ang kanyang mga mata at niyakap niya si Thea. Namula si Thea. Hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwa habang pinagmamasdan niya ang lalaking ito na natutulog sa tabi niya. Lumipas ang gabi ng tahimik. Kinabukasan. Hapon na nagising si James. Nasa loob ng bahay sila Lex, Howard, John, at Benjamin. Maliban sa kanila
Walang magawa si Jay kung hindi ang sundin ang utos nito.Kailangan niyang sundin si James kung hindi ay katapusan na niya. Kailangan niyang gamitin ang lahat ng kanyang mapagkukunan para imbestigahan ang Doctor King at mabigyan si James ng detalyadong ulat bago gumabi.Pagkatapos matapos ng tawag, pumunta si James ng Common Clinic.Si May ay si May Caden na ngayon.Ang pagkatao niya ay bilang malayong pinsan ni James.Nakaupo si May sa upuan habang nakapangalumbaba, nakatulala sa may malayo.Nang dumating si James, mabilis siyang tumayo at binati ito ng may malaking ngiti, “Kamusta, James!”Mas mukha siyang isang malambing na kapitbahay na babae at hindi isang walang awang mamamatay-tao.“Kamusta.” Umupo si James sa tabi nito. “Kamusta ang mga sugat mo?”Ngumiti si May habang sinagot nito, “Wala lang ang mga to. Mas matindi pa ang naranasan ko sa mga nauna kong misyon. Baka ilang araw lang ay magaling na ako.”Tumango si James, “Pagtuunan mo muna ang pagpapagaling. Simul
Ang unang bagay na ginawa niya paggising niya ay pumunta sa siyudad. Bumiyahe siya papunta sa siyudad, humanap siya ng isang noodle restaurant, at umorder ng isang bowl ng mutton noodles. Maraming tao sa restaurant na ito, at punuan ang mga mesa dito. Nakuha ni James ang nag-iisang bakanteng mesa, kaya umupo siya doon at hinintay ang kanyang order. Noong sandaling iyon, isang babae na may maitim na buhok at nakasuot ng mahabang itim na dress at sunglasses ang dumating. Naghanap siya ng mauupuan, ngunit tanging ang mesa lang ni James ang may natitirang bakanteng upuan. Nginitian niya si James bago siya umupo sa harap niya. Dumaan ang isang waiter sa mesa nila, at umorder siya, "Isang mutton noodles, large, may extra mutton, at noodles, please."Hindi pinansin ni James ang taong nasa harap niya. Abala siya sa isang game sa kanyang mobile phone. Tumingin sa paligid si Cynthia Dawn pagkatapos niyang umorder. Sa huli, napako ang tingin niya kay James, at seryoso niya siyang t
Tinitigan ni James ang mga lalaking nakaitim sa harap niya. Nakakatakot ang tindig nila, at naglalabasan ang mga ugat sa kanilang mga noo, mukha silang mga makinang nag-iinit at handang makipaglaban. Naging interesado siya dahil dito. Sino ba 'tong babaeng 'to, at bakit siya pinalilibutan ng napakaraming bodyguard? Sumigaw sa galit si Cynthia. "Luther, anong ginagawa mo?!" Si Luther ay isang lalaking nakasuot ng simpleng damit na nasa apatnapung taong gulang na. Hugis diamond ang kanyang mukha at maikli ang kanyang buhok. Magalang siyang sumagot, "My lady, inutusan kami ng master na sundan ka. May kailangan siyang asikasuhin ngayon, pero darating siya dito bukas ng umaga.""Hindi na ako bata! Pwede bang tigilan na niya ang pagpapadala ng mga tao para sundan ako?" Halatang masama ang loob ni Cynthia. Hinila niya ang braso ni James at naglakad siya papunta sa grupo ng mga bodyguard. Pinagsusuntok at pinagsisipa niya sila, at walang sinuman sa kanila ang nangahas na lumab